Aminado syang kinabahan sya ng husto ng madinig ang pagiyak ng anak.
Sino ba naman ang hindi matataranta, nasa mall sya ng tumawag ang anak at umiiyak pa!
Kung ano ano na tuloy ang pumapasok sa utak nyang mga scenario.
Pero sa isang banda naintindihan nya ang anak, first time nyang magkaron ng period kaya siguro nag panic sya ng makitang may red sa undies nya.
"Mommy ano pong gagawin ko?"
"Honey listen, don't panic okey! Kalma ka lang!"
"Natural na dumarating ito sa mga girls! Ibig sabihin your not a kid anymore!"
"Now wait here at bibili lang ako ng napkin para sa'yo!"
"No please Mom, huwag nyo po akong iwan dito! Nahihiya po ako!"
"E anong gusto mong gagawin natin, dito na lang tayo forever?"
Napakagat sa labi si Eunice.
Anong gagawin nya?
"Eunie, Eunie! Asan ka?"
"Kate? Si Kate ba Yun?"
Binuksan ni Nicole ang pinto ng cubicle upang tingnan kung si Kate nga yung tumatawag.
"Kate!"
"Tawag nito.
"Ninang!"
"Pasok ka dito sa loob!"
Nagtataka si Kate bakit sya pinapapasok ng Ninang nya sa loob ng cubicle.
At nagulat sya ng makita din si Eunice sa loob.
"Anyare sa'yo?"
Nahihiya si Eunice, hindi ito makatingin sa pinsan nya. Kaya ibinulong na lang ni Nicole sa kanya ang dahilan.
"Ohhh .... Kaya pala!"
"Anong kaya pala?"
"Uhm ... Kaya po pala namimilipit sya sa sakit ng tyan saka parang may topak!"
Napakunot ang noo ni Nicole. Naalala nya ang mga nangyari mula kaninang umaga.
'Bakit diko napansin yun?'
"Ninang, bakit nyo po ako pinapasok dito? Mainit po dito sa loob dun tayo sa labas!"
"Ay, oonga pala! Paki bili mo nga si Eunice ng kailangan nya para makapagpalit na sya!"
"Sige po!"
Pagkabili ni Kate, nagpaalam na ito sa kanila. Ayaw nyang mag stay pa sa CR, mainit! Binalikan na lang nya sila Mel at Jeremy sa restaurant.
sa restaurant.
Kanina pa naiinip sila Mel at Jeremy sa dalawa. Tapos na silang kumain at nakapagbayad na rin pero wala pa rin sila.
"Ang tagal naman nilang mag CR?"
Inip na tanong ni Mel.
"Jeremy my friend, ano sa palagay mong ginagawa ng mga girls sa loob ng CR? Bakit ganun sila katagal sa loob?"
"Ewan ko Mel my friend hindi ko rin alam!"
"Pero may ask ako sa'yo? Ano bang favorite flower ni Eunice?"
"Uhm... tulip! Bakit?"
"Eh kasi nahiya ako dun sa binigay ko kahapon na rose kaya gusto kong palitan!"
Sabay tingin sa flower shop na nasa tapat lang.
"Ah, okey! Gusto mo bang bumili ka na Jeremy my friend? Ako na lang magaantay sa kanila! Sa tapat lang naman eh!"
"Pero ayaw kitang iwan dito mag isa!"
"Huwag mo akong alalahanin, Jeremy my friend! Mas magandang mabili mo na sya pagbalik nila dito diba?"
Kaya pag balik ni Kate ng restaurant, si Mel lang ang naabutan nya.
sa CR
"O anak okey ka na ba? Masakit pa ba ang puson mo? Gusto mo bang umuwi na tayo?"
"Medyo humupa na po Ang kirot Mommy! Thank you po!"
Halika na lumabas na tayo at pinapawisan na ako!"
"Ma, puntahan ko lang po sila Mel sa bababa, para po magpaalam!"
"Sige may bibilhin lang ako para sa cramps mo! Antayin mo ko dun!"
Pagbaba ni Eunice ng escalator nakita sya ni Jeremy.
"Eunice!"
Napalingon si Eunice ng tawagin sya ni Jeremy pero kinabahan sya ng maalala nya ang period nya.
...at hindi sya makagalaw.
Nagulat na lang sya ng lumapit ito sa kanya at iniabot ang tulip na nakangiti.
"For you!"
Namilog ang mga mata ni Eunice ng makita ang paborito nyang bulaklak.
"Thank you!"
Nakangiti nyang sabi.
At nakalimutan nya ang lahat ng nangyari sa kanya kanina.
"Lika dun tayo!"
Masaya syang sumunod kay Jeremy pero nakakailang hakbang pa lang sila ng bigla syang huminto.
Sabay luhod ni Jeremy na ikinagulat nya!
Nakita rin sila ni Mel at Kate.
"OMG! Bakit biglang lumuhod si Jeremy my friend?"
"Bakit ba ang hilig lumuhod ng taong ito!"
Sabi ni Kate.
Napansin ni Jeremy na biglang nailang si Eunice sa kanya.
"Uhm... itatali ko lang ang shoe lace mo!"
At tumango na si Eunice at hinayaan nya si Jeremy itali ang sintas nya ng biglang may maalala si Eunice.
'OMG! Nakalimutan ko meron nga pala ako!'
'Nakakahiya!'
'Wait! Sabi ni Mommy kalma lang daw ako para hindi malaman ng iba na meron ako!'
'Kalma, kalma Eunice!'
hoof hoof hoof!
Papunta na ng restaurant si Nicole ng makitang nakatayo ito na magisa. Lalapitan na sana nya ng biglang mapansin sya ng anak at umiling sabay senyas na parang ayaw syang palapitin
'No! Mom please! please!'
Nagmamakaawa ang mukha ng anak sa kanya pero hindi nya maintindihan kung bakit. Nang biglang tumayo si Jeremy at ngumiti ng matamis si Eunice.
"Ahhh ... yun pala!"
'Lintek na bata ito ang sarap tsinelasin!'