"Eunie, kanina pa ako dito tawag ng tawag bat dika nasagot? May sakit ka ba?"
Nilapitan ni Kate ang pinsan nya at hinawakan ang noo at leeg.
"Wala ka naman sakit e, bakit matamlay ka dyan?"
"Ate Kate masama ang pakiramdam ko!"
"Haay tinatamad ka lang! Bumango ka nga dyan! Diba may usapan tayong magpupunta sa mall kahapon! Kaya bangon na dyan!"
"Natawagan ko na rin si Mel at pumayag sya pati si Jhay sasama rin daw!"
"Si Jeremy? Talaga?"
Nanumbalik ang lakas ni Eunice ng madinig na kasama si Jeremy nya.
"Oo! Kaya bumangon ka na dyan at may pagusapan tayong nakakatawa!"
Eunice: "..."
Pagkatapos magbihis ni Eunice ikinuwento na nito ang tungkol sa post sa school website!
Tawa pa rin ito ng tawa habang kinukwento nya hanggang sa mapansin nyang iba ang mood ng pinsan nya.
"O bakit? hindi ba nakakatawa?"
Hindi ito umimik, kaya lumapit sya dito para tingnan kung saan sya nakatingin.
'Sa rose???'
"Bakit mo tinitingnan yang rose na hawak ni Jhay?"
"Ito yung rose na binigay sa akin ni Jeremy kahapon!"
Sabay turo sa rose na nasa tabi ng lampshade.
"Oh, e bakit ganyan ang mukha mo? Alam naman natin na fake si Miles!"
"Hindi ko maintindihan Ate Kate pero naiinis ako, parang gusto kong sabunutan si Miles!"
Kumunot ang noo ni Kate.
'Bat parang ang moody nya ngayon?'
"Haay naku huwag ka ngang magisip ng ganyan! Halika na at baka andyan na si Jhay!"
Pagkatapos silang sunduin ni Jeremy, si Mel naman ang sinundo nila.
"Sissy!!!"
"Kamusta ka na? Mabuti naman at nagising ka na? Grabe tulog mo ha!"
"Ang hirap pa lang maging genius ang daming tulog!"
Kate: "???"
"Oonga pala Jeremy my friend, na explain mo na ba kay Sissy kung anong nangyari?"
Biglang kumabog ang dibdib ni Jeremy.
'Ano bang dapat kong gagawin?'
Nalilito sya.
"Tungkol ba saan yun beshty?"
"Hindi pa nasabi sa'yo?"
Tiningnan nya ng matalim si Jeremy para itanong kung bakit.
Yumuko naman si Jeremy na tila nahihiya.
Napansin sila ni Eunice.
"Nakuwento ko na sa kanya!"
Si Kate ang nagsalita.
"May dapat ba kaming malaman Jhay?"
Seryosong tanong ni Kate.
Nagtataka namang tiningnan nya ang pinsan nya. Kanina, tawa sya ng tawa habang kinukwento nya yung post, bakit ngayong seryoso sya na parang affected?
"Uhm! Sister Kate bat parang detective mode ka ngayon?"
"Eh paano may nililihim sa atin itong Jeremy my friend mo!"
"Wala akong nililihim Kate! Lahat ng yun ay gawa gawa lang ni Miles at ng grupo nya!"
"Eh bakit ka nakaluhod?"
"May bumangga sa akin hindi ko tiningnan kung sino! Basta nakita ko lang nagkalat yung dala nya, pinulot ko! Pagtingin ko si Miles pala! Kaya binaba ko yung things nya at umalis ako agad para hanapin kayo!"
"Sa susunod kasi huwag kang basta luhod ng luhod!"
Jeremy: "....."
Mel: "????"
'Ano bang mangyayari pagluhod ng luhod?'
Eunice: "????"
'May problem ba pag luhod ng luhod?'
Hindi pinansin ni Kate ang nakakatawang reaksyon ng dalawa.
"Jhay, tapatin mo ako! Ako pa ba ang date mo sa prom o si Miles na?"
"Syempre ikaw!"
"Ipagtatanggol mo ba ako sa mga yan?"
"Oo naman! Takot ko lang sa tatay mo at sa Lolo mo!"
"Good! Mabuti at nagkakaintindihan tayo!"
*****
Sa school.
Maagang natapos ang meeting ng mga teacher dahil si Nicole lang ang nagsalita.
Pag labas ng mga ito, inis na inis silang dumiretso sa bahay kung saan dinala ni Teacher Orly ang mga teacher.
"Hmp! Nakakainis! Akala mo kung sino!"
"Bakit anong nangyari?"
Tanong ni Orly
"Masyado nya kaming minamaliit! Kesyo tamad daw kami, kaya hindi namin matapos ang report!"
"Hindi raw kami magandang ehemplo ng kabataan..!"
"Puro asa daw kami sa text book at hindi gumagamit ng utak!"
"Sobra sya! Hmp! Minaliit talaga kami ng husto!"
"Anong akala nya, hindi ko kayang gawin ang simpleng pag gawa ng report? Humanda sya sa lunes, ipapakita ko sa kanya ang hinahanap nya!"
"Oonga! Napakasimple ng pag gawa ng report! Bukas na bukas din kung gusto nya isasubmit ko sa kanya!"
Nagpupuyos silang lahat sa galit pero nangingiti naman si Teacher Erica.
'Sabi ko na gagamitin na naman nya ang reverse psychology tactic na ginamit nya sa akin dati e!'
'Haay naku! Kawawa naman sila! Wala silang kamalay malay nabitag na sila!'
"Teka, paano naman kami na hindi naka attend? May nabanggit ba?"
Tanong ni Teacher Erica.
"Kailangan nyo daw ng written explanation kung bakit hindi kayo naka attend!"
Saka humanda daw kayo sa tsinelas nya!"