Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 69 - Loyal

Chapter 69 - Loyal

Maagang dumating si Nicole sa school.

Naroon na rin si Ames at si Secretary Kim.

"Secretary Kim, papipirmahin mo lahat ng teacher na darating! Ilagay mo rin ang time!"

"Yes Mam!"

Bago mag alas otso, isa isa ng nagdadatingan ang mga teacher.

Hindi alam ng mga iyon kung babati ba sila o hindi, kaya yumuyuko na lang sila ng bahagya bilang pag bati.

Wala naman pakialam sa pagbati nila si Nicole dahil alam nyang napipilitan lang sila kaya hindi nya nito binabalik ang pagbati nila.

Dahil sa mga oras na ito ang nasa isip nya ay si Eunice. Alam nyang nagtampo ito kaya nagaalala sya para dito.

Tinawagan nya si Eunice pero hindi sya sinasagot.

Kaya si Kate na lang ang tinawagan nya.

"Hello Kate, anong sabi ng Mommy mo, pumayag ba sya na dalhin kayo sa mall?"

"Hindi po Ninang may emergency daw po! Kami na lang po ang pupunta ni Eunice sa mall, isasama namin si Mel at Jeremy!"

"Okey, sige! Paki puntahan mo na nga ang pinsan mo at nagtatampo!"

"Okey po!"

"Excuse me po Mam, alas otso na po!"

"Good! Mag start na tayo! Lahat ng darating papirmahin mo dito sa papel na ito using red ink at pagkatapos ay dalhin mo sila dun sa faculty! Mamya ko sila haharapin!"

Hinarap ni Nicole ang mga dumating, wala pa sa kalahati ito at ang pinagtataka nya, wala doon si Erica.

Tiningnan ni Nicole si Ames.

"We have to start!"

Tumango ito pero bago nya muling hinarap ang mga teacher na naroon, nag message sya sa isa sa bodyguard nya.

[Hanapin nyo si Erica, wala sya dito]

Bago sya umalis ng bahay, tinawagan nya ito at sinabing papunta na syang school, kaya nagtataka sya kung bakit wala pa ito dito.

At napansin nyang wala din dun si Teacher Chris at Teacher Santi. Ang mga naroon lang ay ang mga Heads ng department at mangilan ngilang subordinates nila.

'May nangyayari na naman ba?'

"Hindi na ako magtataka kung bakit wala ang iba! It's either wala silang respeto sa akin o pinuwersa silang huwag magpunta dito!"

"Can anyone answer me if I'm right or Iam right?"

Syempre walang sasagot sa kanila kahit may alam sila. Takot lang nila! Halata pa namang alam na ng principal ang nangyayari.

'Akala ba ng mga ito I didn't do my homework?'

'Kilala ko na ang bawat isa sa kanila, napaimbestigahan ko na!'

Kahit dismayado, nagpatuloy sa pagsasalita si Nicole.

"Hindi na ako magpapaliguyligoy, nandito ako para linisin ang school na ito! Oras na para ilagay sa tama ang lahat!"

"May mga rules ako na kinakailangan kong ipatupad whether you like it or not!"

"Una ang tungkol sa mga warnings!"

"May tatlo lang kayong warning at sa bawat warning may kaukulang parusa!Pag dating sa pangatlo warning mag de decide na ako kung pwede pa kayong mag stay or kinakailangan nyo ng umalis!"

Natahimik ang lahat, wala ni isa man ang gustong gumawa ng ingay.

"Kaya sa susunod, magisip muna kayo bago kayo gumawa ng kalokohan! Wala akong pakialam kung maubos kayo! Maraming mga teacher ang nakapila dyan at gustong pumalit sa inyo!"

"Hindi kailangan ng Ames Academy ang hindi LOYAL sa kanya! Kaya umayos kayo! Huwag nyo akong subukan!"

*****

Sa isang bahay, malapit sa school, naroon ang nagkukumpulan ang ibang mga teacher.

Sila ang mga teacher na hindi nakikialam sa mga nagyayari sa school basta tahimik lang silang nagtatrabaho. Kabilang dito si Teacher Gabby ang nagbantay sa klase nila Eunice nung exams.

Naroon din si Teacher Erica, Teacher Chris at Teacher Santi. Wala silang nagawa ng isama sila ng mga ibang teacher doon.

'Alas otso na! Malamang natunugan na ni Ate na may ibang nangyayari!'

'Kailangan ko syang masabihan pero paano? Walang signal dito!'

'At hindi kami makalabas, may bantay!'

Maya maya bumukas ang pinto at pumasok si Teacher Orly.

Nagulat ang iba at nag panic!

"Anong ibig sabihin nito Sir Orly? Bakit mo kami kinulong dito?"

Tanong ni Teacher Chris.

"Relax, Teacher Chris, wala akong planong gawan kayo ng masama!"

"Kung ganun bakit hindi mo kami palabasin?"

"Palalabasin ko naman kayo e, pero mag antay muna tayo ng konti pa! Gusto ko lang turuan ng leksyon ang malditang acting principal na yun!"

Napataas ang kilay ni Teacher Erica.

'So may plano syang kontrolin ang mga teacher!'

Tumahimik si Erica at nagmatyag. Mas mainam na ito kesa magpumilit syang lumabas.

"Ano ba talagang plano mo Teacher Orly? Sana maintindihan mo na kung ano man yun, ayaw namin madamay! Ang tanging nais lang namin ay kumita ng pera! May mga pamilya kami na pinakakain!"

"Alam ko ang concern nyo kaya huwag kayong magalala, wala kayong kinalalaman dito!"

'Gagamitin ko lang kayo para inisin si acting principal! Hehe!'

Pero ang hindi alam ni Teacher Orly na may ibang nangyayari sa nagaganap na meeting.

Kung nung una narito lang sila para manginis, pero ngayon iba na ang pakiramdam ng mga teacher na naroon.

Nanggigigil na sila sa inis kay Nicole kaya gusto nilang patunayan sa principal na ito na kaya din nilang maging loyal sa school anuh!