Medyo napahiya ang mga teacher na naroon ng madinig nila ang sinabi ni Professor John. Matalim nilang tiningnan ang bisita ni Ames.
"Sino ba yan, akala mo kung sino kung makapagsalita!"
Hindi nila maisantinig ang saloobin nila kaya nanahimik na lang sila.
Pero hindi si Teacher Orly. Agad itong lumapit kay Ames at dinuro sya.
"Ms. Ames, hindi ba sobra namang pangiinsulto ang ginagawa ng taong ito sa mga teacher dito?!"
"Napaka bastos nya at walang modo! Sino ba sya sa akala nya para magpunta dito at insultuhin ang mga teacher ng Abellardo Academy! Kaya pwede ba, palabasin mo na yan at huwag na huwag mo ng pababalikin muli sa school na ito!"
Napataas ang isang kilay ni Ames at nakapamewang ito na hinarap si Teacher Orly.
"Teacher Orly, Una sa lahat, Ames Academy ang name ng school hindi Abellardo! Iniinsulto mo ba ako?! This will be your 2nd warning! Isa pang warning tanggal ka na! At huwag mo akong susubukan baka nakakalimutan mo, ako ang nagpapasweldo sa'yo!"
"Second: Si Professor John lang naman ay isa sa sampu na pinaka sikat at pinaka bata na professor ng ating bansa! Naitalaga din syang genius nuong bata pa sya at marami na rin syang napanalunang award sa Math competition sa ibat ibang bansa!"
"And third: bisita ko sya! Kaya anong karapatan mong utusan ako kung sino ang papasukin ko o hindi sa school na pagaari ko!"
"Really? Ikaw lang ba ang may ari ng school na ito? Nagpapatawa ka ba?"
"Kahit ano pa ang sabihin mo Ms. Ames, hindi ako natatakot sa'yo! At wala akong pakialam kung sino ang taong ito na bisita mo! Saka, subukan mo akong tanggalin sa school na ito at ng makikilala mo kung sino talaga ako!"
Buong yabang na sagot nya kay Ames.
Nanggigil na sa inis si Ames.
"Mom, can we go home? I'm tired?"
Lambing ni Eunice sa ina.
"Yes honey we will go home may tatapusin lang ako!"
Sagot ni Nicole sa anak. Sabay baling kay Ames.
"Ms. Ames, meron lang akong kailangan sabihin!"
Si Ames na gusto ng sapakin si Teacher Orly ay napatigil ng madinig ba tinawag sya ni Nicole.
Tumayo si Nicole sa harap at kinuha ang mike.
"Isang linggo pa lang ako dito pero andami ko ng nadidinig na reklamo at insulto at pangungutya sa inyo! Kung ano ano ang sinasabi nyo sa akin na hindi maganda kahit hindi ninyo alam ang totoo at walang basehan ang mga haka haka nyo! Gumagawa at nagtatahi kayo ng kwento dahil nyo lang patunayan na mahina ako at hindi ako nababagay sa posisyong ito!
Hindi ko alam kung saan nagmumula ang mga galit nyo pero... wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nyo!"
"Ang nakakainis lang ay pati ang anak ko na walang malay ay idinamay ninyo para lang mapaalis ako dito!"
"Pwes kung inaakala ninyo na mapapaalis ninyo ako, nagkakamali kayo!"
"Pinagbigyan ko kayo kaya pumayag ako sa suggestion ni Katherine dahil gusto kong maging fair sa inyo but still patuloy pa rin kayo sa baluktot nyong pagiisip! Akala nyo ba hindi ko alam ang scheme na ito!"
"Hindi ako bobo at hindi rin ako mahina gaya ng inaakala nyo! Kaya sa mga teacher na kasama sa scheme ni Teacher Orly para siraan ang anak ko at dahil gusto nya akong mapaalis dito sa school, suspindido kayo! Kilala nyo kung sino kayo!"
Agad na kumontra si Teacher Orly.
"Aba teka lang acting principal....."
"Hindi pa ako tapos! Manahimik ka dyan!"
Singhal ni Nicole sa kanya.
"Aba't ...!"
Hihirit pa sana si Teacher Orly pero nagsalita na si Nicole at nilakasan pa nito ang boses nya!
"Since... ang titigas ng ulo ninyo at wala kayong respeto sa akin kaya antayin nyo ang letter of suspension nyo!"
Nagkakatinginan ang mga teacher. Makikita mo sa kanila kung sino ang guilty.
"At Ikaw naman, Mr. Orlando Padilla, simula sa araw na ito ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo! Mula ngayon ay hindi ka na parte ng school na ito! Masyado ng naging mabait sa'yo si Ames!"
"Tutal lagi mo naman bukambibig ang Abellardo Academy e di hanapin mo kung saan yun at dun ka magturo!"
"Hindi kailangan ng AMES ACADEMY ang mga taong hindi kinikilala ang school na nagpapakain sa kanila!"
"Kaya starting today your black listed! Huwag tatapak muli sa school na ito kahit mga anino mo hindi na rin welcome dito! Kunin mo na ang gamit mo at sweldo mo at umalis ka na!"
Umuusok ang ilong at tenga ni Teacher Orly sa galit.