Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 66 - It's Your Future!

Chapter 66 - It's Your Future!

"Tapos ka na?!"

Galit na tanong ni Teacher Orly kay Nicole.

"At sino ka sa akala mo para paalisin ako?"

"Ikaw ba ang may ari ng school na ito?"

"Baka nakakalimutan mo, ACTING PRINCIPAL KA LANG DITO!"

"Akala nyo ba mapapaalis nyo ako dito ng basta basta?!"

Tinuro nya si Nicole at Ames.

"WALA. KAYONG. KARAPATAN!"

"Ang tunay na may ari ng school na ito ang nag hire sa akin at hindi ikaw yun acting principal, at mas lalong hindi rin ikaw Ms. Ames!"

"Ang tunay na may ari lang na si Governor Pancho Abellardo ang may karapatan magpaalis sa akin dito sa Abellardo School! Naintindihan ninyo?!"

Singhal nito kila Nicole at Ames na nilakasan nya pa para madinig ng lahat.

"Tunay na may ari?"

Tanong ni Ames sa kanya.

"Nagpapatawa ka ba?"

"Ang problema sa'yo Mr. Orly masyado kang nagpapaniwala sa sabi sabi! Uto uto ka ba?"

Nangaasar na tanong ni Ames.

Sasagot na sana si Teacher Orly pero muling nagsalita si Nicole.

"Mr. Orly, WALA. AKONG. PAKIALAM!"

"Masakit na ang tenga ko sa mga walang kwentang sinasabi mo!"

"Ayoko ng madinig pa ang boses mo!"

"Si Ames lang ang kinikilala kong tunay na may ari ng school na ito kaya Ames Academy ito! Period!"

"AT AKO! ....Ako na ang bagong principal dito hindi acting principal, kaya ang desisyon ko at hindi ang sa'yo ang masusunod!"

"Guards!"

Pumasok ang mga bodyguard ni Nicole.

Hindi na muling nakahirit pa si Teacher Orly sa bilis ng pangyayari. Hinawakan sya agad ng dalawang lalaki sa magkabilang balikat.

"Ilabas ninyo ang taong iyan!"

Utos ni Nicole sa kanila.

Kinaladkad nila palabas si Teacher Orly.

"Teka, teka, bakit nyo ako binibitbit? Sino kayo? Anong karapatan nyong gawin sa akin ito? Hindi nyo ba ako nakikilala?!"

'Sabi ko na mangyayari ito e, kaya ako nagmamadaling magpunta dito!'

Buntung hininga ni Ames.

Takot na takot ang mga alipores ni Teacher Orly. Alam nilang lahat na malakas ito kay Gob, kaya pano nila nagagawang kaladkarin ito palabas?

Sino itong bagong principal na ito at ang lakas ng loob nya!

Nanahimik sila sa kinauupuan nila sa takot na pati sila kaladkarin palabas.

Nang mawala na sa paningin ni Nicole si Teacher Orly binalingan nya ang ibang mga teacher na naroon.

"May gusto ba sa inyong sumunod?"

Tahimik ang lahat. Walang gustong magmatapang.

At tiningnan nya si Eunice na nakatulog na sa sobrang pagod ata.

"Bukas may meeting lahat ng teacher, specially the Heads! Gusto ko nandito na kayo at exactly 8 am! Subukan nyong huwag dumating o ma late man lang kahit isang minuto, para makilala nyo ako ng husto!"

Kumakabog ang puso ng lahat.

"Ms. Ames, may sasabihin ka pa ba? Kailangan ko ng umalis!"

Sabay tingin sa anak nyang si Eunice na kinikiliti ni Kate ang tenga nya ng papel habang natutulog ito.

Tuwang tuwa si Kate sa ginagawa nya.

Pati si Professor John ay tuwang tuwa din pinagmamasdan ang dalawa.

"The inoccence of a child!"

"Mabuti pa iuwi mo na si Eunice at isama mo na rin yang pamangkin mong makulit! Ako ng bahala dito!"

"Kate, Mel, gisingin nyo na si Eunice para maka uwi na tayo!"

Dinismiss na ni Ames ang lahat ng teacher at ni remind sila muli sa magiging meeting nila bukas at huwag ma le late!

Kaya ang naiwan na lang ay sya si Professor John at si Jeremy.

Seven pm na sila nakalabas ng school.

Bago maghiwalay kinausap muna ni Ames ang pamangkin nyang si Jeremy.

"Ngayon nakita mo na kung gaano kagaling si Eunice, anong plano mo? Tutuloy ka pa ba sa America para magaral?"

Hindi nakaimik si Jeremy. Hindi nya alam ang gagawin. Papaano nya hahabulin ang galing ni Eunice?

"Alam ko ang nasa isip mo! Kung papaano mo sya mapapantayan!"

"Sa tingin mo makakaya mo? At sa tingin mo ba gugustuhin ni Eunice na gawin mo yan?"

"Kung gugustuhin mong magkatuluyan kayo ni Eunice, gawin mo ang kung ano ang makakabuti sa'yo! Hindi kung ano ang iniutos sa'yo ng Lolo mo!"

"It's your future not him, not them it's YOURS!"

At iniwan na nito ang pamangkin na nagiisip sa sinabi ng tyahin nya.

Mamaya maya nagulat na lang sya ng maka receive sya ng text kay Mel.

[EMERGENCY! CALL ME ASAP]

"Hello Mel? Bakit?"

"Jeremy my friend, mabuti tumawag ka na! Nakita mo na ba ang mga kumakalat sa school website natin?!"

"Hindi pa my friend, paalis pa lang ako ng school!"

"Naku, Naku! Tingnan mo friend! Buksan mo ang school website! Dali!"

At ibinaba na nito ang phone.

Pag open nya ng school website nakita nya agad ang tinutukoy ni Mel. Naka pin ang isang post na kanina lang inilagay.

CONFIRMED: JEREMY ASK MILES TO BE HIS DATE @ THE PROM!