Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 60 - Sagot Ko Po!

Chapter 60 - Sagot Ko Po!

"Ano daw?"

"Warm up daw!"

"Jeremy my friend, nalilito ako! Anong sinasabi ni Sister Kate? Hindi ko ma gets!"

"Sabi ni Kate, nag wa warm up lang daw sila ni Eunice hindi pa iyon ang start ng exams!"

"Ha?!" Warm up palang yung sangdamakmak na mga questions nyang yun?!"

'OMG! Maloloka ako dito sa mag pinsan na ito!'

Maging lahat ng teacher ay nalilito sa sinabi ni Kate.

Tumaas ang kilay ni Ames.

'Etong batang ito kanina pa naglalaro!'

"Kate, what do you mean?"

"It means she's done with the warm up! Pwede na po kayong mag start mag ask ng questions!"

Hindi maiwasan ni Nicole ang mangiti at napansin sya ni Ames ng mapatingin ito sa kanya.

'Ganyan talaga silang mag pinsan! Hehe!'

Gusto pang magtanong ni Ames kay Kate pero sumasakit na ang ulo nya.

'Jusmiyo, mabubuwang ako pagkinausap ko ng matagal itong batang 'to!'

"Okey!"

"Let's move on!"

"Teacher Santi, bakit hindi ikaw ang mag start mag ask?"

Si Teacher Santi na kanina pa manghang mangha sa dalawang bata ay hindi alam ang sasabihin nya.

Gusto rin nyang sumali at makitanong dahil nakakaengganyo sila pero ang hirap makasingit!

Iniisip pa lang nya yung tanong may sagot na agad! Kaya pinanood na lang nya ang dalawa.

"Ms. Ames, the truth is, I don't need to ask questions anymore! Na covered na ng warm up yung lessons namin from first grading to finals!"

At hinarap nito si Eunice.

"Iha, naniniwala na ako na hindi nga sa'yo ang kodigo na nakita ko sa answer sheet!"

"Thank you po, Sir!"

Hinarap ni Ames ang iba pang teacher sa history at social studies lalo na ang mga ka close nitong si Teacher Orly.

"May iba pa bang magtatanong sa inyo?"

Isa isa nyang tiningnan ang mga teacher na hindi maitago ang pagkadismaya.

Maya maya may tumayo.

"Eunice, who discover the Philippines?"

Napataas ang kilay ni Ames.

"Seriously, yan ang tanong mo?"

"Opo Mam!"

Sumagot si Eunice.

"The answer is Ferdinand Magellan!"

Napaupo na lang ang nagtanong na teacher na tila napahiya.

"Bakit ba anong masama sa tanong ko? Kasama naman yun sa World History diba?"

Nagmamaktol nitong tanong sa katabi.

"Hindi ka ba nakikinig? Kanina pa tinanong ni Kate yan at nasagot na ni Eunice!"

"Wagka na kasing tumayo kung hindi ka rin naman siguradong magkakamali sya!"

"So, no more questions with regards to history?"

Tanong ni Ames.

Wala ng sumagot.

"Okey since wala na kayong tanong at naniniwala na rin si Teacher Santi na hindi nangodiko si Eunice, ibig sabihin cleared na sya history!"

"How about you, Teacher Chris, ikaw naman ang magtanong!"

Halos na tanong na rin ni Kate ang mga gusto nyang itanong kay Eunice at mas higit pa nga ang tinanong nya.

"Wala na rin akong questions Ms. Ames! Naniniwala na rin ako na hindi sya nangodiko!"

"Good! Cleared na rin ang Science!"

"And lastly Teacher Orly!"

Tiningnan nya si Eunice na parang naghahamon.

'Ngayon tingnan ko kung makasagot ka!'

'Kailangan mo lang mangabisado sa subject na history at Science hindi tulad ng Math na kinakailangan mong pang isolve para makuha ang sagot'

Tumayo agad si Teacher Orly at dumiretso sa whiteboard saka nagsulat.

"I'm giving you 5 minutes to answer the question!"

Nagulat ang mga Math teacher doon, dahil pang Grade 9 ang Math problem na sinulat nya.

Pag lapit ni Eunice, sinulyapan lang nito ang tanong at sinulat na agad ang sagot.

"Ano yan?"

Tanong ni Teacher Orly kay Eunice.

"Sagot ko po!"

"Bakit ganyan, kulang? Walang Solution?"

"Kasi po Sir, sabi nyo answer lang, kaya hindi ko na po nilagyan ng solution!"

Nagtataka si Ames kung ano ang problema ng teacher na 'to.

"Bakit Teacher Orly mali ba ang sagot?"

Sabay tingin ni Ames kay Professor John. Gusto nyang matiyak ang sagot ni Eunice.

'So ito pala ang dahilan ni Ms. Ames kaya ako isinama dito!'

Tumango ito kay Ames patunay na tama ang sagot.

"Hindi naman sa mali ang sagot nya Ms. Ames, kaya lang hindi nya sinolve! Malay ko ba kung nanghula lang sya at natyambahan nya lang yan!"

"Teacher Orly, masisi mo ba si Eunice kung hindi sya maglagay ng solution, eh hindi mo naman sinabi?"

"Sa susunod kasi sabihin mo!"

"Hmp! Okey sige!"

At muli itong nagtungo sa white board at isinulat sa taas: "ANSWER WITH SOLUTION!"

Mahirap ang pinili ni Teacher Orly na mga questions, hindi ito mga pang Grade 8 at napili nya ito dahil mahahaba ang mga solution nito. Kaya natitiyak nyang lalagpas sya ng 5 minutes sa pagsagot.

"Okey you may begin!"

Pag lapit ni Eunice sa whiteboard,

wala pang 1 minute may sagot na sya!"

"Tapos ka na?"

"Opo!"

"Sigurado ka?"

Nangungutya ang tinig nito.

"Opo Sir, Sigurado po ako!"

Nangisi si Teacher Orly. Sabi ko na e, nanghuhula lang sya!'

Humarap sya kay Eunice.

"THAT IS WRONG!"

Related Books

Popular novel hashtag