"Mali?"
Napatingin si Ames kay Professor John at halatang naguguluhan din ito.
Napansin ni Kate ang pagsulyap na iyon ni Ames kaya sinundan nya ng tingin kung sino ang sinusulyapan nito.
'Hmm! Sino ang lalaking yun at parang sa kanya kino confirm ni Tita Ames ang sagot ni Eunice!'
Ganito talaga si Kate, very observant. Ito ang ugaling namana nya sa Lolo Gene nya.
Si Nicole na kanina pa nanahimik ay napatingin din sa sagot ni Eunice.
Matalino rin naman at magaling sa Math si Nicole, bagay na namana nya sa Nanay nyang si Nelda. Kaya lang may katamaran ito nuong bata pa, at iyon naman ang namana ni Eunice sa kanya. Buti na lang hindi namana ng bata ang pagiging pasaway nya.
Si Nanay Issay nya ang nakapansin na matalino nya pero kulang lang sa focus. Kaya ng muling magaaral ito, tinutukan sya ni Nanay Issay nya hanggang makatapos. Kumuha sya ng course na psychology at Secondary Education. May masteral degree na rin sya at kasalukuyan kumukuha ng PhD.
Habang nagaaral, nagtuturo din ito pero part time nga lang. Last year, kinulit sya ni Ames na kumuha ng principal exams, just for fun lang daw! kaya hindi nya sineryoso ang exam, ni hindi ito nag review, pero nakapasa sya at pang lima sa pinaka mataas ang score nya.
Kaya natitiyak ni Ames na matalino din itong si Eunice! Mukhang nasa genes nila!
Tapos madidinig nilang mali ang sagot ni Eunice?
Gustong mag react ni Nicole pero laban ito ng anak nya kaya hindi sya makikialam.
'She needs to grow!'
Kalmado man ang mukha ni Eunice, pero alam ni Nicole naiinis na ito. Ganito ang Papa nya pag naiinis hindi mo makikita sa expression nya.
Aakalain mong balewala lang sa kanya ang sinasabi mo pero ang totoo sinasadya nya iyon para inisin ang kausap nya.
"Teacher Orly, kung mali ang sagot ni Eunice, pwede mo bang ipakita ang tamang sagot?"
Buong yabang na nagtungo si Teacher Orly sa white board at sinolve ang problem.
After 5 minutes, na solve na nya ito. Kinabisado na kasi nya ang solution kaya madali nya itong natapos.
"Now this is the right way to solve it!"
Buong pagmamayabang nyang sinabi.
Napataas ang kilay ng lahat.
"Ako lang ba o napansin nyo rin ito? Diba parang pareho lang naman yung sagot?"
"Akala ko ba mali? Asan ba dyan ang mali?"
"Nag no nose bleed ako! Wala talaga akong hilig sa Math eh!"
Nanghahaba naman ang leeg ni Teacher Orly. Proud na proud sya sa sarili nya sa ginawa nya. Natutuwa sya habang pinagmamasdan nya ang paligid na hindi makapaniwala sa ginawa nya!
'Ang galing galing ko talaga! Kahit si Kate ay hindi nag react sa ginawa ko!'
'Ibig sabihin agree sya! Hehe!'
Kaya lalong hinabaan ni Teacher Orly ang leeg nya at abot hanggang tenga ang ngiti nya.
Ang hindi nya alam, hindi nag react si Kate dahil bored na itong panoorin ang nangyayari sa harapan at may iba na syang pinagkakaabalahan. Ang lalaking kasama ni Ames ng dumating. Si Professor John.
Si Professor John, na ang tanging interes kanina ay ma meet at makausap si Kate, ay iba na ngayon ang interes. Ang bata sa harapan na inakusahan nilang cheater.
Hindi na sya makatagal, need na nyang magsalita.
"I'm sorry, pero Sir, pwede mo bang I explain kung bakit mali ang sagot ng bata sa sagot mo? Naguguluhan kasi ako!"
Napataas ang kilay ni Teacher Orly. Hindi nya kilala ang taong ito! Ang alam lang nya ay kasama syang dumating ni Ms. Ames.
'Siguro ay bagong tauhan ni Ms. Ames!'
'Pero wala naman sigurong masama kung turuan ko ang taong ito!'
'Marahil ay katulad din sya ng ibang mga teacher dito na mahina sa Math kaya hindi naintindihan ang ginawa ko!'
"Okey Mister..."
"John!"
Okey Mr. John, I'll explain para maintindihan mo!"
Sabay ngisi nito.
'Kawawa ka naman kasi hindi mo naintindihan!'
"You see Mr. John kung paano nya sinolve ang sagot?"
Sabay turo sa ginawa ni Eunice.
"Now look at how I solved it!"
"See the difference?"
Lumapit sa white board si Professor John.
"I don't get it! What's the difference?"
Napataas ang kilay ni Teacher Orly.
'Gaano ba kabobo itong Mr. John na ito at hindi nya makita ang difference?'
'Bakit ba lahat na lang ng mga tauhan nitong si Ms. Ames e kabobobo?'
"Mr. John, hindi mo ba nakikita ang sagot nya? See! One two three! She solves it in three steps!"
"While my answers, look! How many steps did I answered?"
Oonga naman, halos na occupy na nya ang half ng board sa sagot nya!
"You see Mr. John, you have to get the square root of 676 first then get the fraction of this and this! At pag natapos mo na makuha isa isa yan, then you can start solving the problem which is finding "X!"
"And that is the reason why she is wrong!"