"Sino naman yung nag cheat?"
Tanong ni Nicole kay Teacher Orly.
"Si Eunice!"
Sabay tingin kay Nicole na may halong pangiinis. Nakataas pa ang kilay nito at halatang kinukutya si Nicole.
Pero nginitian lang sya ni Nicole na parang hindi apektado kaya napikon si Teacher Orly.
"Nadinig mo ba ang sinabi ko principal?"
Si Eunice yung nag cheat! Yung anak mong si Eunice!"
Nagkatinginan ang dalawang teacher na kasama nya. Nagtataka kung bakit ganito ang asal ni Teacher Orly kay Principal Cole.
"Hindi mo ba nadinig ang sinabi ko, Principal? Nag cheat ang anak nyo at may evidence kami sa cheating nya!"
Tumaas na ang boses nito. Halang iritado na.
"Ganun ba? How about you two, ganun din ba ang iniisip nyo?"
"Syempre! Kaya nga kami sabay sabay na nagpunta dito at humarap sayo e!"
Sabat ni Teacher Orly sabay hampas sa lamesa.
"Yes I know Teacher Orly nadinig ko na ang side mo gusto ko naman madinig ang side nila! Pwede ba?"
"Ikaw ...!"
"Principal Cole, kilala ko po si Eunice, ako din po ang naging teacher nya sa Science last year at isa sya sa student ko na nakita ko kung paano nag grow! Kaya aminado akong hindi ako makapaniwala na nag cheat sya pero ... nakakuha po kami ng kodigo nya!"
"Kodigo?"
Nagtataka si Nicole
'Paano magkaka kodigo si Eunice e hindi nga nagbubuklat ng libro yun pag may exams?'
'Me something fishy sa nangyayari!'
"How about you Teacher Santi?"
"Well, ako din ang teacher ni Eunice since last year at totoong malaki ang progress ng bata kahit na ni minsan hindi ko pa nakikita na nag open sya ng book at nagsulat sa note book nya! Nakakapagtaka di ba tapos lagi syang perfect sa quizzes at sa exams! Kaya nung makita ko ang kodigo na naka sipit sa answer sheet nya, naintindihan ko na!"
"Ano pong naintindihan nyo Teacher Santi?"
"Na nag cheat sya! Paano nya ma pe perfect yun kung hindi sya nag cheat?"
"Principal, kung ayaw mong maniwala, dinala namin ang answer sheet nya at inistapler namin ang kodigong nakita dyan sa answer sheet nya!"
Mayabang na sabi ni Teacher Orly.
"Okey, nadinig ko na ang lahat ng sinabi nyo!"
Kinuha nito ang phone at tinawagan si Secretary Kim.
["Yes Mam Principal"]
"Secretary Kim, pwede mo bang puntahan si Eunice at dalhin mo dito?"
["Nandito na po sya Mam kasama si Kate! Kanina pa po nila kayo gustong makausap"]
Nagulat si Nicole.
'Bakit wala sa klase ang batang yun?'
"Sige Secretary Kim papasukin mo na sila dito! Salamat!"
Pagpasok sa loob nagulat ang mga teacher bakit kasama nito si Kate, at bakit ambilis nila?
"Ms. Kate!"
Buong pag galang nilang binati si Kate dahil sya ang pride ng school.
Tumango lang ng bahagya si Kate sa kanila at hindi sila tiningnan. Seryoso itong nakatingin kay Nicole.
"Kate anong ginagawa mo dito? Wala ka naman exams ah!"
"Magpapaalam po sana akong lumabas para mag mall!"
"Sige mamya tayo magusap, maupo ka muna dun sa sofa!"
"Eunice, tapos na ba ang exams mo?"
"Opo!"
"Sila ba ang mga teacher mo?"
"Yes po!"
"Sabi nilang tatlo nag cheat ka daw sa exams mo at may kodigo daw silang nakita sa answer sheet mo!"
"PO?!"
Napataas ang kilay ni Eunice.
.... at natawa si Kate!
Hindi lang basta tawa, humagalpak sya ng tawa kaya lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.
Nangiti si Teacher Orly.
'Pati si Kate pinagtatawanan sya ngayon! Hehe!'
"Hahaha! Sorry, sorry! Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko!"
Paliwanag ni Eunice ng makitang nakatingin lahat sa kanya.
Pati si Eunice nahawa rin sa tawa ni Kate na pinagtataka naman ng mga teacher nya.
'Hindi man lang ba kinakabahan ito? We are accusing her of cheating pero nakuha pa nyang tumawa?!'
"Uhm! Principal, siguro naman bibigyan mo ng punishment ang anak mo dahil sa ginawa nya!"
"Well kung mapapatunayan nyong nag cheat sya bakit hindi!"
"Teka lang Principal, hindi pa ba sapat yang kodigo as evidence?"
"Teacher Orly, gaya ng sabi mo anak ko si Eunice, therefore kabisado ko ang penmanship ng anak ko!"
"Una, hindi ganyan kapangit ang sulat ng anak ko at pangalawa, never pa syang gumamit ng blue ink pen!"
Napaisip si Teacher Chris ang Science teacher.
'Never ko nga nakitang gumamit ng blue ink si Eunice... Hindi lang si Eunice pati buong star section!'
"Hahaha! Natural na sasabihin mo yan, anak mo sya e!"
"Kaya nga isinama ko si Teacher Santi! Gaya ng sabi nya never nyang nakitang nag copy ng notes si Eunice! Tama ba ako Sir Santi?"
"Yes Sir Orly, katunayan walang laman ang notebook nya ng checkin ko before the exam!"
"Kita mo na Principal, ay correction "Acting Principal" pala!"
Pangiinis ni Teacher Orly
"So, you see, paano nya masasagutan at ma pe perfect ang exam nya sa history kung wala naman syang re reviewhin dahil walang laman ang notes nya? Aber?!"
"Pwera na nga lang kung gagamitin mo ang pagiging principal mo! Pwedeng kinuha mo ang mga questionnaire ng exams tapos ay ibinigay mo sa anak mong si Eunice para makagawa sya ng kodigo!"