SAN LUCAS HOSPITAL
Pumasok si Jean sa loob ng Emergency Room at nag Time-In.
Pagkatapos, pumunta na siya agad sa may Kitchen Area upang magsimula sa kanyang duty.
"O, buti naman nandito ka na. Hay naku!"
"Oh anong problema?" tanong niya sa kasama.
"Pinagalitan na naman kami ni Doktora!"
"Bakit na naman ba? May nag reklamo ulit?"
"Hay, naku. Kahit wala, gagawa lang talaga yan ng isyu! Ewan ko ba? Anong kasalanan natin sa bruhang yun?" talak ng kasamahan niyang si Gio o Gia kapag hating gabi.
"Sabihin mo, inggit sa beauty natin, bakla!" sabad ni Emma o Emmanuel. Ito ang taga hatid ng mga pagkain sa Private Rooms nitong ospital.
"Kaya nga nakakasira ng beauty! Hay dyosko! Kung meron lang akong pwedeng pag-aplyang iba, matagal na akong lumayas dito," patuloy na pagtatalak ni Gio.
"Kapag na-aprove visa ko sa Canada goodbye Filifins! Babush!" dagdag pa nito na parang sasali sa Miss Q and A pageant sa pose.
"And I believe, I, thank you!" sabay na sigaw ng dalawa.
Napapailing na lamang si Jean sa mga kasamahan. Kung iba siguro ang nakakasama niya sa trabaho matagal na siyang na praning. Baka nag call center agent na lang siya, total fluent naman siyang mag English.
Ano kaya kung tanggapin na lang niya yung offer ni Lanie? Mas malaki ang kinikita nito kahit nasa bahay lang. Kesyu sa kanya, kayod kalabaw araw-araw para may pambayad sa upa niya, pamasahe, pagkain, at pangangailangan ni Lena.
Kaso lang, ang hirap naman nung internet sa baryo nila. Walang signal mula sa network. Kaloka yun! Paano siya magho-homebase job kapag ganoon? Saklap!
Hay naku. Baka sa katagalan magre-resign na lamang siya sa ospital, at mag negosyo na kaya siya? Maganda rin ang karenderya, baka pwede siyang mangutang sa kakilala niya na nagta-trabaho sa banko. Ano kaya? Tanong niya sa sarili.
Papayag kaya ang mga tiya nyang gamitin pang-collateral ang kaunting lupang pamana ng magulang sa kanila?
Eh, paano kung malugi siya? Hay naku! Puro may negative side yung nga plano niya! Ano ba, life! Ang OA ano?
Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagmuni-muni ng pumasok ang taong tsinitsismis nila kanina.
"Mabuti naman at kumpleto na kayo ngayon." Pasimula nito. "Ikaw Jean? Anong oras na? Bakit ngayon ka lang at kanina pa ang tanghalian?" tanong nito sa kanya.
"Eh, doktora. Malayo pa po kasi yung amin kaya nagha-half day lang po ako tuwing lunes." pangangatwiran niya.
"Wala akong pakialam doon! Eh di wag ka nang umuwi kung gayon? Bakit dapat poproblemahin namin kung sa malayo ka nakatira? Napaka iresponsable mo naman!" patuloy nitong ngawa sa kanya. Hindi pa doon nagtapos at patuloy ito sa pagsigaw sa kanya. Naawa naman ang mga kasama niya pero hindi rin makaimik.
Pinigilan ni Jean ang mga luhang nais mahulog mula sa kanyang mata. Nakatungo lamang siya at kagat ang labi.
"Mabuti pa at mag resign ka na lang kung wala kang dedikasyon sa trabaho mo! Ang dami dyan nag-aantay na magkaroon ng hiring!" Pagkatapos magsawa sa katatalak, umalis na din ito sa wakas.
"Naku! Sarap talaga tirisin ang bruhang iyon! Feeling bossy kasi apo nung may-ari nitong ospital!"
"Ano? Okay ka lang?" tanong ni Emma sa kanya.
"Oo. nasanay na ako," matamlay niyang sagot.
Ang hindi lang maintindihan ni Jean, ay kung bakit mainit ang dugo ng doktorang iyon sa kanya? Ano bang problema niyon? Pagtataka niya.
Maganda naman ito, maputi, makinis at professional pa kung ikukumpara sa kanya. Bakit ba parang personal ang galit nito sa kaniya? Ano bang nagawa niyang kasalanan doon? Wala naman siyang maisip eh. Malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.
Kinalimutan ni Jean ang nangyari at maiging nagtrabaho kesa magmukmok sa tabi. Sa katunayan, ngayon ang day-off niya ngunit nakipagpalit siya ng araw. Ang problema, nag text ang mga kasama niyang hindi pumasok ang nakatokang dietitian ngayong araw.
Pinili na lamang ni Jean na tumahimik at hindi na nagkatuwiran dahil alam niyang hindi lang din siya pakikinggan ng doktora na para bang abot langit ang galit sa kanya.
Sa wakas at uwian na. Alas-dyes na ng gabi. Dali-daling nag Time-Out si Jean dahil nag-text si Rex na nasa labas na ito ng ospital at susunduin siya.
"Kanina ka pa?" tanong niya sa nobyo.
"Hindi naman. Kakarating ko lang, ma traffic na pala papasok ng siyudad."
"Ay, oo. Ang dami kasing project ng DPWH kaya, ayan. Buhol-buhol ang traffic." kumento ni Jean.
"Tayo na. Saan mo gustong kumain?" tanong ni Rex sa nobya habang pinagbuksan niya ito ng pinto.
Napaka-gentleman talaga nito! Kilig si Jean sa gesture ng boyfriend.
"Kahit saan na lang? 'wag na yung masyadong mamahalin. Nakakasawa na rin di Jo'bee kapag paulit-ulit." dabi niya sabay hagikhik.
"Sige. Sa may ihawan na lang. Sarado na yata si Mang Inasal ngayon."
"Okay. Walang problema sa akin 'yun."
Dinala siya ni Rex sa isang Kamayan Restaurant na bukas hanggang ala-una ng madaling araw.
Binati sila ng waiter at maayos na inasikaso. Kinuha nito ang kanilang order at sa wakas, nakapag-solo lang sila ng umalis na ito.