Chereads / I Have A Lover: My Lovable Lawyer / Chapter 8 - Kaninong Kaarawan?

Chapter 8 - Kaninong Kaarawan?

Kinabukasan, maagang nagising si Jean dahil ang aga ay ang iingay ng mga kamag-anak niya.

Ano bang meron? Tanong niya sa sarili. Sinubukan niyang alalahanin kung anong okasyon meron sa araw na ito at naririnig niyang may biik na kinakatay.

Sino bang may kaarawan ngayon? Wala siyang maalala dahil tapos na ang kaarawan ni Lena sa nakaraang buwan. Eh, kung isa sa tiyahin niya para namang hindi pa.

Gumulong si Jean sa papag at napansin niyang wala na si Lena sa kaniyang tabi. Pumanaog na pala ito ng ganito kaaga. Sa isio niya, nagising ito marahil sa ingay ng paligid.

Dumilat si Jean upang sulyapan ang kalendaryong nakasabit sa dingding. Malaki ito kaya malalaki rin ang mga numero.

Tumitig siya sa petsa ngayong araw, ika-siyam ng Abril. Tama, birthday niya pala.

Pumikit ulit si Jean. Maya't-maya pa ay natauhan na siya. Napabalikwas siya ng bangon.

Putcha! Birthday pala niya!

Pinipiga niya ang utak kung kaninong kaarawan meron sa araw na ito. Sa kaniya pala.

Twenty-four years old na siya. Anong mga bagay ang dapat niyang ginagawa sa edad na ito?

Siguro dapat may narating na siya o kaya naman ay ito na ang panahon para mag-asawa. Kaya lang ay...

Ugh! Naalala tuloy niya ang kalokohan ni Rex. Gusto muna niyang makalimotan ang gagong iyon kahit sa araw na ito.

Pumanaog si Jean mula sa papag. Nag-inat-inat siya at binuksan ang bintana. Napatulala siya habang nakatitig sa hubad na lalaki.

No. Hindi naman ito totally hubad. Ang pang-itaas lamang ang walang saplot. At pawis na pawis na ito sa pagsisibak ng kahoy. Ang muscles nito ay nakakatakam.

Ito iyong tipo talaga niya. Tall, dark, at handsome na lalaki.

Pumihit bigla ang lalaki paharap sa kaniya. Ngayon ay tumambad ang abs nito. Napakurap siya ng ilang beses bago nahimasmasan.

"Magandang umaga, Jean." bati ni Rex.

"Ah... Magandang umaga rin. Umm... sandali lang bababa ako." sagot niya at nauutal.

Nagulat talaga siya nung humarap si Rex sa kaniya. Naiinis siya sa sarili. Sa katunayan, gusto niyang saksakin ang puso. Dahil kinikilig pa rin siya.

"Tumigil ka gaga!" Saway niya sa sarili.

'Ikaw ang tumigil, gaga.'

Nagulat si Jean. Aba, may sumagot? 'Sandali, hindi ako gaga!' sagot niya sa isip.

'Gaga ka. Ba't ang puso natin ang sasaksakin mo? Bakit hindi yung puso ng gagong 'yun?' sulsul ng utak niya.

'Oo nga, ano? In fairness, may tumpak ka self!' humahalakhak si Jean ng ma realize na sarili niya ang kinakausap.

'Ay sandali, parang baliw na yata ako.' sabi niya sa sarili.

Bakit ba kinakausap niya ang kaniyang konsensiya?

Biglang napayakap si Jean sa sarili habang nakatitig sa salamin. Nababaliw na ba siya? Matutulad ba siya nung kakilala niyang nabaliw dahil sa pag-ibig?

Hindi ito maka move on noong mahuli ang asawang may kerida. Kung sabagay, hindi pa siya asawa ni Rex at hindi pa niya isinuko ang Bataan.

No way! Dapat gwardiyahan ang Bataan na hindi masakop!

Umaakting siyang humahalakhak pero kunwari lang iyon. Dahil sa loob niya, ay marami talagang agam-agam sa kaniyang puso.

Dali-dali siyang naghilamos at pinalitan ang pantulog ng isang kaswal na damit. Maikling short pants kapares ng maluwang na tshirt. Gayunpaman, sapat upang matakam ang sino man na makita ang kaniyang long legs.

Marami na ring nang-aya sa kaniya na sumali sa mga beauty contest. Ngunit hindi niya talaga linya ang career na iyan. Napilitan lamang siyang sumali sa school nila noong malapit na siyang grumadwet dahil prenisyur siya ng kaniyang professor.

Hindi sa pagmamayabang, siya ang nakoronahang Campus Queen, dahil siya din ang Best in Talent at Best in Swimsuit. Naroon si Rex sa pageant na iyon. Hindi pa niya ito sinasagot pero sunod ng sunod sa kaniya. Dumidikit na parang linta.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

Hay naku, bakit ba niya naalala ang nakaraan? Dapat hindi na niya iyon maisip. Ang puso niya, kumikirot kaya ito sa sakit. Kaya dapat tigilan niya ang mag-imagine.

Pumanaog siya ng hagdan ng matapos mag ayos. Lumapit siya sa mag-anak na sinisimulan ng isalang ang baboy na lelechonin.

"Happy Birthday, Jean!" Bati ng mga ito sa kaniya.

"Salamat po sa inyo."

"Aba, ang aga naman niyan!" sita ni Jean sa bote ng Tanduay na nakita sa mesita.

"Pang kondisyon lang Jean!" sagot ni Jepoy amg pinsan niya.

Umiling siya at ngumita na lamang. Lumapit naman si Rex sa kaniya sabay abot ng bulaklak.

"Happy Birthday, Jean." bati nito sabay abot sa bulaklak.

Baluktot mang tanggapin, pinilit ni Jean na ngumiti at maging kaswal. "Ahem! Salamat. Ang aga mo yata?" tanong niya sa nobyo.

"Syempre Jean! Si Rex yata nagplano nitong lahat!" sabad ng tiyohin niya.

"Tama Jean. Kinausap na kami ni Rex na maghanda sa kaarawan mo. Surprise sana mamayang hapon kaso bigla kang umuwi kagabi." Dagdag ni Jepoy.

"Nag-alala ako nung malaman kung bigla ka na lang umuwi kagabi. Sana tineks mo ako sinundo kita sa boarding house mo at sabay tayong bumyahi." sabi ni Rex sa kaniya.

Tinignan niya si Rex. Siguro kung hindi niya nalaman ang tungkol sa panloloko nito, baka kinilig na siya at nahalikan ito sa pagiging thoughtful na boyfriend.

Ngunit ngayon, malamig ang pakikitungo niya rito at pinipilit niyang hindi mahalata ng mga kamag-anak, lalo na si Lena.