Sa haba ng speech nito, natapos din si Rex.
"Jean. Ang saya ko talaga nung makilala kita. At mas naging masaya ako noong sinagot mo ako. At alam ko, na maging maligaya tayo. Pinapangako kong aalagaan kita at mamahalin..."
Lumuhod si Rex sa harapan niya at nagsigawan ang lahat.
"Jean, will you marry me?"
Hindi na napigil ni Jean ang mga luha at mapaiyak siya. Ngunit hindi ito luha ng kaligayahan. Kung hindi, luha ng sakit.
Pinapangako nitong aalagaan at mamahalin siya? Eh, gago pala ang lalaking ito. Ang tamis nang pangako nito sa kaniya kahit sa likod niyon eh dalawang ilog ang binabangka nito. Tulad noong filipino idiom, "namamangka sa dalawang ilog" hindi kuntento sa isa ngunit kaliwaan ang girlfriend nito.
Ngunit paano ba siya makakasagot ng no? Eh isinuot na agad ni Rex ang singsing sa kamay niya?
Hubarin kaya niya at sabihing no? Ngunit sumulyap siya sa lahat at ang saya ng mga ito. Hindi nito alam kung anong pinagdadaanan niya sa mga panahong yaon. Nagpatuloy lamang siya sa pag-iyak, hindi makasagot.
Paano nga naman siya makatanggi, isinuot ni Rex sa kaniyang daliri ang engagement ring bago siya nito tinanung ng 'WILL YOU MARRY ME'.
Patuloy lamang siya sa pag-iyak na inaakala ng lahat na iyon ay luha ng kaligayahan. Ngunit walang nakakaalam kung anong pinagdadaanan niya.
Naguguluhan siya, nasasaktan, at gusto niyang magwala. Ngunit ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang sarili sa araw nang kaniyang kaarawan. Wala siyang lakas gumawa ng hakbang upang kumprontahin si Rex.
Kaya sa araw na iyon, engage na nga siya kay Rex.
Pagkatapos ng mahabang batian at susugan. Nag excuse siyang pupunta ng banyo. At doon, umiyak siya ng todo bago kinalma ulit ang sarili. Naghilamos siya at nagpalit ng damit. Patuloy lamang ang kasiyahan sa kaniyang kaarawan hanggang nagmadaling-araw. Hindi pa rin maawat ang mga itong nagpatuloy sa pagsasaya.
Nagpaalam na ang kaniyang mga hilaw na biyenan upang makapagpahinga na rin. Nag check in ang mga ito sa may bayan kaya, babalik daw kinabukasan para mamasyal sa kanilang nayon.
Ngumiti lamang si Jean at nagpasalamat sa mga ito. Mukha namang mababait ang mga magulang ni Rex.
Ngunit, hindi siya dapat maguluhan sa ngayon. Sa tamang panahon, kakausapin niya si Rex tungkol sa kanilang relasyon at kung ano nga ba ang magiging papel niya sa buhay nito.
***
Kinabukasan, maaga pa ring nagising si Jean. Agad siyang tumulong sa paglilinis dahil sobrang makalat sa buong paligid ng kanilang bakuran. Napailing na lamang siya habang nakatitig sa hindi mabilang na nakahigang bote ng Red Horse sa lupa.
Napabuntong hininga na lamang si Jean at nagpatuloy sa paglilinis.
"Hoy, gaga. Ba't pinabayaan mo si Rex matulog sa labas? Alam mo bang pinagpyistahan ng mga lamok ang papa mo? Baka madengue yan eh, mabiyuda ka na agad ni hindi pa nga kayo nasasakal, este, nakakasal. Hahahaha!"
Namangha na lamnag siya sa pagiging witty ni Antonio. "Hay, ewan ko sa iyo! Pag ka ngang oa? Biyuda na agad? Lalamukin kaya 'yun eh naligo ng red horse? Tingnan mo nga iyang mga bote? kahit lamok nalasing na ka gabi."
Napangaga si Antonio sa biro niya. "Aba! Grabe siya oh! Seryoso kaya akong concern sa papa mo. Bakit ba hindi mo pinaakyat sa bahay mo at doon matulog para naman eh, kumportable si Rex sa pagtulog?"
"Hoy, gaga. Anong pinagsasabi mo? Bakit ko naman gagawin iyon, hah?"
"Aba! Eh bakit naman hindi? Ikakasal na naman kayo. So bakit pa?"
"Anong bakit pa?" maang niyang tanong.
"Bakit hindi? Ikakasal naman kayo kay ayos lang na gawin niyo 'yun, ano!"
"Sus, maryosep kang bakla ka!" bulyaw ni Jean sa pinsan. "Dyos Mio! Kamag-anak ba kita? Kasi parang hindi! Lukarit ka talaga ano? Dapat iniisip mo muna ako, ano? Tapos ipapain mo pa talaga ako? Ba't mo naisip iyan, gaga? Ipapahamak mo ba ako? Tama bang iniisip mo iyan para sa akin?"
"Eh, pasensiya na, nagbibiro lang naman ako, eh..." hinging paumanhin ni Antonio ng mahalatang hindid siya natutuwa sa biro niya. Napansin din niyang, parang wala sa mood si Jean. "Sorry na," hingi niyang tawad. Nais pa sana niyang tanungin si Jean kung may problema, pero muling nagsalita si Jean. Nakinig na lamang siya.
"Kahit ikakasal na kami ni Rex, hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon. Pakatandaan mo iyan, Antonio." makahulugan niyang sabi.
"Tasaka baka anong sabihin ng mga tao kung makita nilang sa bahay ko na natutulg ang lalaking iyon. Ayoko kong magsama muna kami bago ikasal! Dapat rerespitohin niya ako bago kami ikasal!" pahayag ni Jean.
Ngunit sa loob niya, eh nandoon na naman ang sakit. Hindi siya nirerespito ni Rex. Kung hindi, pinaglalaruan lamang siya.
Nagpatuloy na lamang maglinis ni Jean at gayundin si Antonio. Tumahimik na lamang siya nang mapansing walang imik si Jean habang patuloy itong naglilinis. Maya-maya'y pa, nagimbal siya sa susunod na ginawa ni Jean.