Patapos na ang kaniyang performance ng pumunta si Jean upang mag banyo. Tiningnan niya ang text messages sa kaniyang cellphone ng magulat siya sa nakita.
Gustong umiyak ni Jean, ngunit hindi pa tapos ang raket niya. Kailangan niyang matapos ito nang maayos dahil malaki ang ibabayad sa kaniya. At saka, nakakahiya kung bigla na lang siyang umalis... Kinukulit pa naman niya si Lisa na siya na ang kunin maging singer sa kasal na inaasikaso nito.
Kanina pa talaga niya gustong umiyak. Gusto rin niyang sumbatan si Rex tungkol sa natuklasan noong nasa biyahe sila, pero nagtimpi lamang siya. Mabuti na lang at antok na antok siya at nagkaroon ng dahilan na hindi niya ito kausapin.
Tanong niya tuloy sa sarili kung may nagawa ba siyang pagkukulang kay Rex? Iniisip din niya kung gaano na ba siya katagal niloloko ni Rex?
"Jean, ano? Okey ka lang ba?" Tanong ni Monina sa kaniya dahil wala pa ring tigil ang kaniyang pag-iyak.
Pinilit ni Jean na pakalmahin ang sarili, ngunit hindi niya maawat ang mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa kaniyang mga mata.
"Sige na, pumasok ka na. Baka ma-late ka pa ng dahil sa akin," pa sinok niyang sabi kay Monina.
"Pero hindi kita maiwan eh, kung ganyan ka, oh."
"Naku. Iniisip mo ba na magpapakamatay ako ng dahil lang doon? Ang suwerte naman nang gagong 'yun para pag-aksayahan ko ng buhay?" ismid ni Jean, sabay punas sa mukha niyang hilam pa rin ng luha.
Mabuti na lang at hindi pa niya inisuko ang Bataan, ay lintik kung nagka-ganoon.
Nag-aalala man, umalis si Monina pero isang truck na paalala nito sa kaniya tungkol sa bagay na natuklasan nila. Hindi naman siya desperada ngunit, masakit ang lokohin.
Nagtiwala kasi siya.
Kaya nararamdaman niya ang sakit... Ang pait... Na ang taong inaakala mong sensero sa iyo ay tatraydorin lamang siya.
Tama. Isang pag ta-traydor ng taong minamahal mo, na sa una ay siyang nangakong mamahalin ka at aalagaan. Tulad ng pag-iisang dibdib o iyong tinatawag na 'exchanging vows' ngunit marami rin ang nauuwi sa hiwalayan.
Kaya ay, wala talagang kasiguruhan sa lahat ng pagkakataon. Kahit pa gaano katagal, o gaano ka bago ang isang relasyon, darating sa punto na may wakas.
Tulad sa isang aklat. May simula at may katapusan. Kung sa iba, bago magtapos, may milagrong mangyayari sa kalagitnaan ng kuwento. Kaya ay tanong niya ngayon sa sarili, anong dapat niyang gawin?
May lakas loob kaya siyang kumprontahin si Rex? Pero gusto muna niyang patunayan kung totoo ang bagay na iyon. Malay ba niya kung nagkataon lang? At eksakto, sa ganoong eksena nakuhanan.
Hindi niya gustong mag duda, ngunit ayaw naman niyang mag bulag-bulagan. Pero masakit eh. Dahil naalala niya ang lahat ng masasayang pagkakataon na magkasama sila ni Rex.
Sa isang relasyon, kapag humantong na sa ganitong sitwasyon, hindi ang panloloko ng mahal mo ang nagdudulot ng sakit, kundi ang magagandang ala-ala na siyang dapat mong itapon o kaya'y ilibing at ibaon sa limot.
Para kay Jean, ang mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa mga mata, ay dulot ng lungkot, na mawawala lang ang lahat sa isang iglap. Ganoon na lamang ba kadali? Wala bang halaga kay Rex ang kanilang relasyon sa loob ng halos tatlong taon?
Nakatihaya si Jean sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame. Napagmasdan niya ang mga butiking nagtatakbuhan dito ng mapansin ni Jean, breeding season pala ng mga ito. Nainis siya kaya naghanap siya ng pambato sa mga kawawang butiki.
Ayun, nasapol ni Jean ang isang butiki na agad naman siyang nagsisisi sa ginawa. Ano bang kasalanan ng mga butiki sa kanya kung mag love making ang mga ito sa harapan niya?
Mga hayop na naman ang mga ito, pero ang tao ang siyang nag-aasal hayop.
Binbunton tuloy niya sa iba ang galit, hindi ito maganda.
Kaya nakapagdesisyon si Jean. Nag-impake siya ng mga gamit at ng matapos, tinext niya si Monina at nagpasalamat. Nag freak out naman ang ka-boardmate na naging kaibigan na niya, na baka maisipan niyang tumalon sa Agusan River.
"Sira! Never ko kayang gagawin 'yun? Bakit ko ba tatapusin ang ikot ng aking mundo ng dahil lamang sa gagong iyon?"
"Basta sigurado kang okey lang?" Tanong ulit ni Monina, kanina pa nito paulit-ulit itanong kung okey lang ba siya.
"Hay naku, para namang hindi mo ako kilala? Hindi ko na pag-aaksayahan ang lalaking iyon. Uwi muna ako sa amin."
"Kung ganun eh, mag-ingat ka ha?" Nag-aalala pa rin si Monina. Na heartbroken din siya kasi noon.
Mas malala pa nga sa kanya, dahil childhood sweetheart niya ito. Pumunta itong Dubai para magtrabaho ito para sa kanilang future dahil napagdesisyunan nilang magpakasal. Ngunit nalaman niya, may ka live-in pala ito roon.
Itinapon nito ang mahabang panahon na sila ay nagmamahalan ng lubos... Ngunit ng dahil lamang sa bagay na hindi niya ibinigay, natapos ang lahat.
'Di katagalan, umuwi ang kanyang ex-nobyo at humingi ng tawad. Hiling din nitong makipag-balikan sa kanya pero nag move-on na siya. Ang swerte nito para tanggapin niya ulit.
Kaya pinayuhan niya si Jean, na huwag ikulong ang sarili sa relasyong magiging toxic lamang ang kanyang mundo.