Bumangon siya mula sa kawayan na kama at nag-inat-inat habang palabas ng kanyang kwarto nitong munting kubo na pamana ng kanilang mga magulang.
Binuksan ni Jean ang bintana at sumigaw,
"Magandang umaga, Pilipinas!"
"Aba'y magandang umaga Jean, mabuti naman at gising ka na. Aba'y tanghali na! Magla-laba ka pa, hindi ba?" Sigaw ng kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang ina. Ito ang siyang panganay sa magkapatid.
"Jean, marami ng mga tao sa ilog, mahuhuli ka na!" Sabad naman ng kanyang tiyo na asawa nito.
"Ay naku! Bakit po ba kayo mag-alala? Hindi naman po tatakbo ang ilog?" Pakunwaring nakasimangot niyang sagot.
"Ay, Jean! Hindi nga tumatakbo ang ilog, pero 'yung tubig niya, oo!" Biro ng magsasakang napadaan malapit sa kanyang kubo.
"Naku po, Mang Juan, huwag ako! Ka aga uh, mabuti pa at isulong niyo na po ang kalabaw niyo at baka po mag-sayawan tayo ng Budots dito!" Pabiro namang sagot niya sabay beatbox nung sikat na sikat na sayaw ng mga Bisaya.
Siya namang pa tugtog ni lolo Ambrocio sa malaki nitong sound system sa paborito nitong Budots music.
Sinasabayan naman ni Jean habang sumasayaw at waring sumisigaw na,
"Yung kalabaw, ay ang tao! Yung kalabaw baka maanod ng baha! Hala! Hala! Yung kalabaw ay kawawa!"
Gaya niya, mapapasayaw din naman ang mga magsasaka habang nag-aararo sa palayan nila.
Nakatira sina Jean sa gitna ng palayan kung saan katabi lamang niyang nakatira ang kanyang mga kamag-anak.
"Jean! Tama na 'yan at mag-agahan ka na!" Sigaw ng tita Melody niya.
"Hay, naku tita, exercise po yan! Ba't di niyo po ako sabayan?" Aya niya sa dalagang tiyahin. "Anong oras po ba naka-alis si Lena?" Tanong niya pagkatapos.
Pumasok si Jean sa kubo na tumatayong kusina nilang lahat, hiwalay sa kanilang mga bahay. Maluwang ito at may mahabang mesa sa open space na kubo kung saan nakapalibot ang kawayang bangko at tanaw ang buong palayan.
"Maaga silang umalis para makasabay siya kina Roger at maagang kinakailangan ang mga gulay sa palengke."
"Mabuti naman po." paakyat siya sa may hagdan at umupo sa bangkong kawayan.
"Oo. Hindi ka na niya ginising dahil alam niyang puyat ka na naman kagabi."
Tama. Madaling araw na siya nakauwi kagabi dahil sumali siya nung patimpalak sa bayan.
Kumuha si Jean ng plato at nag sandok ng kanin. Nakalatag na rin sa mesa ang ulam niya na may takip na bilog na Tupperware.
Nagmamadali siyang kumain para makapunta na agad sa may ilog.
"Oy, Jean. Dahan-dahan naman, baka mabulunan ka." Saway ng tiya Dendy niya.
"Naalala ko po, kailangan kong makausap si Lisa tiya sa may ilog."
"O siya, uminom ka ng tubig. Kape?"
"Babaunin ko na lang po."
Pagkatapos kumain ni Jean, ay agad siyang tumungo sa ilog dala ang kaniyang labahin.
Pumapasok siya bilang Dietitian sa isang pribadong ospital sa may siyudad ngunit hindi sapat ang kinikita niya roon dahil magkokolehiyo na si Lena sa susunod na taon. Kaya't todo ang mga raket niya kapag may pagkakataon tulad kagabi.
Namumuhay lamang sila ng simple at kuntento sa kung anong meron siya. Kahit ganoon, naibibigay naman ng kaniyang mga magulang ang pangangailangan nilang magkakapatid hanggang sabay ang mga itong namatay.
Nahulog sa bangin ang sinasakiyan nitong bus. Bente anyos pa lang siya noon at hindi pa siya nakakagraduate sa college.
Galing sa ipon ng mga magulang ang kanyang ginastos upang makatapos at agad naman siyang nakapasok sa ospital mag-iisang taon na ngayon.
⢠⢠⢠⢠â˘
"Uh, andito na ang reyna!"
"Anong petsa na, hoy! Ba't ngayon ka lang? Huwag mo sabihing, nagchurba kayo ng papa mo?"
"Susmaryosep, dyos ko! Never kung gagawin iyan ano!"
"Eh, ba't napuyat ka kagabi?"
"Tigilan mo ako, Antonio! Magkasama tayo kagabi!"
"Ay, mamay Antoinette po pangalan ko! Hini-hurt mo po ako!" Kunwaring iyak ng pinsan nyang si Antonio.
Nagtatawanan naman ang ibang mga labanderang nagpang-abot sa may ilog. Masaya silang nagpatuloy sa pagku-kuwentohan hanggang tanghaling tapat.
Nag salo-salo sila sa kanilang munting baon. Meron ding nag-ihaw ng huling isda.
"Oy, Jean! Mabuti at nagpang-abot tayo!" sabi ni Lisa ng dumating ito sa may ilog.
"O, ano na? Naka-usap mo ba organizer mo?" tanong niya agad at excited ma makaraket na naman.
"Uu! Pumayag na siya! Kaya maghanda ka na next week hah? Hindi na kami kukuha ng iba?"
"Uu! Sure na yung day-off ko sa Friday."
"Eh, malayo yun? Sayo lang ang pamasahe?" pag-alala ni Lisa.
"Naku! Eh may jowang de kotse. No problem kay papa yan!" singit ni Antonio.
"Ay, sabihin mo lang sasama ka lang talaga," sabad ng tsismosang labandera.
"At bakit? Gusto mo ikaw sumama? Baka mabuhay yung lechon at matakot sa pagmumukha mo! Magkamukha kayo ano?" biro nito sa kababatang si Sheila.
"Ungas ka talaga, Antonio!" irap nito sa baklang mapagbiro.
"Ouch, Antoniette po..." sabi nito na ginagaya si Vice Ganda.
Ngunit nagtawan lamang ang lahat at nagpatuloy sa kanilang pagkukulitan hangang matapos sa paglalaba at nagsiuwian.
Ganoon lamang ang kanilang buhay. Simple ngunit marangya sa halakhakan.