Chereads / The Stolen Identity / Chapter 3 - Ang Pagtakas Mula Kay Francis

Chapter 3 - Ang Pagtakas Mula Kay Francis

"Guys, listen up!" Umalingawngaw ang boses ng kanilang manager sa buong department.

Busy siya sa ginagawa sa harap ng computer kaya kahit malakas ang tinig ng amo ay tila hindi niya iyon narinig, kinailangan pa siyang kalabitin ni Ricah para lang mag-angat ng mukha.

Nagtaka pa nga siya kung bakit ito nakatayo sa harap ng kanyang cubicle.

"Si boss, may announcement," anang katrabaho at kaibigan sabay nguso sa kinaroroonan ng kanilang manager.

Napilitan siyang iwan ang ginagawa at tumayo para pakinggan ang announcement.

"Our big boss had invited us to attend an engagement party tonight at City Garden Hotel. Lahat tayo ay kailangang magpunta, there's no exemption, lalo na ikaw Lovan," anang manager pagkuwa'y itinuro siya.

Namula siya bigla nang mapadako ang tingin sa mga kasamang nagpakatanga sa kanya.

"Korak ka d'yan, sir. Killjoy kasi itong si Lovan, never uma-attend ng party," segunda ni Ricah.

Pinandilatan niya ito ng mata. Isang hagikhik lang ang iginanti ng babae.

"8PM ang party kaya inaasahan kong before seven ay naroon na kayo. Remember, City Garden Hotel, sa rooftop ng hotel ang venue," pagpapaalala ng manager bago tumalikod at nagtungo sa office nito.

"Ano, dadalo ka ba?" usisa ng kaibigan, hindi pa rin umaalis mula sa kinatatatayuan.

Umirap lang siya bilang tugon. "'Wag mo na akong asahan at wala akong hilig sa mga ganyan," saad niya, itinuloy na ang ginagawa habang nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa computer.

"Hep! Hep! Baka gusto mong ma-terminate sa trabaho? Anak ng may-ari ng GIO Enterprise ang may party kaya 'di tayo pwedeng hindi magpunta," pabirong banta ng kaibigan.

Napatingin siya rito. "Paano mong nalaman? Wala naman akong narinig na sinabi 'yan ni sir kanina ah," usisa niya.

Nagpalinga-linga muna ito bago dumukwang at inilapit ang bibig sa kanyang tenga.

"Sinabi ng kabit ni sir kahapon," bulong nito at mabilis na inayos ang tayo.

Napahagikhik siya. Kilala niya kasi ang sinasabi nitong kabit ng manager. Isa iyon sa mga kasama nila, may-asawa din kasi ang babae kaya ang tsismis sa loob ng building ay hindi pwedeng makalabas at malalagot silang lahat.

"Naku, nakitsismis ka na naman," sita niya sabay hampas sa hita nito.

Humagikhik lang ang huli bilang sagot.

"O, hindi ka pa uuwi? 4PM na ah. Halika, sabay na tayo," yaya nito.

Noon niya lang nasipat ang kanyang wrist watch. Out na pala nila.

"Mauna ka na, tatapusin ko lang 'to," sagot niya saka ini-save na muna ang ginagawa bago ini-shutdown ang computer.

Ang kaibigan nama'y lumayo na din at nauna nang lumabas ng department.

Paalis na sana siya nang marinig ang tawag ng kanilang boss, hinintay na lang niyang makalapit.

"Lovan, kailangang um-attend ka sa party. Nakausap ko na ang may-ari ng kompanya. Gusto kitang i-recommend bilang manager sa bubuksang branch sa Quezon Avenue," balita nito.

Naitakip niya ang bibig sa pagkagulat sa narinig.

"Talaga po, sir?!" bulalas niya.

Natawa ang huli sa naging reaksyon niya.

"Kaya nga ngayon pa lang ay paghandaan mo ang sasabihin mo sa harap ng big boss natin nang aprobahan niya agad ang recommendation ko," anang manager.

Napahagikhik siya sa sobrang tuwa. Hindi niya inaasahan ang promotion na iyon pero alam naman niyang worth it siya. Apat na taon na rin siyang nagtatrabaho sa GIO Enterprise bilang computer programmer. Sa ganda ng kanyang performance, masasabi niyang deserve niyang ma-promote sa trabaho.

"Don't worry po sir, pupunta po ako," mabilis niyang sagot.

Napangiti sa kanya ang manager sabay tapik sa kanyang balikat pagkuwa'y tumalikod na ito.

Naiwan siyang halos mapalundag sa tuwa sa nalaman.

Ngayon pa lang, pinag-iisipan na niyang dumaan muna sa MOA upang bumili ng maisusuot na damit, iyong presentable naman, magpapakitang gilas siya sa may-ari ng GIO Enterprise para ma-promote siya agad.

---------------

Maganda na sana ang mood niya pagkalabas ng building na pinagtatrabahuan ngunit nang makita si Francis sa mismong labas ng pinto ng gusali, nakangiting nakatingin sa kanya habang nakahalukipkip sa tabi ng gwardiya ay biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

Subalit wala na siyang magagawa kundi ang magkunwaring hindi ito nakita at dere-deretsong lumabas ng gusali.

Nagsimula siyang kabahan nang lumapit ang binata sa kanya at masulyapan niya ang namumula nitong mga mata na tila antok na antok ngunit hindi naman. Malamang, gumamit ito ng druga at siya agad ang naisip pagtripan.

"Mahal, sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita," pasimple nitong wika sabay hawak sa kanyang kamay ngunit agad siyang pumiglas.

"Hindi kita kailangan!" pasupla niyang sagot at tatakbo na sana palayo nang bigla siya nitong yakapin.

Nagulat ma'y agad din siyang nakabawi at itinulak na ito sabay pagpakawala ng isang malakas na sampal sa pisngi nito. Subalit nakapagtatakang hindi man lang ata ito nasaktan.

"Tantanan mo ako! Kung hindi ipa-pupulis kita!" banta niya sabay tawag sa guard ng building na nakatingin na sa kanila.

Isang malakas na halakhak lang ang itinugon ng lalaki.

"C'mon, mahal. Hindi mo ako pwedeng takasan dahil ibinigay ka na ni Madison sa'kin," nakangisi nitong wika.

"Ano?!" Lalo lang napalakas ang kanyang boses, nagpantig agad ang mga tenga sa narinig.

Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ito! Ano siya, bagay na basta na lang kung ipamigay sa kung sino?!

"Baliw! Magsama kayo ng sira-ulo mong nobya!" hiyaw niya sabay talikod rito.

Hahabol pa sana ito nang pigilan ng tinawag niyang guard.

Sinamantala niya ang pagkakataon at sumakay agad ng jeep papunta sa MOA subalit nasa skeletor pa lang siya paakyat sa second floor ay narinig na niya ang malakas na tawag ni Francis sa kanyang pangalan.

"Lovan!"

Nangatog bigla ang kanyang mga tuhod. Hindi talaga siya tatantanan ng lalaking ito.

Hindi siya lumingon, kunwari ay walang narinig ngunit nagmamadaling inakyat ang natitira pang baitang patungo sa second floor at agad hinanap ang Comfort Room.

"Lovan!" muling tawag ng binata.

Nagsimula na namang mangatog ang kanyang mga tuhod. Alam niyang high sa druga ang lalaki. Marami na siyang naririnig na ni-rape nito sa kanilang subdivision ngunit walang maglakas ng loob na idemanda ito dahil isang brigadier general ang ama ng binata, mataas ang katungkulan sa army.

Hindi! Hindi siya papayag na mapabilang sa mga babaeng pinagsamantalahan nito.

Pagkapasok lang sa Comfort Room ay agad siyang pumasok sa bakanteng toilet cubicle, tinanggal ang wig at nunal sa mukha ngunit hinayaang nakaclip ang hanggang beywang niyang buhok.

Mabuti na lang ay nakapagdala siya ng pamalit na damit, isang mini dress, hapit sa kanya at lampas tuhod ang haba. Iyon ang kanyang isinuot. Nakapagdala din siya ng sandals na tatlong pulgada ang takong. Nagmamadali niyang isinuot ang mga iyon upang hindi siya makilala ni Francis kahit makita pa siya nito.

Sampung minuto ang dumaan bago niya naisipang lumabas ng cubicle at pinagmasdan ang sarili sa salamin sa harap ng lababo.

"Miss, 'di ba kapapasok mo lang sa loob?"

Takang napabaling siya sa babaeng katabi sa pagkakatayo at sinundan ng tingin ang itinuro nitong cubicle na kanya raw pinasukan.

"Naku, hindi po. Kanina pa ako sa loob," sagot niya, sinabayan ng iling ang sinabi at nagmamadali nang lumabas doon. Naiwang naguguluhan ang babaeng nagtanong at itinuon ang pansin sa itinurong cubicle kanina.

Muli na namang nangatog ang kanyang mga tuhod nang makita si Francis na panay linga sa labas ng CR. Nagtama ang kanilang paningin, yumuko siya agad, napahawak nang mahigpit sa bitbit na shoulder bag ngunit pakaswal lang naglakad palapit dito hanggang sa malampasan niya ito at sumakay na uli ng skeletor paakyat sa third floor.

"Lovan!"

Napanganga siya sa pagkagulat ngunit hindi huminto sa paglalakad. 'Wag sabihing nakilala pa rin siya nito?

Tuloy-tuloy ang lakad niya palayo hanggang sa may makita siyang jewelry shop sa unahan, puno iyon ng mga customer. Tumakbo na siya at nagmamadaling pumasok doon deretso sa kinaroroonan ng mga alahas, tumabi sa isang lalaking naka-polo shirt at pantalong maong.

Kunwari ay bibili din siya ng singsing ngunit 'di niya sinasadyang mapasulyap sa lalaking katabi. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Tipid siyang ngumiti saka pasimpleng tinapunan ng tingin ang glass wall ng store ngunit kinabahan na uli pagkakita kay Francis na papasok sa kanyang kinaroroonan.

"What are you waiting for?" mahinang sambit ng lalaking kanyang katabi.

Bahagya pa siyang nagulat sa baritono nitong boses, pakiwari niya'y DJ ito sa isang FM radio sa lamig niyon.

Napatingin siya sa saleslady sa kanilang harapan, ngumiti rito nang makita niyang nakangiti sa kanya. Baka ito ang kausap ng lalaki.

Muli na naman siyang tumingin sa kinaroroonan ni Francis subalit bigla siyang napapitlag nang akbayan ng lalaking katabi sabay kunut-noong tumitig dito, nagtama ang kanilang paningin. Napako kapwa ang kanilang mga mata sa isa't isa, his gaze was pentrating deep inside her which made her feel frozen like ice but made her heart palpitate so fast.

Di niya tuloy maiwasang mapatitig sa nanunuri nitong mga matang kulay brown, mahahaba ang mga pilikmata na tulad ng sa isang babae. Sa unang tingin ay mapagkakamalan itong si Chris Evans kung di lang iba ang kulay ng mga mata and his gaze was like a magnet that she couldn't resist gazing back.

Hindi niya alam kung ano'ng merun sa mga titig na iyon na nang umawang ang mga labi nito'y napagaya na rin siya, nang gumalaw ang mga eyeballs nito papunta sa nasa ibabaw ng glass cubicle kung saan naka-display ang mga alahas ay napasunod rin siya ng tingin doon at nakita ang iba't ibang klaseng wedding ring, ang gaganda at seguradong mga mamahalin.

"Do we have to stare at each other for a long time?" he muttered impatiently nang walang makitang reaksyon mula sa kanya.

"Ha?" maang niyang tanong, muling tumitig dito.