(Cindy's POV)
Pag gising ko, may luha nanaman sa mga mata ko, bakit ganun? Talaga bang hindi ko siya kaya kalimutan? Si Raye... mahal ko naman siya eh. Pinapasaya niya ako, pero bakit ganto, tuwing umaga nalang pag gising ko may luha sa mga mata ko? Limang araw na ang nakalipas mula nung sinagot ko si Raye, mula nung naging kami. Pero minsan kapag gabi o pag ako nalang mag isa, naalala ko nanaman kung ano yung nangyari dati, nakakaramdam parin ako ng sakit. Bakit ba ganito? Bakit? Pakiramdam ko nagiging unfair ako kay Raye. Pero ayaw ko na siyang mawala pa sakin. Mahal ko siya, mahal ko talaga siya, pero anung gagawin ko?
Nung umagang yun, I have decided to visit Andy, matagal tagal na din akong hindi nakakadalaw, yung last ata na punta ko ay yung bago magyaya si Raye magpunta ng Batangas, kaya naman nag gayak na ako. Habang naggagayak ako may nareceive akong text galing kay Raye...
*message from Raye*
goodmorning my sweet angel, ^__^
gising ka na ba?
gusto mo dito ka na magbreakfast sa bahay?
i replied
yes, kakagising ko lang...
Raye sorry ha... :(
may kailangan lang talaga akong puntahan ngayon...
*message from Raye*
aww... it's ok, gusto mo hatid na kita?
san ba yung pupuntahan mo?
i replied
uhmm... ok lang ba kung wag mo na muna ako samahan?
i'll just text you later.... sorry
magkita nalang tayo mamaya ha...
*message from Raye*
ohh... i see... sure, take care ok...
just text me later,
see you...
i love you my sweet angel ^__^
After nung text niya hindi na ako nagreply, medyo naguguilty parin kasi ako, kaya gusto ko munang puntahan si Andy one last time....
Medyo malayo din yung lugar kung nasaan si Andy. Hindi naman gaanong mahirap hanapin yung lugar at isa pa sa gantong panahon bihira lang ang mga tao kaya hindi naman gaanong mahirap. Kaya naman mula sa bahay ay mga isa't kalahating oras lang nakarating na ako kung nasaan si Andy.
"Andy... sorry kung ngayon lang ako nakadalaw ha, medyo busy lang talaga lately" sabi ko sa kanya habang nilagay ko yung bulaklak na dala dala ko
"Andy, natatandaan mo pa ba si Raye? Yung nakwekwento ko sayo kapag pumupunta ako dito... alam mo ba kami na. Sinagot ko na siya, nung araw ng birthday niya... Andy sorry ha, kung di ko na matutupad yung promise ko sayo... sorry kung magmamahal na ako ng iba, kasi... ayoko ng umasa na magiging masaya pa tayong dalawa. Pero wag kang magalala kasi kahit kelan naman hindi kita makakalimutan, yun nga lang hindi ko na matutupad yung pangako ko sayo. Alam mo mahal ko na talaga si Raye, at ayokong magging unfair sa kanya, kaya from this day please let me go, and i'm... *sob* i'm breaking up with you Andy... I'm sorry... I know youre happy, kung nasan ka man, ok lang naman sayo to diba? *sob* don't worry papakilala kita kay Raye, one of this day dadalhin ko siya dito... Goodbye Andy... *sob*" pinunasan ko yung luha ko, paalis na sana ako nung biglang....
"Andy S. De la Cruz,
Born: November 16, 1987
Died: April 25, 2001
In remembrance of her remaining family members"
Napalingon ako, familiar yung boses... nagulat ako pag tingin ko, si Migs...
"siya ba? Ha Cindy? Siya ba?..." tanung ni Migs sakin
"ano! Bakit hindi ka makasagot! Ha! Siya diba, siya yung dahilan kung bakit up to know hindi ka pumapasok sa relasyon... at siya rin yung kamuka ni Raye! Tama ako diba? Sumagot ka!"
Hindi ko alam kung anung isasagot ko, pano niya nalaman yung tungkol kay Andy?, magsasalita na sana ako pero bigla siyang nagsalita...
"no, wag ka ng magsalita, Cindy ginagamit mo lang si Raye?! Ha! Tsk, wag kang magalala
makakarating to kay Raye..." tapos bigla na siyang umalis... di ko alam ang gagawin ko, naiyak nanaman ako, naiwan akong magisa sa harap ng puntod ni Andy, umiiyak.