Ilang buwan narin ang nakalipas mula nung pinagsamantalahan ako ni Migs, alam na din ng mga kaibagan ko ang nagyari pati narin si Cindy. Lahat sila gusto akong damayan, humingi ako ng tawad kay Cindy kahit na alam kong wala naman akong kasalanan sa mga nangyari. Ang sabi niya, wala daw akong kasalanan at alam naman niya yung totoong nararamdaman ko. Siya pa nga yung humingi ng tawad sakin, kasi daw kung hindi niya ako pinauwi noon edi sana walang nangyaring ganoon. Sabi ko naman wag siyang humingi ng tawad dahil wala siyang kasalanan. Totoo naman wala siyang kasalanan eh, ayokong sisihin niya ang sarili niya ayoko. Palagi siyang nasa bahay namin kahit na minsan wala naman kaming ginagawa sa bahay lang kami. Alam narin ng mga magulang ko ang nangyari, galit na galit sila kay Migs at gusto nilang kasuhan, pero sabi ko huwag na nilang pagaksayahan ng panahon. Si kuya Nathan naman umuwi dito sa Pilipinas nung malaman niya yung nagyari, at talagang galit na galit siya. Ang sabi niya pag nakita daw niya si Migs talagang mapapatay daw niya ito. Kaya lang di naman niya makikita si Migs kasi kahit kami hindi na namin siya nakikita. Di na siya pumapasok at wala narin siya sa apartment kung saan siya nakatira dati. Kahit pa ata yung number niya di na rin namin macontact, mabuti narin at nagtago siya dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya kapag nakita ko siya... Sinira niya ang buhay ko, binaboy niya ako, napakawalang hiya niya!.
Matutuloy ang pagalis ko papuntang states after ng graduation, si kuya Nathan ang kasabay ko papuntang states. Si Cindy naman maiiwan dito, kasi diba 3rdyear palang siya, at saka isa pa, ang totoo niyan nakikipaghiwalay na ako sa kanya, siya lang ang ayaw pumayag. Kaya ayun sabi niya after niyang grumaduate susunod siya sa states, hintayin ko lang daw siya. Medyo nahirapan na akong pumasok, kaya naman napagdesisyonan ko at ng mga magulang ko na sa bahay nalang ako magaral nagbayad nilang sila para makapaghome study ako sa araw nalang ng graduation saka ako pupunta. Ayaw ko muna silang makita hindi ko kaya.
Graduation day na, masaya ang lahat, ako kahit papano masaya kasi nakatapos na din ako. Pero at the same time hindi ako masaya, hindi ko parin makalimutan yung nangyari. Pano ko makakalimutan yung mga nangyari eh kung sa titignan ko ang sarili ko sa salamin naalala ko yung mga kahayupan niya. Habang nagmamarcha kami karamihan ng mga students dito eh nakatingin sakin, alam narin kasi nila yung nagyari at saka isa pa panung hindi ako pinagtitinginan, ikaw na ang magmarcha ng buntis, oh diba pagtitinginan ka noon lalo na kung mga chismosa sila...
Pagkatapos ng Graduation Ceremony, kaagad na kaming umalis ni kuya Nathan, hindi narin ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko o kahit kay Cindy. Ang alam ni Cindy ay bukas pa ang alis namin, kaya naman nung bigla akong nawala eh kaagad niya akong tinatawagan. Syempre ikaw na ang biglaan nalang mawala sa venue sino ba naman ang hindi ka hahanapin. Hindi ko na sinagot yung mga text at tawag nila, kaagad ko na ding pinatay yung phone ko dahil narin sa ilang saglit nalang at lilipad na ang eroplano.
Umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kahit sino sa kanila. Alam kong mali ito pero ewan ko hindi ko lang talaga kaya. Ayaw ko muna silang makita, ayaw ko muna silang makausap, gusto ko munang makalimot.