Pagmulat ko Umaga na, mataas na yung sikat ng araw, may naririnig akong huni ng ibon sa labas, nakatulog na pala ako sa kakaiyak, bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig, namumugtong ang mga mata ko. Masakit na puso ko masakit pa mata ko anu ba naman yan... Tahimik lang sa bahay, sympre ako lang naman magisa eh.
Medyo madilim ang paligid yung sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana yun lang ang ilaw sa bahay. Naglakad ako papuntang banyo, ewan nakasanayan ko na eh, daily routine kung baga. Pagkatapos kong gawin ang mga daily routine ko, pumunta ako ng kitchen. Pero pagdating ko doon natulala lang ako, maya maya pa umiiyak nanaman ako.
Ang sakit talaga bakit ganto? Oo saglit lang kaming magkakilala, ilang buwan pa lang yun, 6 months palang ang nakakalipas, ewan ko siguro kasi talagang minahal ko siya... Hindi mali, mahal ko siya noon at mahal ko parin siya hanggang ngayon kahit na sobrang sakit, mahal na mahal ko siya. Hindi ko manlang pinakinggan yung sasabihin niya, hindi ko alam kung bakit hindi ko na pinakinggan yung side niya. Siguro kasi natatakot ako sa sasabihin niya. Natatakot akong sabihin niya na totoo lahat ng sinabi ni Migs, iyak parin ako ng iyak, halos wala na nga ata akong boses sa kakaiyak.
Parang dinudurog yung puso ko, parang hinahati sa dalawa, bakit ganito? Napaupo ako sa sahig, biglang nag-ring yung phone ko ayaw ko sanang sagutin o kahit tignan manlang yung phone ko, pero ewan tinignan ko parin pagtingin ko si Myles tinatawagan ako, di ko na nasagot yung tawag niya.
Pagtigin ko sa phone ko meron akong 20missed calls at 15text messages.
Tinignan ko kung sino yung mga nag text dalawa kay Migs tatlo mula kay Myles, tatlo din galing kay karen, isang text naman galing kay Ram at anim na text ang galing kay Cindy.
Di ko alam kung babasahin ko ba yung text niya o ano. I press exit on my phone, then I checked my missed calls, halos lahat ng tawag galing kay Cindy 10calls din ata yun, yung iba kina myles, karen at migs na. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig, umakyat ako papuntang third floor hindi na ako umiiyak pero nararamdaman ko parin yung sakit.
Ang sikip sikip na ng dibdib ko, parang gusto ng sumabog, pagdating ko sa third floor dumeretso ako sa kwarto ko pagpasok ko hindi ko nanamang mapigilang umiyak. Naalala ko nanaman yung mga araw na magkasama kami, yung mga araw na masaya kaming dalawa, nagkukulitan, nagtatawan, yung sweetness namin sa isa't isa.
Tumutulo yung luha ko, di ko na talaga kaya to. Napatakip ako ng bibig ko, iyak naman ako ng iyak, hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog nanaman ako sa kakaiyak.
Nagising ako sa ring ng phone ko, pagtingin ko si Myles tumatawag sakin.
"h...ello?" medyo garalgal yung boses ko
"Raye? I know you're not ok, gusto mo samahan kita ngayon?" sagot sakin ni Myles, yung tono ng boses niya parang awang awa siya sakin, kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko....
"Mlyes... Ang sakit sakit... bakit ganito? Anung nagawa ko? Bakit ako nasasaktan ng ganto?" umiiyak nanaman ako hindi ko na talaga napigilan
"tahan na... tahan na... sorry ha, may kasalanan din kasi ako sayo eh, actually yung totoo recently ko lang nalaman na magkamukha pala kayo nung Andy, bago mag birthday mo dun ko lang nalaman, pero kasi hindi ko na sinabi sayo kasi... sorry Raye... hindi ko naman alam na aabot sa ganito...." sagot niya sakin, parang naiiyak na din siya
"....alam mo.... pero... sheeettt!! Myles alam mo bang ang sakit sakit! Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon! Ha?!...." medyo nakapagtaas na ako ng boses
"sorry talaga... ang alam ko kasi ex na niya yung Andy kaya hindi ko na sinabi sayo, at saka... hindi ko naman alam na..." natigilan siya
"na ano?..."
"na... na... Raye sa tingin ko mas maganda kung si Cindy ang kakausapin mo tungkol dito...."
"hindi ko na alam kung kaya ko pang harapin siya... Sa sobrang sakit, natatakot ako.... natatakot ako sa... sa sasabihin niya...."
"pakinggan mo muna siya... hayaan mo muna siyang magpaliwanag sayo... pagkatapos nun saka ka magdesisyon... nandito lang kami kapag kailangan mo..."
Hindi na ako sumagot pa... Hindi ko parin alam kung anung gagawin ko, kakausapin ko ba siya o anu? Tumigil na ako sa pagiyak
"sige Raye... Magpahinga ka muna, mukha kasing wala ka pang tulog..."
"...sige... salamat sa pagtawag...bye"
"bye...Sorry ulit Raye sa pagtawag... sa hindi ko pagsabi sayo ng mga nalaman ko..."
Pagkababa niya ng phone, wala na akong ginawa kundi umiyak. Hanggang sa makatulog nanaman ako kakaiyak.
Magaalas kwatro na nung naisipan kung bumangon sa kama, hindi ko parin binabasa yung mga text message na nareceive ko, kinuha ko yung cellphone ko at binasa ko yung mga text nila, yung kina Karen, Myles at Ram puro tanung lang kung ok lang ba ako, malamang hindi diba, ikaw na masaktan tignan natin kung ok ka... Yung kay Migs naman, puro sorry lang, hindi ko na binasa yung mga text niya delete ko na kaagad... Eto na babasahin ko na yung text ni Cindy, Naiiyak nanaman ako...
*message from my angel ^_^*
Raye... i'm really sorry please let me explain
*message from my angel ^_^*
Raye... please... I know nasaktan kita,
pero please let me explain... i'll tell you everything...
*message from my angel ^_^*
alam ko may kasalanan ako...
kasalanan ko na hindi ko sayo pinaliwanag ang lahat...
i'm sorry... but please let me explain....
*message from my angel ^_^*
Raye... i'm trying to call you... please sagutin mo naman oh...
nagaalala na ako....
*message from my angel ^_^*
I know galit ka sakin, pero please,
sagutin mo naman yung tawag ko...
I can explain everything...
*message from my angel ^_^*
please... let me explain...
nagaalala na ako sayo...
tulog ka na ba? I'm so sorry....
Anung gagawin ko? Kakausapin k ba siya? Nagaalala na daw siya sakin, pero... nasaktan ako eh, masakit talaga.... ano pa bang ipapaliwanag niya? Habang nagiisip ako kung anung gagawin ko, bigla nalang tumunog yung phone ko,
1 message received
*message from my angel ^_^*
Raye... gising ka na ba?...
can we talk? Kahit saglit lang...
please?
Magkita tayo sa rooftoop ng school...hinhintayin kita kahit anung mangyari... please...
Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba siya... Ano bang dapat kung gawin? Panu kung masasaktan lang ako sa sasabihin niya? Pero maghihintay daw siya... Panu kung umulan? Panu kung maghintay siya ng ganun ka tagal? Baka mapahamak siya... Baka magkasakit siya... wala akong choice, bahala na kung masaktan ako, pero mahal ko kasi talaga siya kaya nagaalala ako baka kung anung mangyari sa kanya kapag hindi ko siya pinuntahan.
Naligo na ako, Nagbihis tapos ay umalis na ako papunta ng school, sa may likod na ako ng school dumaan para mas malapit sa FA Building, sakto naman bukas yung gate at mukha namang walang guard, kaya pumasok na ako agad akong nagpunta sa rooftop, habang papalapit na ako lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, medyo nagsisimula na ding dumilim mag aalas sais narin kasi. Nandito na ako, pero hindi pa ako pumapasok sa pintuan, natatakot parin ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, nakatitig lang ako sa pinto, Naiiyak na naman ako, bakit ba ganto... Bahala na nga... edi masaktan, tutal nasasaktan naman na ako ngayon eh, dadagdagan lang naman kung sakali... Nakahawak na ako sa pinto, pagbukas ko nakita ko siya... Nakaupo sa tapat ng pintuan, aaminin ko nung makita ko, nawala lahat ng nararamdaman kong galit, masakit parin pero kasi, nangingibabaw yung pagmamahal ko sa kanya eh, gustong gusto ko na siyang yakapin pero tinitiis ko lang...
"Raye... I'm sorry..." yun una niyang sinabi sakin
"....."
"I... Love You Raye.... believe me... I really love you..." she sounded so sincere, hindi ko na nabigilan tumula na yung luha ko... hindi parin ako nagsasalita
"please... wag ka ng umiyak, namamaga na yung mga mata mo oh, tahan na..." tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, umiwas ako ng tingin sa kanya, umiiyak parin ako at hindi ko parin siya kinakausap
"....Si Andy... oo kamukha mo siya, at oo siya ang mahal ko...." nabigla ako, nanlaki ang mga mata ko. Alam ko naman na masasaktan ako eh, aalis na sana ako pero....
"noon yun Raye... hindi ko na siya mahal ngayon dahil ikaw na ang mahal ko, oo magkamukha kayo, at oo nung una yun talaga ang dahilan kung bakit ako napalapit sayo, dahil nakikita ko siya sayo... pero... pero hindi yun ang dahilan kung bakit kita minahal...." umiiyak na din siya
"Raye minahal kita, hindi... MAHAL kita bilang ikaw at hindi si Andy... habang tumatagal yung pagsasama natin, I realized that the two of you are completely different person, magkamukha lang kayo, and... and... I love you Raye because of who you are not because you looked like someone from my past!..."
Napatingin ako sa kanya.... tama ba tong naririnig ko?.... bigla niya akong niyakap
"I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sayo yung tungkol kay Andy... but I can assure you... Ikaw ang mahal ko... please believe me... I really love you Raye...."
Niyakap ko din siya, naramdaman ko yung paghigpit ng yakap niya sakin, kaya naman niyakap ko din siya ng mahigpit, umiiyak siya, naramdaman ko yung pagtulo ng luha niya sa leeg ko...
"tahan na... tahan na... wag ka ng umiyak, sorry din kung hindi muna kita pinakinggan... tama na... tahan na... diba sabi ko hindi na kita hahayaang malungkot pa?" sabi ko sa kanya, naramdaman ko yung pagiling niya...
"hindi mo kailangan magsorry, ako dapat ang magsorry.... Raye sorry talaga... nasaktan kita..." tapos tinignan niya ako
"ayan tignan mo, magang-maga na mata mo oh... di na cute yung eyes mo..." pinunasan niya yung luha ko sabay nakangiti siya saakin...
"I love you Cindy... ako ang mahal mo ha... at hindi si...." naputol yung pagsasalita ko, nilagay niya yung finger niya sa bibig ko para maputol yung sinasabi ko...
"ikaw ang mahal ko... Ikaw Raye Dela Cruz ang mahal ko.... at MAHAL NA MAHAL KITA...." pagkatapos niyang sabihin yun niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Maya-maya pa ay bumitaw na siya sa pagkakayap sakin, tapos...
"halika maupo tayo... ikwekwento ko sayo kung anung nangyari sa nakaraan ko..." sabi niya sakin... tumango lang ako, ewan gusto ko lang sigurong malaman kung anung nangyari sa nakaraan niya... Naupo kami sa may bandang gilid ng rooftop, sa may side ng door, nakaharap kami sa buwan. Oo may buwan na kasi 8:00pm na buti nalang at walang nakakita saming guard. After namin makaupo at comportable na kami, she stared her story
"10years ago....
Nung una kong makilala si Andy, pareho kami ng highschool, nung una ayaw ko sa kanya pero hindi nagtagal nahulog na din ang loob ko sa kanya... kaya naman nung niligawan niya ako ayun sinagot ko siya. Masaya naman kami nagplaplano pa nga kami na pareho yung course na kukuhanin namin pag nagcollege kami at Fine Arts ang course na napili namin. Actually nagpunta na kami dito nung 3rd at 4th year namin, binisita na namin tong school. Natatandaan mo pa ba nung una tayong nagkausap? Yung sa restricted area ng library, dun kami nagpunta kakilala niya kasi yung librian kaya naman nakapasok kami. Akala ko pangmatagalan na kami, kasi ang saya saya talaga namin, pero...
5years ago....
April 25, yun yung araw na namatay siya... Nagaway kasi kami a few daw bago siya mamatay, umuwi ako sa bahay namin nun. Legal kami alam kasi both ng parents namin, kaya naman pumupunta siya sa bahay namin, panay ang suyo niya sakin nun... Ang babaw lang naman ng pinagawayan namin, dahil lang sa flowers at cotton candy.. nanghihingi kasi ako sa kanya, tapos ayaw niya akong bigyan... para daw bata, kaya ayun nagtampo ako, bigla akong umuwi samin. Nung una hindi niya ako pinuntahan sa bahay puro text at tawag ang ginawa niya, pero kahit tumatawag at nagtetext siya di ko naman pinapansin kahit isang reply hindi ko ginawa. Ang sabi ko pa nun hinding hindi ko siya kakausapin hanggang hindi niya binibigay yung flowers at cotton candy ko, then nung April 24 pumunta siya sa bahay. Ayaw ko talaga siya harapin nun hanggang sa di niya ako binibilhan ng flowers at cotton candy. Nung araw na ding yung biglang umulan ewan ko ba, nagaantay parin siya sa labas ng gate namin, sabi ni mama puntahan ko na siya sa labas kawawa naman daw kanina pa siya basang basa sa ulan, sinunod ko naman si mama, pero hindi ko pa din siya pinansin sinigawan ko pa nga siya nun eh,
flashback
"ang lakas lakas na ng ulan ayaw parin niyang umuwi! Ah bahala siya di ko siya pupuntahan dun" sabi ko sa sarili ko
"anak, kanina pa si Andy dun sa labas, puntahan mo na siya doon, kawawa naman at baka magkapulmunya..." sabi ni mama
"eh... bahala siya dun ma! Ginusto naman niya yun eh..." sabay umiwas ako ng tingin, rinig na rinig ko na yung lakas ng ulan sa labas pero... bahala siya!
"nak, sige na, ayusin niyo na kung anong pinagawayan niyo..." hinimas ni mama yung likod ko, kaya naman tamayo na ko papunta sa labas ng bahay. Paglabas ko nakita ko siyang basang basa na sa ulan, kawawa naman ang bebe ko... pero hindi... bigay niya muna yung flowers at cotton candy ko... hmp!
"hoy! Ikaw gusto mo bang magkasakit?! Umuwi ka na nga!" sigaw ko sa kanya para umuwi na siya
"sorry na be..."
"hmmmppttt...! umuwi ka na!"
"gusto mo ba talaga ng flowers at cotton candy?" tanung niya sakin
"oo! Gusto ko, at mapapatawad lang kita kapag binigyan mo na ako nun!" tapos tumalikod na ako papasok ng bahay
"sige be, antayin mo lang ako ibibigay ko na yung gusto mo..." pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Buti naman medyo napangiti ako kasi ibibigay na niya yung gusto ko yehey! Sana naman umuwi muna siya para makapagpalit siya ng damit basang basa na siya sa ulan baka magkasakit na ang bebe ko.
Siguro magaalas onse na ng gabi at wala pa din akong natatanggap na text galing kay Andy... nakauwi na kaya siya? Nasan na kaya yun, kanina pa malakas ang ulan ahh...
"tao po! Tao po!"
Sino kaya yun gabing gabi na ah, lumabas ako para tignan, paglabas ko yung mga baranggay tanod at yung bantay sa gate ng village... bakit naman sila nandito...
"maám, pasensya na po sa abala... kilala niyo po ito?" may hawak hawak siyang ID kaagad naman akong lumapit para makita kung sino.
"ay... oo manong, si Andy kilala ko po siya... ano... Girlfriend po niya ako..." sagot ko sa tanod at dun sa bantay. Nagtinginan silang dalawa, tapos yung bantay napayuko kaya naman nagtaka ako...
"bakit ho manong?" nakatingin ako dun sa tanod bago sumagot si manong tanod, tumingin muna siya sa kasama niya
"ahh eh... maám... kasi po ito pong nasa ID eh naaksidente..."
Nanlaki yung mata ko sa narinig ko, bigla nalang tumulo yung luha ko...
"NASAAN SIYA?!" binuksan ko yung gate para lapitan si manong tanod, nung time na yun nasa labas na din si mama, hawak hawak ako sa balikat
"nandun po maám" nakaturo siya sa kanan niya, yung way papasok at palabas ng village
kaagad akong tumakbo sa lugar kung saan siya nakaturo. Papalapit palang ako may nakita akong sasakyan isang pares ng sapatos, yung mobile ng tanod at may tatlong taong nakatayo nakatingin sa taong nakahiga sa kalsada. Nung makita ko na si Andy, nakahandusay sa kalsada, punung puno ng dugo yung katawan niya, pati narin yung mukha niya, napatakip ako sa bibig ko,
"Andy... Andy!!!," umiiyak na ako...
"Miss... sorry hindi ko siya napansin, bigla nalang siyang tumawid..." sabi nung lalaking nakasuot ng pulang damit at maong shorts, siya siguro may ari nung itim na van, napatingin lang ako sa kanya. Magsasalita sana ako ulit nung biglang magsalita si Andy
"..b..ee... y..uunng... bu..bulaklak...at yu..ng co..cotton..can...d..y" mahinang mahina yung boses niya at umuubo na siya ng dugo...
"be... wag ka ng magsalita... dadalhin ka namin sa ospital...." hawak hawak ko yung kamay niya, tinignan ko naman yung tatlong lalake at yung tanod na pumunta sa bahay...
"asan na yung ambulansya?!! tumawag na kayo ng ambulansya!!!" sigaw ko sa kanila
"b...e..be... I'm sorry... hi...ndi... na... kita masa...samahan hanggang college.... sorr...y hiin..di ko na... naibigay yun..g gusto mo... so..rrry...kung...di ko na matu....tupad yung... arrgghh... yung pangako...ko...s...a...yo..."
Hawak hawak ko yung kamay niya,
"be...wag ka ng magsalita, dadalhin ka namin sa ospital ha... please... wag mo ko iiwan be... mahal na mahal kita..." sinabi ko sa kanya habang umiiyak na ako, ngumiti siya, pero it's a weak smile...
"pa...nga...ko...mo...na...ako...la...ng ang...mamahalin... mo... ha..." nakahawak siya sa kamay ko nung sinasabi niya yun...
"oo... Andy pangako, kaya wag kang bibitiw ha, dadalhin ka namin sa ospital..." pagkasabi ko nun sa kanya, bumitaw na siya mula sa pagkakahawak sa kamay ko, unti-unti na siyang pumikit. Nakita ko pa siyang ngumiti sa huling pagkakataon bago siya tuluyang mawalan ng hininga.
Iyak ako ng iyak nung araw na yun, nagsisi ako kung bakit ba kasi ako nanghingi nun sa kanya... nung araw ng libing niya ipinangako ko sa kanya na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa dumating ang time na magsama na ulit kami kung nasaan man siya..."
Tumingin siya sakin, tapos sabi niya...
"pero nagbago na ang lahat mula nung nakilala kita, I started to fall for you... till the time that I can't help it, I'm inlove with you... Raye.. nung araw na nagkita kita tayo nina Migs sa labas ng bahay niyo... alam mo ba galing ako sa puntod ni Andy... alam mo ba kung anong ginawa ko?" tanung niya sakin
"hmmm... hindi..." maikling sagot ko naman nakatingin parin kami sa isa't isa, bago siya sumagot ngumiti muna siya sakin
"nagpaalam na ako sa kanya... I said my goodbye and broke up with Andy... hindi ko kayang saktan ka kaya ayoko namang magging unfair sayo, at isa pa, sabi ko nga diba, Mahal kita... Mahal kita Raye...." sabi niya sakin habang yung isang kamay niya nakahawak sa kamay ko at yung isa naman nakahawak sa mukha ko, ngumiti ako sa kanya
"Salamat... I love you Cindy... Mahal na mahal kita...." then I kissed her lips... her soft lips, gumanti rin siya ng halik, yung mga halik na ramdam mo ang pagmamahal. It was short but meaningful kiss.
Magkasama lang kaming dalawa sa rooftop hanggang mag 5:00am, sabi kasi ni Cindy pupunta daw kami sa puntod ni Andy... papakilala niya daw ako... kaya naman nagpalipas na kami ng gabi sa rooftop.
The next day, pumunta na kami sa puntod dumeretso na kami, wala ng uwi uwi, wala ng ligo ligo mamaya nalang daw pagkatapos... Pagdating namin dun nakita ko yung puntod ni Andy... yung araw ng kamatayan niya the following day birthday ko pa ha... Paalis na sana kami nung may sinabi ako sa harap ng puntod ni Andy...
"Andy... salamat... wag kang magalala ipinapangako, hinding hindi ko sasaktan si Cindy, hinding hindi ko siya iiwan, hinding hindi ko siya paiiyakin, ibibigay ko lahat ng gusto niya at higit sa lahat mamahalin ko siya ng higit pa sa naibigay mo... Sige mauna na kami... Salamat ulit" hinawakan ko yung kamay ni Cindy, naluluha siya...
"oh? Ba't umiiyak ka? Kakapromise ko lang kay Andy na hindi kita papaiyakin eh, baka multuhin niya ko niyan..." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko yung luha niya... natawa naman siya,
"eh kasi ikaw eh...." tapos ngumiti ulit siya.
Hindi ko mapigilan ang ganda niya kasi talaga kaya naman hinalikan ko ulit siya, pagkatapos noon nagngitian kami at bago kami tuluyang umalis ay sumulyap muna siya sa puntod ni Andy at ngumiti, isang ngiti ng pamamaalam, pagkatapos noon ay umalis na kami.