Ilang buwan na din ang nakalipas, ganun pa din ang set up naming dalawa ni Cindy, sa rooftop ang tagpuan namin, every time na tapos na ang klase ko, deretso na kagad ako sa rooftop pag may klase pa siya antayin ko siyang pumunta sa rooftop, pag siya naman ang nauuna matapos ang klase siya naman ang nauunang sa rooftop tapos antayin niya din akong matapos ang klase ko.
Di na din ako masyadong nakakatambay kasama ang barkada, well minsan oo kasama ko sila, yun ay pag di kami nagkikita ni Cindy, may times kasi na bigla nalang siyang magtetext sakin, tapos sabihin niya may kailangan gawin o asikasuhin, minsan naman may pupuntahan daw siya. Di ko naman na tinatanung kung saan siya pupunta, minsan sinasabi ko kung pwede sumama, pero laging wag na daw magkita nalang daw kami sa school o di kaya sa bahay nila or punta siya sa bahay namin.
Si Myles naman everytime na mawawala ako pinagtatagpan nalang niya ako, itetext niya nalang sakin kung anu yung dinahilan niya, para daw pareho kami ng isasagot, buti nalang may kaibigan ako katulad ni Myles, si Migs naman, ayun ang laki na ng pinagbago. Di na niya talaga ako kinakausap, may mga times na mahuhuli ko siyang nakatingin sakin, tapos pag nakita ko yun bigla siya iiwas ng tingin. Umiiwas na din siya everytime na makakasalubong ko siya sa hallway kung hindi siya liliko kung saan bigla nalang siya maglalakad palayo, di na din siya sumasama sa barkada sumasama lang siya pag alam niyo na wala ako. Minsan nakakahiya na din sa kanila ako pa ata ang sisira sa barkadahan namin, to think na since highschool palang barkada na talaga... haayyy talaga naman... pasaway kasi tong si Migs eh
Malapit na birtday ko two weeks nalang ata birthday ko na. Nagtanung ang barkada kung saan daw kami, sabi ko nalang may mahalaga akong plano sa araw na yun. Tapos tinanung ko sila kung pwede sa ibang araw nalang kami magcelebrate, ok lang naman daw sa kanila. ang sama ko na ba sa kanila? Gusto ko kasing makasama si Cindy sa araw ng birthday ko eh. Haaayyy....
Kasama ko ngayon ang barkada, kompleto kami si Migs lang ang wala. Nagkwekwentuhan sila pero di ko naintindihan pinaguusapan nila, lutang eh panu si Cindy nanaman iniisip ko, maya maya pa nagtext na siya sabi niya pauwi na daw siya sa bahay nila. Magkita nalang daw kami dun, kaya naman kaagad akong nagpaalam sa kanila tapos ay pumunta na ako sa kanila. Bago ako makalabas ng Campus nakasalubong ko si Migs, ganun parin iwas kung iwas akala mo walang nakita. Tsk nakakapikon na tong si Migs. hmmp bahala nga siya.
Pagdating ko kina Cindy, nagaantay siya sa may gate nila, nung nakita niya ako yumakap siya kaagad sakin
"namiss kita..." sabi niya, habang nakayakap ng mahipit niyakap ko din siya. Sympre tuwang tuwa ako, first time niya akong sinabihan ng na-miss niya ako... nakakakilig kaya yun, kaya naman di ko mapigilang ngumiti
"namiss din kita, ikaw talaga, anung nakakain mo? first time mo akong sinabihang miss mo ko ah... hehehehe" abot tenga naman ang ngiti ko parang ganto ----> ^___^
"bakit ayaw mo ba?... sige bawiin ko nalang" sabay bumitaw siya pagkakayap sakin
"ohh ohh, ikaw naman di na mabiro eto naman, yakapin mo pa ako namiss talaga kita eh" hinila ko siya para yakapin niya ako ulit. Yumakap naman siya sakin kaya natuwa ulit ako ang babaw ko talaga noh? Hehehe
"nga pala Cindy malapit na birthday ko, two weeks from now... hehehe, gusto ko sanang ahmm, sama ka sakin. Punta tayo sa resthouse namin sa Batangas... sige na.. kahit ito nalang birthday gift mo sakin..." naka smile ako sa kanya, bumitiw na ako sa pagyakap ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin, di ko alam kung papayag siya sana pumayag siya, please Lord sana pumayag siya...
"kelan tayo pupunta dun? kelan ba yung birthday mo?" tanung niya sakin, wow, yung tanung niya parang papayag siya ah...
"uhmm a day before my birthday punta na tayo dun, sa 26 ang birthday ko, sa 25 punta na tayo dun. Gusto ko kasi salubungin birthday ko eh. Babalik din tayo the next day... sige na sama ka na... pleaaseee...." ang tagal bago siya sumagot sana naman talaga pumayag siya...
"uhmm, sige na nga payag na ako" sabay ngiti siya sakin, ang ganda ng ngiti niya pero mas masaya parin ako kasi pumayag siya
"YESSSS! salamat" tapos hinalikan ko siya sa pisngi, ngumiti lang ulit siya sakin.
Excited na ako, sana mag April 26 na...