"CINDY!!!!"
"CINDY!!!!"
"CINDY!!!!"
Nakailang tawag din ako sa kanya bago siya lumingon, nakangiti siya sakin nung nakita niya ako, yung ngiti na parang walang nangyari. Anu ba naman tong babaeng to? Walang pakiramdam te? Ang harsh ha...
"C..Cindy.... kanina pa kita hinahabol...sa..n san... ka ba papunta?" sabi ko sa kanya hinahabol ko pa talaga ang paghinga ko, ikaw na tumakbo sa field na ang laki ay dalawang football field,
"ah, pauwi na ako Raye" nakangiting sagot niya, naku naku Cindy, wag ka ngang ganyan lalo akong naiinlove sayo eh >__<
"ah... eh... pwede bang sumama?" ang tagal bago siya sumagot, akala ko hindi na siya papayag pero ayun nag nod naman siya at ang ganda naman ng smile niya ^__^ ay may batang kinikilig.
Medyo malapit lang pala ang bahay niya sa bahay namin eh, as in isang kanto lang pala. Akalain mo yun? Kaya naman naglakad lang kami papunta sa bahay nila, pagdating namin sa doon madilim yung bahay parang walang tao... magisa lang kaya siya?
"Pasensya ka na ha, medyo magulo yung bahay magisa lang kasi ako dito eh"
ahh yun naman pala magisa nga lang talaga siya
"upo ka muna magtitimpla lang ako ng juice" sabi niya sabay nagsmile ulit siya, kilig nanaman si lola mo....
After 5mins (bilang ko diba)
"pag pasensyahan mo na ha, eto lang kasi meron ako dito di pa ako nakapag grocery" sabi niya sakin
"ah, ok lang, pasensya ka na din nabigla ka din kasi sa pagyaya ko dito" sagot ko naman sa kanya.
Ang tahimik, parang walang gustong magsalita, anu bang gagawin ko? Tsk... naman
"Raye... sorry talaga ha" sabi niya sakin, hindi siya nakatingin sakin ng deretso. Nakayuko siya nakatingin sa baso ng juice niya. Eto nanaman siya, di pa nakuntento kahapon? Ulit ulitin talaga? Naka unli lang te? Hindi ko alam kung anung isasagot ko sa kanya, nakatingin lang ako. Eto maluha luha naman, tumingin na siya sakin nakita niyang maluha luha na ako
"Raye, please... wag ka ng umiyak, please... ayokong makita kang malungkot, hindi ko kaya... na...nasasaktan din ako..."
napatingin ako sa kanya...
"nasasaktan kang makita akong ganto? Eh bakit hindi mo nalang hayaan na mahalin kita?..." sagot ko sa kanya. This time di ko na mapigilang tumulo yung luha ko. Ang sakit sakit na talaga di siya nakasagot, kaya naman ako nalang ang nagsalita ulit
"Cindy, please... just let me love you... let me take care of you... I love you Cindy, please...." umiiyak parin ako lumapit ako sa kanya, lumuhod na ako
"please Cindy, just.... let me love you, I promise I won't break your heart, Please.... just let me love you" paulit ulit kong sinasabi sa kanya, nagmamakaawa na nga ako sa kanya grabe na talaga to
"but Raye, I can't... I ... ca..can't let you, because... be...because I don't want to hurt you...."
"Cindy, sa ginagawang mo yan sa tingin mo ba hindi mo ako nasasaktan? Hindi mo ba ako kayang mahalin...tsk... kahit nga hindi mo na ako mahalin wala na akong pakealam hayaan mo lang na mahalin kita, alagaan ka, akala mo ba gusto kong nakikita kang malungkot.... please naman.... mahal talaga kita Cindy hindi lang awa yung nararamdaman ko... alam ko sa sarili ko na mahal kita... kaya please let me love you..."
"hindi sa ganun.... hin...di ka naman mahirap mahalin eh, hindi ko lang talaga kayang...."
hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya
"hindi mo kayang ano?... hindi mo kayang kalimutan siya? ganun ba? Ha? Sumagot ka!" hindi ko na napigilan napasigaw na ako
hindi siya sumasagot iyak na rin siya ng iyak...
"tutulungan kita, tutulungan kitang makalimutan siya, hindi ko alam kung anung nangyari sa inyo pero tutulungan kita. Pero kailangan mo din akong hayaan... hayaan mong mahalin kita..." mahinahon kong sabi sa kanya
hindi parin siya sumasagot, kaya naman... niyakap ko siya ng mahigpit, at binulong ko sa kanya
"Cindy, push me away... kung....kung talagang hindi mo gusto, kung talagang kahit konti hindi mo ko kayang mahalin then push me... push me away, I promise you, you will never see me again....." malambing kong sabi sa kanya
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa niya kasi hindi niya ako tinulak, she hugged me instead, nakayakap lang kaming dalawa sa isa't isa. Ang totoo ito ang gusto kong mangyari. Ang yakapin niya rin ako ang hayaang niyang mahalin ko siya. Hanggang sa maya-maya konti hinalikan ko siya, I kissed her gently then she kissed me back, we're kissing pasionately. It's like we sealed everything in that kiss.
And the rest of what happen that night I'll leave it to your imagination.