Ilang linggo narin akong di sumasama sa barda, palagi nalang akong nagbibigay ng excuse na may gagawin ako. Kailangan kong magresearch at kung ano-ano pa... hindi naman sila masyadong nagrereact, parang hinahayaan nalang nila ako. Lalo na si Myles, last friday kasi nakita niya akong papunta sa FA building, kaya wala akong choice kung hindi sabihin sa kanya... tumango lang siya at siya na mismo nagsabi na pagtatakpan niya daw muna ako. Si Migs naman kapag nagpapaalam ako titingin lang siya tapos mag-nod sakin weird noh, dati siya yung unang unang nagrereact ngayon parang wala lang.... hmmm... somethings fishy....
Nasa library ako ng FA building inaantay ko si Cindy dumating, nagbasa basa muna ako habang nagaantay. Nakaupo ako sa sulok, tabi ng pader pero may bintana dito kasi kami palagi nakaupo ni Cindy. Oo madalas na kaming magkasama ngayon pero wala pang title yung relasyon namin, tumatawa na siya, pero pag hindi niya ako kasama nakikita ko siyang nakatulala lang at parang paiyak nanaman. Hindi ko naman tinatanung yung dahilan, gusto ko magkusa siyang mag sabi sa akin.
Around 11:00 o'clock na siya dumating, nakangiti naman siya nung nakita ko siya. Sorry daw kasi may meeting daw sa klase nila para sa school festival. Oo nga pala malapit na school festival, one week din yun at kailangan ko na ding tumulong sa classmates ko, pano ko kaya pagsasabayin yung school activities at siya?
Sabi niya punta daw kami sa rooftop, dun nalang daw kami kumain para may privacy. Oo may rooftop ang school namin at oo wala masyadong pumupunta dun kasi wala masyadong nakakaalam nun. Actually kahit ako hindi ko alam na may rooftop pala school namin si Cindy lang nagsabi sakin nun.
Hindi na ako nakapasok ng last 2 subjects ko, nakatambay lang kami ni Cindy sa rooftop. Nakapatong yung ulo niya sa lap ko, ako naman nakasandal sa pader. Ganun lang kami, nagkwekwentuhan hanggang sa makatulog kami pareho. Pag gising ko medyo madilim na, pagtingin ko sa relo ko malapit na pala mag 6pm. Tumingin ako sa lap ko, nakahiga pa din siya sa lap ko natutulog... tinititigan ko lang siya, ang ganda niya talaga.... para siyang isang Godess sa ganda niya. Habang pinagmamasdan ko siya, nakita kong may luhang tumulo sa mga mata niya. Umiiyak naman siya, kahit sa pag tulog umiiyak parin siya. Pinunasan ko yung luha sa mga mata niya... hindi ko mapigilan ang sarili ko, hinalikan ko siya sa labi nagising siya sa ginawa ko pero ang nakakagulat hinayaan niya lang ako na halikan siya kaya naman tuluyan ko na siyang hinalikan isang sweet kiss....