Maingay. Magulo. Halos hindi na kami pare pareho makagalaw, yung ilan sa mga kasama ko nakahiga na sa lupa at naliligo na sa sariling dugo, yung iba hindi na makatayo sa sobrang pagod, samantalang ako pagod na nakayuko habang nakapatong sa isang binti ang braso at malalim ang bawat paghinga. Hindi ko na din malinaw na nakikita ang paligid ko dahil sa dugo at pawis na nagsamang dumadaloy sa buong mukha ko. Masakit ang katawan ko halos wala na akong ibang maramdaman kundi yun pero hindi ako pwedeng sumuko dito, hindi pwedeng dito na lang matatapos ang lahat ng 'to at hindi pwedeng maulit ulit ang nakaraan kailangan namin makauwi ng kompleto
"Ano?! Hanggang dito na lang ba kayo?! Hindi pwedeng sa ganito lang matatapos ang dalawang taon na pag paplano namin para dito!? Tayo!" Malakas na sigaw ng pamilyar na boses mula sa harapan ko
Hirap man pero pinilit kong tumayo kahit ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Dahan dahan kong ingat ang ulo ko para matitigan ang lalakeng dahilan kung bakit andito kami. Kung bakit nasa hukay ang isang paa naming lahat
"Kailan mo ba matatanggap na tapos na 'to! Tumigil ka na dahil walang mananalo sa atin dito" Hirap na hirap man pero nagawa ko paring isigaw yan sa kanya
Naging matunog ang malakas niyang tawa na halos mag echo sa buong lugar. Nakakarindi sa totoo lang
"Sino bang nagsabi sayo na gusto kong manalo?! Ulol! Ang gusto ko lang ay maramdaman niyong lahat ang empyernong naramdaman ko dahil sa inyong lahat!"
*BANG! BANG! BANG! BANG! *
Halos mapayuko at mapapikit ako sa sunod sunod na putok galing sa baril na hawak niya, kung may gusto man siyang patamaan hindi ko alam at hindi ko din alam kung may tinamaan din ba sa mga kasama ko dahil hindi ko na talaga kayang lumingon para tignan sila isa isa
"Hindi niyo alam kung ano ang pinagdaanan ko dahil sa nangyare! Hindi niyo alam kung anong sakit ang naramdaman ko dahil sa inyong lahat! Kaya gusto kong maramdaman niyo yun sa paraan kung paano niyo yun pinaramdaman sa akin!"
Nanlaki ang mata ko kasunod ng malakas na pagsigaw ng mga kasama ko parang biglang naging slow motion ang bawat pag galaw niya sa harap ko at ang sunod na nangyare ay ang pag echo ng malakas na putok ng baril na hawak hawak niya
Biglang tumigil ang mundo ko. Bumilis ang pintig ng puso ko. Alam kong nagsisimula na naman gumalaw ang mga tao sa paligid ko pero hindi ako makagalaw. Alam kong tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi ko magawang sumagot. Unti unti napaluhod ako sa lupa kasabay ng pagbagsak ng dalawang kamay ko. Ramdam ko ang mainit na likidong bumabagsak mula sa mga mata ko
"The end" Rinig kong bulong niya mismo sa mga tenga ko halos hindi ko na namalayan ang pag lapit niya sa akin pero hindi ko na magawang makagalaw
Kung maibabalik ko lang ang lahat mula sa simula. Kung maibabalik ko lang ang lahat. Kung pwede lang. Kung kaya ko lang. Hindi ko hahayaan na maging ganito ang lahat