Klod
Nagtataka kong sinundan ng tingin yung humaharurot nilang mga sasakyan hanggang sa hindi na sila matanaw ng tingin ko
Reckless drivers
Akala ko sasagasaan na niya kami kanina kaya halos sabay sabay kaming napagilid ng bigla siyang bumisina at saka halos paliparin yung motor na sinasakyan niya
Kung hindi lang mahaba ang buhok niya at wala lang korte ang katawan niya na hindi naman masyadong kita sa loose niyang t- shirt mapagkakamalan ko siyang lalake e. Tch! Kung sumuntok akala mo lalake. Kung tumingin akala mo siga sa kanto. Kung kumilos wala man lang ka grace grace eh! Balasubas gumalaw. Maganda nga wala man lang class. Ekis!
"Ano di pa ba tayo uuwi?" Tanong ko sa mga kaibigan kong nakatingin sa kawalan
Mga hindi maka move on!
"Yun! Yun yung mga babaeng sinasabi ko sa inyo!?" Energetic na sabi ni Calix halos tumalon pa siya habang nakaturo sa daan na dinaanan ng mga sasakyan nila
Kumunot ang noo ko sa kanya at tatawa tawa naman siyang lumapit sa akin saka ako inakbayan
"Ganung babae yung dream girl ko mga erp! Yung mas lalake pa sa akin kumilos" Nakangisi pang dagdag ni Calix
"Ganung babae yung trip mo? Yung tipong mas malakas pa sayo sumuntok? Baka pag napaaway kayo siya magtanggol sayo e" Nakangiwing sagot naman ni Yuki
"That's the point sa mapanahon ngayon bihira na lang yung ganung babae no karamihan kasi ngayon feeling nila sila yung damsel in distress na kailangan iligtas palagi" Sabi naman ni Calix
Hindi ako sumasagot o nag re react sa pinag uusapan nila kasi kanina ramdam ko yung sinasabi ni Calix impossibleng hindi ka mamangha sa ganung klaseng babae pero hindi parin ako yung tipo ng lalake na magkakagusto sa babaeng mas lalake pa kung kumilos sa akin
Saglit nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin apat hanggang sa basagin ng sarcastic na tawa ni Xyzel. Tinignan niya kami na at bakas ang hindi makapaniwala sa tingin at ngiti niya
"That bitch called me asshole" Bulong na sabi ni Xyzel sa sarili pero rinig namin habang nakatingala sa mga puno na tumatakip sa sinag ng araw
"Yeah bro, she called you asshole not once but twice with feelings pa!" Biro ni Yuki at inakbayan niya si Xyzel habang tumatawa ng malakas
Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mahawa sa tawa ng mokong!
"Bakit ba nagalit sayo yun anong ginawa mo?" Natatawa ding tanong ni Calix
"Aside from saving her!? I don't fucking know!? That girl has a serious mental problem!?" Inis na singhal ni Xyzel na mas lalong kinalakas ng tawa nung dalawa
"Pucha bro biruin mo yun ganyan din ang tingin namin sayo e " Tinignan ni Yuki si Xyzel habang nanlalaki ang mga mata niya at tumango tango pa
"So? Your point is?" Tanong ni Xyzel sa kanya habang unti unti sumasama ang tingin sa kanya
Bago pa man tuluyang makalapit si Xyzel sa kanya mabilis na siyang tumakbo palayo dito habang patuloy parin ang pagtawa.
"Where are you going?" Galit na tanong ni Xyzel sa kanya na panay naman ang lakad papalapit sa kanya
Kahit na anong habol ni Xyzel hindi niya maabutan si Yuki naiiwasan niya ang panghuhuli sa kanya kaya mas lalong nangibabaw sa buong paligid yung malakas niyang tawa samantalang inis na inis naman ang mukha ni Xyzel
Panay ang habulan ng dalawa habang kami ni Calix tumatawang pinapanuod lang sila
"Xyzel alam mo masyado kang seryoso bawasan mo yan. Ano ka ba wag mo kong habulin!?" Singhal ni Yuki at mabilis na nagtago sa likod ni Calix
Tatawa tawa namang tinulak ni Calix si Yuki papunta kay Xyzel na kinagulat niya. Mabilis siyang hinawakan ni Xyzel sa polo niyang suot kaya wala siyang nagawa kundi ang itaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na siya
"Xyzel ano ka ba joke lang yun wag kang masyadong seryoso" Pilit na ngiti at tawang pang aamo ni Yuki kay Xyzel para tigilan siya
"Eh kung ako naman ang mag biro sayo sasaktan lang kita tapos tignan natin kung matuwa ka" Sagot ni Xyzel sa kanya habang dahan dahang lumalapit sa kanya
"Xyzel naman e mag kaibigan tayo diba"
"Marunong akong tumalo ng kaibigan"
"Erp naman! Ano ka ba naman!?" maktol ni Yuki
"Magtago ka na" Pagbabanta ni Xyzel sa kanya
Napatayo ako ng maayos ng bigla naman siyang tumakbo papunta sa akin at parang batang yumakap mula sa likod ko
"Papatayin ako ni Xyzel!? Klod! Pigilan mo siya!" Nagmamaktol na sabi ni Yuki
"Para kang tanga! Umalis ka dyan ano ka ba!?" Inis kong pilit na inaalis sa bewang ko yung pagkakakapit niya
"Ayaw kong umalis dito!? Dito lang ako!?" Padabog niyang maktol sa likod ko
"Tabi dyan! Ano ba mamaya isipin nila bakla ka!?" Dagdag ko pa
"Ayos lang basta buhay ako!?"
Napailing na lang ako at napabuga ng hangin sa kakulitan ni Yuki
"Tch!" Umiiling na sabi ni Xyzel at pinasok sa bulsa ang parehong kamay
"Tama na yan Yuki nasusura ako sa itsura mo dyan" Natatawang sabi naman ni Calix at inakbayan si Xyzel
"Tara na uwi na tayo" Natatawang aya ko kay Yuki
Tatawa tawa kaming tatlo na naglakad pabalik sa parking lot habang nakanguso naman si Yuki. Palagi namang bunso ang talo sa asaran
*ONE WEEK AFTER*
First day of school. At ito yung isa sa pinaka boring na araw mabuti na lang maaga nagpauwi yung adviser namin at hindi ko na kailangan magbilang ng tupa sa classroom
"So saan tayo maaga pa naman" Tanong ni Yuki sa amin pagdating namin sa parking
"Parang gusto kong mag chill sa Dark temple" Nakangiting sagot ni Calix
Dark Temple ang pinaka sikat na Bistro Bar dito sa buong Bulacan lalo na sa district namin. Sikat ang Dark Temple dahil halos lahat ng customers nila ay mga estudyante galing sa mga prestigious schools and colleges. Dark temple is not just a bar but they also provide good and mouth watering food
"Good idea!? Tara na namimiss ko na din dun saka para libreng food" Masigla namang sang ayon ni Yuki
"Sa dami ng pera mo umaasa ka pa sa libre?" Masunget na sabat naman ni Xyzel bago siya lagpasan at pumunta sa kotse niya
Nasa may unahan ng main building ang parking lot kaya naman paglabas pa lang nasa parking ka na mas maganda na yun para hindi mainit maglakad at hindi mahirap pag maulan.
St. John College is a school for students who came from a wealthy and well known family dahil tuition fee pa lang na halos isang milyon na alam mo ng may sinasabi sa buhay ang pamilya ng mga estudyante dito at hindi basta bastang school ang SJC dahil hindi lang pera ang kailangan mo para makapasok at makapag aral ka sa school na 'to kailangan mo ng utak at talino. Entrance exam pa lang nila pag hindi mo napasa kahit na kaya mong magbayad hindi ka tatanggapin dito. Kaya hindi lang puro yabang at pera ang meron ang bawat isang estudyante dito dahil kaya nilang makipag sabayan sa ibang school pagdating sa academic, sports at kung anu ano pa
*BRRRROOOOOMMMM*
Naagaw ng isang malakas na tunog galing sa makina ng sasakyan ang atensyon naming lahat na andun sa parking lot. Lahat kami napahinto sa paglalakad, pakikipag kwentuhan at sa kung ano pa mang ginagawa namin, lahat kami nakatingin lang sa may malaking gate ng school at inaabangan ang pagpasok ng sasakyan.
Awtomatikong Kumunot ang noo ko ng makita kong pumasok sa school gate ang dalawang pamilyar na sasakyan. Nasa unahan ang purong itim na Ducati Desmosedici D16RR NCR M16 at kasunod ang grey na Aston Martin Valkyrie sports car
Anong ginagawa nila dito?
Napasinghal pa ako at napatakip sa ilong ko ng kumalat sa hangin yung buhangin at usok dahil sa pagkakahinto ng motor sa harap ko mismo.Masama lang ang tingin ko sa kanya habang inaayos niya yung stand ng motor niya bago patayin yung makina ng motor niya
Tch! naka skirt tapos nakasakay sa motor! sa tingin niya ba kinaganda niya yan! kaurat!
"Uy! Chix!" Rinig kong bulungan ng mga school mates ko habang nakatingin sa kanya
Sumama lalo ang tingin ko sa kanya dahil kahit na hindi ko nakikita ang mga mata niya dahil natatakpan ng helmet pakiramdam ko nasa akin din ang tingin niya at hindi ko yun nagugustuhan! ayaw ko ng tinititigan ako ng hindi ko gusto!
Mas lalong lumakas ang bulungan at nagsigawan pa ang mga tao sa paligid ng bumaba na sa kotse yung tatlong sakay nun. At hindi ko maitatanggi na ang layo ng itsura nila ngayon kumpara sa itsura nila nung una ko silang nakita. Hindi ko alam kung nakadagdag ba sa appeal nila yung school uniform nila o ano pero iba talaga kahit sinong lalake mapapahinto at tititigan sila
"Tch!" Napalingon ako sa pagsinghal na yun at para akong nakakita ng multo nung magtama ang paningin namiin
Ayaw ko man aminin pero ang ganda ganda niya ngayon with her school uniform, no make up beauty face, long black hair at yung natural na nagsusumigaw na kaangasan sa kanya. Alam kong mali pero hindi ko magawang alisin sa kanya yung paningin ko ang hirap gawin kahit na gustuhin ko
"Uy, laway mo" Napaigtad ako ng bigla akong sikuhin ni Calix na nakatayo na pala sa tabi ko at nakangiti ng nakakaloko
"Tch! Sa susunod na tititigan mo ko ng ganun katagal maniningil na ako" Sarkastikong sabi naman nung babae na nakalimutan ko ang pangalan
Napangiwi pa ako ng palobohin niya yung chewing gum na nginunguya niya at saka parang lalake na pinalobo yun at pinaputok bago nguyain
Parang siga lang sa kanto ah!
"Shit! Ang gaganda pre!" Biglang sigawan ng mga school mates ko na akala mo ngayon lang nakakita ng babae sa buong buhay nila
"Mga taga St. Catherine University pala brad! Kaya bigtime yung mga sasakyan e!?"
Bigtime talaga pangarap kong kotse yan e (-__-)
"Sana kahit isa sa kanila maging girlfriend ko!"
"Mayaman na maganda pa complete package tol!"
Nakita ko kung paano kumunot yung noo niya at napaiwas ng tingin malayo sa mga lalakeng nag uusap usap di kalayuan sa amin. Malaya kong nasusubaybayan ang pagbabago ng facial expression niya dahil hinahangin yung buhok niya paalis sa mukha niya
"Baka magkautang ka niyan sa kanya kanina ka pa nakatitig" Bulong na naman ni Calix mabilis kong sinamaan ng tingin pero tinaas baba niya lang yung kilay niya na para bang nang aasar
"Manahimik ka ulol!" Inis kong singhal sa kanya pagkatapos ko siyang batukan
"Ouch! Brutal ka!?" Reklamo niya habang hinihimas yung batok niya
"Saan ko sila makikita?" Biglang nangibabaw ang maangas na boses ng babae
Pagtingin ko sa kaliwa ko nakita ko si Xyzel at yung isang babae na masama ang tingin sa isa't isa. Siya yung babaeng tumawag na asshole kay Xyzel
"Saan sila nag aaral" Tanong ulit nung babae
Tumaas ang kilay ni Xyzel at tinignan niya mula ulo hanggang paa yung babae. Sa pagkakakilala ko sa kaibigan kong yan allergy yan sa babae kaya walang ibang babae ang nakakadikit sa kanya ng ganyan
Nagtitigan lang yung dalawa ng bumalik sa taas ang tingin ni Xyzel habang kami nakatingin lang din sa kanila. Ngumisi si Xyzel pagkatapos ng ilang Segundo at pinag krus ang dalawang braso bago sumandal sa pinto ng kotse niya
"Who the hell are you talking about?" Masunget at seryosong tanong ni Xyzel sa kanya ng hindi man lang natinag sa pagtitig sa kanya
"That frog face!" Singhal nung babae sa kanya dahilan para bahagyang magulat si Xyzel
Pareho naming hindi inaasahan na sisinghalan siya ng babae sa mismong harap niya na para bang inip na inip na sa kakaantay ng sagot sa tanong niya
"Sila Anthony ba hanap niyo?" Tanong naman ni Yuki
"Yeah" Matipid na sagot niya kay Yuki pero na kay Xyzel ang masamang tingin niya
"Taga St. Matthew College sila" Wala sa sarili kong naisagot
"Tch!" Awtomatiko akong napatingin sa kanya ulit ng marinig ko siyang sarkastikong napasinghal ulit
Nakatingin lang siya sa akin ng nakakaloko bago ngumisi at umiling ng ilang beses na para bang may sinabi akong hindi maganda
"Sabing wag mo kong titigan e. Walang magbabago sa mukha ko kahit buong araw mo pa ako titigan" Mahinahon yung pag kaka sabi niya pero ramdam na ramdam ko ang pagiging sarkastiko nun
Gusto kong mainis sa sinabi niya dahil pakiramdam ko iniinsulto niya ako pero hindi ko magawang mag react. I tried to open my mouth to say something pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kaya napatingin na lang ako sa ibang direksyon habang kagat ang ibabang labi ko
Damn it!
"Tara na Ace may lakad pa tayo" Basag sa katahimikan ng isang cute na boses hindi ko nakita kung sino yung nagsalita dahil hindi ko magawang lumingon
"Xyzel stop it" Rinig kong singhal ni Yuki kaya naman napatingin ako agad sa pwesto nila
Nakita ko si Xyzel na nakikipagtitigan ng masama dun sa babae. Parehi silang hindi natitinag sa titigan nila ng masama na para bang mamamatay ang unang bumitaw sa titigan nila
"I have something to tell you" Seryosong basag nung babae sa katahimikan
"Wooohhhh" Hindi makapaniwalang ungol ng lahat na nanunuod sa amin ngayon
(0__0)
Hindi kami nakapag react agad lalo na si Xyzel ng bigla siyang suntukin ng malakas nung Ace dahilan para mapatumba siya sa lupa dahil sa lakas ng suntok sa kanya
"Hilingin mong ito na ang huling pagkikita natin dahil sa susunod baka hindi ako magsawang saktan ka hanggang sa makalimutan ko yung ginawa mo sa akin" Mariin na banta nung Ace sa kanya
Ano bang ginawa nitong mokong na 'to sa babaeng 'to at nagpupuyos sa galit?
Mabilis kaming kumilos para lapitan si Xyzel at itayo na hawak ang labi niyang pumutok dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya
"Ano bang problema niyo!?" Singhal ko pero hindi ko alam kung bakit sa kanya ako napatingin na para bang siya yung sinisisi ko sa nangyare
"Wala kaming issue sa inyo siya lang" Nakangiwi niyang sagot sa akin at tinuro yung babaeng sumuntok kay Xyzel
"What the fuck is wrong with you!?" Singhal ni Xyzel na agad naman naming pinigilan bago pa man siya makalapit dun sa babae
"Tara na Ace nagugutom na ako" Nakangusong reklamo nung pinaka maliit sa kanila
"Hilahin niyo na yan tara na" Umiiling na sabi niya sa mga kasama niya at saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa
"Ano!?" Singhal ko sa kanya
Umiling siya sa akin at saka maangas na sumaludo bago tumalikod at naglakad papunta sa motor niya
"Ace tara na nagugutom na ako" Nagmamaktol na reklamo nung pinaka maliit sa kanila
"Grabe tiyan mo talaga una mong inisip Xan baka nakakalimutan niyo tumakas lang tayo sa school tara na bago pa nilang mahalata na wala tayo dun" Sabi naman nung pinaka payat sa kanila
"Una na ako Aki, kita kita na lang tayo sa school" Walang ganang tawag niya sa atensyon ng mga kasama bago isuot yung helmet niya at buhayin yung makina ng motor niya
"Sa back gate ka dumaan Sky ah!?" Pahabol na sabi nung payat sa kanila
Bumusina lang siya bilang sagot bago mabilis na iikot yung motor at paandarin paalis. Napatakip naman kami ng ilong dahil sa usok at alikabok na nagsama sa hangin pagalis niya
Gangster ah (--_")
"Tara na" Aya nung Ace sa mga kasama bago maglakad papunta sa kotse niya
"Hey you! what the fuck is wrong with you!" Sigaw ni Xyzel dahilan para matigilan siya sa paglalakad
Tinignan niya ulit si Xyzel na sa sobrang lalim nun para bang hinahalukay na niya ang buong pagkatao at kaluluwa nito. Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa kanya
"I'm Ace not 'you' asshole" Seryoso niyang sagot kay Xyzel
"Don't dare to call me that again" Banta ni Xyzel sa kanya pero ngumisi lang siya ng nakakaloko na para bang sinasabi niyang hindi siya natatakot
"Ace! tara na kasi!?" Singhal nung Xan bago pumasok sa kotse kasunod nung Aki
Iniwanan niya pa ng isang matalim na tingin si Xyzel bago tumalikod at naglakad papunta sa kotse niya. Yung kotse niyang may malaking damage nung huli kong nakita pero ngayon akala mo bago na ulit
Pinanuod lang namin kung paano mag drift yung kotse niya hindi ko alam kung sadya ba niya yun dahil talagang napuno ng usok at alikabok yung paligid na sa sobrang kapal hindi na namin makita nag paligid
"Damn it!" Singhal ni Xyzel
Naiwan kaming nakatingin sa gate kung saan sila dumaan kahit na wala naman na sila dun