Chereads / Metanoia / Chapter 7 - Chapter Five

Chapter 7 - Chapter Five

CALIX

Napailing ako ng tuluyang mawala sa paningin ko yung kotse na sinasakyan nila. Pambihira ano bang nangyayare? Pagtingin ko sa gilid nakita ko ang seryosong mukha ni Klod nakakunot yung noo niya at alam mong maraming tumatakbo sa isip niya. Ngumiti ako ng napaka lawak saka ko siya inakbayan na sobrang kinagulat niya

Kaibigan mo ko kaya kilala kita mokong!

"Ano ba ang bigat mo!?" Reklamo niya pagkatapos niyang tanggalin yung pagkakaakbay ko sa kanya

"Yung mga tinginan mo ah" Pang aasar na bulong ko sa kanya at nanlaki ang singkit niyang mata sa sinabi ko

Mag de deny pa yan oh!

"Anong pinagsasabi mo dyan?!" Mariin niyang reklamo kaya mas lalong naging makahulugan ang tingin at ngiti ko sa kanya

Oh diba deny pa more!

Imagine yung itsura ni Spongebob ng nahuli niyang may tinatagong kruby patty sa likod niya si Squidward? ganun ang itsura ko habang nakatingin sa kanya 

"Pucha! Wag mo kong tignan ng ganyan sasamain ka sa akin" Pagbabanta niya sa akin kasabay ng pamumula ng leeg niya

Huli! Pero di ka kulong!

"Kung ano man yang tumatakbo dyan sa isip mo tigilan mo ah" Mariin niyang singhal sa akin habang nakaturo pa ang pointing finger niya sa akin

Ngumiti ako ng mas malawak at nagkibit balikat bago ako tumingin kay Xyzel na panay pa rin ang mura habang pinupunasan ang labi niyang dumudugo

Sobrang solid yung pagkakasapak sa kanya nung babae kanina. Taas dalawang paa niya e

"Ano ba kasing ginawa mo dun sa isang yun at abot langit ata ang galit sayo?" Inis na tanong ni Klod kay Xyzel pagtapos niya akong tignan ng masama ay naglakad siya papalapit kay Xyzel

Pikon! (^_^)

"I don't fucking know!" Galit na sigaw ni Xyzel sa kanya kaya napa singhal siya sa gilid niya at napahawak sa batok

"Ayos ka lang ba?" Kunot noong tanong niya ulit

Lalong kumunot ang noo ni Xyzel at sa inis niya pinagsisipa niya yung gulong ng kotse niya. Pati din ako nagtataka kung ano ba ang ginawa ni Xyzel dun sa babaeng yun at para naman atang sobrang lalim ng galit niya sa kaibigan ko samantalang nung nakaraan linggo lang naman kami nagkita ng hindi sinasadya sa buong pangyayareng yun wala kaming nakitang dahilan para magalit siya ng ganito?

"Do I look like I'm okay?! Fuck! That woman hit me really hard!" Inis na reklamo ni Xyzel

Oo sobrang hard talaga nung suntok niya sayo napahiga ka e (-__-) partida mas matangkad ka pa sa kanya niyan ah

"Kung wala kang ginawa sa kanya ano naman kaya ang kinagagalit niya sayo?" Naguguluhan kong tanong habang nakahawak sa chin ko at parang nag iisip ng malalim

"I don't fucking know! That girl is crazy!" Sigaw niya dahilan para magulat kaming tatlo

Galit talaga siya. Halos mamula na yung buong mukha niya sa galit

"Tingin ko si Anthoy talaga ang kailangan niya?" Mahinahong sagot ni Yuki na para bang yun ang sagot sa lahat ng tanong namin

"Sabagay baka nga si Anthony talaga ang hanap nagkataon lang na ikaw ang nakita dito at naalala yung ginawa mo sa kanya" Tumatango tango kong sagot sa kanya

"Wala akong ginawa sa kanya! Damn it!" Inis na sagot sa akin ni Xyzel

"Fine edi wala kumalma ka lang" Taas kamay na sabi ko at sinamaan lang niya ako ng tingin bago nagmamadaling buksan yung kotse niya

"Oh! ano yan saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Yuki bago siya makapasok sa kotse niya

"I'll gonna find that dumbass! I'll surely kill the hell out of his fucking body!"

Pagkatapos niyang sabihin yun walang lingon lingon siyang pumasok sa kotse niya at mabilis na binuksan yung makina bago mabilis na patakbuhin paalis

"Sira ulo yun ah! iniwan ba naman tayo" Hindi makapaniwalang sabi ko habang nakatingin parin sa kotse ni Xyzel na papalabas na ng school gate

"Ano titingin ka na lang ba dyan?" napatingin naman ako agad kay Klod ng isigaw niya yan sa akin

Pareho na silang nakasakay ni Yuki sa mga kotse nila at inaantay na lang nila ako

"Ulol! Bilisan mo!" Sigaw niya ulit bago niya ako businahan at patakbuhin ng mabilis yung kotse para mahabol yung kotse ni Xyzel

Napailing  na lang ako bago sumakay sa kotse at mabilis na hinabol yung mga sasakyan nila

Tch! Sa aming apat ako na lang talaga ang natitirang matino at mabait e (_ _') si Xyzel daig pa ang babaeng menopause sa sobrang kasungitan, si Klod naman napaka ikli ng pasensya, si Yuki isip bata pero napaka babaero tapos ako ito chill chill lang sa buhay (^_^)

Maniniwala ba kayo na magkakasama na kaming apat simula pa lang nursery kami? Syempre maniniwala kayo kasi wala naman kayong choice diba? Classmates kami mula pa noon hanggang ngayon (^__^) solid namin no? Ewan ko ba di ata kami mabubuhay ng hindi magkakasama. Well! Kung paano kami naging magkakaibigan? Ganito kasi yun ang una talagang naging magkaibigan ay si Klod at Xyzel paano noon kasi palaging binubully si Klod ng ibang bata napaka iyakin niya kasi tapos gusto niya palaging mag isa habang si Xyzel naman mula pa noon masunget na at talagang malakas ang loob siya ang naging nakapag tanggol ni Klod noon mula sa ibang bata na nang bubully sa kanya tapos si Yuki naman transfer student galing sa Japan pero ewan ko ba likas na ata talaga ang pagiging bubbly at makulet sa kanya kaya ang una niyang kinaibigan nun at napiling kulitin ay yung tahimik at palaging mag isa na si Klod mula noon palagi na silang magkakasama nagsimula ng tumawa si Klod at nakikipaglaro na rin siya sa ibang bata pero mas madalas nga lang na si Yuki at Xyzel ang kasama niya. Kung paano ako napasama sa kanila? Simple lang nung minsan na pauwi na ako naabutan ko sila sa school ground nakikipag away sa ibang bata syempre dahil classmate ko sila tinulungan ko sila. Kinabukasan sabay sabay pinatawag sa principal office ang mga magulang namin at pinarusahan kami. Pagkatapos noon alam kong magagalit sa akin ang lolo ko dahil una at higit sa lahat para sa kanya ang pangalan na dinadala ko ayaw niyang gumawa ako ng kahit na anong ikakasira ng pangalan niya kaya naging ilang ako sa ibang bata hindi ako sumasama sa kanila at kung kanino dahil sa takot kong baka makagawa ako ng bagay na ikakagalit ni lolo. Pagkatapos makausap ng principal si lolo nun nakita nilang tatlo kung paano ako pagalitan, saktan at sigawan ni lolo sobrang hiya ko nun sa kanila dahil nakikita nila pero wala akong magawa kundi ang umiyak at ang yumuko lang akala ko noon hahayaan lang nila ako sa sitwasyon an yun katulad ng ibang bata na naging kalaro ko na iniwasan ako pagkatapos nilang makita si lolo pero nagkamali ako dahil ibang silang tatlo. Humarang sila sa harap ni lolo at pinagtanggol ako hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun kahit na mga bata pa lang kami lalo na yung sinabi ni Yuki na "If you don't love him we will bring him home and we will take care of him?" sa murang edad namin nun nakita ko sa kanila ang pagmamahal na hindi ko kailan man nakita sa sarili kong pamilya at mula nun hindi na kami mapaghiwalay. Nahanap namin ang pamilya at pagmamahal sa isa't isa. We accept each other flaws and perfection nagkaroon man kami ng bago at ibang kaibigan kami parin ang magkakasama sa huli tama man o mali.

Sa sobra kong pag iisip hindi ko na namalayan na nasa St. Matthew College na pala kami at hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan ko nakita ko na agad yung apat na babae mga nakatayo sa harap ng sasakyan nila. Inaasahan ko din naman na pupunta sila dito pero bakit parang nagulat pa ako.

Pagbaba ko ng sasakyan nagtama agad ang paningin namin nung payat na babaae pero parang Jollibee yung pisngi don't get me wrong maganda silang apat pero siya talaga yung pinaka cute para sa akin dahil parang ang sarap sarap kurutin ng pisngi niya at again don't get me wrong siguro crush ko siya pero dahil lang sa cute siya para sa akin nothing more. Single ako pero taken by heart

Tumango siya sa akin ng hindi ko maalis sa kanya yung tingin ko at saka siya ngumiti ng tipid bago binalik yung tingin sa kasama niyang maliit. Sa tingin ko silang dalawa nung maliit yung mabait tapos yung dalawa yung masunget

Okay ang judgy ko sa part na yan

Pagtingin ko sa mga kaibigan ko pare pareho silang nakatingin lang din sa school gate ng SMC habang nakasandal sa mga saskayan nila. Mukhang parehong tao ang pakay namin dito ah

May mga estudyante din ang napapahinto pag napapatingin sa amin at bakas na bakas ang nagtatanong na tingin nila dahil hindi naman namin ugali ang bumisita sa ibang school. At katulad ng naging reaksyon ng mga school mate ko ng makita sila ganun na ganun din ang reaksyon ng mga taga SMC ng makita sila. Hindi mo din naman sila masisisi dahil takaw atensyon naman talaga sila

"Oh sino ngayon ang nakatitig huh" Mabilis na naagaw ng mapang asar na boses na yun ang tingin ko

Nakita ko ang nakangising mukha ni Klod habang nasa malayo ang tingin

"Yung sa akin walang malisya yung sayo meron kaya tigilan mo ko" natatawa kong sagot sa kanya kaya mabilis niya akong tinignan ng masama

Natatawa ko siyang siniko ng pabiro pero sininghalan lang niya ako

"Hindi ko alam na may bisita pala kami" Sarcastic na sabi ng isang pamilyar na boses dahilan para makuha niya ang atensyon namin 

Nakatayo sa gitna ng kalsada ang grupo nila Michael at Anthony. Mga naka school uniform at mga naka bag. Pag talaga nasa school sila nagiging ibang tao sila tignan tch! pero hindi ko maiwasan ang matawa dahil kitang kita parin ang mga sugat at pasa nila sa katawan at mukha. Mukhang hindi nila inaasahan ang pagdating namin dahil kitang kita sa mga mata nila ang takot lalo na ng mapatingin sila sa apat na babaeng nasa kabilang kalsada mga kalmado lang na nakatayo at parang walang pakialam kung nasan sila ngayon

Fearless hyenas (^__^) na kaka amaze lang talaga sila

"We are not here for you so fuck off" Maangas na sabi nung babaeng sumuntok kay Xyzel kanina na sobrang kinagulat namin

Pinanuod namin kung paano siya naglakad papalapit sa pwesto nila Michael at Anthony. Huminto siya ilang hakbang mula sa kanila at saka niya pinasadahan ng saglit na tingin ang mga lalake sa harap niya bago ngumisi ng nakakaloko

Matapang na babae. Interesting

"Hoy! Baka nakakalimutan mo nasa teritoryo kita babae! At baka nakakalimutan mong may atraso kayo sa amin" Galit na sagot sa kanya ni Michael pero hindi man lang nagbago ang itsura niya at nanatiling nakapako kay Anthony ang tingin niya

"Don't talk to much dahil pag ako narindi sa bibig mo mananahimik ka HABANG BUHAY" Mariin na sabi niya bago niya lingunin si Michael at tignan ng masama

Wiw!? Parang ako ang natakot sa sinabi niya ah!  

"Hoy! Akala mo ba matatakot mo ko!" Nanginginig na singhal ni Michael sa kanya

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangisi dahil sa reaksyon ni Michael na pilit niyang pinapatigas pero hindi niya magawa kusang nanginginig ang boses niya

"Ace, wag mo kasing takutin ang takot baka tumakbo yan sa nanay niya hindi mo masabi ang pakay mo dito" Natatawang pang aasar nung babaeng nakasakay sa motor kanina na tinititigan ni Klod

Ace? Oo naalala ko na yan nga yung pangalan nung babaeng sumuntok kay Xyzel tapos yung babaeng nakamotor naman at tinititigan ni Klod yung pangalan niya ay star? Shine? Bast nag sisimula sa letter S ang pangalan niya wait lang! Don't pressure me! Ano nga ba yun? Hmmm. Ah! Sky! Tama Sky! Ang tinawag sa kanya nung payat na may Jollibee na pisngi at yung pangalan naman niya ay Aki! Oh haa! Naalala ko Aki ang pangalan niya! Tapos yung maliit naman ang tinawag sa kanya ni Aki ay ano nga ba yun? Ang we weird naman kasi ng mga pangalan nila e! Ah! Xan Oo tama yun nga! Oh diba naalala ko kahit na di ako magaling sa pangalan ng tao!

Naging malakas din ang tawanan ng ibang nakarinig sa sinabi niya kaya mas lalong namula si Michael sa galit pero ramdam kong kahit na anong mangyare hindi sila magsisimula ng gulo dahil kung plano niyang gumanti dapat kanina pa nung makita pa lang niya kami dito sa ginawa pa lang namin sa kanila kung okay sila siguradong hindi sila matitigil hanggang hindi sila makakaganti. Matagal na kaming magkakakilala at magkakalaban kaya kabisado na namin ang galawan ng bawat isa

"Tigilan mo yan Sky baka ma provoke yan mag amok na naman" Natatawang dagdag pa ni Aki

"Nang aasar ba yang mga yan o ano" Bulong ni Klod sa akin pero nag kibit balikat lang din ako sa kanya 

"Ano ba talagang pinunta niyong lahat dito at sabay sabay pa kayo huh!?" Inis na singit naman ni Anthony

"Ako andito ako para maningil sayo sila ewan ko" Kibit balikat na sagot ni Ace sa kanya at tinuro niya kami na parang wala lang 

"Anong utang ko sayo!? Ikaw nga tong dapat kong singilin dahil sa pagkakabasag ng ilong ko e!?" Sigaw ni Anthony sa kanya

Kaya pala naka plaster parin yung ilong niya. Ilang beses ba naman siya sinapak dun e ewan ko lang kung mabuo parin yung ilong niya

"Dapat nga magpasalamat ka pa na nabasag lang ang ilong mo eh" Sarcastic na sagot naman ni Ace sa kanya

"Sabihin mo na lang yung kailangan mo sa kanya Ace! Nagwawala na yung tiyan ko sa gutom!" Maktol nung Xan habang nakanguso

Natawa na lang ako dahil magkaugali sila ni Yuki pag nagugutom

"Pag ayaw parin sumama sayo itali mo sa likod ni Light tapos kaladkarin mo hanggang Venom. Kakaurat yung ganyan nasapak lang nagka amnesia na" Masunget na sabi naman ni Aki bago buksan yung pinto sa passenger seat at padabog na sumakay

Mas cute pala siya pag nag su sunget (^_^) 

"I really don't want to wait and waste my time with nonsense people like you pero hindi mo gugustuhin na maubos ang pasensya ko sayo dahil baka hindi lang ilong mo ang mabasag ko" Dagdag pa ni Ace bago siya nito tignan mula ulo hanggang paa na talagang kahit na sino siguro ang tignan niya nun manginginig sa takot

"Tingin mo naman matatakot ako!?" Singhal ni Anthony sa kanya

"Who the fuck told you na tinatakot kita I can do much more than that and I swear I can bring you to hell right now right here" Seryosong sagot ni Ace sa kanya at saka ito humakbang papalapit sa kanila at halos sabay sabay naman silang umatras na parang mga takot na pusa

Para kasi siyang si Xyzel kaya siguro mainit ang ulo nila sa isa't isa dahil pareho sila ng ugali

(--_")

"48 hours. After that pag di mo parin ako pinupuntahan sa Venom si kamatayan na ang susunod mong makikita. Coward" Nakangisi niyang dagdag bago talikuran ang grupo nila Anthony at maglakad pabalik sa driver seat at buksan ang pinto

"Tapos na kami kayo naman. Bye!" Kumakaway na paalam sa amin nung Xan bago siya pumasok sa backseat ng kotse kasunod ni Ace na nun lang tumingin sa amin

Tinignan din kami ni Sky bago sumakay sa motor niya at nagmamadaling umaalis kasunod ng kotse ni Ace. Hindi ko maiwasan ang mapangiti parang gusto ko tuloy silang makilala