ALIXSON
Hard times will always reveal true friends.
Pagkatapos kong itype ang huling linyang yun at masave sa flash drive ko ang file ay pagod akong sumandal sa swivel chair na inuupuan ko at pinikit ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko mas pagod pa ang mga yun keysa sa mga daliri ko na buong magdamag na nag tatype
Ilang segundo akong nanatili sa pwestong yun hanggang sa maramdaman kong medyo okay na ako kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at sakto na tumama ang paningin ko sa screen ng laptop ko kung saan nag fa flash sa screen ang mga pictures namin mula pa nung mga elementary kami hanggang ngayon
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko habang nagpapalit ang mga pictures sa screen. Masaya kaming lahat sa mga kuha namin dun. Ang mga pictures na yan ang isa sa mga natitirang alaala ko sa mga pinagsamahan namin noon. Sinong mag aakala na darating kami sa ganitong punto? Sinong makakapagsabi na mauuwi sa ganito ang lahat? Hindi rin namin inaasahan na sa kabila ng matibay na pundasyon ng samahan namin ay wawasakin kami ng isang pangyayare
"Alixson?!"
Sa gulat ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nagmamadaling pumasok si Sky ay natataranta kong naisara yung laptop ko sa takot na makita niya ang mga pictures na yun kaya napangiwi ako at parang gusto kong mag mura ng malakas dahil naipit yung isa kong daliri
"Dammnit! Hindi ka ba marunong kumatok muna!?" Singhal ko sa kanya
"Nagugutom na ako!?" Nagdadabog niyang maktol sa akin
"What?"
"I'm hungry!"
"I know!? Pero akala ko ba si Ace at Aki ang magluluto ng breakfast anong nangyare?" Taas kilay kong tanong sa kanya
Padabog siyang umupo sa kama at pinahaba ang nguso niya na para bang batang inagawan ng lollipop
"They cook something but I'm not sure if it's edible. I don't even know what kind of food is that or if that's even a food!?" Maktol niya habang pumapadyak pa sa sahig at sumusuntok sa kama. Para siyang batang nagdadabog
Napailing na lang ako at napabuga ng hangin. Wala na talagang pagasa na matututo sila sa gawaing bahay (_ _)
"Fine go down stairs aayusin ko lang 'tong gamit ko" Sabi ko sa kanya at sinimulan ko na ang pag liligpit ng mga gamit ko sa table
"Can you do it faster? Feeling ko mamamatay na ako sa gutom e" Nakanguso niyang tanong sa akin
Tumango lang ako sa kanya at sumenyas na susunod ako. Tinignan niya pa ako ng ilang segundo na para bang sinisigurado kung totoo yung sinasabi ko kaya naman tumaas yung kilay ko at natinag naman siya, ngumuso siya sa akin at sumiring bago padabog na sinara yung pinto na sa sobrang lakas parang hihiwalay na yung mismong pinto sa frame
Pambihira inatake na naman siya
Pag nasa labas siya ng bahay akala mo araw araw may monthly period sa sobrang sunget, mas madalas siyang tahimik keysa magsalita at piling tao lang ang kinakausap pareho sila ni Ace na anti social at introvert pero pag andito sa bahay akala mo mga elementary na may tantrums pag di nakukuha ang gusto at palagi silang may eksena na ganito
Tch! Mga abnormal talaga (--_")
Mabilis kong tinapos ang pagliligpit ko bago pa sila mainip sa pag aantay at balikan pa ako ulit dito para kulitin. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina
Hindi kalakihan ang bahay namin. May second floor ang bahay na 'to at merong apat na kwarto. Isa sa akin, isa kay Eiyden, silang apat naman gusto nila magkakasama sila sa kwarto at yung natitirang kwarto ginawa na lang namin na guess room dahil madalas naman kaming may unexpected guest
Pagdating ko sa kusina naningkit agad ang mga mata ko sa sumalubong sa akin, una kong nakita ang magulo at makalat na kitchen Island,tapos yung kitchen sink halos mapuno na ng mga kung anu anong gamit, pati yung laman ng fridge parang nilabas na nila lahat at nagkalat yung puting powder sa lahat ng gamit sa kitchen
"What the hell happened here!?" Singhal ko kaya gulat silang napatingin sa akin
Sabay sabay din nilang nilibot ang tingin nila sa buong kusina at kitang kita ko sa mga mata nila kung gaano sila kagulat na para bang nun lang nila na realize kung gaano kakalat yun na daig pa ng dinaanan ng bagyo sa gulo
"Want to eat?" Walang ganang aya ni Ace sa akin at saka niya mahinang tinulak papunta sa side ko yung isang platong may laman na kung anong itim na bagay
Napatabingi yung ulo ko habang tinititigan ko yun. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung ano yun. Hugis cupcake pero kulay itim.
Cupcake na charcoal flavor? Malabo sa chocolate flavor e iba yung kulay
"What's that?" Kunot noo kong tanong nung makalapit ako sa kitchen Island
Nakapangalong baba lang si Ace, Sky at Xan nung tignan ko sila saka nagkibit balikat sa akin. Pag tingin ko kay Aki malawak ang ngiti niya habang pinupunasan ang puting powder na nagkalat sa mukha niya hanggang sa buhok niya
Para siyang naligo sa harina!
"What's this?" Tanong ko kay Aki habang nakaturo sa kung anong bagay na nakalagay sa platong inabot ni Ace sa akin
"It's a cupcake!? I made that" Excited na sagot ni Aki at proud na proud siya sa ginawa niyang cupcake daw!
Cupcake? Cupcake na 'to sa paningin niya? Alam kong hindi siya ignorante pagdating sa cupcake! At alam kong alam niyang walang cupcake na ganito ang itsura!
Hindi ko alam kung paano ako mag re react sa harap niya kaya naman napatakip na lang ako sa bibig ko habang umiiling at napatingin sa ibang direksyon
"Cupcake?! You call that cupcake as far as I know cupcake must be fluffy and it should look delicious!?" Asik sa kanya ni Xan
I agree
"How will you know that it's not fluffy nor delicious if you won't try it!?" Singhal na sagot din ni Aki sa kanya
"Look, first it's not fluffy because it's hard as rock" Kumuha si Sky ng isang cupcake at dalawang beses niyang pinokpok sa kitchen table na agad namang tumunog
Wow (-0-) I wonder kung ano ang definition ng fluffy para kay Aki
"And based on its look hindi na ako magtatangkang tikman yan baka mamaya bumula na lang bigla ang bibig ko dito dahil sa food poison" Dagdag pa ni Sky
"Na sobrahan lang siguro ako sa powder na nilagay ko" Nakangusong sagot ni Aki at bagsak ang mga balikat na umupo sa upuan na nasa gilid niya bago gumaya sa mga pinsan niyang nakapangalong baba lahat
"Kung na sobrahan ka edi dapat SOBRANG fluffy niyan hindi ganyang kasing tigas ng bakal" Sarcastic na singhal ni Ace
"Ikaw kaya ang nagtatakal ng powder bakit nagagalit ka?" Singhal naman ni Aki
At nagsisimula na naman sila (_ _')
Napakamot na lang ako sa sintido ko at napabuntong hininga. Pakiramdam ko talaga maaga akong tatanda sa kanila
"Ikaw nagsasabi kung gaano karami ang ilalagay ko!?" Protesta naman ni Ace
"Bakit hindi na lang kayo magsaksakan?" Sarcastic na singit ni Sky sa usapan nila kaya naman tinignan siya ng masama nung dalawa
"Blood in the morning oh c'mon? That's disgusting!?" Maktol naman ni Xan
For christ sake!? Eiyden umuwi ka na!? Bago pa ako matuyuan ng dugo sa kanila!?
"Are you hungry?" Nakapikit na nagpipigil ng inis na tanong ko sa kanila
"Yes!?" Sabay sabay nilang singhal na sagot sa akin
"You want to eat?" Tanong ko ulit
"Of course!?" Asik nilang apat
Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ko silang apat ng masama bago ko tinuro ko yung daan palabas ng kusina
"Get out and give me a fucking peace of mind!?" Utos ko sa kanilang apat ng hindi inaalis ang masamang tingin ko sa kanila
Binigyan ko lang sila ng I'm-dead-serious-look kaya naman padabog silang bumaba sa mga inuupuan nilang stool at pinahaba ang mga nguso habang naglalakad papalabas ng kusina. Sinundan ko naman sila ng tingin hanggang sa makalabas talaga sila
Para akong nagbabantay ng mga 6 years old na bata at hindi 16 year old (-__-)
Bumuga ako ng hangin habang tinitignan ko yung kalat nila sa kusina. I won't be surprise kung isang araw may sasabog na lang na gamit namin dito sa kusina dahil sa kanila (-__-) masyado silang na spoiled nung nasa amerika sila. Sinanay sila ni lola na may gumagawa ng mga bagay bagay para sa kanila kaya lumaki silang ganito. Kung hindi pa sila muntik na makulong dahil sa illegal car racing na sinalihan nila hindi sila papupuntahin dito ni lola para magtino dahil aminin man nila o hindi walang kahit na sino ang kayang mag control sa kanilang apat bukod kay Eiyden. Kung paano niya yun nagagawa? Hindi ko alam.
Pinagsasabay ko ang pag luluto at paglilinis ng kusina dahil ang sakit sa mata nung kalat pakiramdam ko hindi ako makahinga
I love you
You love me
We're a happy family
With a great big hug
And a kiss from me to you
Won't you say you love me too
"Fuck!?" Muntik ko ng mabitawan yung hawak kong baso ng marinig ko yung theme song ng baklang dinosaur na yun!
Seriously! Nanunuod parin sila niyan?! Hanggang ngayon!?
I love you
You love me
We're a happy family
With a great big hug
And a kiss from me to you
Won't you say you love me too
"Jesus Christ!" Nauubusan na pasensya kong bulong habang nakatingin sa taas at nakahawak sa bewang ang dalawang kamay ko
Gusto kong maglagay ng earphone dahil pakiramdam ko magpapaulit ulit sa tenga ko ang kantang yan!? Kaya ayaw ko silang gumigising ng maaga at haharap sa TV dahil paniguradong manunuod sila ng Barney and friends! At kung matutuwa pa sila buong araw nilang kakantahin yan na para bang na LSS sila hanggang sa mahahawa na nila kaming lahat!
Isang virus yang si barney! Isang epedemia na mabilis makahawa!
I love you
You love me
We're a happy family
With a great big hug
And a kiss from me to you
Won't you say you love me too
Napatakip ako ng tenga ko ng malakas silang kumanta para sabayan yung TV.
Jusko!
Agad akong nagisip ng kanta at kinanta yun sa isip ko para lang mawala yung kanta ni barney sa isip ko. Nagsimula akong kumanta sa isip ko na para bang wala akong ibang naririnig
Kinukulayan ang isipan
Pabalik sa nakaraan
'Wag mo ng balikan
Patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip
Sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit
Ang pangalang nakasanayan
Tayo ay pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo
Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
Mabilis akong nakagawa ng sarili kong mundo malayo sa mundo ng baklang dinosaur na yan. Pinagpatuloy ko ang malakas na pagkanta sa isip ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko
*After 1 hour*
Matapos ko malagay sa plato yung niluto kong tocino ay agad ko na silang tinawag para kumain at dahil gutom na sila isang tawag pa lang halos magtakbuhan na sila papasok sa kusina at nag uunahan pang umupo sa stool
"Wow!?" Mangha nilang bulong na para bang sobrang sarap nung mga niluto ko
Tch!
Wala namang espesyal sa niluto ko fried rice, sunny side up, tocino, pancake, at toasted bread lang ang nakahain sa harap nila akala mo naman mouth watering food na talaga at pang five star restaurant na (_--)
"Get your hot chocolate at kumain na tayo" Agaw ko sa atensyon nila pagkatapos kong ilagay sa gitna yung teapot na may lamang hot chocolate bago ako maupo sa bakanteng stool
"Thank you Alixson!?" Masigla nilang pagpapasalamat na para bang mga bata
Napailing na lang ako at sinimulan ko na din maglagay ng pagkain sa plato ko. Masaya naman silang kumuha ng pagkain at parang mga batang enjoy na enjoy sa pagkain nila habang nag tatawanan samantalang kanina nagbabarahan sila
Mga anak ng mag asawang business tycoons ang mga father namin, yes we are all cousins but we treat each other like we are real siblings. Our family has a lot of businesses not just here in the Philippines but around the world. Gumawa ng sariling pangalan ang family namin sa mundo ng business kaya naman hindi kataka takang mula noon hanggang ngayon kasama ang family namin sa richest family in the world according sa forbes magazine. Impossible din na walang makakakilala sa family namin sa mundo ng business kasi sa kahit na anong industry kung hindi kami ang top siguradong isa kami sa may pinakamalaking share or kami ang pinaka main stock holder. But our lola thought us to be humble and down to earth hindi niya kami hinayaan na lumaking iniisip na angat kami sa iba at naging independent kami, walang inaasahang sobra sobrang pera sa mga magulang, if you want something we have to earn or work hard for it, lumaki kaming hindi pinagmamalaki ang status namin sa buhay coz according to our lolo wala kaming karapatan na ipagmalaki ang isang bagay na hindi naman namin pinag hirapan.
Dahil busy sa trabaho ang mga magulang namin at kung saan saang bansa napupunta lumaki kaming anim sa lola at lolo namin. Kahit na madalas wala ang parents namin hindi naman namin naramdaman na may kulang sa buhay namin dahil napunan yun lahat ng lolo at lola namin
Dito kami lahat pinanganak sa Philippines. Ahead kami ng 2 years sa kanilang apat at months naman ang pagitan nila. Eiyden and I are very happy nung dumating silang apat sa buhay namin and we promised na no matter what happen we will protect them for any harm and danger in any cause. But one day isang tragedy ang dumaan sa buhay namin. Isang aksidente na naging dahilan kung bakit kailangan namin pumunta sa amerika, that accident changed our life lalo na ni Sky, they we're just 6 years old that time at kami naman ni Eiyden ay nasa grade 2 na ng masaksihan namin yun. Dahil dun na trauma silang apat at kailangan nilang dumaan sa psychological test at kinailangan nila ng psychiatric help dahil din dun nagkaroon sila ng partial amnesia kung saan nakalimutan nila ang ilan sa mga memories na meron sila hanggang sa pagkatapos nung accident.
When we're in grade 5 Eiyden and I decided na bumalik dito sa Philippines dahil hindi naman talaga kami masaya sa amerika, ayaw kaming payagan ni lola at lolo dahil wala naman kaming makakasama dito sa bansa dahil buong family namin ay naka base na sa amerika pero nagmatigas kaming dalawa hanggang sa mapapayag namin sila in a condition na papatunayan namin sa kanila na kaya namin mabuhay ng kaming dalawa lang in a year. And that is the reason also kaya binili ni lola ang bahay na 'to para sa amin ni Eiyden para daw safe kami. I can still remember kung paano sila umiyak at humabol sa amin nung paalis na kami papuntang airport, gusto nilang sumama pero hindi sila pinayagan ang dahilan ni lola ay babae daw sila at bata pa kami ni Eiyden kaya mahihirapan daw kaming alagaan at bantayan sila. Mahirap man para sa amin na iwan sila dahil yun ang unang pagkakataon na malalayo kaming anim sa isa't isa, pero alam din naman namin na yun ang best para sa kanila
Kaya every year umuuwi kami sa amerika para magbakasyon, umuuwi kami sa tuwing may special occasion, umuuwi kami sa tuwing may program sa school nila na alam naming kailangan andun kami. Parang halos gawin na naming out of town lang ang byahe namin mula amerika dahil ayaw namin ni Eiyden na may ma miss kami kahit isa sa mga important occasion para sa kanila.
Sa pagdaan ng araw, linggo, buwan at taon nagkaroon na kami ni Eiyden ng mga kaibigan at ibang mundo pero kahit na sino sa kanila ay hindi kilala ang mga pinsan namin sa amerika, kagustuhan at desisyon yun ni Eiyden para sa kaligtasan na rin daw nila, may mga nagtatanong sa kanya lalo na pag umuuwi kami ng biglaan sa amerika pero sinisigurado niyang wala silang makukuhang information tungkol sa mga pinsan namin sa mga sinasagot niya at minsan ilag siya lalo na pag tungkol sa pamilya namin ang usapan. I thought that was absurd na ilihim yung tungkol sa kanila sa iba pero naisip kong tama din yung desisyon niya lalo na nung napasali na kami sa kung saan saang gulo dito sa Bulacan
Isang araw nagulat kaming lahat ng bigla na lang silang umuwi dito sa Pilipinas. Hindi nila kami nasabihan kaya hindi kami nakapag handa bigla na lang silang dumating sa school kaya wala ng choice si Eiyden kundi ang magpaliwanag sa mga kaibigan namin sa paglilihim niya tungkol sa mga pinsan namin at maki usap na wala silang sasabihin sa mga pinsan namin tungkol sa kung ano ang naging buhay namin dito sa Pilipinas at ang mga pinagdaanan namin dito. Alam ko namang hindi nila naiintindihan ang paliwanag ni Eiyden pero dahil kaibigan nila siya wala silang choice kundi ang pumayag na lang
Pagkatapos namin kumain ay agad silang nagtulungan para maligpit yung pinagkainan pero hindi na ako susugal na ipagkatiwala sa kanila ang paghuhugas dahil baka bago sila matapos kutsara at tinidor na lang ang maiwang buo sa hinugasan nila
"Ako na ang mag huhugas dyan pumunta na lang kayo sa super market para mamili" Utos ko sa kanilang apat pagkatapos kong uminom ng water
Inilagay ko sa kitchen Island ang list at credit card ko para magamit nila bago ako pumunta sa sink at nag suot ng gloves
"Okay sige saglit lang kami" Nakangiting sabi ni Aki sa akin habang kinakaway sa harap niya yung listahan ng mga bibilhin nila
"Sa super market lang ang daan pagkatapos uuwi na kayo dito. Use my card wisely pag ako nakakita ng kung anu ano sa mga binili niyo gamit ang card ko kakaltukan ko kayo" Mariin kong bilin sa kanila at sabay sabay naman silang tumango sa akin
"Sige na Alixson mag aasikaso lang kami ah!? Tara na!?" Excited na aya ni Xan sa mga pinsan at para silang mga batang pinayagan na maglaro sa labas ng bahay na nagmamadaling lumabas ng kusina at nag unahan sa pag akyat ng hagdan
Hindi ako katulad mo Eiyden. Hindi ko magagawa ang mga nagagawa mo para sa kanila at kung di ko sila hahayaan na lumabas ng bahay panigurado mas lalo silang magtataka sa kung ano ang dahilan ko (_ _)
Bagsak balikat ko na lang sinimulan ang paghuhugas ng plato habang inaalala ang huling pag uusap namin ni Eiyden bago siya umalis