Chereads / Metanoia / Chapter 4 - Chapter Two

Chapter 4 - Chapter Two

Aki

Pagkatapos namin magbihis ay excited kaming nagpaalam kay Alixson na ngayon ay nanunuod na ng balita habang umiinom ng kape at magkakrus ang paa na parang babae

Ang lambot talaga gumalaw neto kaya palaging pinagkakamalan na kalahi ni eba e (-__-)

"Umuwi kayo agad" Pahabol niyang bilin sa amin bago kami tuluyang makalabas ng pinto

Sabay sabay kaming sumagot sa kanya at saka kumaway bago tuluyang isara yung pinto. Pagkalabas namin ng bahay napasinghap pa ako sa simoy ng hangin na para bang napakatagal kong hindi naramdaman. Bakasyon ngayon at ilang araw na lang pasukan na pero mula ng umalis si kuya Eiyden papunta sa amerika ngayon lang kami pinayagan ni Eiyden na lumabas ng bahay na hindi siya kasama o yung mga kaibigan nila. Daig pa namin ang may mga bodyguards pag lumalabas kami ng bahay. Hindi kami sanay sa ganun kasi kahit nung nasa amerika kami kahit na sino at ilang guards pa ang bayaran ni lolo at lola para bantayan kami at samahan kami kahit saan kami magpunta ay natatakasan namin hanggang sa sila na lang din ang sumuko kaya nagtaka kaming apat nung bigla kaming pagbawalan ni Alixson na lumabas ng bahay pag kami kami lang

"Oh paano kita kita na lang tayo sa mall?" Napalingon ako kay Sky nung bigla siyang magsalita

Kasalukuyan na siyang nakasakay sa malaki niyang all black na motor at nag su suot ng helmet

"Hindi naman traffic kaya for sure in less than 10 minutes andun na tayo" Seryosong sagot ni Ace sa kanya bago nito binuksan yung pinto sa driver seat kung saan siya nakatayo

Nag okay sign lang si Sky sa kanya bago buhayin yung makina ng motor niya at saglit na painitin bago bumusina ng isang beses saka matulin na pinatakbo yung motor na sa sobrang bilis usok at alikabok na lang ang naiwan sa dinaanan niya

"Let's go" Rinig kong aya ni Ace bago naunang pumasok sa loob nagmadali naman kami ni Xan sa pagsunod sa kanya

Umupo ako sa passenger seat at si Xan naman sa backseat. Nag suot din ako ng seat belt dahil kilala kong driver si Ace kahit highway ang daan kung magpatakbo siya akala mo nasa race track  siya at walang ibang kasamang sasakyan sa daan, sa sobra niyang bilis magpatakbo pwede mo pa siyang pagkamalang driver ng ambulansya na may sakay na 50-50 ang buhay kaya hindi uso sa kanya ang preno at kalmadong byahe

Hindi malayo ang mall mula sa bahay namin pero hindi din naman malapit. Kung normal kang driver at hindi ka galit sa acceleration pedal at kung ang takbo niyo ay normal lang na 20-40 MPH siguro nasa 20-30 minutes lang ang byahe niyo kasama ang traffic pero dahil si ACE ang driver na ginagawang relaxing pedal ang acceleration at ang normal na takbo sa kanya ay 40-80 MPH kahit na may traffic ay matagal na ang 15 minutes na travel time

Minsan iniisip ko siguro kung ibang tao ang sasakay sa kotse niya kahit walang sakit sa puso aatakihin sa bilis niyang magpatakbo at kung hindi marunong kumapit yung sakay niya sigurado daig pa nun ang binugbog dahil kung saan saan siya tatama sa loob ng sasakyan. Panigurado din na kung makikita lang siya ng head nung LTFRB malamang hindi siya bibigyan ng lisensya nun dahil ngayon pa lang na student license ang gamit niya kung magpatakbo na siya akala mo sa kanya yung kalahati ng daan baka pag magka lisensya na siya isipin niyang nabili na niya yung buong daan!

*Mall*

Pagdating namin sa mall wala kaming mahanap na parking lot sa mismong parking area ng supermarket na hindi namin alam kung paano nangyare dahil weekdays naman pero napakaraming tao dahil maraming sasakyan, wala kaming choice kundi ang mag park sa labas. Pero dahil maarte si Ace sa parking space ayaw niya sa masyadong matao dahil baka magasgas yung kotse niyang mamahalin dun kami nag park sa medyo malayo sa back exit ng mall mula sa parking lot at hindi gaanong dinadaanan ng mga tao. Bumaba kaming tatlo ng kotse niya pagkatapos makapag park ni Ace at mapatay yung makina, sakto naman ang dating ni Sky na nag park din agad sa likod ng kotse ni Ace

"Ang init dito e okay na ako dun sa parking ko kanina" Reklamo ni Sky pagkatapos niyang hubarin yung helmet niya

Tinawagan siya ni Xan kanina para sabihin kung saan kami mag pa park dahil mas nauna siyang nakarating sa amin

"May shade naman ng puno e dyan ka na" Nakangiting sabi ni Xan sa kanya

"Tch may choice ba ako? Andito na ako e" Maktol ni Sky saka bumaba sa motor at nilock yun

"Let's go dadaan pa ako sa Venom magpapa change oil ako" Aya sa amin ni Ace na nagpauna ng maglakad

Magkasunod na naglakad si Ace at Sky habang sabay naman kami ni Xan. Pagpasok namin sa loob ng supermarket dumertso agad kami sa pila ng mga cart.

"Kayo na bumili ng kailangan at kami naman ang bibili ng hindi naman ganun kailangan" Nakangiti kong sabi kay Ace at Sky na nakatingin lang sa akin habang hawak ko yung isang cart

"Wag niyo pupunuin yang cart ah lagot tayo kay Alixson" Bilin ni Ace sa amin bago niya itulak yung cart paalis

"Magkita tayo sa counter after 15 minutes" Dagdag pa ni Sky sa amin bago niya sundan si Ace

Yung dalawang yun akala mo palaging may kaaway. Wala namang bayad ang pag ngiti panay ang simangot. Napaka ikli pa ng pasensya mas maikli pa sa buhok ko sa kili-kili (^__^)

"Tara na! Dali dali! Itulak mo na!?" Napatingin naman ako sa cart nung biglang gumalaw yun at nakita ko si Xan na nakaupo na sa loob ng cart na parang 2 years old na bata

Awtomatiko akong napangiti at nag posisyon na para bang nag mo motor ako

"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ko kay Xan

"Mas makakapili tayo kung iisa isahin natin yung mga shelf!? Dun tayo sa pinaka dulo magsimula" Utos niya sa akin na para bang captain siya ng barko habang nakaturo sa pinaka dulong part ng supermarket

"Aye! Aye! Captain" Nag salute pa ako sa kanya bago ko patakbong itulak yung cart

Panay ang Beep beep niya na parang sasakyan habang tinutulak ko siya dahilan para magtinginan yung ibang tao sa amin at yung iba naman tumabi sa daan. Panay lang kami ng tawa dahil nag eenjoy kaming dalawa sa paglalaro

Katulad nga ng sinabi niya inisa isa namin ang bawat shelf. Kumukuha ng pagkain na gusto namin. Panay chips, crackers,chocolate, biscuits at kung anu ano pang gusto at sa tingin namin ay masarap kainin ang pinagkukuha namin

"Dun naman tayo sa kabila" Nakangiting aya sa akin ni Xan

"Okay tara dun sa kabilang shelf!?" Masayang sagot ko sa kanya at patakbo ko na namang tinulak yung cart

Pero pag liko namin napahinto kami ng makasalubong namin si Ace at Sky. Agad na kumunot at tumaas yung kilay nila pagkatapos nila kaming pasadahan ng tingin pati yung laman ng cart namin

"What the fuck are you doing!?" Mahinang singhal ni Ace habang nakaturo sa posisyon ng pagkakaupo ni Xan sa loob ng cart

"Naglalaro lang naman kami" Nakanguso naming sabay na sagot sa kanya

"Playing? Are you nuts!? Pag nakita kayo ng security sinasabi ko sa inyo iiwan ko kayo" Banta niya sa amin pero di namin siya pinansin ni Xan

Pumihit ako patalikod at mabilis na tinulak yung cart paalis. Narinig pa namin yung  impit na tawag ni Ace sa amin pero hindi na kami lumingon pa. Tatawa tawa naman kaming Nagkatinginan ni Xan at nag high five pa

"Dun naman tayo sa kabila parang gusto ko ng chuckie e" Turo ni Xan sa malaking fridge kung saan nakalagay yung mga beverages

Tumango lang ako sa kanya at saka ako ulit tumakbo papunta dun pero hindi pa man kami nakakalapit dun ng bigla kaming napahinto 

*Kreekkk*

Nagkatinginan kami ng may marinig kaming parang nasira mula sa cart at maya maya lang napasigaw kami ng biglang tumagilid yung cart at nakita namin yung isang gulong na humiwalay mula sa cart at gumulong papalayo

(0___0)

"Hala yung gulong!?" Sabay naming sigaw at tinuro yung gulong hanggang sa pumasok na sa ilalim ng shelf

Nagkatinginan kami ulit at sabay kaming natuliro sa kung ano ang gagawin naming dalawa

"Hala!? hala!?!" Sabay naming natatarantang singhal habang lumilingon sa paligid kung may nakakita ba sa amin

"Bumaba ka dyan bilisan mo!?" Natataranta ko siyang tinutulak habang patuloy parin ang linga ko sa paligid

"Sandali sandali hindi ako makakababa naiipit ako ng mga pinamili!?" Reklamo niya naman

"Aisht! Bilisan mo dali!?"

Mabilis ko siyang tinulungan na tanggalin yung iba naming pinamili na nakapatong sa kanya at saka ko siya inalalayan na makababa

"Nasira?" Inosente niyang tanong habang nakaturo sa cart at pumipikit pikit pa ang mata

"Alam ko. Pakshet! Humanap ka ng ibang cart bilisan mo!?" Nagmamdali kong utos sa kanya at halos itulak ko pa siya paalis para maghanap

Tumingin tingin kami sa paligid at nung may nakita na kaming cart sa di kalayuan kahit may mga laman yun wala na kaming pakialam hindi rin namin sigurado kung meron bang mang may ari nun o wala basta na lang namin yun hinila at pinagpalit yung laman. Habang nagmamadali ako sa paglilipat si Xan naman ang panay lingon sa paligid para magtingin kung may paparating na guard or staff

"Bilisan mo Aki!?" Singhal niya at pinalo palo ako sa braso

"Wag kang magulo dalawa lang ang kamay ko hindi walo!?" Singhal ko din sa kanya

Pagkatapos kong malipat lahat ng pinamili namin ginilid ko agad yung cart na nasira namin at mabilis kong inaya si Xan paalis sa crime scene

"Oh andyan na pala kayo tara na pila na tayo" Halos mapatalon kami sa gulat ni Xan ng makasalubong namin ulit yung dalawa

"Huh? Ah oo sige tara na" Pilit ang tawa kong sagot sa kanila

"Okay lang kayo? Namumutla kayo?" Nanlaki yung mata ko ng tanungin kami ni Sky at kunot noo niya kaming tinignan

Nagkatinginan kami ni Xan at nag tinginan kami ng may kahulugan kailangan namin magpanggap na walang nangyare kung hindi baka isabit na lang nila kami sa poste at iwan

"Napagod lang siguro kami kanina. Tara na baka mamaya humaba pa yung pila" Natatawang sabi ni Xan at nauna na siyang naglakad papunta sa counter na walang pila

Habang nakapila kami sa counter at inaantay yung cashier na matapos sa pag punch ng mga pinamili namin hindi kami mapakali ni Xan at panay ang lingon namin sa likod at sa gilid

Jusme! Wala na bang ibibilis yan ate!

Napapunas ako ng pawis bigla dahil sa kaba. Pati kilikili at singit ko nagpapawis na! Yung tibok ng puso ko daig pa nakipag habulan sa aso. Letche! Bakit ba kasi ang low quality ng mga gamit nilang cart!

"11,587 pesos po ma'am" Nakangiting sabi  nung cashier dahilan para medyo makahinga ako ng maluwang

Inabot agad ni Ace yung card ni Alixson at sinimula na namin ni Xan na isakay sa cart yung mga pinamili namin hindi na namin inantay pa yung bagger para gawin yun

Nagmamadali kami!

"Thank you for coming please come back again" Masayang bati nung cashier sa amin ng paalis na kami

Hindi na! Hindi na muna ako babalik dito!

Halos itulak na namin patakbo ni Xan yung cart para mabilis kaming makalabas pero dahil maraming tao para kaming taeng tae ni Xan na hindi mapakali at halos makabunggo pa kami ng mga tao na nakakasalubong namin sa pagmamadali namin na makalabas ng mall

Nung makalabas kami ng mall at ng makarating kami sa kotse ni Ace saka pa lang ako nakahinga ng konti

"Bilis na ilagay na natin tong mga 'to sa compartment" Nagmamadaling singhal ko kay Ace para buksan niya yung compartment

Kumunot agad yung noo niya at tumaas yung kilay niya dahil sa pagmamadali ko

"Ano bang nangyayare at parang sinisilaban yang mga pwet niyo huh?" Taas kilay na tanong ni Sky

"Wala ah!?" Halos sabay namin sagot ni Xan at nagkatinginan pa kami pagkatapos

"Wala kayong ginawa kanina?" Paninigurado ni Ace at mabilis naman kaming umiling

"Tch siguraduhin niyo lang pag nalaman ko na may ginawa kayo lagot kayo sa akin" Dagdag pa ni Sky kaya mas lalo akong kinabahan pag nalaman nila yung tungkol dun

Hindi na kami sumagot ni Xan sa kanila dahil panigurado pag sumagot kami dadami ang tanong hanggang sa mahuli na nila kami

Nung mabuksan ni Ace yung compartment ng kotse mabilis namin inisa isa ni Xan yung mga grocery bags mula sa cart

Bakit ba ang dami kasi naming binili! (>3<)