XAN
Halos isaksak na lang namin basta yung mga groceries na pinamili namin sa loob ng compartment ni Ace wala ng ayos ayos! Ang mahalaga mapasok namin lahat yun sa loob! Dahil konti na lang maiihi na ako sa jeans ko dahil sa takot na baka may biglang dumampot sa amin dito
"Tapos na kami tara na!?" Pasigaw kong singhal sa kanila tapos tinaas ko yung dalawang kamay ko at tumalon talon pa ako
Gulat na napatingin sa akin si Ace at Sky na parehong nakasandal sa mga sasakyan nila
"Tara na!? tara na!?" Nagmamadaling aya ni Aki sa kanila at natatarantang pumunta sa passenger seat at mabilis na binuksan ang pinto
"Bakit ba madaling madali kayo?" Mataray na tanong ni Ace kaya natigilan si Aki bigla
"Huh? Hindi naman sa ganun kaya lang diba inaantay na tayo si Alixson saka diba dadaan pa tayo sa Venom" Natatawang sabi ni Aki at panay ang sulyap sa akin na para bang nanghihingi ng tulong
(>3<) wag ka sa akin tumingin! Dahil pag ako nagdahilan mas lalo tayong lagot!
Bumilis ang tibok ng puso ko nung kumunot yung noo ni Ace at nagpalipat lipat yung tingin niya sa amin. Seryoso niya kaming tinitigan na para bang pinapasok niya yung kaluluwa namin para alamin kung nagsasabi kami ng totoo
WUAAHHH! Ace why do you have to be like this!
"Mga duwag huminto kayo!!"
Nagulat kami ng may biglang sumigaw kasunod ng sunod sunod pang sigawan na akala mo nasa operasyon ang mga pulis at may hinuhuli silang drug suspect
(0_0) hala baka mamaya magkaputukan tapos matamaan kami ng ligaw na bala!
Napaayos kami ng tayo sa mga pwesto namin ng sa di kalayuan ay nakita namin ang apat na lalakeng tumatakbo habang hinahabol nung grupong ng mga lalake
"Mga ulol!? Huminto nga kayo nakakapagod na tumakbo!?" Sigaw ng lalakeng malaki ang katawan at may hawak na makapal na kahoy
Sabay na napasinghal si Ace at Sky ng huminto yung apat na lalake sa harapan namin at tumingin sa mga humahabol sa kanila. Lahat sila malalim ang bawat paghinga dahil sa pagod
Anong trip ng mga 'to?
Napatingin ako sa apat na lalakeng nasa unahan namin mabilis ang pagtaas baba ng mga balikat nila dahil sa pagod at kung titignan mo sila mula ulo hanggang paa nagsusumigaw sa katawan nila ang estado nila sa buhay
Rich kids relo pa lang mga naka chanel, rolex, montblanc at blancpain. Wag kayong magtaka kung bakit alam ko dahil meron kaming jewelry shop sa america (--_) lahat ng klase ng business meron kami o kaya may share kami
Samantala ng tignan ko tong mga kaharap nilang lalake parang mga tambay lang sa kanto na nag aabang ng mapag tri tripan at hihingan ng pang bili ng alak o sigarilyo
"Akala ko pa naman kung sino kayong matapang e tumatakbo naman pala kayo sa away" Natatawang sabi nung lalakeng malaki ang katawan
Ah so mag ru rumble lang sila dapat dito pa? Ang sosyal naman ang rumble place nila sa mall area pa talaga. Ano nag hahanap kayo ng audience para sa audience impact?
"Tch! Hindi kami tumatakbo dahil hindi kayo worth it pag aksayan ng pawis. Sadya lang maraming tao dun at least dito walang tao bukod sa amin" Nakangising sabi ng isa sa apat na lalake
Aba sira ulo 'to ah! So ano kami dito? Palamuti? Kung maka kayo lang tao dito kuya parang hindi kami humihinga dito ah!
"Anong pinapalabas mo Yuki huh!?" Inis na singhal sa kanya nung lalake at mas lalo pa siyang natawa
"Masyadong mainit ang ulo mo Anthony kumalma ka baka mamaya mag collapse ka dyan at mangisay bigla" Pang asar pa niyang dagdag dahilan para mas lalong magalit yung lalake at muntik na silang sugarin pero pinigilan ng mga kasama niya
"Mag hinay hinay ka sa mga sinasabi mo tandaan mo apat lang kayo" Pagbabanta nung Anthony sa kanya at tinuro pa siya gamit yung makapal na kahoy na hawak niya
"Di naman tayo kasali dito alis na tayo" Mahinang bulong ni Aki at dumungaw pa sa kabila para marinig siya ni Ace na masama ang tingin sa unahan
"Nakaharang sila paano tayo dadaan?" Sarcastic na sagot sa kanya ni Ace
"Sagasaan mo" Ngi ngisi ngising biro ni Sky sa kanya
Inismiran lang siya ni Ace bago tumingin ulit sa harapan. Tuloy parin ang trash talkan nila sa harapan. Parang mga bata na nag aasaran lang at unang susugod ang unang mapikon. Pero sa apat na lalake yung Yuki lang ang nakikipag asaran yung mga kasama niya panay lang ang ngisi sa tabi niya
"Wag niyong ubusin ang pasensya ko dahil pag ako napikon uuwi kayong lamog" Banta na naman nung Anthony at humakbang siya papalapit sa mga lalake
Nagtitigan yung Anthony at yung Yuki ng ilang segundo bago siya mapatingin sa direksyon namin. Mabilis gumuhit ang ngiting nakakaloko sa labi niya
"Bilib din talaga ako sa karisma niyong apat biruin niyo yun palagi na lang magaganda ang mga nagiging babae niyo" Nakangising sabi nung Anthony habang nakatingin sa amin dahilan para lingunin kami ng apat na lalake at tignan ng mga kasama niya
Gusto ko yung term niyang maganda pero nakakairita din yung pagtawag niyang babae sa amin na may ibang ibig sabihin! Sarap mong busalan ng kung ano kuya!
(-___-) kanina pa kami andito ngayon niyo lang kami napansin!
"Sino kayo?" Gulat na tanong nung isa sa mga apat na lalake
Matangkad at medyo messy ang buhok pero bagay na bagay sa gwapo niyang mukha
"Some random stranger?" Patanong na sagot sa kanya ni Ace pero ramdam mo ang pagiging sarcastic niya dahil sa emotionless niyang reaksyon
"Umalis na kayo dito hindi kayo kasali dito" Masunget naman na sabi nung isang lalake na chinito
"Yeah right hinarangan niyo yung daan e anong gusto niyong gawin namin sagasaan kayo?" Sabi naman ni Sky at nakipag titigan siya ng masama dun sa chinito guy
"Oh!? Wag niyo muna paalisin yung mga girls pambihira masyado naman kayong madamot gusto niyo lahat sa inyo na lang ah" Natatawang sabi nung Anthony at pinasadahan niya kami ng tingin isa isa mula ulo hanggang paa
Azar! Pakiramdam ko nahalay niya ako sa tingin pa lang niya! (>3<) kinilabutan ako hanggang bone marrow ko!
"Let them go" Naalis lang yung tingin sa amin nung lalake ng humarang sa harap niya yung lalakeng mukhang masunget
"Xyzel, wag kang masyadong dumikit sa akin dahil mas lalong nakikita na mas gwapo ka sa akin e" Pabirong insulto nung Anthony sa sarili niya
Hindi tuloy namin maiwasan ni Aki ang matawa kaya naman napatingin na naman silang lahat sa direksyon namin pagtingin ko kay Ace at Sky nagpipigil din sila ng tawa habang kagat kagat yung mga labi nila
Bwisit na lalake na 'to insultuhin daw ba ang sarili niya!? Hahahaha
"Isang tawa pa mga miss baka hindi ko na kayo paalisin dito at isama ko na kayo pauwi sa bahay" Nakangising banta nung Anthony kaya sabay sabay kaming napatigil sa pagtawa
Namayani ang katahimikan sa paligid pare parehong nakikiramdam ang bawat isa. Hindi ko alam kung bakit pati kami mukhang nakikiramdam sa susunod na mangyayare sa kanila
"Move. We're going" Basag ni Ace sa katahimikan dahilan para tignan siya ng lahat
Seryoso at walang bahid ng kahit na anong reaksyon ang mukha ni Ace habang diretsong nakatingin dun sa Anthony na parang kakain ng tao kung makatingin na ilang hakbang lang ang layo sa kanya.
"Aalis na kayo agad hindi ko pa nga nalalaman pangalan niyo e. Baka naman pwede kayong makilala mga magandang binibini" Nakangiti na parang asong sabi nung Anthony
"Cut the crap!? Just move your ugly ass and we we're leaving" Singhal ni Ace
Napaka ikli talaga ng pasensya neto! Saan ba makakabili ng pasensya at bibilhan ko to
"Sira ulo 'tong babaeng' to inisin daw ba lalo" Umiiling na sabi ni Aki
"Hoy! Wag mong galitin mamaya mag transform yan kainin ka niyan" Nagulat pa kami ni Aki ng biglang sumigaw si Sky
Mga baliw!
"Oh? Meron pa bang ipapangit ang mukha niya? Akala ko sagad na yan e" Nakangisi ng nakakalokong sagot ni Ace sa kanya
Napasinghap pa ako ng mabilis na lumapit yung Anthony kay Ace at mahigpit siyang hinawakan sa balikat. Halos umusok ang ilong at tenga nung Anthony habang nakatingin kay Ace na nawala ang ngisi kanina
Napahakbang kaming tatlo papalapit sa kanila bigla. Pati yung apat na lalake napahakbang din papalapit pare pareho kaming nag aabang sa susunod na mangyayare
"Pumapatol ako sa babae. Miss" Mariin na sabi nung Anthony
Hindi sumagot si Ace sa kanya pero nanatiling nakatingin ito sa kanya ng seryoso at marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak sa kanya nung Anthony pagkatapos ay malakas niyang tinulak sa dibdib dahilan para mapaatras yung lalake na muntik pang matumba
"Isang hawak mo pa sa akin ipapadala ko sa pamilya mo ang malamig mong bangkay" Seryoso at nakakakilabot na banta ni Ace sa kanya
Wala na mukhang gulo na 'to (-__-")
"Aba miss! Wag mong sabihin na maganda ka at hindi kita papatulan dahil pag nag dilim ang paningin ko baka sayo ko mabunton ang inis ko!?" Asik nung Anthony habang tinuturo turo niya si Ace ng hawak niyang kahoy
Tinignan ko si Sky para sana awatin si Ace pero seryoso lang siyang nakatitig sa mga 'to na para bang handa na siya sa kung ano man ang mangyayare na susunod at pag tingin ko naman kay Aki nakangiti naman siya na para bang naaliw siya sa nakikita niya. Napailing na lang ako at napabuga ng hangin
Eto na naman kami sa come what may na eksena namin katulad nung nasa amerika kami kaya kung sinu sino ang nakakaaway namin at kung saan saan kami napapasok e dahil sa ugali naming ganito palibhasa alam namin na malulusutan namin ang lahat
"Sinabi ko lang na tumabi ka kumuda ka na" Sabi ni Ace sa kanya
"Kilala mo ba ako Miss? Baka pag nakilala mo ko manginig ka sa takot bigla" Maangas na sabi na naman nung Anthony pero kitang kita parin ang inis sa mukha niya
Hindi naman siya mukhang artista paano namin siya makikilala? Hindi din naman siya mukhang anak ng mga business partners nila daddy at lolo
"Hindi ako interesado sa mga taong wala namang dulot sa buhay ko at isa pa" Binitin ni Ace ang sasabihin niya bago niya pasadahan ng tingin yung Anthony mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumisi siya ulit ng nakaka insulto
Simula na ang lalabas sa bibig niya na susunod ay ang magiging dahilan ng gera
"Ayaw ko sa mga basurang katulad mo" Dahan dahan at mariin ang pagkakasabi ni Ace
Nanlaki ang mata nung Anthony at dahan dahan napalitan ng galit ang reaksyon niya at ang sumunod na nangyare mabilis siyang lumapit kay Ace at inangat ang kahoy na hawak niya para hampasin
Nahigit namin ang mga paghinga namin dahil katulad namin alam kong nagulat at hindi din inaasahan ni Ace ang biglang pagsugod ng lalake sa kanya kaya hindi siya nakakilos
Mabilis ang pangyayare bago pa man matamaan si Ace ng kahoy ay mabilis siyang hinila nung Xyzel palayo kaya naman ang sunod na narinig namin ay ang malakas na tunog mula sa pagkabasag ng isang bagay. Napapikit pa ako dahil sa lakas nun
*BLAAAG! *
Pag mulat ko ng mga mata ko agad kong tinignan yung Anthony at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung gaano kalakas ang pagkakahampas niya dahil talaga namang nayupi ang hood ng kotse ni Ace
(0___0) gera na 'to
"HOY!" Malakas at bakas ang galit sa mga mata ni Ace para siyang tigre na gustong pumatay
"Damn it Anthony! Are you insane!" Inis na sigaw nung Xyzel
"Bitawan mo ko!" Singhal naman sa mukha niya ni Ace bago nito marahas na bawiin ang braso niya na hawak nito
"Hindi sila kasali dito" Dagdag pa ni Chinito guy
"Tama na ang daldal Klod tapusin na natin 'to!?" Galit na sigaw ng isang lalake mula sa likod
"Hindi pa ba natin sisimulan naiinip na kami Anthony bakbakan ang pinunta namin dito hindi daldalan" Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung gaano karami pa yung mga lalakeng bagong dating
(0__0) pambihira! Ano bang gulo 'tong napasukan namin! Nag park lang kami dito at paalis na kami pero mukhang mapapasama pa kami sa gulo! Lagot na naman kami nito kay Kuya
"Fuck it" Bulong nung apat na lalake
Wala kaming nagawa kundi ang maglakad habang nakatingin sa likod papalapit sa pwesto ni Ace na nagliliyab parin sa galit
"Wala na tayong takas dito" Bulong ni Aki ng makalapit kami kay Ace hindi niya inaalis ang tingin sa dalawang grupo ng lalake na nasa magkabilang gilid namin
"Wag na wag kayong magpapatama kundi lagot tayo pare pareho" Sabi naman ni Sky
"I will make him pay for hurting my thunder" Mariin na sabi ni Ace habang masama parin ang tingin dun sa Anthony
"Pambihira ano bang kinain ko at mukhang minamalas ako ngayon" Naibulong ko na lang
"Damn it Michael let the girls go!?" Singhal nung messy hair guy
"We are not going anywhere! I'll make that fucking frog face pay for what he did to my car!" Inis na sigaw ni Ace kay messy hair habang nasa lalake lang yung tingin niya
"Simulan na natin 'to! Tama na ang paki usap Calix!" Sigaw nung Michael bago mabilis na tumakbo papunta sa pwesto namin kasunod ng mga kasama nila
Wala kaming nagawa kundi ang antayin ang pagsugod nila. Matagal tagal na mula ng huli kami mapaaway sa ganito karami. Hindi ako concern sa mga pinsan ko di dahil sa wala akong pakialam sa kanila pero dahil alam kong kaya nila ang iniisip ko lang sa dami nila at may mga hawak sila hindi malabong matamaan kami
Hindi kami pwedeng matamaan sa kahit na anong parte ng katawan namin kundi maghahalo ang balat sa tinalupan!
"Damn it!" Rinig kong sigaw ni Aki habang umiilag sa lalakeng patuloy ang pagsuntok sa kanya at ng makahanap siya ng magandang pwesto ay malakas niyang sinipa ang lalake sa sikmura dahilan para magpagulong gulo ito sa lupa
Napailag naman ako ng may biglang humangin sa gilid ko muntik na akong tamaan ng lalakeng nasa harapan ko ng kahoy na hawak niya kaya naman inis akong lumapit sa kanya at yumuko ng hahampasin na naman niya ng kahoy bago ko siya sipain sa tuhod niya at ng mapayuko siya bago pa man niya maingat ang ulo niya ay sinalubong na niya ang siko ko
Weak!
"You fucking frog face! How dare you hit my car! I'm gonna kill you!" Sigaw ni Ace habang hawak sa shirt nito yung Anthony na nakaluhod na sa lupa nakapikit na ang mga mata nito at mukhang wala ng malay pero patuloy parin si Ace sa pagsuntok ng malakas sa kanya
Duguaan na ang buong mukha nung Anthony pero wala paring tigil si Ace sa pagsuntok sa kanya ng malakas
"Ace! That's enough!" Singhal na tawag sa kanya ni Sky na kasalukuyang nakikipag agawan ng baseball bat sa kaharap niya
"No! I'm going to kill him!" Giit ni Ace sa kanya
"Mapapatay mo talaga yan ano ba!?" Dagdag pa ni Sky bago sipain ng malakas sa mukha yung lalake na mabilis na bumagsak
"Pucha naman oh Ace ano ba!?" Sigaw ko din pagkatapos kong harangin yung akmang paghampas sa kanya nung kasamahan nung Anthony na lupaypay na
"Ace! Tumulong ka dito marami pa 'to! Wag kang madaya na isa lang ang sayo!" Sabi pa ni Aki at malakas na sinuntok yung lalakeng kaharap niya
"Shit!?" Gigil na sabi ni Ace tapos tumayo siya at mabilis na sumugod sa lalakeng nasa harap niya
Suntok dito. Suntok dyan. Ilag dito. Ilag dyan. Yuko dito. Yuko dyan. Tadyak dito. Tadyak dyan. Nakikipagbakbakan ako habang hinahagip ng mga mata ko ang mga pinsan ko at paminsan minsan natatamaan din ng mga mata ko ang apat na lalakeng seryoso din sa pakikipag bakbakan. Para kaming nasa isang pelikula at kami ang bida dahil bawal kaming mataaman. Di hamak na mas marami ang mga lalakeng 'to at walo lang kami pero halos hindi sila makatama sa amin. Wala akong duda sa kakayahan naming apat dahil sinanay at nasanay kami sa ganito pero yung apat na lalake na yun napapabilib nila ako sa husay at galing nila dito parang mas sanay sila sa amin sa ganito. Smooth at natural ang bawat galaw nila
"Hindi pa tayo tapos tandaan niyo yan!" Sigaw nung Michael na duguan yung labi at ilong habang akay akay ng isa sa mga kasama niya dahil hindi na niya kayang tumayo mag isa
"Tch! Get lost! Son of a bitch!" Singhal nung Xyzel na malalim ang bawat pag hinga pero walang nagbago sa itsura niya kanina bukod sa nagulo niyang buhok
Mabilis na nag tulungan yung mga lalake at nag kanya kanya na ng takbo palayo
"You frog face!" Singhal na tawag ni Ace dun sa Anthony na akay akay ng mga kasama niyang may mga sugat din
Mabilis silang napahinto sa paglalakad at napatingin sa direksyon namin
"Dadalhin ko yung kotse ko sa Venom at ikaw ang magbabayad nun naiintindihan mo ba!?" Galit na singhal ni Ace sa kanya
"Venom?" Takang tanong nung Anthony
"Damn it! So ako pa ang mamomoblema na hindi mo alam kung saan yun!"
Lalapit na naman sana si Ace sa kanya pero pinigilan na siya agad ni Aki. Napaka war freak talaga ng babaeng 'to
"Hoy! Hanapin mo yung Venom dahil kung hindi kahit saang empyerno ka magtago hahanapin kita at buhay mo ang magiging kapalit ng kotse ko! Wala akong pakialam kung wala akong mapapakinabagan sa buhay mo kaya ibebenta ko na lang yung internal organs mo baka yan may pakinabang sa ibang tao!!" Mahabang litanya ni Ace
Kadiri naman yung pinag iisip ng babaeng 'to! Morbid masyado (-__-)
Bakas ang takot sa mga mukha nila lalo na nung Anthony dahil kitang kita naman talaga sa mukha at ramdam mo sa mata ni Ace na hindi siya nag bibiro. May talent lang talaga siya na kaya niyang manakot sa tingin pa lang kaya hindi na ako magtataka kung nanginginig na sila sa takot ngayon. Mabilis na magkakasunod na tango lang ang sinagot nila kay Ace bago magkandarapa sa pagtakbo palayo
"You asshole!" Nagulat ako ng bigla namang itulak ni Ace yung Xyzel na kinagulat din naman nung lalake kaya nanlaki yung mga magaganda nitong mga mata
"You call me what?!" Inis na singhal din naman sa kanya nung Xyzel
Akala ko mag re rereact siya sa pagkakatulak sa kanya ni Ace pero mas nag react pa siya dun sa kung ano ang tinawag sa kanya ni Ace. Pareho silang weird mag isip
"Ace! Tara na" Aya ko kay Ace dahil pagod na ako para makipag away pa
Pero hindi naalis yung masama nilang tingin sa isa't isa kaya sabay sabay kaming napailing nila Sky at Aki
"Pambihira! Ace naman wag ka ng magsimula dahil yung kamay ko pag sumuntok pa ng isang tao dudugo na" Nagmamaktol na dagdag naman ni Aki
"Ace! Let's go masyado na tayong nagtatagal dito" Sigaw ni Sky na hindi ko na namalayan na nakasakay na pala sa motor niya
"Were not yet done asshole!?" Banta ni Ace dun sa Xyzel bago niya talikuran at maunang maglakad papunta sa motor niya
Hindi ko man mantindihan kung ano ang kinakagalit niya dun sa Xyzel na dapat magpasalamat pa siya dahil niligtas siya kanina hindi na lang din ako nagsalita at sumunod na ako sa kanya papunta sa kotse niya
Mabilis kaming sumakay na tatlo sa loob. Nakita ko pa ng paandarin ni Sky yung motor niya at bumusina para patabihin yung apat na lalake bago niya paliparin yung motor niya paalis pagkatapos sumunod naman kaming umalis
Naging tahimik ang mabilis naming byahe. Nagkatinginan kami ni Aki pero nagkibit balikat na lang din siya hindi namin magawang magsalita o ang kausapin man lang si Ace dahil hanggang ngayon nababalutan parin siya ng itim na aura at isang buka ng bibig niya siguradong sasabog siya