CHARLIE almost told Jane he was happy to see her, too. Dahil sa self-preservation na matagal nang nasa kanyang sistema kaya hindi niya iyon nagawang sabihin at simpleng "I see" na lang ang naisagot niya kay Jane. Hindi kasi siya ang tipo ng lalaking sumasaya makita lamang ang mukha ng isang babae. Kahit pa iyon mismo ang naramdaman niya nang makita si Jane. Sa totoo lang, ayaw niya na makaramdam ng ganoon para sa dalaga. Not if he wanted to focus on his original intent.
Nangako si Charlie na hindi na magpaplano para isabotahe ang two-month dating relationship nila ni Jane. Subalit hindi ibig sabihin niyon na magbabago ang isip niya kapag tapos na ang dalawang buwan. Nagdesisyon siya na i-enjoy na lang ang kung anong mayroon sila ni Jane hanggang matapos ang kanilang usapan. At least, iyon ang idinahilan niya nang matagpuan ang sariling nagmamaneho patungo sa kinaroroonan ng building ng Ruiz Ladies' Shoes at kinokontak si Jane upang yayaing kumain sa labas.
Hindi lang masyadong nakapaghanda si Charlie sa magiging epekto sa kanya ng dalaga matapos niyang malaman kung ano ang pakiramdam na mahalikan ito. Nang makasakay na si Jane sa kanyang kotse at malanghap ang pamilyar na amoy ng dalaga at mapalapit dito ay bumalik ang alaala ng mga labi nito. She had the sweetest lips he had ever tasted. Sa loob ng tatlong araw ay humahaba ang mga sandaling naaalala niya si Jane at ang halik na pinagsaluhan nila. He wanted to kiss her again. Hell, he wanted to see her again. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit nagdesisyon siyang makipagkita sa dalaga para sa tanghalian.
Pumasok sila sa unang restaurant na nakita ni Charlie. Hindi iyon kasimpormal ng nakasanayan subalit ayos na rin dahil nang sulyapan niya si Jane ay mukhang pasado naman sa dalaga ang lugar. Pumuwesto sila sa pandalawahang mesa na malayo sa ibang customers.
"Ngayon lang ako nakapasok sa restaurant na `to. Ano kaya ang masarap kainin?" tila sabik na bulalas ni Jane habang tinitingnan ang menu na iniabot ng lumapit na waiter.
Pinagmasdan ni Charlie ang dalaga. "You love food."
Natawa ito at tiningnan siya. "Sinong normal na tao ang hindi mahilig sa pagkain?"
Almost all the women I used to be involved with, gusto sana niyang isagot subalit hindi ginawa. Ayaw niyang sirain ang relaxed na sandali sa pagitan nila ni Jane. At napagtanto niya na sa kabila ng hectic at puno ng pressure na trabaho, kapag nakikita ang dalaga ay nawawala ang pagod niya. It was amazing.
Napangiti si Charlie. "I guess you're right."
Ngumiti nang matamis si Jane sa kanya bago bumaling sa waiter at sinabi ang order nito. Ilang sandaling pinagmasdan lamang niya ang mukha ng dalaga bago naibalik sa huwisyo ang sarili at um-order din ng pagkain. Nang silang dalawa na lang ay bumaling ito sa kanya.
"So, may kliyente ka `kamo na kinausap?" tanong ng dalaga.
Saglit na nagulat si Charlie sa interes na nakikita niya sa mga mata ni Jane. Iyon ang unang beses na lumabas siya kasama ang isang babae na talagang may interes sa mismong trabaho niya at hindi sa extravagance na kadikit niyon. "Yes. It's a new case. Unfortunately, I am bound to secrecy and can't tell anyone about it," sabi niya.
Nakakaunawa naman na tumango si Jane. "Oo nga pala. Naiintindihan ko. Good luck sa bago mong kaso," nakangiting sabi nito.
Natagpuan ni Charlie ang sarili na gumaganti ng ngiti. "How about you? Kumusta ang trabaho?"
Naging matamis ang ngiti ng dalaga. "I'm doing fine. Nag-inspeksiyon ako sa branch namin sa Powerplant Mall. The sales are improving. Pero sa tingin ko, kailangan na naming maglabas ng bagong collection. I think I need to talk to the designers."
Attentive na nakinig siya kay Jane hanggang dumating ang kanilang order. Kumakain na sila nang tumikhim si Jane at naging alangan ang tingin. Umangat ang mga kilay ni Charlie dahil may pakiramdam siyang may gustong sabihin ang dalaga.
"Charlie…"
Natigilan siya. Something about the way she spoke his name made his spine tingle. Wala sa loob na bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Jane. Napahigpit ang hawak niya sa mga kubyertos dahil bigla ay nais niyang tawirin ang pagitan ng kanilang mga mukha at sakupin ang mga labi nito.
"About our next date," patuloy ni Jane.
Bumalik sa mga mata ng dalaga ang tingin ni Charlie.
"Puwede mo ba akong samahan next Saturday as my date? May event na kailangan akong puntahan. Inimbitahan ako ng isa sa mga high school classmate ko."
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Charlie dahil sa nag-aalangang tono ni Jane. Para bang nahihirapan ang dalaga na yayain siya. Hindi niya gusto ang isiping nag-aalangan ito ng ganoon. He knew he was intimidating but he did not want Jane to feel that way towards him.
"Okay. I can clear my schedule for that day," sang-ayon niya.
Namilog ang mga mata ni Jane, na parang dahil sa simula ay nabigla pagkatapos ay naging tuwa. Ngumiti nang matamis ang dalaga. "Really?" parang batang tanong pa nito.
Dulot ng amusement ay umangat na rin ang gilid ng mga labi ni Charlie. "Pumayag na ako. Hindi ko babawiin ang sinabi ko."
"Thank you, Charlie," masayang sabi ni Jane.
"So, anong event ba ang pupuntahan natin sa Sabado?" tanong niya.
Naging ngisi ang ngiti ng dalaga. "Kasal."
Natigilan si Charlie. "You're kidding, right?"
Bumakas ang guilt sa mukha ni Jane. "Unfortunately no. Nakatanggap ako ng wedding invitation kanina. Actually, mayroon din si Cherry. Hindi kami close sa high school classmate namin na ikakasal pero sa tingin ko, she will take it against me kapag hindi ako nagpakita sa kasal niya. Is it… impossible for you to come with me, after all?" alanganing tanong ng dalaga.
Pakiramdam ni Charlie ay may lumamutak sa kanyang sikmura sa naging ekspresyon sa mukha ni Jane. Ipinilig niya ang ulo at huminga nang malalim. Sa totoo lang ay iniiwasan niya ang mga pagtitipon na gaya ng kasal. "I'll go with you. Nakapangako na ako sa iyo, hindi ba?"
Mukhang nakahinga nang maluwag si Jane at ngumiti, pagkatapos ay biglang tumayo at lumapit sa kanya. Natigilan si Charlie at napaderetso ng upo nang tila sa labis na tuwa ay bigla siyang niyakap ni Jane nang mahigpit. Pagkatapos ay bahagyang inangat ng dalaga ang mukha nito upang magkaharap sila. Halos ilang pulgada lamang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa.
"Thank you. I swear, hindi kita niyaya just to put you on the spot. I really need a date," sabi pa ni Jane. She was so close he could smell her. He could also feel the heat coming from her soft body.
Charlie felt his body reacting to her nearness. Hindi na niya napigilan ang sarili kahit nasa pampublikong lugar pa sila. Umangat ang kanyang kamay at lumapat sa batok ni Jane, pagkatapos ay hinigit niya palapit at siniil ng halik sa mga labi.
Naramdaman ni Charlie na nagulat ang dalaga subalit ilang sandali pa ay humilig na ito sa kanyang katawan at ibinuka ang mga labi. He felt the heat wash over him as he kissed her deeper. Ngunit saglit lang ay pinakawalan din niya ang mga labi ni Jane. Dahil kung hindi niya iyon gagawin, baka kung saan pa mapunta ang halik. Hindi niya puwedeng gawin sa dalaga ang lahat ng nais niyang gawin dahil naroon sila sa pampublikong lugar
Nagtama ang kanilang mga mata nang ilayo ni Charlie ang mukha mula kay Jane. He did not want to stop kissing her. Subalit kailangan niyang ipaalala sa sarili kung nasaan sila. Binitiwan niya ang batok ni Jane at hinaplos ng hinlalaki ang gilid ng mga labi nito upang palisin ang kumalat na lipstick.
"Let's continue eating, shall we? Bago pa tayo mapaalis dito for public display of affection," usal niya.
Napakurap si Jane at namula ang mukha. She looked adorable. Dumeretso ito ng tayo at mabilis na bumalik sa upuan at tila robot na bumalik sa pagkain.
Napangiti si Charlie at muntik nang matawa. To think that he felt this way because of a woman. Higit sa lahat, to think na napapayag siya ni Jane na dumalo sa isang kasal, bagay na hindi nagawa ng kanyang pamilya kahit kailan. Hindi siya makapaniwala. But as he looked at her, he realized he did not give a damn.