Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umaambon. Nababasa kami pareho. Pero wala akong planong umalis sa kinatatayuan ko dahil alam ko na kung ano ang nangyayari. Gusto ko nang marinig ang sasabihin niya sa akin.
"It's okay Timothy," mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung narinig niya.
"I prepared a speech—a proposal and I forgot it because I can't concentrate right now—can you turn around? Please turn around, Miracle. This is embarassing," hindi mapakali na sabi niya.
Kung hindi ko pa siguro kilala si Timothy iisipin ko na kinakabahan siya. Pero si Timothy, kakabahan? After ng shock ko, napuno ng saya ang dibdib ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Ngayon na! Ito na 'yon!
"Bakit?" tanong ko na pigil ang ngiti.
"Because I can't concentrate and you're staring at me. Please turn around. Don't look at me."
"Timothy, you don't have to act so cool in front of me. Mahal parin naman kita kahit nahihiya ka," natatawa kong sabi sa nakikita ko sa kanya ngayon. Ngayon ko lang siya nakita na nahiya nang ganito sa akin. Ang cute niya palang mahiya.
"But I want to. I want you to fall in love with me more. Until you cannot stop thinking about me, Miracle. I want to own you. But right now, can you turn around? You're making me nervous."
Pigil ang ngiti na tumalikod ako sa kanya. Tumingin ako kay Jared sa itaas. Patuloy lang siya sa pagkanta. Nandoon din sa itaas ang Crazy Trios na nakangiting nag-aabang sa susunod na mangyayari.
"I-I don't know where to start. I'm not romantic because… that's gay and I'm straight. Oh fuck, what am I saying?" Natatawa ako na naiiyak. He's proposing! After so many years! He's finally proposing to me! "Miracle, I love you. With every damn beat of my heart, I love you. With every damn breath I take, I love you. I love you and I can't imagine my life with anyone but you. I can't even imagine being alive without you. And I want you to be mine, only mine forever. I want to spend my life with you, caring you, watching you, kissing you, sleeping beside you and waking up to see you by my side. I want to be there for you, always. I want to share my life with you. I want you, Miracle. I want you in my life forever."
Humarap na ako sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata. Panay ang tulo ng luha ko pero matamis ang ngiti ko sa kanya. Ngumiti siya nang makita iyon. Hinawakan niya ang kaliwa kong pisngi.
Natapos ang kanta ni Red at pinalitan niya iyon ng kinakanta kanina ni Omi.
"Miracle, there are so many things I want to say to you but... merely words cannot express how much I love you. You changed me, you complete me, you made me a better person. I am yours right from the very beginning but..." huminga siya nang malalim. Halata ko sa boses niya na nahihirapan siyang sabihin sa akin ang lahat ng ito. Para bang ngayon niya inilalabas lahat ng gusto niyang sabihin noon pa man. "I know that sometimes I scare you, I'm possessive and demanding. I can't let you go, I'm always feeling insecure. I don't know what to do, I can't stop how I feel. But with this, maybe, just maybe I can finally be at ease. If you accept me, all of me…"
Napasinghap ako at naitakip ko ang dalawa kong kamay sa bibig ko. Pinanood ko siya habang unti-unti siyang bumababa. Iniluhod niya ang isa niyang tuhod. Hawak niya ang singsing at nakatingin sa mga mata ko nang diretso.
"Will you accept me? My past, my mistakes, my insecurities. Can you accept all of me and be with me?" tanong niya. "If you think you can be with me, then I'm willing to do everything to make you happy. Please let me be with you forever, Miracle. Please let me take care of you. Please let me be the Father of your children, our children. Please share your lifetime with me. Please marry me, Miracle. Marry me."
Naramdaman ko na unti-unti nang tumitigil ang ulan. Puno ng luha ang mga mata ko. Hindi ako makapag-salita kaya naman tumango ako. Sunod-sunod akong tumango sa kanya.
"You…" napahagulgol ako ng iyak habang tinitignan siya. "Stupid! Ano ba ang nakita mo sa isang katulad ko? Sa tingin mo ikaw lang ang may insecurities? Natatakot din ako na baka dumating ang araw na mapagod ka sa akin at iwan ako. So, of course, Timothy. I will marry you!"
Nakita ko ang malapad na ngiti niya. Unti-unting napalitan ng saya ang takot sa mukha niya. Kinuha niya ang isang kamay ko at isinuot ang singsing sa ring finger ko. Agad siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Gumanti ako ng yakap sa kanya. Mahal na mahal ko ang lalaking ito! Sobra!
"WOOOOOOOOOHHHHH!!!!" nag-cheer at nagpalakpakan ang mga nanunuod sa amin.
Ang saya ko, sobrang saya ko! Hindi. Kulang ang salita na 'yon para ipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Sobrang saya ko na pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"KASALAN NA!!!! WOOOOOHHH!!!"
Tumatawang humiwalay ako ng yakap kay Timothy para tignan ang mukha niya. Bakas sa mga mata niya ang saya. Hindi ko alam kung dahil pareho kaming nabasa ng ulan, pero basa ang mga mata ni Timothy na parang umiyak siya. Hindi ko nalang siguro papansinin dahil alam kong sobra na ang pagkahiya niya kanina.
"I love you, Timothy."
"I love you more."
Biglang bumuhos nang malakas ang ulan. Nagtakbuhan na papasok ng bahay ang mga kaibigan ni Timothy pati na rin si Audrey. Umalis na rin sa veranda ang Crazy Trios at si Jared.
Basang-basa na kami ni Timothy. Pero pareho kaming walang pakialam sa ulan. Sa ngayon, ang mahalaga ay nakapag-propose na siya sa akin ng kasal at sinagot ko 'yon ng 'oo'.
"Kiss me," sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. Umaapaw ang pagmamahal niya para sa akin, nakikita ko iyon sa kanyang mga mata.
"As you wish, Misis."
Nilagay niya ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko habang ang isa naman ay nakayakap sa bewang ko. Nakapulupot naman sa leeg niya ang mga braso ko. Siniil niya ng malalim at mainit na halik ang labi ko. Mrs Pendleton. Miracle Samantha Perez-Pendleton.
"Let's get married tomorrow," suhestyon niya nang maghiwalay ang labi namin. "What do you think?"
"Ganon ka ka-excited sa kasal, Timothy?" natatawang tanong ko. Mukha kasi siyang bata na nagmamadali makabili ng laruan.
"No," ngumisi siya. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko saka bumulongi "I am excited for our wedding night."
Natatawang nahampas ko ang dibdib niya. Niyakap niya ako nang sobrang higpit at inangat niya ako nang kaunti saka kami umikot nang umikot.
"Stop Timothy! Nahihilo ako. Pumasok na tayo, nilalamig na ako," sabi ko sa kanya.
Agad niya akong ibinaba. Binuhat niya ako ulit at this time, bridal style. Naglakad siya papasok sa bahay.
"Timothy bakit mo sinabi na regalo sa'yo yun kanina?"
"Because you are God's gift to me, you said yes."
Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap siya nang mahigpit. You are God's gift to me too, Timothy.
"Alright, let's get married next week," sabi niya. Tumawa lang ako pero ang totoo ay excited na rin ako para sa wedding night namin. "Be ready Wifey, because we will make love every day and every night. I won't let you get out of bed after our wedding."
"Pervert." But I don't really mind.
"I just want to prove to you how much I love you. And yes, I am your pervert."
"Ang daming tao."
"Do you want me to kick them out?"
"Yes please."