Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 211 - Chapter Two Hundred Eleven

Chapter 211 - Chapter Two Hundred Eleven

Muli kong pinagpagan ang puti at mahabang palda ng wedding gown ko kahit wala akong nakikitang dumi. God! Kinakabahan ako, hindi ako mapakali. Buhay na buhay ang dugo ko na gusto ko nang lumabas ng sasakyan na ito at tumakbo papasok ng simbahan. Gusto ko nang tapusin ang kasal. Baka magbago pa ang isip ni Timothy eh.

Huminga ulit ako nang malalim. Napahawak ako sa dibdib ko. Nararamdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon, parang sasabog na ako kung hindi pa ako lalabas dito. Pakiramdam ko ang sikip sikip ng sa sasakyan na 'to. Nakasakay ako sa isang puting limousine. Katabi ko sa sasakyan si Papa.

"Nervous?" tanong niya sa'kin.

"Sobra po, Pa. Ganito rin po ba ang naramdaman ninyo nang ikasal kayo ni Mama? Yung parang sasabog sa sobrang excitement at kaba?"

Ngumiti si Papa. "Mahal mo talaga ang binatang 'yon. Hwag kang mag-alala. Kung kinakabahan ka, mas kinakabahan ang mapapangasawa mo ngayon."

"Haha! Si Timothy kakabahan? Hindi ko po alam, Pa," natatawang sabi ko. Pero naalala ko ang hitsura niya noong nagpropose siya sa akin.

"Hindi ka ba naniniwala sa Papa mo Samantha? Kaming mga lalaki ang naghihintay sa loob ng simbahan. Kami ang mas kinakabahan dahil hindi namin alam kung sisipot ba kayo sa kasal. O kung may nangyari ba habang papunta sa simbahan ang bride."

Hmm. Pano kaya si Timothy? Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Napakaganda ng simbahan. Hindi ko akalain na tutuparin ni Timothy ang sinabi niya na kasal makalipas ang isang linggo. Akala ko nagbibiro lang siya. Hindi naman kasi ganon kabilis maaayos ang isang kasal. Maliban nalang kung lilipad kami sa Vegas.

Nalaman ko nalang kay Ate Sweety na siya pala ang naging wedding planner namin. Tatlong bwan niyang inasikaso at pinlano ang kasal namin ng kapatid niya.

Nakaplano na ang kasal bago pa man ako makasagot ng 'oo' kay Timothy. Nakakatuwa lang, nakahanda na pala ang lahat, ako nalang ang hinihintay. Bayad na rin ang lahat mula sa reservations hanggang sa mga staff na mag-aayos ng lahat. Nang malaman ko 'yon, agad ko siyang tinanong.

'Timothy, pano kung tumanggi ako na magpakasal sa'yo? Ano'ng gagawin mo?'

'Then I will have to ask you again tomorrow and if you still reject me then I will have to ask you again and again until you accept my proposal. That's why I asked you a week before our wedding, so that I will still have seven days to propose.'

'Eh Timothy, pano kung sinabi ko parin na ayoko?'

Ngumiti siya nang malapad. Kinurot niya ang pisngi ko. 'I don't know. I don't want to force you to marry me. That's why I am grateful you said yes the first time I asked you, Miracle.'

'Haay Timothy. Sino ba ang tatanggi sa'yo? Ang swerte kaya ng mapapangasawa mo sa'yo. Magaling ka mag-luto tsaka mag-alaga, ang gwapo gwapo mo pa. Syempre papayag ako! Kung pinatagal mo pa nga, baka ako pa ang nag-propose sa'yo eh,' nakangiting sabi ko.

Tumawa siya saglit. 'Miracle.' Hinalikan niya ang kamay ko bago ito hawakan nang mahigpit. 'I am happy to have you in my life. I could not ask God for more. I am deeply and madly in love with you,' sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Are you sure you want to marry me?"

Natawa ako. Bakas sa mga mata niya ang malalim at totoong pagmamahal niya sa akin. Na para bang ako ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya, na sa akin umiikot ang buong mundo niya, na magiging madilim ang buhay niya kung wala ako. Naniniwala ako na totoo 'yon. At ganoon din ako, mababaliw siguro ako sa sobrang sakit kung mawala siya sa'kin. Habang tumatagal, mas lalo ko siyang minamahal.

'Yes, Timothy, I'm sure. I am happy. I love you too. Thank you for loving me.'

Napatingin ako sa itaas ng sasakyan para hindi ako maluha. Sa tuwing naaalala ko 'yon, naiiyak nalang ako. Ikakasal na talaga ako sa kanya. Magsasama na kaming dalawa at bubuo ng pamilya namin. Sisiguraduhin ko na magiging masaya kami.

"Are you alright, Samantha?" tanong sakin ni Papa.

"Yes, Papa. I'm just so happy right now."

"Well then, I guess it's time," sabi ni Papa habang nakangiti. "I love you, my Princess." Hinalikan ako sa noo ni Papa bago niya ayusin ang belo ko. Lumabas siya ng sasakyan at umikot papunta sa kabilang pinto ng sasakyan. Nang magbukas na ang pinto sa side ko, inalalayan niya ako na lumabas. Hawak ko ang bouquet ko na puro pink and white roses. God ito na!

"Sammy!" Kumaway sa akin ang Crazy Trios. Sila ang una kong nakita. Nandon din si Audrey, sila ang bridesmaid ko. May mga bata rin na kasama, ang flower girls at si Angelo na ring bearer.

"Mommy is sooo pweetty!"

"Thank you Angelo."

"Ready?" tanong sakin ni Papa.

Humawak ako sa braso niya. "Yes." Huminga ako nang malalim "Ready."