Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 209 - Chapter Two Hundred Nine

Chapter 209 - Chapter Two Hundred Nine

Lumabas si Audrey mula sa bahay. May box na kasing laki ng sa sapatos siyang dala. Inabot ni Audrey ang box na 'yon kay Timothy. Ngumiti lang sakin si Audrey nang makahulugan bago pumasok ulit sa bahay. Ano ang ibig sabihin non?

"Oh," sambit ko. "Yan ang graduation present ko?"

"No. It's a present for me." Ibinigay sa akin ni Timothy ang box.

"Kung present mo naman pala ito, bakit sa'kin mo ibinibigay?"

"I want you to open it for me," sabi niya. "Please?" dagdag niya nang tignan ko lang siya.

"Okay. You are so cute Timothy kapag nagsasabi ka ng please," tukso ko sa kanya.

"I'm not cute," seryosong tanggi niya.

Sinira ko na ang wrapper ng box at hinayaang malalag ito sa paanan ko. Medyo magaan ang box. Ano kaya ang laman? Binuksan ko ang box at kinuha mula sa loob ang isa pang... box.

"Wow. Ang ganda ng regalo sa'yo, Timothy. Box. Sino kaya ang nagbigay nito sa'yo?" tanong ko. Ngumiti lang siya. "Ang weird," sambit ko nang makakuha ulit ako ng isa pang box sa loob ng box. Paliit nang paliit ang box na nakukuha ko sa loob. "Sino kaya ang nagpadala nito? Mabuti nalang magaan. Baka kasi bomba pala 'to."

"Go on. Keep opening it, Miracle."

"Fine." Ipinagpatuloy ko ang pagbubukas ko. Puro kahon na paliit nang paliit ang laman nito.

"Sorry late ako!" may sumigaw mula sa balcony.

Nakita ko si Red sa itaas. Ibinigay ni Mond ang gitara kay Red. Nagulat ako nang sobra nang makita ko siya. Ang huling pagkikita namin ay ang araw ng kasal ni Ate Sweety. Bumalik kasi sa France si Red at doon na niya ipinagpatuloy ang pag-aaral niya. Hindi ko alam na nakabalik na pala siya.

"Sorry Pinuno traffic eh, hi Sam!" Kumaway siya sa'kin. Ang sigla niya. Ibang iba sa huli naming pagkikita. Masaya ako na makita na okay na ulit siya. Nakahinga ako nang maluwag.

Tumugtog siya ng gitara at narinig namin ang maganda niyang boses.

~~

Some things we don't talk about

Rather do without and just hold the smile

~~

Ang theme song namin ni Timothy! Kinakanta ni Red para sa amin. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin ni Timothy. Maaliwalas ang kanyang mukha at walang kahit na anong bahid ng sakit. Ngumiti ako sa kanya. Sa tingin ko, nag-hilom na ang sugat na iniwan ko sa puso nya.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagbubukas ng regalo ni Timothy. Sa ikalawang pagbubukas ko, agad akong napatingin kay Timothy. Isang pula at maliit na box.

Nahapit ko ang hininga ko at tinitigan ang box sa palad ko. Biglang nagwala ang puso ko. May idea na ako kung ano ang laman nito. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ito. Tumambad sa akin ang isang singsing.

"Timothy..." sambit ko na pigil ang hininga. Tumingin ulit ako sa mukha niya. Nalilito. "May gustong mag-propose sa'yo?!" Na-shock si Timothy at agad na nawala ang kanyang ngiti. Bigla siyang sumimangot. "Ano 'to? Bakit may singsing? Sino ba ang nagpadala nito? Kaya ka siguro pinadalhan nito kasi alam na nilang nag-graduate ako at—"

"Retard," bumuntong hininga siya at tila di na alam ang gagawin sa akin.

"Huh? Timothy, Sino ba kasi yung manliligaw mo?"

"That's yours," diretsong sagot niya.

~~

I will be your guardian

When all is crumbling

To steady your hand

~~

"Huh?" bigla akong nablanko. Sa akin daw?

"Don't you remember?" Kinuha nya ang singsing na hawak ko. "This is your ring. I was going to give this ring to you five years ago at the Christmas ball but..." Bumuntong hininga siya. "And then I threw it away. I guess you found it."

Oh. Tinignan ko nang mabuti ang singsing. Ito nga. Two years ago nawala ko ang singsing. Nawala siya bigla sa kwarto ko. Akala ko na-misplace ko o nanakawan ako. Iniyakan ko rin ang pagkakawala ng singsing na 'to. Iyon pala…

~~

You can never say never

While we don't know when

Time, time, time again

Younger now than we were before

~~

"Kung ganon sino ang nagpadala nito? May pumasok sa kwarto ko at kinuha ito? Sino siya?! May stalker ako?! Oh my gahd! My stalker ako! Ang creepy! Pero bakit niya ibinabalik?!"

Napayuko bigla si Timothy, humawak siya sa kanyang noo. Bumagsak ang balikat niya at huminga siya nang malalim. Bigla niyang naihilamos ang mga kamay niya sa mukha niya at parang naiinis na tumingin siya sa'kin.

"Miracle, why are you so fucking slow?!" mukhang frustrated na tanong niya.

"Ano bang slow? Ano yon? Nagagalit ka dahil nawala ko 'to? Hindi ko naman sinasadya eh. Malay ko ba na may kukuha nito sa kwarto ko?! Bakit ka ba nagagalit?!" naiinis na tanong ko sa kanya. Biglang kumulog at kumidlat. Napatingin ako sa langit. Mukhang uulan. "Timothy pumasok na tayo. Uulan na yata."

"No," matigas niyang sabi na tila nawala sa mood.

"Bakit?"

"Because—fuck it!" Nahagod niya ang kanyang buhok sa inis.

"Timothy," nakalabi kong tawag sa kanya. Biglang umambon. Unti-unti ay namatay ang mga nakasinding kandila sa paligid namin. "Timothy! Pumasok na tayo sa loob ng bahay!" Hinihigit ko siya sa braso niya pero ayaw niya.

Narinig ko ang sunud-sunod na mura niya habang nakatingin sa langit. Naguguluhan na talaga ako sa kanya. Mukha siyang nagagalit na naiinis na nafu-frustrate na hindi mapakali na naiinis na nagagalit na nafu-frustrate. Basta mukha siyang bad mood.

"Timothy! Ano ba ang nangya… yari. Oh my gosh," napasinghap ako sa gulat.

Isa-isang lumabas ang mga kaibigan ni Timothy mula sa loob ng bahay. Kahit nababasa na sila ng ulan, lumabas parin sila at lahat sila ay may mga suot na puting shirt. Lumakas ang tibok ng puso ko.

Nag-umpisa kay Dos ang 'W' sumunod si Vin na may 'I' sumunod ang kambal na sina Six at Seven na may parehong 'L'. Sumunod si Kyo na may 'Y', si Jun na may 'O', si Omi na may 'U'. Lumabas din sina Mond na may 'M', Pip na may 'A', Sun na may 'R', si Jack na may 'R' din. Lumabas din si Audrey na naka-payong, may suot din siyang white shirt na may letrang 'Y'.

"Oh my God," bulong ko. Napatakip ako ng bibig at mabagal na tumingin akong muli kay Timohty. "Oh my God, Timothy."

Ipinakita sa akin ni Timothy ang pinakamalaking kahon ng regalo kanina. Nakasulat sa likod nito ang 'ME?'.

Natulala ako sa nakita ko. Hindi ko alam. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

"Oh my God!" naluluhang sabi ko ako.

"I swear, I checked the weather forecast this morning and—damn! It's supposed to be a clear sky tonight. No rain," naiinis na sabi niya.