May dalawang plato at table napkin sa mesa. May bucket ng ice sa tabi ng silver na candleholder.
"So, ito na ba ang part na lilitaw bigla ang mga kaibigan mo para mag-serve sa atin?" tanong ko nang natatawa.
"Tss. Miracle, you are no fun. Can you at least act as if you don't know what's gonna happen?"
"Hahaha! I'm sorry! This is just…" Tumingin ako sa paligid bago muling tumingin sa kanya at ngumiti. "Just like a movie."
Ngumiti si Timothy. "I hope that's a good sign," sabi niya. Nag-snap ng fingers niya si Timothy.
Mula sa pinanggalingan namin ni Timothy na pinto ay lumabas ang isa sa mga kaibigan nya. Si Jun. Nakasuot siya ng pang-waiter na damit.
"Good evening," bati ni Jun nang nakangiti. "Would you like some wine?" alok niya at ipinakita sa amin ang bote ng red wine.
"Yes please," sagot ko. Ipinagsalin niya kami ni Timothy ng wine sa dalawang wine glass.
"Would you like to have your dinner now?" tanong ulit ni Jun na mukhang seryoso sa ginagawa niya.
"Yes," sagot ni Timothy.
"Very well Sir." Nag-bow si Jun at muling pumasok sa loob ng bahay.
"Mukhang seryoso sya ah," sabi ko kay Timothy bago tikman ang red wine.
"He should be," sabi ni Timothy. May nakatago na naman sa likod ng sagot niya. Parang may kasunod pa ito na hindi niya sinabi.
Dumating naman sina Seven at Six. Sila ang may dala ng pagkain namin. Nakasuot din sila ng pang-waiter na damit. Inilapag nila ang pagkain namin at tinignan ko itong mabuti. Mukhang Italian.
"Garlic shrimp and sun-dried tomatoes with pasta in spicy cream sauce," paliwanag ni Seven. Hinintay niyang mailapag din ni Six ang hawak bago muling nagsalita. "And mozzarella stuffed Italian bread sticks. Please enjoy."
Umalis silang dalawa at hinayaan kami ni Timothy na kumain. Dahil pareho siguro kaming gutom kaya di na kami nag-usap. Mabilis na nilinis nina Jun at Pip ang mga plato namin nang matapos kami. Dumating naman si Kyo na may dala ulit na pagkain. Sumunod ang dessert. Ang paborito namin ng Crazy Trios, tiramisu.
"Timothy," tawag ko sa kanya habang kumakain ng tiramisu. "Kanino ba 'tong bahay?"
"It's mine."
"Sa'yo?" Nilingon ko ang bahay at pinagmasdan muling mabuti. Ang balcony sa second floor na nakita ko kanina ay umabot pala hanggang sa likod. Nakaikot iyon sa isang gilid ng bahay.
Nagulat ako nang may tubig na biglang lumagaslas bigla. Ang gitnang bahagi ng pader sa bakuran ay nagsilbing isang malaking waterfall.
"Yes, I bought it five years ago."
Napa-nganga ako sa kanya. Five years ago? Teka ilang taon siya noon? Twenty one na ako ngayon at mas matanda sa akin si Timothy ng dalawang taon, twenty-three minus five is eighteen. Napatigil ako sa pagkain.
"Nakapagtataka ka talaga Timothy. Meron kang sarili mong beach house tapos ngayon meron kang bahay. Meron ka pang condominium at magagarang sasakyan. Pero ang sabi mo hindi ka umaasa sa Papa mo tungkol sa financial needs mo," nagtatakang sabi ko. "Hindi kaya." Nag-isip ako saglit. Tinignan ko siya nang mabuti. "Hindi kaya…"
Ngumiti si Timothy. Pinunasan niya ang bibig niya gamit ang napkin at tumingin sa akin.
"I have my own money Miracle. Don't let your imagination run wild again. I'm not a criminal. I don't do drugs, I didn't kill anyone. It's from my mother and my grandparents. When they passed away, let's just say that they gave me a small fortune as well as my sister."
"Oh. I'm sorry about... that. Kung ganon, ginamit ni Sweety ang mana niya sa pagpapatayo ng shop niya at ikaw ay bumili ng mga bahay?"
"Not exactly." Ngumiti siya. At natunaw ako. Iba ang epekto ng liwanag ng kandila kay Timothy. Sa sobrang gwapo niya, mukha na siyang hindi totoo at parang maglalaho nalang pagsikat ng araw. "I won the beach house from an underground fight. And this house is from my investment to some small company."
Sa ikalawang pagkakataon nalaglag ang panga ko. Investment? Underground—UNDERGROUND FIGHT?! Magtatanong pa sana ako nang bigla siyang tumayo. Lumapit siya sa akin at inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
"Can I have this dance?" nakangiting tanong niya.
"Dance? Wala naman tugtog eh," sabi ko sa kanya.
As if on cue, may tumugtog na gitara. Napatingin ako sa balcony ng bahay. Mula roon ay nakatayo ang dalawa pang kaibigan ni Timothy. Tumutugtog ng gitara si Mond. Kumanta naman si Omi. Pareho silang naka-black suit at nakangiti habang nakatingin sa amin.
~~
If I don't say this now, I will surely break
As I'm leaving the one I want to take
~~
"Oh my God," hindi makapaniwalng bulong ko habang nakatingin sa itaas. Paano nasuhulan ni Timothy ang mga kaibigan niya na gawin ito? Anong klase na naman kaya ng pananakot ang ginawa niya? Bigla akong natawa sa naisip ko.
"Now, shall we?" tanong ulit ni Timothy.
Kagat ang labi na tumayo ako mula sa silya at ibinigay sa kanya ang kamay ko. Napupuno ng nagliliparang paru-paro ang tyan ko. Kinakabahan ako na nae-excite.
Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at inilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko. Nag-simula kaming sumayaw nang mabagal.
~~
When I'm losing my control, the city spins around
You're the only one who knows, you slow it down
~~
Magkatitigan kami ni Timothy habang sumasayaw. Inangat ko ang mga kamay ko at inilagay sa may batok niya. Mas lalo kaming nagkalapit nang higpitan niya ang hawak niya sa akin. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa kabila ng malamig na gabi.
"You are impossible, Timothy. Hindi ko alam na kaya mong gawin 'to."
"Good to hear that because…" Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi na ikinagulat ko. "It's supposed to be a surprise."
Tumawa ako. "I love you, Timothy," buong pagmamahal na sabi ko sa kanya. "I don't think may isa pang lalaki sa mundo na ito na katulad mo. You are… one in a billion," nakangiting biro ko. "And close to extinction."
"Aren't you glad I survived?" pabiro rin na tanong niya.
"I am glad. Very much."
~~
Oh, oh
Be my baby
I'll look after you
And I'll look after you
~~
"Je t'aime." Hinalikan nya ako sa noo. "Et je t'aimerai toujours."
"Je t'aime aussie," proud na sagot ko sa kanya. "Akala mo ikaw lang, ha."
Mahina siyang tumawa at umiling-iling. Ipinatong niya ang noo niya sa noo ko. Nagpatuloy kami sa pag-sayaw. Nagulat kami pareho ni Timothy nang biglang umulan ng confetti.
"Seriously?" Pigil ang tawa na tumingin ako kay Timothy.
"Not my idea," mabilis na tanggi niya.
Sabay kaming napatingin sa itaas. Nakita ko ang Crazy Trios na nasa itaas kasama si Audrey, katabi sina Mond at Omi. Nagtatapon sila ng pink na confetti mula sa veranda. Kinukuhanan kami ng pictures ni Audrey gamit ang kanyang camera. Tuwang tuwa naman ang sina Maggie, China at Michie sa paghahagis ng confetti mula sa itaas. Kumaway silang tatlo sa amin ni Timothy. Hindi ko mapigilan na matawa.
"Nasan yung iba mong kaibigan Timothy?" tanong ko.
Ngumiti siya. Nagpatuloy lang kami sa pag-sayaw hanggang sa matapos na ang kanta. Hinila ko siya sa kamay para bumalik na sa mesa pero nanatili siyang nakatayo roon.
"What? Gusto mo pang sumayaw?" tumatawang tanong ko.
"I think it's time," seryosong sabi niya. Tumingin siya saglit sa mga kaibigan niya bago muling tumingin sa akin.
Muling inulit ni Omi at Mond ang pagtugtog at pagkanta.
"Time for what?" tanong ko. "Another surprise? Teka huhulaan ko! May dance number ba na inihanda ang mga kaibigan mo para sa'kin? Kaya sila missing, no? Nagpa-practice sila ng sayaw," tumatawang sabi ko sa kanya.