Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 205 - Chapter Two Hundred Five

Chapter 205 - Chapter Two Hundred Five

Pumunta kami sa reception ng kasal. Sa isang malawak na garden ng isang resort ang reception. Napatingin ako sa blue bridesmaid dress ko. Tube ito at backless din. It's cute! Ito ang una kong bridesmaid dress.

Nakaupo ako kasama ang Crazy Trios pati na rin si Audrey at ang isa pang bridesmaid na si Juniel. Siya ang assistant manager ni Ate Sweety sa Sweets shop. Kumakain kami sa iisang pabilog na mesa.

*tingtingting*

"Everyone hi! My name is Vic," may lalaking nagsalita sa tapat ng mic, may hawak siyang wine glass. "I'd like to propose a toast to the bride and groom. Congratulations man! Ikaw na talaga ang the best! Sa wakas! Finally dude, nasabi mo na rin sa first puppy love and true love mo since high school ang nararamdaman mo. I am happy for you. Parang kahapon lang nang umiyak ka dahil magkakahiwalay na kayo ng true love mo, since sa ibang bansa ka na mag-aaral but hey, look at you guys now. I guess, if it's meant to be then it's meant to be. And to the bride, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko, iyakin yan kaya hwag mong papanoorin ng drama. Hahaha!"

Nagtawanan kami dahil sa nakakatuwang reaksyon ng lalaki. Matangkad siya, katamtaman ang build ng katawan. Clean cut ang style ng buhok niya at may pagka-singkit ang mga mata niya.

"Congratulations!" Itinaas niya ang kanyang wine glass. "To the bride and groom!"

"To the bride and groom!" Itinaas namin ang mga wine glass namin at ininom ang laman nito.

"The bride and the groom will now have their first dance," sabi ng emcee na pumalit sa tinatayuan kanina ni Vic.

Tumayo sina Ate Sweety at Cedrik. Kanina ko pa napapansin na hindi ko tinatawag na kuya si Cedrik, siguro dahil para siyang bata? O baka dahil sa nakita ko noon na umiiyak siya sa playground sa harap ko with singhot pa?

Nag-sayaw sila sa gitna ng waltz sa kantang Beauty and the Beast. Nakaka-mesmerize ang moment nilang dalawa, sobrang magical. Sana kami rin ni Timothy, maging ganito ka-magical ang moment namin sa kasal namin.

"A penny for your thoughts?"

Napalingon ako sa tumabi sa akin. "Red," nakangiting sambit ko. Pinagmasdan ko siya sa kanyang suit. "You look good."

"Really?" he chuckled. "Palagi naman diba?"

Naka-swept back ang buhok niya. Nakasuot siya ng itim na suit katulad ng kay Timothy. Oo nga pala, nandito ang buong Lucky Thirteen. I think ang kulang nalang dito ay si James Bond. Lahat kasi nang nandito puro sleek and sexy in a way na nakaka-amaze kahit na sa isang katulad ko na sanay nang makakita ng mga gwapo. I think iba ito dahil lahat sila naka-formal attire. Isa silang grupo ng mga most wanted, eligible bachelors sa list ng mga unmarried women.

"You are so full of yourself, Jared," nakangiti kong sabi. "But yeah, kahit naman anong ayos mo, gwapo ka parin."

"Hay Samantha," umiling na sabi niya habang nakangiti. "Hindi ka talaga marunong magsinungaling. Kumusta na kayo ni TOP?"

"Okay lang naman kami ni Timothy, thank you for asking. At ikaw?" awkward na paglilipat ko sa kanya ng topic. "Sino ang ka-date mo?"

"Ouch!" Napahawak sya sa dibdib niya. "Samantha, I'm still mending my broken heart."

"Huh? Ah err…" Napaiwas ako ng tingin.

"Samantha naisip mo ba talaga na kaya kitang kalimutan nang ganon kadali—"

"Hey Jared! Looking good!" May dumaan na magandang babaeng guest sa table namin at binati siya.

"Hey babe," bati ni Red sa babae bago tumingin ulit sa akin.

"You were saying something Jared?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Napapangiti nalang ako.

"Tsk! Halika." Hinigit niya ang isang kamay ko habang tumatayo siya.

"O bakit? San tayo pupunta?"

"Mag-sasayaw." Tumingin siya sa paligid bago ibalik sakin ang tingin with mischievous glint. "Habang wala pa si TOP. Kaya solo kita ngayon."

Ngumiti nalang ako at sumama sa kanya. Kanina ko pa nga hinahanap si Timothy pero di ko siya makita. Nakisabay kami sa mga nagsasayaw ng slow dance. May lalaking kumakanta sa stage at sa likod niya ang banda na tumutugtog. Isa siya sa mga guests, if I heard it right nang ipakilala siya ng emcee, ang pangalan niya ay Sol or Soul?

~~

No one else comes close to you

No one else makes me feel the way you do

You're so special girl to me

And you'll always be eternally

~~

"Pumunta sa bahay namin si Mr Perez alam mo ba?" sabi niya na ikinagulat ko.

"Si Papa?" May hula na ako kung bakit.

"Yes. Inurong na nila ang engagement natin nang tuluyan. Pero mananatili parin ang investment ng kompanya ninyo sa kompanya namin at vice versa."

"Jared." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sasabihin ko ba na hiningi na ni Timothy ang kamay ko sa parents ko? Kailangan pa ba niyang malaman 'yon?

"Kung hindi ka komportableng sabihin, hwag nalang Samantha." Ngumiti siya.

"Hiningi na ni Timothy ang kamay ko sa mga magulang ko," mabilis kong sabi.

Tinignan ko ang mukha niya. May pain na nag-flicker sa mga mata niya, that instant gusto kong tahiin ang bibig ko. Masyado pang maaga para sabihin.

"T-that's good," he breathed saka siya ngumiti. "Hwag ninyo akong kalimutan na padalahan ng inivitation ng kasal ninyo. I wouldn't miss it for the world. Kailan ninyo ba balak magpakasal?"

"Jared, I know naka-ilang ulit na ako. Pero hindi ako magsasawa na mag-sorry sa'yo," bulong ko.

"Para saan?" nakangiting tanong nya. "Hindi kasalanan ang maging masaya, Samantha."

"I hope, someday makita mo na rin ang para sa'yo. Sana nga ngayon na para naman—" naputol ang sasabihin ko nang paikutin niya ako. Tinwirl niya ako at muling ibinalik sa mga braso niya.

"Nakita ko na siya." Nakatitig siya sa mga mata ko. "At masaya na ako na malaman na magiging masaya na siya kahit pa sa piling ng iba."

Hindi ako makapagsalita. May humaharang sa lalamunan ko.

"Tis better to have loved and lost than to not have loved at all," mahinang bigkas nya. "Ang paborito kong quote simula nang mawala ka sakin."

"Hindi ako nawala Jared, nandito lang ako."

"Hindi pisikal, Samantha," bigay diin nya at umiling. "Hindi kita maabot."

"Hindi sa paraan na gusto mo," malungkot na sabi ko.

"Hindi sa paraan na gusto ko," ulit niya.

~~

You're my dream come true

Oh girl you know I'll always treasure

Every kiss and every day

I love you girl In every way

And I always will cause in my eyes

~~

"Cliche man pero gusto ko talaga ang kanta na to para sa'yo," nginitian na niya ako nang tuluyan. Mahina siyang kumanta habang nakatitig sa mga mata ko. "No one else comes close to you. No one makes me feel the way you do. You're so special girl to me and you'll always be eternally."

"Jared."

"Mahal kita, Samantha." Hinalikan niya ako sa noo ko. "Please remember that."

"I know Jared, and I love you too, you know that." Pinisil ko ang kamay niya bago siya bitawan.

Tinitigan niya ako nang matagal. Bumuntong hininga siya. Inilagay niya ang dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon niya. Ngumiti siya sa akin nang malapad.

"Be happy," tila pautos na sabi niya.

"I will," nakangiti kong sagot.

Tumalikod na siya at naglakad palayo. Pinanood ko lang siya habang naglalakad hanggang sa natakpan na siya ng ibang tao at hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko alam kung kailan siya makakakita ulit ng babaeng mamahalin niya. Ang tanging dasal ko nalang ngayon, sana ay mapunta siya sa babaeng hinding hindi siya sasaktan. Sana maging masaya rin siya.

Related Books

Popular novel hashtag