Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 206 - Chapter Two Hundred Six

Chapter 206 - Chapter Two Hundred Six

Two Years After

Napupuno ng excitement at saya ang araw ngayon sa aming paaralan. Dumating na rin ang araw na pinakahihintay namin. Ang araw kung saan matatanggap namin ang reward ng pagpupuyat namin, paggising nang maaga, walang katapusang stress sa reviews at thesis. Ang araw kung saan iiwan na namin ang aming paaralan para humarap sa totoong mundo. Magagamit na rin namin ang mga napag-aralan namin sa school sa actual na buhay. Ngayon ang graduation ceremony namin! Sa wakas!

"To the graduates, I offer you my warm congratulations!" bati sa amin ng President ng St Lourdes International.

Masigabong palakpakan ang sumunod at kagaya ng sa tradition ay itinapon namin nang mataas ang aming mga cap.

"Yahoo!! Graduate na tayo!!" masayang sigaw ni China na yumakap sa akin.

"Sa wakas! Heto na, may diploma na tayo!" sigaw ni Maggie.

"Goodbye thesis!!!!" sigaw ni Michie.

"CONGRATULATION SA ATIN MGA BADING!!!!!!" sigaw ni China na nakaakbay sa akin.

"Atlast, hindi ko na kailangan makisama sa mga baliw," mataray na sabi ni Audrey habang nakatingin sa tatlo.

"Weh?! Asa ka pa Audrey, alam naman namin na love mo kami eh!" nakangiting sabi ni China.

"Oo nga," sangayon ni Michie.

"You are delusional," sagot ni Audrey na hinawi ang kanyang buhok.

"Group hug!!!" sigaw ni Maggie na yumakap sa amin.

"Hey! Ano ba?!" reklamo ni Audrey nang mapasama siya sa group hug namin.

Natatawa nalang ako sa inaasal nila. Ang saya-saya nila. Masaya rin naman ako. Graduate na rin kami sa wakas. Natapos ko narin ang goal ko. Sana lang ay masaya si Mama. Hindi parin kami nag-uusap na dalawa. Katulad ng sinabi niya noon, babalik sila papunta sa England. Isinama nila si Angelo. Walang nagawa si Papa kung hindi ang sumunod sa kanila. Naiwan na naman ako. Pero masaya ako kahit papaano. Hindi ko naramdaman na nag-iisa ako. Nandito ang mga kaibigan ko, pati narin si Timothy.

"Sammy!" Hinila ni Maggie ang braso ko. May tao siyang itinuro. "May papalapit oh!"

Napatingin ako sa itinuro niya. Naging mas malapad ang ngiti ko nang makita ko si Timothy na naglalakad palapit sa akin.

"Hi," bati niya.

"Hi," nakangiting bati ko.

"O siya, maiwan muna namin kayo rito," sabi ni Maggie na hinila paalis ang mga kasama namin.

Natawa nalang ako sa kanila. May mga lumapit sa kanila at isinama sila sa group picture. Hinila ko si Timothy sa kamay at pumunta kami sa hindi masyadong matao na lugar. Punong-puno ang buong eskwelahan. Nandito rin kasi ang mga magulang ng mga graduates. Dumating kahapon sa bahay ang Lola ng Crazy Trios kasama si kuya Lucien.

Malapit na rin mag-dilim. Late na rin kasi naumpisahan ang graduation ceremony at bago pa matawag ang pangalan ng lahat ng mga estudyante paakyat sa stage ay ilang oras na ang nakain. Bukod pa roon ay may speech pa. Masaya ako at natapos na rin, nakakapagod din. Pero hindi nawawala ang magaan na pakiramdam. Nakakalungkot din dahil simula ngayon ay hindi na ako required na pumunta rito.

"Congratulations," bati sa akin ni Timothy.

"Thanks," ngumiti ako sa kanya.

Tinitigan ko sya sa mga mata nya. Kung may panghihinayang man ako ngayon, iyon ay ang hindi ko nakasama si Timothy sa paggraduate. May dalawang subjects pa siyang kailangan tapusin dito bago makagraduate. Pinilit niyang makahabol, nag-summer classes rin siya at nag-advance pero may dalawang subjects parin na natira.

Naging sobrang busy niya sa loob ng dalawang taon. Kung minsan hindi na rin kami nakakalabas dahil sa sobrang busy niya. Malaking parte ng oras namin ang iginugol namin sa pag-aaral.

"This is for you, Miracle." Inabutan niya ako ng bouquet ng pink roses.

Napa-ngiti ako nang tuluyan. Ito rin ang ibinigay niya sa akin noon. Kaparehas ng unang bulaklak na ibinigay niya sa akin noon sa date namin.

"Thank you Timothy," naluluha na sabi ko. Ang ganda ng mga bulaklak. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Samantha!" may tumawag sa akin na pamilyar na boses.

Agad akong napahiwalay kay Timothy para tignan kung sino 'yon. Nakita ko na tumatakbo si kuya Lee papunta sa akin.

"KUYA!" nakangiting tawag ko.

"Congratulations Princess!" Niyakap niya ako ng mahigpit saka niya ako pinakawalan. "For you." Inabutan niya ako ng isang bouquet ng white tulips.

"Salamat kuya."

"Teka." May kinuha siyang camera. "Bilin sa akin ni Tito Cris, kunan daw kita." Kinunan ako ng solo pictures ni kuya Lee. "Pwede mo ba kaming kunan?" tanong ni kuya Lee kay Timothy habang inaabot ang camera na tinanggap naman niya.

Hindi pa ganon ka-ayos ang relasyon nila. Hindi sila magkaibigan pero hindi sila magkaaway. Civil sila sa isa't-isa. Kahit papaano nagpapasalamat ako para don.

Kinuha ni Timothy ang camera mula kay kuya Lee. Lumapit sa akin si kuya at inakbayan ako. Ngumiti kami pareho sa camera habang kinukunan kami ni Timothy. Makalipas ang ilang shots natapos na rin kami.

"Samantha, nasaan ang mga kaibigan mo?" Lumingon lingon sa paligid si kuya Lee. "Wala ba sila rito? Umalis na ba sila?"

Tanong nya. Si kuya talaga, si Michie lang naman ang hinahanap niya eh. Inakbayan ako ni Timothy.

"Nasa loob pa yata sila ng auditorium. Iniwan ko sila doon eh." Tumingin ako sa direksyon ng auditorium. "Ayan na pala sila."

Nakita ko ang Crazy Trios kasama ang Lola nila pati narin si Kuya Lucien. Masayang nagkukwento ang tatlo sa kanilang Lola.

"Nandito na naman siya?" inis na bulong ni kuya Lee.

Nakatingin siya kay kuya Lucien na kasalukuyang kausap ni Michie. Nakangiti sila pareho sa isa't-isa. Napatingin ako kay kuya Lee. Kulang nalang ay umusok ang mga tenga niya sa galit. Hmm.

"Teka lang Princess ha," sabi ni kuya Lee bago malalaki ang hakbang na lumakad palapit kina Michie.

"Let's go?" yaya ni Timothy.

"Saan?" tumingala ako sa kanya. Ang tangkad talaga niya. Ngumiti siya. Parang may napakalaking sikreto sa likod ng ngiti na 'yon.

"To your graduation present."