Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 204 - Chapter Two Hundred Four

Chapter 204 - Chapter Two Hundred Four

Matapos ang mga kaguluhan na nangyari, nagkaroon din kami ng tahimik na araw ngayon. Umalis na si GD ng bansa at bumalik sa Japan para mag-report sa kanyang ama. Dahil sa disk na nakuha ni Jared, nagkaroon na ng ebidensya at kumpletong listahan ng mga lugar at pangalan ng mga taong nagpapalaganap ng droga. Naging laman ito ng news lalo na at malalaking pangalan ang involved doon. Nanatiling malinis naman ang record ng Lucky 13 kahit na na-involve sila sa gulo. Dahil nagmula rin sila sa mga prominenteng pamilya, naprotektahan parin sila nang mabuti. Isa na rin sa tumulong na maglinis ng kalat ay walang iba kung hindi si GD.

Gusto ko nalang kalimutan ang lahat ng nangyari. Sino ba kasi ang magaakala na mararanasan ko ang ganong bagay sa buhay ko. Parang napanaginipan ko lang ang lahat, isang bangungot.

~~

Tale as old as time, True as it can be

~~

Nakangiti kong pinagmasdan si Ate Sweety habang mabagal siyang humahakbang palapit sa altar. Isa siyang dyosa. Isang puti at eleganteng wedding dress ang suot niya. Hugis puso ang harap nito at mababa ang cut sa likod. Hapit ito sa katawan niya hanggang bewang at tila nakabukang bulaklak ang kanyang palda na umabot sa kanyang talampakan. Kumikinang ang itaas na bahagi ng puting dress, may mga naka-tahi roon na maliliit at makikintab na bato na tila dyamante.

Napakaganda niyang bride. Naririnig namin ang kantang Beauty and the Beast habang naglalakad siya.

"Ang sabi nila, kapag daw sa kasal, ang pinakamaganda raw na tignan ay ang mukha ng groom habang palapit sa altar ang bride. Doon daw makikita kung gaano kamahal ng groom ang bride," sabi ni Michie na nasa tabi ko.

"Kung ganon tignan natin si kuya Cedrik," bulong ni China.

Napatingin kami sa kinatatayuan ni Cedrik. Nakasuot siya ng puting suit.

"Wow. Umiiyak ba siya?" tanong ni Maggie.

Tama. Umiiyak nga si Cedrik. Umiiyak siya pero malapad ang ngiti niya habang hindi inaalis ang tingin sa bride niya. Tinatapik naman siya sa balikat ng isa sa mga groomsmen.

Nalipat ang tingin ko kay Timothy na nasa likod ni Cedrik. Agad akong napangiti nang magkasalubong kami ng tingin. Bahagya rin siyang ngumiti sa akin. Napaka-gwapo niya sa suot nyang itim na tuxedo. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya. Haay Timothy. Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito ka-swerte dahil dumating ka sa buhay ko at minahal mo ako nang sobra.

Naalala ko ang ang araw na nagpaiyak sakin ng sobra. Ang araw na hingin niya sa parents ko ang kamay ko.

'I give you my blessing, hijo. Ingatan mo ang anak ko.'

Nang marinig ko ang sinabi ni Papa, napatingin ako kaagad kay Timothy. At nakita ko sa kanya ang napakaraming emosyon sa pinakamaikling oras. Pero lahat 'yon ay nauwi sa isang masayang ngiti mula sa amin. Kung sana lang nakuha rin namin ang blessing ni Mama. Pero kahit na ganon pa man, hindi na magiging kasing hirap ng noon ang relasyon namin ni Timothy. Ngayon kasi tanggap na ni Papa ang relasyon namin ni Timothy.

"Alam kong below-below si Cedrik pero sobra naman yata na pati sa kanta…" I trailed off.

Humagikgik ng mahina ang Crazy Trios na parang may sikreto silang alam.

"It's not that Sam," sagot ni Audrey. "Nasa theatre pareho sina Sweety at Cedrik noong highschool days nila. Sila ang gumanap sa role na Beauty and the Beast. It was a highschool joke na hindi na naalis. Palagi silang pinagpa-partner since then."

"Oo nga. Tapos last year nagkita sila ulit sa reunion ng batch nila. Si kuya Cedrik pala matagal nang may gusto kay Ate Sweety kaso masyadong torpe," singit ni Maggie.

"But eventually, salamat naman at nagka-lakas loob din siya para yayain si Ate Sweety na lumabas para mag-dinner date and then nasundan pa 'yon ng ilan pang mga dates bago naging sila," patuloy ni Audrey.

Wow. Ang sweet naman ng story nila. Kahit papaano na-iimagine ko sila noon. Naalala ko kung paano kinabahan ng sobra si Cedrik nang malaman niya na baka pakakasalan lang siya ni Ate Sweety dahil sa ama nina Timothy. Nag-umpisa na ang wedding ceremony.

"Welcome family, friends and loved ones here. We gather here today to celebrate the wedding of Aphrodite and Cedrik. You have come here to share in this formal commitment, to offer you love and support to this union and allow Aphrodite and Cedrik to start their married life together surrounded by the people dearest and most important to them."

Sinundan iyon ng pagbabasa tungkol sa definition ng kasal. Napapatingin ako palagi kay Timothy habang nagpapaliwang ang pari.

'I love you,' he mouthed to me and I think my heart skipped a beat.

Sumagot ako ng 'I love you too' kay Timothy at saka ako ngumiti nang matamis.

"Yiiiieehh," mahinang sabi ni Michie. "Nakita ko 'yon Sammy."

"Ako din nakita ko," segunda nina China at Maggie.

"Si Audrey din nakita ko," sabi ni Michie.

Nagkatinginan kami ni Audrey. Natawa nalang kami. Tumingin na ulit ako sa dalawang ikinakasal. Nagpapalitan na sila ng mga wedding vows.

"I, Cedrik, take you, Aphrodite, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part."

Sinabi rin ni Ate Sweety ang vow niya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya pero kita ko kung paano pinipigilan ni Cedrik ang luha niya. Iyakin talaga siya. Siguro sa pagsasama nilang dalawa si Cedrik ang palaging iiyak.

"Do you, Cedrik, take this woman to be your wedded wife?"

"I do."

"Do you, Aphrodite, take this man to be your wedded husband?"

"I do."

Ang sunod ay ang palitan ng singsing.

"I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness. As I place it on your finger, I commit my heart and soul to you. I ask you to wear this ring as a reminder of the vows we have spoken today, our wedding day," sabi ni Cedrik pagkatapos ay isinuot nya sa daliri ni Ate Sweety ang singsing.

Sumunod naman si Ate Sweety at sinabi ang parehong mga salita na sinabi ni Cedrik sa kanya. Nang matapos ang palitan ng singsing...

"By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."

Itinaas ni Cedrik ang veil ni Ate Sweety. At sa sobrang iyak niya, matagal bago niya nagawang halikan si Ate Sweety. Pumalakpak kaming lahat na nasa simbahan pagkatapos. Such a wonderful couple. Sigurado magtatagal sila.

Related Books

Popular novel hashtag