Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 203 - Chapter Two Hundred Three

Chapter 203 - Chapter Two Hundred Three

Sa gitna ng iyak ni Angelo mas bumigat at mas sumikip ang pakiramdam ko. Parang sobrang sikip ng paligid na hindi ako makahinga.

"Samantha," kalmado na sabi ni Mama na tila walang nangyari. "Kung pakakasalan mo ang lalaking ito, kalimutan mo nang may pamilya ka pa. I do not need a daughter who will choose a boy over her own family."

Napatigil ako sa paghikbi nang marinig nya 'yon. Itatakwil nila ako?

"Please don't do that to her. It doesn't have to be this way," habol ni Timothy kay Mama.

"Angelo! Halika na!" tawag ni Mama sa kapatid ko na patuloy sa malakas na pag-iyak.

Umalis ako sa likod ni Timothy at nakita na hinihila ni Mama si Angelo palabas ng bahay.

"NO! NO!!" kontra ni Angelo na pilit kumakawala sa hawak sa kanya ni Mama.

"Angelo!" tawag ko.

"Mommy!!!" Lumingon sa akin si Angelo. Napupuno ng luha at takot ang mga mata niya habang walang magawa kundi ang magpahila kay Mama.

Tuluyan na silang nakalabas ng bahay bago pa ako makakilos.

"Miracle," sambit ni Timothy na puno rin ng pagsisisi. "I'm so sorry. I didn't mean for any of this to happen."

Napatingin ako sa mga mata ni Timothy. Umiling ako para sabihin na wala siyang kasalanan. Matagal ko nang tanggap na mangyayari ito, ganunpaman umasa parin ako na may magbabago. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umasa kahit alam ko na. Nanghihina akong sumandal sa kanya. Kumapit sa braso nya para lamang kumuha ng lakas.

Itatakwil ako ni Mama sa pamilya. Iyon ang kabayaran ng pagpapakasal ko kay Timothy. Iyon ang kabayaran para sumaya ako.

Itatakwil ako sa pamilya. Mawawala sa akin ang pamilya ko.

"Samantha," tawag sa akin ni Papa.

"Papa." Nagulat ako nang makita na nanatili siya sa loob ng bahay.

"Come here, child." Ibinuka ni Papa ang kanyang dalawang braso para yakapin ako.

Dahan-dahan akong lumayo kay Timothy para lumapit kay Papa. Niyakap niya ako nang mahigpit. Umiyak akong muli sa kanyang dibdib. Hindi madali sa akin ang saktan sila.

"Hindi ko napansin na lumaki ka na pala, Samantha. Tama ka, mas naging abala kami sa negosyo kaysa sa pagsubaybay sa paglaki mo. Pero hindi ibig sabihin non na hindi ka namin mahal. Ginawa lang namin iyon ng Mama mo dahil iyon ang inakala namin na mas makabubuti. Gusto naming i-secure ang future mo. Pero hindi rin iyon excuse para magkulang kami sa'yo. Kahit papaano sana mapatawad mo kami ng Mama mo," sabi niya sa akin habang hinihimas ang ulo ko.

Tumango ako habang umiiyak.

"Opo Papa. I'm sorry po."

"Mahal ka namin ng Mama mo. Naging mali lang siguro ang paraan namin nang pagpapakita sa'yo non pero mahal na mahal ka namin, Samantha. Natatakot lang si Selene na masira ang buhay mo kaya niya nasabi ang mga 'yon. Hindi totoo na itatakwil ka namin, anak. Gusto lang niya na piliin mo kami," malumanay na paliwanag sa akin ni Papa habang hinahaplos ang buhok ko.

Mas lalong lumakas ang iyak ko sa mga sinabi niya. Naiintindihan ko. Kahit na totoong itakwil nila ako, maiintindihan ko parin.

"You've been brave, Samantha. You've always been a good daughter to us. I wish you all the happiness in the world. Kahit ano pa ang piliin mo sa buhay mo, susuportahan kita. It's your life, who's going to live it if you don't?"

"Papa—" humagulgol na ako ng iyak.

Matagal pa nya akong niyakap nang mahigpit. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi siya galit sa akin. Susupotahan niya ang desisyon ko.

"Nangako ako sa Diyos, na kung bibigyan niya kami ng ikalawang pagkakataon para mayakap ka nang ganito, gagawin ko ang kahit na ano para sa kaligayahan mo." Inilayo niya ako sandali sa kanya para tignan ako. May banayad siyang ngiti sa kanyang mukha. "Hwag kang masyadong umiyak anak, baka bigla kang atrasan ng binatang ito sa kasal ninyo."

Umatras ang hikbi ko nang sabihin iyon ni Papa. Umalis siya nang tuluyan sa yakap namin. Pumunta siya kay Timothy. Tinapik niya si Timothy sa balikat.

"I give you my blessing hijo. Ingatan mo ang anak ko."