Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 196 - Chapter One Hundred Ninety-Six

Chapter 196 - Chapter One Hundred Ninety-Six

Naiwan kami ni Timothy sa sala. Umuwi na ang mga kaibigan niya pati na rin si Audrey. Dumating kanina sina Lolo at Lola. Nagka-iyakan pa kami dahil ayaw tumahan ni Lola sa pag-iyak dahil sa sobrang pag-aalala. Sinundo sila ng butler na si John para iuwi sa mansion.

Si JG naman ay kinausap ko saglit bago umalis. Hinalikan pa niya ako sa noo na ikinabigla ko. Pero alam ko naman na friendly gesture lang 'yon. Na-miss lang siguro ako. Ang Crazy Trios naman ay nasa kanilang kwarto na. Magkatabi kami ni Timothy na nakaupo sa sofa. Tahimik lang siya habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin.

Nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya at siya naman ay hinahaplos ang buhok ko. Hindi parin ako makapaniwala na nakita ko siyang umiiyak kanina. Nang yakapin ko siya kanina, naramdaman kong umiyak siya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Umiyak siya sa harap ng maraming tao.

"Timothy, okay lang ako." Hindi siya umimik. Hinigpitan lang niya ang yakap niya sa'kin. "Nandito lang ako, hindi naman kita iiwan."

"I almost lost you again," bulong niya sa malungkot na tono. Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko ang boses niyang nahihirapan. "No. I lost you, Miracle."

"Hindi ako nawala."

"Miracle."

"Hmm?"

"I failed you. Forgive me." Hinigit niya ako hanggang sa nakaupo na ako sa kandungan niya "I'm really sorry. I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit niyang hingi ng tawad habang umiiyak sa dibdib ko. Hinagod ko lang ang likod niya. "I'm sorry. Please forgive me."

"Shh. It's okay Timothy." Hinalikan ko ang ulo niya.

"You died. I let you die. I was too late and you died. And it's all my fault."

Niyakap ko nalang siya nang mahigpit habang hinahaplos ang likod niya. Inalala ko ang nangyari. Nalunod ako. Pero namatay? Namatay ako? Hindi ako namatay. Nakatakas nga ako eh. Umiling ako. Naalala ko ang hitsura ng kwarto na tinakasan ko. Kaya pala pamilyar. Yung higaan na malamig at metal pati na rin ang kumot na may kakaibang amoy. Isa iyong morgue. Tinakasan ako ng lakas ko. Namatay ba ako?

"I'm sorry. I'm sorry. I'm really sorry."

Pero buhay ako. Kinurot ko ang sarili ko. Buhay ako. Masakit eh. At nakakaramdam ako. Hindi ako namatay. Ano ba ang sinasabi niya? Baka nagkamali lang sila ng tingin sa akin sa ospital?

"Timothy," tawag ko sa kanya. "Timothy look at me." Nag-hesitate siyang tignan ako. "Nakikita mo ako." Pinunasan ko ang luha niya "Nararamdaman mo ako. Mainit ako. Buhay ako."

"I can't lose you again, Miracle. You're all I have," sabi niya sa basag na boses. "I want you to be safe but as long as you're with me…"

Hinalikan ko siya sa labi. "Hwag mong sabihin na iiwan mo ako Timothy," bulong ko. "Hwag mong gagawin 'yan."

"I'm sorry. I don't know what to do anymore. I'm scared to lose you again, Miracle. I don't want to hurt you anymore. I want you to be safe. That's all I want," puno ng doubts ang mga mata niya. Halata na nalilito siya sa dapat niyang gawin. Pero higit sa lahat ay nangingibabaw ang sakit sa kanyang mga mata. Patuloy sa pagpatak ang luha niya. Tila hindi iyon nauubos.

"Mas gusto ko na nandito ka sa tabi ko at samahan akong harapin ang mga problema kaysa walang problema pero wala ka naman sa tabi ko. Promise me, hindi mo ako iiwan? Hindi ka aalis sa tabi ko?"

"I can't guarantee your safety anymore," umiiling niyang sabi.

"Promise me, Timothy!" Tinitigan ko siya sa mga mata.

"If that is what you want, Miracle," mahinang sabi niya.

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi niya. "Do you love me?" tanong ko sa kanya habang magkadikit ang mga noo namin.

"More than anything. More than life itself. My heart only belongs to you," puno ng sinseridad na sagot niya.

Naramdaman ko ang sobrang bilis na pagpintig ng puso ko. Naalala ko ang sarili ko habang nakaupo sa silya, nakatali habang napupuno ng tubig ang swimming pool. May ipinangako ako nang mga oras na 'yon sa sarili ko.

"Okay. Let's go." Ngumiti ako at tumayo na. Nakita ko na hindi niya inaasahan na hihiwalay ako sa kanya.

"Miracle." Inabot niya ang kamay ko.

Nang oras na 'yon, ipinangako ko sa sarili ko na mabubuhay ako para sa sarili ko. Gagawin ko lahat ng gusto ko. Mabubuhay ako na parang huling araw ko na sa mundo. At ngayon, wala akong ibang gusto kung hindi siya lang.

"Timothy." Ngumiti ako sa kanya. "Make love to me."