Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 195 - Chapter One Hundred Ninety-Five

Chapter 195 - Chapter One Hundred Ninety-Five

"Kain kayo?" alok ko sa kanila. Hindi sila umimik at nakatingin lang sila sa akin. Galit ba sila? Hindi nila ako pinapansin. Mukhang sobrang nagulat sila dahil kinain ko ang mga pagkain na iniimbak nila. "Uhm. Sorry, kinain ko mga pagkain ninyo."

Pinunasan ko ang bibig ko at nakitang may bakas pa ng chocolate sa bibig ko. Ang amos ko na pala!

"OH MY GOD!!!!" unang nag-react si China.

"Wag kayong magalit! Papalitan ko naman eh! Gutom lang talaga ako! Bakit kasi walang pagkain dito?! Sinabi ko naman na mag-grocery kayo diba?!" sabi ko sa kanila.

"SAMMY!!!!" sigaw nilang tatlo.

"Ang OA nyo naman! Sabi ko naman papalitan ko mga 'yan!" sinubo ko yung last bite ng snickers.

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!" sabay-sabay silang umiyak.

Nagulat ako kasi naman hindi na ito drama katulad dati. May tumutulong luha talaga sa mga mata nila. Ganoon ba nila pinahahalagahan ang pagkain nila? Wala akong ideya.

"SAMMYYYY!!!!!!!" lumapit silang tatlo sakin. Niyakap nila ako nang mahigpit na mas ikinagulat ko.

"Crazy Trios, ano ba ang nangyayari sa inyo?" tanong ko.

Nakayakap parin sila sa'kin. Umiiyak lang sila.

"Sorry na! Papalitan ko nalang yung mga kinain ko. Hwag na kayong umiyak. Di ko naman alam na ganon nyo kamahal ang pagkain nyo eh." Pinipilit kong isubo ang granola bar kaso nakayakap sila. Di ko maabot sa bibig ko.

"Sammy! Waaaaaahh!!" iyak ni Michie.

"Hwag mo na ulit kaming iiwan Sammy!!" iyak ni China.

"Oo nga!! Dito ka lang!" iyak ni Maggie.

"Hwag ka nang lalabas ng bahay, Sammy!" sabi ni Michie.

"Ang OA nyo naman, nagpaalam naman ako sa inyo kanina na pupunta lang ako kina Timothy para ibigay yung carbonara ah. Di ninyo ba ako narinig kanina na nagpaalam?" tanong ko.

Hindi ba nila alam 'yon? Hinanap ba nila ako? Ay oo nga pala, nakidnap kasi ako kaya natagalan ako umuwi. Akala siguro nila naligaw na ako. Teka. May nakalimutan ako. GAAAHD! Nakalimutan ko si Timothy! Nakita niya nga pala akong nakidnap! Nabitawan ko yung kinakain ko.

Bigla kong naalala. Nasa gitna ako ng swimming pool. Tinawagan nila si Timothy, tapos umalis sila. Naiwan ako. May tubig. Napuno ng tubig ang swimming pool. Pagkatapos non. Pagkatapos…

"Samantha," tawag sa akin ng isang boses.

Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakatayo roon si John Gabriel. Nagulat ako dahil matagal ko na siyang di nakikita! Surprise visit ba ito?

"Gabby!" nakangiti kong bati sa kanya. Mukhang naluluha pa sya na makita ako.

"Mabuti nalang," sabi niya na ngumiti nang malapad. Mukhang sobrang emosyonal niya habang nakatingin sa akin.

Naguguluhan ko lang siyang tinignan. Ilang saglit pa at napuno ang buong bahay. Nandito na rin ang Lucky 13. Ano ang meron? Ah. Nag-alala ba sila sa akin? Okay lang naman ako, nakatakas ako sa kidnappers ko!

"Uh. Hello?" bati ko sa kanila.

Nahiya naman ako sa ayos ko. Ang gulo pa ng buhok ko. Yung damit ko kakatuyo lang. Nahihilo pa ako. Ang kati pa ng katawan ko, ang dumi yata ng tubig sa pool. Ang dami nilang nakatingin sa'kin. Pero nasan si Red at Timothy?

"S-si Sam ba talaga yan o aparisyon lang?" tanong ni Pip.

Ano raw? "Ano'ng aparisyon?"

"TUKNENENG DUDE, NARINIG NIYA AKO!!!" sigaw ni Pip na nanlalaki ang mga mata.

Bigla siyang binatukan ni Seven. "Gago, ang ingay mo. Malamang naman maririnig ka!" sabi ni Seven.

Ang sikip na. Ang sikip na ng kusina namin sa sobrang dami ng tao.

"Si Timothy? Nasan siya? Okay lang ba siya?" tanong ko habang kinakamot ang likod ko.

Mabuti nalang humiwalay na sa akin ang Crazy Trios. Di kasi ako makagalaw sa yakap nila. Nakatingin lang sila sa'kin. Para naman wala akong kausap dito. Ang awkward kaya naman naglakad ako palabas sana ng kusina. Nagulat naman sila sa pag-galaw ko. Naglakad ako at napaatras naman sila. Sa bawat pag-galaw ko parang mas lumalaki ang mga mata nila. Kung sayawan ko kaya ng Gangnam Style ang mga ito? Ano kaya reaksyon nila?

Nag-bigay daan sila sakin nang mapansin nilang palabas ako ng kusina. Umakyat ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng ilang gamit at pumasok sa banyo. Habang nasa ilalim ng shower at naliligo.

Kinilabutan ako sa mga imahe na bumalik sa isip ko. Nalunod ako. Ang alam ko talaga nalunod ako. Pero bakit... napunta ako sa kwarto na 'yon? Inilipat ba nila ako? Sinabon ko nang mabuti ang katawan ko at nag-shampoo nang marami. Ang weird kasi ng amoy ko. Parang kumapit yung amoy ng kumot kanina sa'kin.

Mabilis akong nagbihis pagkatapos. Inilagay ko lang sa messy bun ang basa ko pang buhok. Nasan kaya si Timothy? Mukhang okay lang naman ang gang nila. Mabuti nalang hindi sila napahamak.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba na. Si Red ang una kong nakita pagbaba ko. Ang ibang Lucky 13, nasa labas ng bahay nang tignan ko sa bintana.

"Jared, ano ba talaga ang nangyayari?" bigla nalang niya akong niyakap nang mahigpit.

Nandoon din si Audrey. Namumula ang mga mata niya na mukhang kagagaling lang sa iyak.

"Ano ba talaga kasi ang nangyayari?!" naiinis na tanong ko.

Lahat sila ang weird ng ikinikilos.

"Lahat kayo kung kumilos parang namatayan!" sigaw ko.

"Samantha!" Bigla nalang umiyak si Audrey.

Pagkahiwalay sakin ni Red, siya naman ang yumakap sa'kin. Hindi na ba matatapos ang yakapan na ito?

"Bakit ba?" tanong ko.

"I'm so glad you're here," sabi ni Audrey na biglang humagulgol ng iyak.

"Hala! Dee, hwag kang umiyak!" Niyakap ko siya para tumahan na.

Nakasalubong ko ng tingin si Red. Iba kung makatingin si Jared. Parang hindi makapaniwala na nakikita niya ako ngayon.

"What?" I mouthed.

Umiling lang si Red at ngumit na. Pero sa mga mata niya, may bahid ng guilt.

"May nangyari ba kay Timothy?" kinakabahan na tanong ko.

Siya lang ang wala rito ngayon. At lahat sila may malungkot na aura. Nasan siya? Bakit wala siya rito? Kaya ba halos lahat sila ay umiiyak at malungkot? Nalulungkot ba sila para sa'kin?

"Nasan si Timothy?" tanong ko.

"Miracle." Nabuhusan ako ng relief nang marinig ko ang boses niya.

Pero may kakaiba sa boses niya, parang paos. Katulad ng mga mata ni Audrey, mapula rin ang kay Timothy. Medyo hinihingal pa siya at mukhang nagmadali na pumunta rito. Katulad ng sa iba ang ekspresyon sa mukha niya. Gulat at tila nakakita ng multo.

Ah. Siguro nalaman na nila na nakatakas ako sa mga kidnappers? Humiwalay ako ng yakap kay Audrey at mabilis na lumapit kay Timothy. Niyakap ko siya nang mahigpit. Akala ko may nangyari na sa kanya.

Related Books

Popular novel hashtag