Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 192 - Chapter One Hundred Ninety-Two

Chapter 192 - Chapter One Hundred Ninety-Two

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!" nag-echo ang sigaw sa pasilyo ng ospital.

Natigilan sa pagtakbo si Red nang marinig ang sigaw na 'yon. Kaibigan niya ang sumisigaw. Na-blanko sandali ang isip niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya.

"Si TOP 'yon ah," komento ni Jack na nauna na kay Red sa pagtakbo.

"MIRACLE!!! FUCK!!!" puno ng hinagpis na sigaw ni TOP.

Dinig ni Jared ang lakas ng tibok ng puso niya. Pahirap nang pahirap ang kanyang paghinga.

Mabibigat ang hakbang na lumakad si Red patungo sa mga kaibigan niya. Lumiko siya sa pasilyo at sumalubong sa kanya ang nagluluksang mga mukha ng mga ito. Nandoon din ang kapatid niyang si Audrey na walang tigil ang pag-iyak. Kasama nito ang nobyo na si Omi na nakayakap dito.

Napalipat naman ang tingin niya sa kaibigang nagwawala. May mga nakaagapay na lalaking nurse rito at pinipigilan ang pagwawala nito.

Hindi siya nakagalaw. Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang gagawin niya.

'Morgue' ang basa niya sa mga letrang nakasulat sa tapat ng pintuan na gustong pasukin ng kaibigan niya.

Nahigit niya ang hininga. Nanlulumo siya na napasandal sa pader ng ospital. Ang akala niya ay wala nang mas sasakit pa nang piliin ni Samantha ang kaibigan niya imbes na siya. Ang akala niya wala nang mas hihigit pa sa sakit na naramdaman niya nang tuluyan na niya itong sukuan. Mali pala siya. Ilang libong beses pa pala itong mas masakit kaysa sa naramdaman niya noon.

Ngayon, wala na talaga ang dalaga. Hindi na nya ito makikita pang muli. Naikuyom niya ang isang kamao, ang isa naman ay mariin niyang naisuklay sa buhok niya.

"K-kuya..." humihikbing tawag sa kanya ng kapatid. Nilapitan siya nito. "Si Sam—" humagulgol ito ng iyak.

Niyakap ni Red ang kapatid. Mariin niyang ipinikit sandali ang mga mata, naramdaman nalang niya na may tumulong luha sa mga ito.

"W-wala na siya kuya! Wala na siya!" malakas na iyak ni Audrey sa dibdib niya.

Sa narinig ay mas lalong nadurog ang puso ni Red. Isang kumpirmasyon sa katotohanan na hindi niya gustong tanggapin. Wala na siya.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Jack kay Kyo.

Umiling si Kyo sa kaibigan. Namumula ang mga mata niya.

"Nakatali siya sa silya. Iniwan nila si Samantha sa gitna ng swimming pool para malunod. Nang dumating kami... huli na," pahina nang pahina ang boses na kwento ni Kyo. "Wala na sya."

"AAAAAHH!! SHIT!! FUCK!! LET GO OF ME!!!" basag na boses na sigaw ni TOP.

Lumapit sina Dos, Vin, Seven at Six at tumulong sa paghawak sa nagwawala nilang kaibigan.

"MIRACLE!!!! NO!!! SHE'S NOT DEAD!!!! NO!!!" puno ng hinagpis ang sigaw nito. Pula ang mga mata at walang tigil ang tulo ng luha sa mga mata ng binata.

Napayuko si Red. Hindi niya kayang panoorin ang kaibigan sa ganitong kalagayan. Matatag ang kaibigan niya, lahat ng bagay ay kaya nitong lagpasan, walang inuurungan. Pero ngayon ni walang bakas ng lakas o tatag ang kaibigan niya. Nawala na rito ang pinakamahalagang taong iniingatan nito.

Nakagat niya ang labi niya at mabilis na nalasahan ang dugo. Sinisisi niya ang sarili niya. Kung hindi sana sya nagmadali na matapos ang misyon…

NAMUMULA na ang mga mata ni TOP. Wala na rin sa ayos ang buhok nito, garalgal na rin ang boses ng binata dahil sa kanina pang walang tigil na pag-sigaw.

Wala na ang babaeng mahal niya. Tuluyan na siyang iniwan nito. Wala nang pag-asa pa na mabawi niya ito. Kung ganito rin lang, wala na siyang nakikita pang dahilan para mabuhay. Mas nanaisin niya nalang na sumama sa babaeng lubos niyang minamahal. Mas nanaisin niyang mamatay nalang kaysa ang ipagpatuloy ang mabuhay sa mundong ito na wala naman ang dalaga sa tabi niya.

Bakit ito nangyari sa kanilang dalawa? Sadya bang ayaw silang pagsamahin ng tadhana? Ano ba ang napakabigat niyang kasalanan sa mundong ito at pinaparusahan siya nang ganito ng langit?

Bakit hindi nalang siya ang namatay? Bakit kailangan pang ang dalaga ang mawala sa mundong ito?

'Morgue'

Isang sampal sa kanya ang salitang iyon. Ang salitang 'yon ang unti-unting pumapatay sa kanya. Kinakain ang puso niya nang paunti-unti. Hinihiwa at pinipira-piraso.

Nasa loob ng silid na 'yon ang babaeng mahal niya. Nakahiga sa isang malamig na metal at nakatakip sa buong katawan nito ang isang puting kumot.

Dinala niya ang dalaga sa ospital sa pag-aakalang matutulungan siya ng mga doktor. Pero isang malamig na iling lamang ang iginanti ng mga ito sa kanila. Matapos non ay dinala ng mga ito ang katawan ng dalaga sa loob ng malamig na silid na ito.

Gusto niyang pasukin ito at alisin doon ang dalaga. Hindi niya gusto na nasa loob ito ng silid na 'yon.

"Miracle..." bulong niya. "Miracle. Miracle."

Ilang minuto siyang nakatulala sa kawalan. Nanginig ang buong katawan niya, ilang minuto rin ang lumipas bago niya namalayan ang dahilan nito. Iniiyakan niya ang pagtanggap ng isip niya sa pagkawala ng dalaga. Iniiyakan niya ang pagkawala ng buhay niya. Iniiyakan niya ang pagkamatay niya.