Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 193 - Chapter One Hundred Ninety-Three

Chapter 193 - Chapter One Hundred Ninety-Three

HUMAHANGOS ng takbo ang tatlong kaibigan ni Samantha papunta sa kinaroroonan nito. Puno ng takot at sakit ang nararamdaman nila. Nakuha nila ang balita mula kay Audrey. Nagmadali agad silang pumunta sa ospital na tinutukoy sa text message.

"N-nasan sya?" tila may bikig sa lalamunan na tanong ni Michie. "N-nasan si Sammy? Okay lang siya, diba?" naluluha na tanong niya kay Audrey. "Okay lang si Sammy, diba Audrey? Diba?!"

Sunod-sunod na iling lang ang sagot ni Audrey habang patuloy sa pag-iyak. Nakatakip ang isang kamay nito sa bibig.

"Hindi!" agad na iyak ni China.

"Si Sammy..." Niyakap ni Maggie ang kapatid at sabay silang umiyak.

Nanghihina naman na napaupo si Michie sa upuan. Wala na ang kaibigan niya. Wala na. Wala na. Wala na ang bestfriend niya. Wala na ito. Huminga siya nang malalim. Sunod sunod na paghinga nang malalim ang ginawa ni Michie bago tumayo. Gusto niyang makita ang kaibigan niya. Lumakad siya papunta sa tapat ng pinto.

"N-Nandito ba si Sammy?" nanginginig ang boses na tanong niya.

"Michie hwag," awat sa kanya ni Audrey bago pa niya mahawakan ang pinto.

"Bakit?" tanong nya. "Bakit?! Bakit hindi ko siya pwedeng makita?! Ako ang bestfriend niya! Ako ang bestfriend ni Sammy eh! Hanggang dito ba Audrey hindi mo ako palalapitin sa bestfriend ko?! Bestfriend ko rin siya eh!" Sunud-sunod ang pagtulo ng luha sa mga mata niya habang nakatingin kay Audrey.

"Alam ko." Niyakap ni Audrey si Michie nang mahigpit. "Me too, I'm her bestfriend, too."

"Si Sammy—" humihikbing sabi ni Michie. "Hindi siya pwedeng mawala kasi—kasi kailangan ko pa siya! Di 'yon pwede! Di pwede! Sammy!!"

Muling nabalot ng lungkot ang buong paligid. Tanging iyak lang nila ang maririnig. May lumapit sa kanilang isang lalaki na may uniporme ng ospital.

"Pasensya na po pero hindi kayo pwedeng magtagal dito. Tanging mga kamaganak lang ang pwedeng manatili dito at pumasok sa loob. Pasensya na po," pagkasabi ay umalis na rin ulit ang lalaki.

TINIGNAN ni Vin ang mga kaibigan niya. Mukhang walang balak umalis ang mga ito. Alas-dos na ng madaling araw pagtingin nya sa relo niya.

"Nasabihan na ba ang mga magulang ni Samantha?" tanong niya kay Red.

Tila walang naririnig ang kaibigan niya. Nakatulala lang ito na parang tinakasan ng buhay sa putla ng mukha. Nanginginig ang mga kamay nito.

"Sinabi ko kina Mama." Lumapit si Audrey kay Vin. "Sila na raw ang bahala na magsabi sa parents ni Sam. Nasa England sila ngayon at bukas ng umaga ang dating nila kasama si Papa."

MAY nakitang papalapit na tatlong pulis si Jun. Agad siyang tumayo para salubungin ang mga ito. Tumayo rin si Vin at Mond para alamin ang pakay ng mga ito.

"Tungkol ito sa nangyaring barilan sa may pier," sagot ng nangungunang pulis nang tanungin nila ito sa pakay nito. "Maaari ba kayong maimbitahan sa presinto? May ilang katanungan lang kami sa inyo."

Tumingin si Vin sa mga kasama. Lumapit si Jack pati na rin si Omi sa kanya. Sama-sama silang sumama sa mga pulis.

Alam nilang hindi sila makukulong. Kailangan lang nilang magsalita tungkol sa nangyari. Lumakad sina Vin, Mond, Omi, Jack at Jun kasama ang tatlong pulis at iniwan ang iba nilang kaibigan para samahan ang pinakaaepktado sa lahat ng ito, si TOP at pati na rin si Red.

MAY KAGULUHAN sa labas ng ospital. Ilang reporters ang nagpupumilit pumasok sa loob. Mabibilis ang hakbang na iniwan ni John Gabriel Sy ang kaguluhan sa labas. Patuloy ang pag-flash ng camera sa likod niya. Naririnig din niya ang patuloy na tanong ng mga ito. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang balita.

Nanlalaki ang mga mata ng mga tao sa ospital nang makita siya. Ang isang sikat na celebrity na katulad niya ay hindi mapapalampas ng mga tao rito.

"Miracle Samantha Perez?" binigay nya ang pangalan ng taong hinahanap niya sa babaeng nurse na nakasalubong nya. "Where is she?"

"Ah. S-sumunod po kayo sa akin," anito habang namimilog ang mga mata at tila namumula pa.

Sinundan ni JG ang nurse sa paglalakad. Inalis niya ang hood sa ulo niya pati na rin ang salamin sa mata niya.

Si Samantha, ang kaibigan niya simula pagkabata. Nang una niyang mabasa ang ipinadalang text message sa kanya ng kaibigan nito, mabilis siyang umalis sa rehearsal ng susunod niyang concert.

Hindi maganda ang gising niya kaninang umaga, alam niya na may mangyayaring hindi maganda nang araw na 'yon pero hindi niya alam kung sa kanya ba o kanino. Kaya pala bigla niyang naalala ang dalaga kanina.

"N-nandito na po tayo."

Tinignan nya ang kwarto sa harap nya. Kumunot ang noo niya. 'Morgue' Tumingin siya sa nurse. Agad naman itong napayuko.

"Is this a joke? Ang sabi ko, dalhin mo ako kay Samantha. Miracle Samantha Perez ang pangalan niya," malamig niyang sabi.

Napakagat sa labi ang nurse. Mukha lamang itong estudyante. Mukhang bago lang sa trabaho. "K-kasi po…"

Lumibot sa paligid ang tingin ni JG. Tila nakakita siya ng pula nang makita niya roon si TOP na nakaupo sa isang silya. Nandon din ang mga kaibigan nito pati na rin ang mga kaibigan ni Samantha.

Mabilis niyang nilapitan ang dating karibal. Hinawakan niya ang magkabilang kwelyo ng itim na jacket nito at sinuntok nang malakas sa mukha.

"JG!!" Mabilis siyang hinawakan ng ibang kaibigan ng sinuntok niya.

"Ano'ng ginawa mo?" nagtatagis ang bagang na tanong niya kay TOP.

Nakaupo ito sa sahig. Ni walang intensyon na lumaban. Tumayo ito at hindi tinanggap ang pag-alalay ng mga kaibigan.

Kumawala si JG sa hawak sa kanya ng mga kaibigan ng kaaway niya. Muli niyang kinwelyuhan si TOP at isinandal niya ito sa pader.

"Ilang taon ko siyang pinrotektahan mula sa'yo! Inilayo namin siya ni Lee sa'yo dahil alam namin na wala kang ibang dala kay Samantha kundi kapahamakan! Inulit mo lang ang nangyari sa kanya noon!! At ngayon sinigurado mo pa na mamamatay siya!!" sigaw niya sa binata na tila walang naririnig. "Kasalanan mo kung bakit siya namatay!!"

Muling sinuntok ni JG si TOP. Muli namang pumagitna sa dalawa ang ibang myembro ng gang.

"Tama na yan JG!!" awat ni Kyo. "Walang may gusto ng nangyari!"

"Hindi ka na dapat lumapit pa ulit kay Samantha. Kung hindi ka sana nagpumilit na sumingit sa buhay niya, sana wala siya sa loob ng kwartong yan ngayon!" sigaw ni JG. "Kung sana lumayo ka nalang, hindi sana nangyari ang gulong 'to!"

Tumayo si TOP at pinunasan ang dugo sa bibig niya. Walang imik na umupo siyang muli sa pwesto niya kanina. Walang emosyon na makikita sa mukha nito. Blanko rin ang mga mata nito na parang walang nakikita.

"Hindi kasalanan ni TOP 'yon, kasalanan ko," singit ni Red na nanatiling tikom ang bibig simula pa kanina. Nakaupo ito di kalayuan kay TOP. Nakayuko ito.

"Wala nang magagawa pa ang mga 'yan!" galit na sabi ni JG. "Hindi nalang sana kayo pumasok ulit sa buhay namin kung ito lang ang gagawin ninyo!"

"Tama na yan Gabriel," malumanay na sabi ng isang babae.

Napatingin silang lahat sa nagsalita. Natahimik sila. Dumating na pala ang Lolo at Lola ni Samantha. Parehong malungkot ang mukha ng mag-asawa. Magkahawak ang kamay ng mga ito na tila sinusuportahan ang isat-isa sa paglalakad.

"Gusto ko nang makita ang apo ko," sabi ng Lola ng dalaga sa isang staff ng ospital.

Pinagbuksan sila ng pinto ng lalaki. Pumasok ang mag-asawa sa loob ng silid. Maririnig ang isang impit na iyak sa loob.

"Samantha, ang apo ko!"

Related Books

Popular novel hashtag