Miracle Samantha Perez
Umabot na hanggang leeg ko ang tubig. Pilit kong inaangat ang ulo ko. Masyadong mahigpit ang tali sa mga kamay ko.
Timothy! Paulit-ulit ko siyang tinatawag sa isip ko, baka sakaling marinig niya ako. Dito na ba ako mamamatay? Paulit-ulit ko na yata itong tanong sa sarili ko. Bakit ba palagi akong naiipit sa ganitong sitwasyon?
Tumingin ako sa umaagos na tubig. Mukhang hindi hihinto ang paglabas ng tubig mula sa apat na butas ng pool. Hindi iyon hihinto para sa akin.
Napatingin nalang ako sa langit. Kahit papaano maraming bituin sa langit. Maliwanag ang bwan kaya hindi naiwang madilim ang paligid ko.
Kung babalikan ang mga pangyayari sa buhay ko, ang dami ko pang gustong gawin. Marami pang kulang sa buhay ko. Marami pang bagay akong gustong gawin na hindi pinahintulutan nina Mama.
Kung alam ko lang na mamamatay na pala ako ngayon dapat ginawa ko na lahat ng mga gusto kong gawin noon pa! Palagi nalang akong naghihintay ng tamang oras. Palagi kong iniisip na bata pa ako, marami pa akong oras sa mundo. Pero ngayong nandito ako sa ganitong sitwasyon… nagsisisi ako na pinigilan ko ang sarili ko na gawin ang napakaraming bagay.
Kung mabubuhay ako pagkatapos nito, ipinapangako ko na wala nang makakapigil sa akin sa mga gusto kong gawin. Hindi si Mama, hindi si Papa at hindi ang sarili ko.
Sana nagawa ko munang pakasalan si Timothy. Sana nagawa ko munang ibigay nang buo sa kanya ang sarili ko. Sana naranasan ko munang maramdaman ang halik niya sa buong katawan ko, yakapin siya sa malamig na gabi, ang makasama siya buong araw nang walang nangyayaring masama. Gusto ko siyang makasama na mamili sa supermarket, gusto kong turuan niya akong magluto.
Kung mabubuhay ako ngayon, ipinapangako ko na wala akong sasayangin na sandali sa buhay ko. Mabubuhay ako nang ako ang nasusunod at hindi ang ibang tao. Magiging masaya ako sa lahat ng desisyon ko. Paninindigan ko si Timothy. Magsasama kaming dalawa. Lalayo at bubuo kami ng sarili naming pamilya.
Kung mamamatay naman ako... Ang tanging hiling ko lang... Sana... mapatawad ni Timothy ang sarili niya sa nangyaring ito sa akin. Sana hindi siya sisihin ng mga magulang ko. Sana makawala siya sa mga alaala naming dalawa. Sana makahanap siya ng iba pa niyang mamahalin bukod sa'kin.
Kahit na masakit isipin ang huling hiling ko, sana mangyari parin. Ayoko siyang habangbuhay na maging malungkot. Timothy.
Lumagpas na sa leeg ko ang tubig. Inangat ko pa nang husto ang mukha ko. Tinitigan ko ang langit. Hinihiling ko na sana magawa ko pa ang lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko. Sana…
Huminga ako nang malalim bago pa ako tuluyang matabunan ng tubig. Lumagpas na ang tubig sa ulo ko. Isang minuto ko lang kayang pigilan ang paghinga ko, pagkatapos non, hindi ko na alam.
Jared Dela Cruz
"Where is the disk?" tanong ni Mr Fan.
"Where is the girl?" tanong ko pabalik.
Nakatayo kami malapit sa daungan ng mga barko. Kasama niya ang iba niyang tauhan. Nasa tabi ko naman si Jack. Sina Seven, Vin at Omi naman ay nasa ibang lugar kung saan nakabantay sila sa magaganap na putukan. Sila ang hitman namin.
"Give me the disk and I will tell you where the girl is," nakangising sabi ni Mr Fan.
"Jack," sambit ko sa katabi ko. Inabot niya sakin ang disk. "I have the disk, tell me where she is!"
"Hand it over, kid!" utos niya.
Naikuyom ko ang mga kamay ko sa inis. Ihinagis ko sa kanya ang disk. Sinalo niya iyon at tinignan kung orihinal iyon.
"Where is she?!" sigaw ko.
"She's swimming in a pool," tumatawa niyang sabi. Tumingin siya sa relo nya. "You better hurry up and save her. Her time is running out. But I think it's too late now. You lost, boy."
Nanigas ang buong katawan ko sa narinig ko. Bigla akong nanlamig. Pumasok sa isip ko ang walang buhay na si Samantha. May tumulak sa'kin at doon lang ako nagising mula sa iniisip ko. Nakarinig ako ng maraming putukan.
"AAAAAAAHH!!" sigaw ng mga tauhan ni Mr Fan.
Tumumba ang iba sa kanila. Ang ilan naman ay tumakbo para magtago.
"RED! TAWAGAN MO NA SI TOP!! SABIHIN MO SA KANYA!! SHIT!!" mura ni Jack nang paputukan kami ng kalaban.
Nakatago kami sa gilid ng kotse. Nabasag ang salamin sa bintana nang matamaan ito ng bala.
"MGA GAGO KAYO, BAGONG BILI LANG 'TONG KOTSE KO!!!" sigaw niya bago sya gumanti ng sunod-sunod na pag-baril.
Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan si TOP.
"TOP!! SI SAMANTHA—SA POOL!! NASA ISA SIYANG SWIMMING POOL!!"
[Shit!] ang narinig kong sagot niya bago maputol ang linya.
Kinuha ko na ang baril ko at ikinasa ito. Tinulungan ko si Jack sa pagbaril. Tumayo ako at tinamaan ko ang dalawa sa kanila. Nakita ko si Mr Fan na tumatakbo, agad ko siyang sinundan.
"RED HAYAAN MO NA!!! GAGO MAPAPATAY KA SA GINAGAWA MO!! BUMALIK KA RITO!!"
***
"Shit! Shit! Shit!" sambit ni TOP habang tumatakbo papunta sa pool area ng eskwelahan. Malaking pasasalamat niya na napagdesisyunan niyang puntahan ang lugar pero kung hindi niya masasagip ang dalaga.
"MIRACLE!!" sigaw nya.
Binuksan niya ang gate papunta sa pool area. Nakita niya ang swimming pool na patuloy ang pagbuhos ng tubig. Hindi pa ito gaanong napupuno pero mataas na ito. May nakita siyang malaking bagay na nasa ilalim ng tubig.
Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso niya nang mapagtanto kung ano o sino ito. Mabilis syang tumalon sa tubig.
Lumangoy siya papunta sa nakalubog sa tubig na babae. Wala na itong malay. Nakaupo ito sa isang kahoy na silya at nakatali ang buong katawan nito rito.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga. Tinanggal nya ang tape na nasa bibig nito. Pilit nyang nilagyan ng hangin ang bibig nito mula sa kanyang bibig.
Hindi parin ito nagkakaron ng malay. Kinuha nya ang dalang swiss army knife sa kanyang bulsa. Ginamit niya ang maliit na kustsilyo nito para kalagan ang tali.
Base sa kapal ng lubid na ginamit ay alam niyang mahihirapan siyang alisin ito. Puno ng takot para sa buhay ng babaeng mahal niya, pinilit niyang buhatin ang silyang kinauupuan nito.
Inangat niya ito mula sa tubig na ngayon ay hanggang balikat na niya. Yakap niya sa kanyang braso at pilit na inaangat, nagawa niyang makaahon papunta sa metal na hagdanan. Itinapak niya ang kanyang paa sa unang baytang ng hagdanan, ipinatong niya ang gitna silya sa kanyang hita. Agad siyang nakaramdan ng sakit dala ng bigat nito pero hindi niya pinansin.
Nakalaylay ang mukha ni Samantha, walang malay habang nakaupo sa silya. Dinudurog naman sa sakit ang puso ng binata.
"Miracle! Miracle! Miracle!!" sigaw niya sa walang malay na babae.
Tila nawala ang buhay niya. Natatakot siya na hawakan ang dalaga, hindi niya gustong makumpirma ang iniisip niya.
Masyado nang mataas ang tubig kanina pagdating niya. Ilang minuto na sigurado ang nakalipas nang huling huminga ang dalaga. Parang dinudurog ang puso niya sa nangyaring ito.
"TOP!!" may tumawag sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
Nakatingin lang siya sa mukha ng mahal niya. Natatakot siya na alisin ang tingin sa dalaga.
"Miracle, please open your eyes! Miracle!" sigaw nya.
"Shit! Ano'ng nangyari?!" tanong ni Jun.
Lumapit si Kyo sa pool, hinigit niya paitaas ang silya. Agad naman na tumulong si Jun sa paghila. Tila natauhan naman si TOP nang makarinig ng putok ng baril.
Ginamit ni Kyo ang baril niya para putulin ang mga makakapal na lubid. Lumapit si TOP at mabilis na inalis ang mga tali sa dalaga. Binuhat niya ito palayo sa silya. Inihiga niya sa semento ang dalaga at binigyan ng CPR.
"Wifey! Please!" Sinalinan ng hangin ni TOP ang bibig ni Samantha "Breathe! Miracle!" Muli niyang inilagay ang dalawang kamay sa gitna ng dibdib ng dalaga at binilangan ng pag-pump. "Miracle! Open your eyes!" Muli niyang sinalinan ng hangin ang bibig nito. "Fuck it! Open your fucking eyes! Wifey!"
Sa ganoong tagpo nadatnan ng iba pang myembro ng gang ang kanilang pinuno. Sumisigaw ito habang pilit na ibinabalik ang buhay sa katawan ng babaeng mahal nito. Sa babaeng sinasamba nito, ang babaeng tanging minahal ng pinuno at kaibigan nila.
"OPEN YOUR EYES!! DAMMIT MIRACLE!! FUCK!!" Hindi parin tumitigil si TOP sa pagbibigay ng CPR dito kahit ilang minuto na ang nakalipas. "MIRACLE!! DON'T DO THIS!! OPEN YOUR EYES, WIFEY!!"
Hinawakan ni Vin sa balikat ang kaibigan. Hindi na niya matiis ang nakikita.
"TOP." Umiling si Vin na ibig sabihin ay nahuli na sila.
"NO!!" sigaw ni TOP sa kaibigan. "She's not... she's not dead! She's not dead!! Wifey, c'mon! Open your eyes, Wifey! Miracle. OPEN YOUR EYES DAMMIT!!"
Napayuko ang mga binata na hindi na kayang panoorin ang nangyayari. Nabigo sila. Niyakap ni TOP ang katawan ng dalaga. Sa unang pagkakataon, humagulgol siya ng iyak sa harap ng mga kaibigan niya.
"Miracle…" sambit ng binata sa pagitan ng iyak niya. "Don't leave me like this! Miracle, I beg you! Don't leave me again!"
Tila naramdaman ng langit ang lungkot. Nakiisa ito sa pagbuhos ng luha nito. Dahil sa ulan, naitago na rin ng buong grupo ang mga luha sa kanilang mga mata. Sabay-sabay silang nagluksa sa pagkawala ng babaeng naging parte na rin ng mga buhay nila.