Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 166 - Chapter One Hundred Sixty-Six

Chapter 166 - Chapter One Hundred Sixty-Six

"Sir malayo pa po ba? Pagod na ako," reklamo ng isang babaeng estudyante.

"Gutom na ako!" wika ng isa pang babae.

"Tsk Tsk! Ang mga kabataan talaga ngayon, sandali nalang at titigil na tayo para mananghalian," sagot ng guro nila.

"Sir naman, gaano pa po ba katagal? Hindi ko na kaya."

"Oo nga Sir, masakit na po mga binti namin. Kanina pa tayo naglalakad."

"Hindi tayo pwedeng tumigil, kayo rin. Baka hindi nyo makita sina Coco at saka si Anne," suhol ni Mr. Palaez.

"Sir, napapansin ko po kanina nyo pa binabanggit ang mga pangalan nila kapag nagrereklamo kami. Siguraduhin nyo lang Sir na nadon sila, kapag hindi namin sila nakita itatali namin kayo sa puno at iiwan!"

"Oo nga Sir! Iiwan namin kayong nakatali sa puno!"

"Kakainin kayo ng mga Zombies Sir!"

"Mga batang 'to!" Tumigil sa paglalakad si Mr Palaez. "Nandito na tayo!"

"Wow!"

"May river!"

"Daming bato, ang saya!"

Nakahinga nang maluwag ang mga estudyante. Agad nilang ibinaba ang mga bag na dala nila. Umikot ang tingin nila sa paligid.

"Nasan po si James Reid?"

"H-Ha? Ay! Nandyan na pala sila!!" turo ng guro sa dalawang lalaki na papalapit.

Lahat ay napatingin sa dalawang lalaki. At lahat ng excitement nila ay parang bula na naglaho nang makita ang mga ito nang malapitan.

"Kumusta Mr. Palaez, ito na ba ang Geo Class mo?" tanong ng lalaki na mukhang nasa trenta anyos na.

"Mabuti at nahanap nyo ang daan papunta rito," sabi ng ikalawang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa guro nila.

"Okay! Class, meet kuya Jojo at kuya Ollie. Sila ang guide natin," pakilala ni Mr Palaez sa dalawang lalaki sa mga estudyante niya.

"SIIIIIRRRR!! NASAN NA PO BA SI COCO MARTIN?!!!"

"NILOLOKO NYO LANG PO BA KAMI SIR?!!"

"So help me God, Sir kapag wala dito sina James at Enrique ililibing ko kayo dito at gagawing pataba sa lupa ng mga itatanim ko."

"Coco Martin?" nagtatakang tanong ni kuya Jojo.

"James? Enrique?" kuya Ollie na napakamot sa ulo.

"K-Kids… please let me explain… hehe!" nakangiwing sabi ni Mr Palaez.

"AAAARRGGGHH!!! SIIIIIRRR!!! NAKAKAASAR KAYO!!!!"

"WAAAAAAHH!!" tumakbo si Mr Palaez nang makita ang lumiliyab na apoy sa mata ng mga estudyante niya.

Hinabol sya ng mga estudyante.

"SINIRA NYO ANG FUTURE NAMIN!!!"

"SINIRA NYO ANG PANGARAP KONG MAKAPANGASAWA NG ARTISTA SIR!"

"IBALIK NYO KAMI SA SCHOOL!!!!"

"Hindi ba nila halata na hindi totoo 'yon?" tanong ni Audrey habang nakatingin sa mga naghahabulan. "Ano naman ang gagawin ng mga artista dito?"

Tahimik naman na umupo si Samantha sa isang malaking bato at nakinig ng music sa Ipod niya. Ang Crazy Trios naman ay excited na lumapit sa mga malalaking bato na nasa ilog.

"Ito na yung mga bato na pwede nating sulatan ng hiling natin!" excited na sabi ni China.

"May dala kayong pentel?" tanong ni Michie.

"Hindi tayo gagamit ng panulat, bawal yun. Sagrado ang mga bato dito no," kunot noong sabi ni Maggie sa pinsan.

"Kung ganon, ano'ng gagamitin natin?" tanong ni Michie.

"Daliri, itong hintuturo natin," sagot ni Maggie at nagsulat sa bato gamit ang daliri. "Parang sa buhangin sa beach."

"Oooohhh. Sige, ako rin!" sabi ni China na nag-umpisa na rin mag-sulat.

"Ako rin! Ako rin! Uhh ano kaya ang isusulat ko?" tanong ni Michie sa sarili. Marami siyang gustong hilingin.

"Teka doon ako sa kabila, mas malaki yung bato ron!" wika ni China.

"Ako din!!" sabi ni Michie.

"Teka! Tabi tayo!" habol ni Maggie.

Napatingin si Samantha sa tatlo. Pinagmasdan niya kung ano ang ginagawa ng mga ito. Lumapit sa kanya si Audrey.

"Tignan mo yun tatlong 'yon. Ano kayang kalokohan na naman ang ginagawa nila?" Umupo si Audrey sa tabi ni Samantha. "Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga 'yan."

Nanatiling tahimik si Samantha kahit na narinig niya ang sinabi ni Audrey. Sa tuwing nakikita niya ang tatlo niyang kaibigan, nararamdaman niya na... para syang hinihigop pabalik sa dati. Pabalik sa dating siya.

"KYAAA!! Hwag nyo kong basain!" sigaw ni Michie.

"HAHAHA!! WOOOHH!! Ang lamig ng tubig!" anunsyo ni Maggie.

"Pwede ba natin 'tong inumin?" tanong ni China.

"Hindi ko alam, subukan mo bakla daliiii!" sabi ni Maggie.

"Ayoko! Hahaha!" tumatawang sabi ni China.

Nakakunot ang noo na pinagmasdan ni Audrey ang Crazy Trios.

"Geez. Parang mga bata." Nalipat ang tingin ni Audrey kay Samantha.

Nagulat si Audrey nang makita niya ang ngiti ni Samantha. Isang maliit at hindi nagyeyelo na ngiti. Isang totoong ngiti. Sinundan ni Audrey ang tingin ni Samantha, nakatingin ito sa tatlo nitong kaibigan na naghahabulan sa may ilog.

"Samantha," tawag ni Audrey.

Napakurap si Samantha at nawala ang ngiti sa labi nito. Parang nagising ito sa isang panaginip.

"What?" malamig na tanong nito.

"Uhm. Wala. Halika na, kumain na tayo roon," sabi ni Audrey bago tumayo.

Napatingin ulit si Audrey sa Crazy Trios. Napakagat-labi siya. 'Matagal nyo syang nakasama. Hindi nyo ba sya pwedeng ipahiram sa'kin kahit ngayon lang?'

"Audrey," tawag sa kanya ni Samantha. Nauna na pala itong naglakad at tumigil para hintayin siya.

Ngumiti si Audrey at lumakad papunta sa kaibigan.