Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 162 - Chapter One Hundred Sixty-Two

Chapter 162 - Chapter One Hundred Sixty-Two

Void. Empty. Hollow. Nothing.

The moment I opened my eyes, I felt nothing. I remember the feelings that I felt before I passed out. But now... The word 'feelings' doesn't exist to me anymore. No sorrow. No pain. No joy. Nothing. Since then, I've been different. It was like I was born again. I was born numb. I was born without feelings, only coldness. I feel cold. My skin is cold. My eyes are cold. Even my voice sounds cold. I am cold. Maybe it's because I'm already dead. I died. My feelings caused my death. I don't feel complete. I don't feel grateful nor regretful. But If I were to choose between pain and coldness... I would choose the latter. Because I don't want to feel anything for him anymore.

***

"Ano'ng pag-uusapan natin Jared?" tanong ni Samantha sa binatang nakatayo sa harapan niya.

"Pag-uusapan natin kung ano ang nangyari sa'yo," matiim siyang pinagmasdan ng binata.

Ngumiti si Samantha. Tumingin siya sa mga naglalaro ng soccer sa field.

"Ang pagbabago ko ba? Ayaw mo ba?"

"Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Hindi ikaw 'yan," mariin na saad ng binata.

Binalik ni Samantha ang tingin sa lalaki. "And how can you be so sure, Jared? Gaano mo ba ako kilala?" malamig na tanong nya.

Naramdaman ni Jared ang agad na paglamig ng paligid niya. "Kilala kita. Kilala kita simula noon pa kaya alam kong hindi ikaw 'to."

"No, you don't know me Jared. Kilala mo lang ang Samantha na nilikha ko para sa ibang tao. This is the real me." Ngumiti siya at humakbang palapit sa binata.

"Hwag mong lokohin ang sarili mo, Samantha. Hwag mo'ng gawin 'to sa sarili mo. Hwag mong isara ang nararamdaman mo. Hindi yan ang solusyon sa lahat ng ito." Hinawakan ni Red sa magkabilang balikat ang dalaga. "Please Samantha, bumalik ka na sa dati."

"No. Why should I? She's boring, I'm fun. I'm glad I got rid of her."

"Marami ang naaapektuhan sa pagbabago mo."

Tinitigan ni Samantha si Red sa mga mata nito. Ngumiti siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata.

"Do you really love me, Jared?"

"Alam mo ang sagot dyan."

"Then, can I ask you a favor?"

Napalunok sa kaba si Red. Hindi niya mabasa ang nasa likod ng mga ngiti ng babae.

"Ano?"

"Umurong ka sa kasal."

Tila nabingi si Red sa narinig niya. Unti-unti niyang naibagsak ang mga kamay na nakahawak sa balikat ng dalaga. Tinanggal ni Samantha ang mga kamay niya sa mukha ng binata. Lumayo siya ngunit nanatiling nakatingin dito suot ang malamig niyang ngiti.

"Ayokong magpakasal sa'yo, Red."

"Wala ka sa sarili mo, Samantha."

"Alam mo, ang totoo niyan, wala naman talaga akong balak na pakasalan ka simula palang. Alam mo naman kung sino talaga ang gusto kong pakasalan, hindi ba? Kaya naman tapusin na natin kung ano man ang meron tayo. Ganon lang naman ka-simple. Mapagbibigyan mo naman ako, hindi ba? Since you love me so much."

"Samantha!" frustrated na sambit ng binata.

"Why? You can't do that for me? It's simple, really."

Pakiramdam ni Red ay unti-unting pinipiga ang puso niya. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya.

"Wala ka sa sarili mo. Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo."

Bumuntong hininga si Samantha habang umiiling iling na nakatingin sa binata. Humalukipkip siya.

"Hindi nga ba? Stop making excuses Jared, we both know na totoo 'yon. This is real. I am breaking up with you. Lahat ng meron tayo, gusto kong tapusin na natin ngayon."

Naikuyom ni Jared ang mga kamay niya. Nag-igting ang kanyang bagang. Ang mga malalamig na salita ng dalaga ay parang mga kutsilyo na tumatama sa kanyang dibdib.

"Bakit?" Nilapitan niyang muli si Samantha at tinitigan sa mga mata. "Bakit ngayon mo kailangan sabihin 'to?"

"Bakit hindi ngayon?"

"Ano ang dahilan mo? Sabihin mo."

"Simple lang." Nawala na ang ngiti ni Samantha at seryoso nitong tinitigan ang binata. Binalot ng lamig ang boses nito. "Gusto kong maramdaman mo ang sakit. Masakit, hindi ba? Sobrang sakit na parang hindi ka na makahinga. If you really love me, hindi mo hihilingin sa akin ang isang bagay na makakasakit sa akin. Sa oras na bumalik ako sa dati, yang nararamdaman mo ngayon, wala pa yan sa kalingkingan ng mararamdaman ko."

"Samantha, nandito na ako. Kaya na kitang tulungan, kaya na kitang protektahan. Bumalik ka lang sa dati, hayaan mo na tulungan kita," puno na ng pagmamakaawa ang boses ng binata. Nakikiusap ang mga mata nito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? I am perfectly fine, kahit wala ka, nakakaya ko. Salamat nalang Jared pero I don't need your help."

Hindi alam ni Red kung ano ang mararamdaman. Hindi na siya kailangan ng dalaga. Ni wala rin siyang magawa para mapabalik ito sa dati. Tinitigan niya lang ito. Wala na ni isang bakas dito ang Samantha na minahal niya. Tila ibang tao na talaga ang kaharap niya.

"Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na dito lang matapos ang lahat," matigas niyang sabi. Humakbang siya palapit sa babae. "Ibabalik kita sa dati Samantha. Kahit na ano'ng mangyari, alam ko na meron paring pag-asa na makabalik ka sa dating ikaw. Gagawin ko ang lahat para makabalik ka."

"That wont happen Jared," mariing sabi ni Samantha.

"Kapag nakabalik ka na sa dati, mag-uusap tayo tungkol dito. Pero hindi ngayon. Hindi ko matatanggap ang sagot mo ngayon."

"Kahit na may maramdaman pa ako, hindi magbabago ang desisyon ko."

"Alam ko," malungkot na saad ng binata. "Dahil sa mga pangyayari palang ngayon, alam ko nang talo ako. Hindi, kahit naman bago pa tayo magsimula talo na ako."

"Then let's just end this now! You're in pain too, Jared."

"Hindi pwede." Umiling si Jared. "Sa oras na maghiwalay tayo, gusto kong may maramdaman ka rin. At gusto kong iyakan mo rin ang paghihiwalay natin, hindi ganito. Hindi yung parang ako lang ang nagmahal."

Tumawa si Samantha. "Gusto mong mapatunayan sa sarili mo na minahal nga talaga kita? You're just in love with my former self, my shadow, Jared. Kahit anong gawin mo, hindi na siya babalik. Accept it, move on!"

"Alam kong mahal mo ako, kahit ano'ng mangyari, mahal mo ako." Hinaplos ni Red ang kaliwang pisngi ng dalaga. "Sa oras na umiyak ka nang dahil sa akin, gusto kong nandon ako. Sabay tayong iiyak sa paghihiwalay natin. Sabay tayong tatalikod. Sabay maglalakad palayo. At sabay nating pakakawalan ang isa't-isa. Hindi katulad nito. Hindi ganito ang break-up na gusto ko."

Nanatiling tahimik si Samantha. Napagtanto niyang kahit na anong sabihin niya ay hindi pakikinggan ng binata. Nakikita niya ang determinasyon nito sa mga mata nito. Hindi ito matitinag.

"At ang isa pa." Inalis ni Red ang kamay niya sa pisngi ni Samantha at ngumiti na parang walang problema. Bumalik ang mapaglarong ngiti sa labi nito. "Gusto kong malaman ang totoong dahilan. Kung ano ang meron siya na wala ako at kung bakit siya ang pinili mo sa aming dalawa kahit na mas gwapo ako at mas kinababaliwan ng mga babae. Sa totoo lang Samantha, hindi mo alam kung gaano ka kaswerte sa amin, hindi ba Audrey?"

May natumbang tao sa likod ng mga matataas na halaman.

"Psh!" Tumayo si Audrey at pinagpagan ang sarili. "Ang drama mo kuya."

"Hahaha! Ano bang ginagawa mo sa likod ng mga halaman? Naghahanap ng gagamba?"

Binigyan lang ni Audrey ng pilit at asar na ngiti ang kapatid.

"Umalis ka na nga kuya, may klase pa kami ni Samantha!" taboy ni Audrey sa kapatid.

"Okay, okay." Itinaas ni Red ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Muling tumingin si Red kay Samantha. "Tandaan mo ang sinabi ko Samantha. Bye bye." Nakangiting kumaway ito at lumakad na palayo.

Pinanood ng dalawang babae ang paglayo ni Jared hanggang sa tuluyan na itong nawala.

"Ang weird talaga ng kapatid ko, sheesh!" Tumingin si Audrey kay Samantha. "Okay ka lang? Wala naman syang sinabi sa'yo na... nakaapekto sa'yo diba?"

Tumingin si Samantha sa kanya. "Wala."

"Okay, let's go, late na tayo." Humawak si Audrey sa braso ni Sam at hinila na ito papunta sa klase nila.