Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 163 - Chapter One Hundred Sixty-Three

Chapter 163 - Chapter One Hundred Sixty-Three

"Settle down, settle down. I have an announcement to make," sabi ni Mr. Palaez habang nililibot ang tingin sa buong klase.

Agad na tumahimik ang buong klase at naghintay sa sasabihin nya.

"Next week magkakaron tayo ng expedition," pagpapatuloy nya.

"Expedition Sir? Saan naman?" tanong ng isang estudyante.

"Sa pinakamataas na mountain dito sa CALABARZON Region," nakangiting sagot ni Mr Palaez.

"Sa Mount Banahaw po Sir?"

"Tama! Sa Holy Mountain, Mount Banahaw," nakangiting niyang sabi.

"Bakit Sir? Hindi pa naman po Holy Week ah."

"Ew. Boring."

"Ahh, hindi naman tayo pupunta doon para mamasyal. Pupunta tayo don para sa Tree Planting at Nature Cleansing."

"HAAAAAAAA??" halos sabay sabay na reaksyon ng mga estudyante. "SIR NAMAN!!"

"Sir naman! Tree planting? Pagtatanimin nyo kami doon?"

"And what else Sir? Paglilinisin nyo kami ng mga basura ng ibang hikers? Eew! So not interested!"

"Ahh ganon ba? May additional grade naman kayo kaya—!"

"Additional grade? Who cares! Mas gusto kong gumawa ng special project hwag lang pumunta doon. God knows kung gaano kabagal ang internet connection doon."

"Oo nga Sir. Tag-ulan pa naman tapos pupunta don? No deal! No deal!"

Sumangayon ang ibang estudyante.

"Ahh. Wala bang interesado sa inyo na sumama?" tanong ni Mr Palaez.

Hindi siya pinansin ng mga estudyante niya at kanya kanyang iwas ng tingin. Yung iba ay ipinatong na ang ulo sa mesa at natulog.

"Wala talaga? Kahit isa?" ulit niya.

Walang nagsalita.

"O sige, ipapa-cancel ko nalang ang expedition. Sayang naman nandon pa naman ang idol ng anak ko. Si," Inisip nya ang pangalan "James Reid."

"Kyaaah!" malakas na nagtilian ang mga babae at halos magiba ang buong building dahil sa pagpukpok nila sa mesa dala ng kilig "JAMES REID?! PUPUNTA SYA?!"

Nakatakip sa magkabilang tenga nya si Mr. Palaez. Tumango sya.

"KYAAAAAAAAAA!! PUPUNTA AKO!!"

Pumalakpak si Mr Palaez. "Mabuti naman kung ganon, yung iba?"

"Sir sino pa po ba ang pupunta? Wala na bang iba?"

"Si Enrique Gil—" hindi nya natapos ang sinasabi nya at nakaririnding tilian na naman ang narinig sa buong classroom

"QUEN, MY LOVE!!"

"PUPUNTA PO AKO SIR!!"

"Sus! Ang lame! Mga bading naman yang dalawang yan," sabi ng isang lalaki na sinangayunan naman ng iba pang lalaki sa klase.

"CHE!!!" sigaw ng mga babae. "MGA PANGET!!!"

"Walang abs!"

"Flabby!"

"Shorty!"

Inawat ni Sir Palaez ang lumalalang away sa pagitan ng mga babae at lalaki sa kanyang klase.

"Quiet! Kayo naman boys? Hindi ba kayo pupunta?"

"Baduy! Tree Planting, matutulog nalang ako sa bahay namin!"

"Oo nga! May laban pa kami ng DOTA."

Bumuntong hininga si Mr Palaez. "Ganon ba? Okay, para naman ako lang ang may picture kasama si Anne Curtis—"

"SINO SIR?!! ANNE CURTIS?!!"

"Oo pati na rin sina Georgina at Solen—"

"GEORGINA WILSON?!!"

"SHIT YAN!! PUPUNTA AKO!!"

"AKO RIN!!"

Pumalakpak ang guro. "Hahaha! Yan ang gusto ko sa inyo kids, madali kayong kausap. O sya, ayusin nyo na ang mga gamit nyo. Tatlong araw tayo doon."

"YES SIR!!!"

"Pupunta ba tayo Sam?" tanong ni Audrey sa katabi.

"Okay lang, gusto ko rin naman makalayo mula sa mga tao dito."

"Don't worry, ako na ang bahala kay kuya. Hindi sya makakasunod doon."

***

"Bilisan mo Michie, aalis na yung bus nina Sammy! Hindi pa tayo nakakasakay," tawag ni China sa pinsan niya.

"Wait lang! Ang bigat ng bag ko eh," sagot ni Michie na may dalang higanteng backpack.

"Paanong hindi bibigat? Diba may laman na tent yan? Yung bag ko din ang bigat! Makitulog nalang tayo sa tent ni Sammy! Iwan nalang natin 'to!" suhestyon ni Maggie.

"Ssshhh! 'Yon ang bus nila oh!" turo ni China sa isang nakaparadang shuttle sa parking lot ng eskwelahan nila.

"Pano tayo sasakay dyan?" tanong ni Maggie sa dalawang kasama.

"Oo nga, pano tayo pupuslit?" tanong ni Michie.

"Mag-isip tayo!" sabi ni China.

Sabay-sabay silang nag-isip ng gagawin para makasakay sa bus. Alas sais na ng umaga. Gumising silang tatlo nang maaga para sumama sa expedition ng klase ng kaibigan nilang si Samantha. Hindi pa nila naipapaalam sa kaibigan ang balak nila.

"Wala akong maisip," sumusukong sabi ni Michie.

"Ako din," sabi ni Maggie.

"Nakakainis! Bakit ba kasi hindi natin teacher si Mr Palaez? Hindi tuloy tayo kasama!" inis na sabi ni China habang sumisipa sa semento.

"Teka! Sumakay kaya tayo doon sa lagayan nila ng bags? Yung ino-open sa gilid ng bus," suhestyon ni Maggie.

"Sa compartment? May hangin ba roon? Baka ma-suffocate tayo," sabi ni China.

"Ayoko! Takot ako sa dilim!" sabi ni Michie.

"Eh, ano'ng gagawin natin? Sayang naman 'tong mga dala natin? Matapos natin buhatin mula sa bahay hanggang dito tapos wala rin palang mangyayari? Sayang effort!" sabi ni Maggie.

"Tago! Tago! Andyan si Sir Palaez!" sabi ni China habang hinihila sa braso ang dalawang kasama.

Nagtago sila sa likod ng isang malaking puno. Pinanood nila ang paglapit ng dalawang estudyante kay Mr. Palaez.

"Sir Palaez! Totoo po bang nandon si Enrique Gil?" tanong ng isang babae.

"Tsaka po si James Reid?" tanong ng kasama nito.

"Si Hayme?!" pabulong na sabi ni China habang kinikilig. "FAFA!!"

"Hwag kang maingay bading!" Mabilis na tinakpan ni Maggie ang bibig ng kapatid.

"Aba! Oo naman! HA-HA-HA!" tumatawang sagot ni Mr Palaez sa dalawang babae.

"OMG! Sure yan Sir ha?! Dahil kapag hindi ko nakita ang mga crush ko don Sir..." Biglang dumilim ang mukha ng mga babae. "Lagot kayo sa'min Sir."

"Eee! Nakakatakot sila!" bulong ni Michie.

"H-Ha? O-Oo nandon sila! Promise! Baka nga humabol si Coco Martin don eh! Hahaha!" pinagpapawisang tawa ng guro.

"Kyaa! Si Coco Martin!" sumisigaw na tumakbo pasakay ng bus ang mga babae.

"AH!!" Napaluhod sa semento si Mr. Palaez habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo. "Ano'ng gagawin ko?! Kapag nalaman nila na niloko ko lang sila at wala naman talagang pupuntang artista don, baka bigla nila akong pagulungin pababa ng bundok!"

Nanlaki ang mga mata ng Crazy Trios. Nagkatinginan silang tatlo.

"Nagsinungaling si Sir?" bulong nilang tatlo.

At sabay-sabay silang nagkaron ng ideya. Solve na ang problema nila!

"AHA!!" sabay na tumalon ang Crazy Trios sa harap ng guro. "AHAA!!" sabay turo sa nakaluhod na lalaki.

"Huh? Sino kayo?!" gulat na tanong ng guro sa kanila. "Saan kayo galing?!"

"Hindi na 'yon importante pa Sir Sinungaling!" sabi ni China.

"Narinig namin ang lahat, Sir!" sabi ni Maggie.

"At isusumbong namin kayo!" sabi ni Michie na winawagayway sa lalaki ang hintuturo.

"HA?! I-Isusumbong?! H-HWAG PLEASE! Parang awa nyo na!" pakiusap ng guro.

Nakangiting nagkatinginan ang Crazy Trios. Mabuti nalang mukhang push over ang guro na kausap nila. Mabilis nilang sinamantala ang pagkakataon.

"O sige Sir, tutal maawain naman kami at likas na mabubuting tao," sabi ni China.

"Oo nga! Mababait kami!" segunda ni Michie na nakangiti pa.

"Hindi na namin kayo isusumbong sa mga niloko nyong estudyante," sabi ni Maggie.

"Oo nga, hindi namin kayo isusumbong!" segunda ulit ni Michie.

"Talaga?!" Tumayo mula sa pagkakaluhod si Mr. Palaez. "Salamat! Ang bait nyo, maraming salamat!"

"Pero..." habol ni Maggie.

"May kapalit!" dugtong ni China.

"Oo nga! May kapalit!" ulit ni Michie.

"A-Ano'ng kapalit?" tila namumutlang tanong ni Mr Palaez. "Wala akong pera! Next week pa ang sweldo namin! Mababa lang ang sweldo ko! May pinag-aaral pa akong pamangkin! Please maawa kayo, hwag nyo akong isusumbong!"

"May pera kami Sir, ano'ng tingin nyo sa'min holdaper?" tanong ni Maggie.

"Oo nga, hindi kami holdaper," depensa ni Michie na nakangiti parin.

"Nakangiti ka parin habang sinasabi yan Michie?" pansin ni Maggie.

"Haa~" Nakahinga nang maluwag ang lalaki.

"Meron lang kaming kailangan na hilingin sa inyo Sir." Tinapik ni China ang balikat ng guro.

"Oo nga, may kailangan kami!" ulit ni Michie at lumapit din sa guro para hawakan sa balikat.

"A-Ano 'yon?" tanong ni Mr Palaez.

Ngumiti ang tatlong babae.

"Sasama kami sa Mt. Banahaw."