Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 161 - Chapter One Hundred Sixty-One

Chapter 161 - Chapter One Hundred Sixty-One

***Kinabukasan

Ipinarada ni Jared ang sasakyan sa parking lot ng eskwelahan na kanyang pinapasukan. Pinatay niya ang engine nito at tinanggal sa ignition ang susi. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang inaalala ang Samantha na nakita niya sa mall na kasama ni Audrey.

Ibang-iba sa Samantha na kilala nya. Matagal syang hindi nagpakita sa dalaga, ang totoo, hindi niya ito kayang harapin sa ngayon. Natatakot sya. Natawa sya sa naisip.

Takot? Hindi nya alam na mararamdaman nya ang salitang iyon para sa babaeng minamahal nya. Takot. Kahit papaano ay may kasalanan din sya sa nangyari. Umalis sya. Kung hindi sya nagpasyang iwan ito, hindi ito mangyayari. May nagawa sana syang paraan. Dapat sana ay nasa tabi sya nito nang mga oras na sobra itong nahihirapan. Pero nasaan sya nang mga oras na 'yon?

Nasa ibang bansa, nag-tago siya. Kung hindi nya siguro pinairal ang takot na naramdaman nya nang dumating na ang karibal nya... Kung hindi sana sya natakot sa mga nakita nya noon, kung paano nya nasaksihan ang ngiti at saya sa mga mata ni Samantha habang kasama ang kaibigan nya...

Kung sana hindi sya natakot na matuldukan agad ang relasyon nila ng dalaga. Kung hindi lang sana sya natakot noon.

Sana nabago nya, sana may nagawa sya, sana natulungan nya ang babaeng mahal nya. Pero natakot sya. Naduwag siya. At huli na nang malaman niya ang lahat. Wala na si Samantha. Ibang tao na ito ngayon, at hindi nya alam ang gagawin para maibalik ito sa dati.

Tap. Tap.

Napatingin sya sa labas ng sasakyan nya. Nakita niya si Jack sa tabi ng pintuan ng kanyang kotse.

"Emo boy, labas na," sabi ni Jack.

"Tch." Lumabas siya ng sasakyan at nakita ang iba pa niyang kaibigan.

"Ano'ng balita kay Uno?" tanong ni Dos.

"Nahanap mo ba Red?" tanong ni Seven.

"Hindi," dismayadong sagot ni Red.

Hinanap niya sa lahat ng lugar na pwede niyang hanapan si GD pero hindi niya ito nakita. Ang malala, mukhang magkasama nga ang pinuno nila at ito.

"Ayos lang 'yan," tapik ni Six sa balikat nya.

"Bakit hindi ka nalang dumiretso sa kanya?" mungkahi ni Sun na may tinitignan sa malayo.

Sumunod ng tingin ang mga lalaki sa tinitignan ni Sun. Nakita nilang naglalakad si Samantha kasama si Audrey papunta sa canteen.

"Ang fishy, palaging magkasama ang dalawang yan. Diba hindi sila gaano magkasundo? Weird," komento ni Jack.

"Syempre iba na si Samantha. Parang si Audrey na rin sya ngayon kung kumilos," sabi ni Sun.

"Kung sabagay," sangayon ni Jack.

Sinamaan ng tingin ni Red ang dalawa.

"Ano'ng sinabi nyo tungkol sa kapatid ko?" tanong ni Red sa dalawa.

"Wala, wala," sabay na tanggi ng dalawa at tumingin sa ibang direksyon.

Huminga ng malalim si Red bago nag-pasya.

"Oy Red, saan ka pupunta?" usisa ni Dos.

"Kakausapin si Samantha," sagot nya nang hindi tumitingin at diretso lang ng lakad.

***

"Sammy!!" nakangiting bati ng Crazy Trios sa kaibigan.

"Hi," tipid na bati pabalik ni Samantha at muling ibinalik ang tingin sa katabing si Audrey. "Saan ba tayo pupunta mamaya?"

"Sa favorite shop ko. Mas magaganda ang mga damit don," nakangiting sagot ni Audrey.

Nanatiling nakatayo ang tatlo habang malungkot na pinagmamasdan ang dalawa.

"Hanap nalang tayo ng ibang table," yaya ni Maggie.

"Oo nga, marami pa namang vacant dito sa canteen eh," malungkot na sabi ni China.

"Ayoko! Gusto kong katabi si Sammy!" sabi ni Michie.

Agad na tumabi si Michie kay Samantha. Inilapag nya ang tray sa lamesa katabi ng tray ng dalaga.

"Sammy, gusto mo ng strawberry milk shake? Masarap 'to," alok ni Michie.

"No thanks," tanggi ni Samantha sa kanya at muling itinuon ang atensyon sa katabing si Audrey. "Sure, let's go there later Audrey."

Nagkatinginan sina Maggie at China. Umupo na rin sila sa tapat ng tatlo.

"Eh itong pie Sammy, gusto mo share tayo?" alok ulit ni Michie.

"Thanks nalang Mich," ininom ni Samantha ang iced tea nya.

"Eh itong banana chips gusto mo?" alok na naman ni Michie.

"Michie hwag mo ngang kulitin si Sam. Mahalaga ang pinag-uusapan namin," sagot ni Audrey.

"Mahalaga? Puro shopping lang naman yang pinag-uusapan nyo," sabi ni China na di na nakatiis.

"Well, shopping is important. Mahalaga na dapat palaging maganda at bago ang mga damit na isinusuot namin," depensa ni Audrey.

"Okay, sabi mo eh," sabi ni Maggie.

"And besides she's on a diet," paliwanag ni Audrey.

"Kailan pa nag-diet si Sam?" tanong ni China.

"Sammy hwag ka nang mag-diet. Payat ka naman eh," sabi ni Michie.

"Oh please," nakataas ang isang kilay na sabi ni Audrey.

"Samantha," tawag ng isang lalaki.

Lahat sila ay napalingon sa kadarating lang na binata.

"Jared." Binigyan ni Samantha ng ngiti ang lalaki na wala namang ipinagkaiba sa ibang malalamig na ngiti. "You're back."

Seryosong tinitigan ni Red si Samantha. "Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Red.

"Sure." Tumayo si Samantha. "Excuse me."

Nakatingin lang ang apat na babae habang lumalapit si Samantha kay Red. Naglakad ang dalawa palabas ng canteen.

"Ano kayang kailangan ni Red kay Sam?" tanong ni China.

"Ugh." Tumayo si Audrey para umalis pero mabilis siyang hinarangan ni Michie. "What is your problem?"

"Bakit ka palaging kasama ni Sammy?" tanong ni Michie.

"Ask her," mataray na sagot ni Audrey.

"Siguro may ginawa ka sa kanya, ano?" akusa ni Michie sa babae.

"Pwede ba Michelle? Ano naman ang gagawin ko sa kanya? Step aside!" utos ni Audrey.

Tumayo rin sina China at Maggie para harangan ang daan ni Audrey. Sa inis ay nailagay ni Audrey ang dalawang kamay sa magkabila niyang bewang.

"Ano 'to?" iritadong tanong ni Audrey. "Pagtutulungan ninyo ako? Freaks."

"Gusto lang namin malaman kung ano ang meron sa inyo ni Sam," sabi ni Maggie.

"We're friends," sagot ni Audrey sa tatlo. "Wait, are you guys jealous dahil ako na ang palagi niyang kasama at hindi kayo?" natatawa nyang tanong.

"Ako parin ang bestfriend ni Sammy!" sabi ni Michie.

"Sheesh, you're being overly dramatic. Wala akong inaagaw okay?" Audrey rolled her eyes.

"Bakit parang kinukunsinti mo si Sammy? Saan mo ba sya dinadala after school?" usisa ni China.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo." Sinubukan ni Audrey na dumaan pero hinaharangan sya ng tatlo. "Ano ba ang mga problema nyo? Bakit masyado kayong OA? Ayaw nyo ba sa bagong Samantha. She's so fun to be with!"

"FUN to be with?!" sigaw ng tatlo.

"Ano ba? Hwag nga kayong sumigaw," naiirita na saway ni Audrey.

"Ayaw namin sa bagong Sammy! Gusto namin sa dating Sammy!" sabi ni Michie.

"TAMA!" segunda nina Maggie at China.

Audrey crossed her arms at tinignan ang tatlo.

"Hindi naman talaga sya bagong Samantha, ganon na talaga sya dati pa. Bumalik lang sya sa dating sya. Ang Samantha na gusto kong palabasin sa kanya noon ng mga High School pa tayo. She was my bestfriend so I should know. Alam kong darating din ang araw na 'to. At sa pagdating ng araw na 'to, ako ang mananatiling nasa tabi nya, hindi kayo."

"Ano'ng ibig mong sabihin? Kailan pa kayo naging mag-bestfriend?" tanong ni Maggie na kunot noo.

Ngumiti lang si Audrey. "Sa akin nalang 'yon. Isipin nyo nalang na bumalik lang si Samantha sa dating nagmamay-ari sa kanya. Move, get out of my way."

"Ayaw namin! Hanggat hindi mo ipinapaliwanag ang lahat sa amin hindi kami aalis!" sabi ni Michie.

"At ano'ng nagmamay-ari? Ano si Sammy, ligaw na tuta?!" tanong ni China.

Bumuntong hininga si Audrey. Naiirita na sya. Gusto nyang sundan ang kapatid nya at si Samantha. Gusto nyang malaman kung ano ang pag-uusapan nila. Ibabalik ba ng kapatid nya ang dating Samantha? Ang Samantha na pumalit sa bestfriend nya? Hindi sya makakapayag. Minsan na syang nawalan ng bestfriend, ngayon nya lang ulit nakasama nang ganito katagal si Samantha. Hindi pa sya handang ibalik ito sa tatlo. Ang tagal nyang hinintay ito, ang pagkakataon na bumalik ang dati nyang kaibigan.

At sa mga nangyayari ngayon, alam nya na malapit na rin syang makilala ni Samantha. Hindi bilang karibal kundi bilang matalik nitong kaibigan. Hinihintay nya na maalala sya nito. Maalala ni Samantha ang lahat tungkol sa nakaraan nilang dalawa. Sobrang tagal nyang naghintay para bumalik ang lahat sa dati.

Sa kanya naman talaga si Samantha. Sya naman talaga ang bestfriend nito at hindi ang tatlong ito. Tumingin sya sa kaliwa nya at itinuro ang kadarating lang na lalaki.

"Si James Reid oh!" sabi nya.

Agad na napatingin ang Crazy Trios sa itinuro nya.

"NASAAN?!"

Hinanap ng tingin ng tatlo si James pero di nila nakita. Ang tanging nakita nila sa direksyon na 'yon ay ang teacher nilang nakakalbo na.

"Wala naman—HUH?! Nasan si Audz?!" tanong ni Maggie.

"Ay mga bakla! Nauto tayo," disappointed na sabi ni China.