Miracle Samantha Perez
Nakatingin sya sakin at naghihintay sya na iabot ko ang kamay ko sa kanya. Ano ba ang sinabi nya sa'kin? Hindi ko maalala ang sinabi nya. Inabot ko nalang sa kanya ang kamay ko pero napatigil ako. Bakit may benda ang kamay ko?
"Ano'ng nangyari sa kamay ko?"
"H-Hindi mo maalala?"
Tumingin ulit ako sa kanya at umiling.
"Ahh. Kasi may sugat ka sa kamay tapos.. ginamot ko," simpleng sagot nya.
May sugat ako sa kamay? "Bakit ako may sugat sa kamay?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Hindi mo rin maalala?"
"Hindi."
"Ang totoo nyan, hindi ko talaga alam kung bakit. Hindi mo ba talaga maalala?"
"Hindi eh." Tumingin ako sa paligid ko. "Nasan ako?"
"Sa bahay ko, ayaw mo kasing magpahatid sa bahay nyo kaya dito kita dinala."
Ahh. Tumingin ulit ako sa kanya. "Bakit ako nandito?"
Namilog ang mga mata nya. "Ano.. Nakita kita sa kalsada tapos—"
"Sa kalsada? Ano'ng ginagawa ko don?"
Napahawak sya sa batok nya. "Nakaupo. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo don. P-Pero kilala mo naman ako diba?"
Pinagmasdan ko ang mukha nya. Pamilyar sya. "Kaibigan ka ni Timothy." Napahawak ako sa dibdib ko.
Si Timothy.
'Yes Miracle, I'm breaking up with you..'
Naalala ko na.
"Haay salamat naman, kilala mo ko."
"Young Master, may bisita po kayo."
"Ah sige papasukin mo, baka si Vin na yan."
"Hindi po, si Sir Jun po ang dumating."
"Si Jun?"
"Opo Young Master."
"Ano naman ang ginagawa ni Jun dito? Teka lang Samantha, dito ka muna."
Naalala ko na. Ang sakit ng puso ko, bumabalik na naman lahat ng alala nya. Parang isang baha na bumagsak ang sakit sa dibdib ko. Ikakasal na sya?
'Thank you..'
Ipinikit ko ang mga mata ko. Tumayo ako at tumakbo palabas. Ayoko nang maalala!
'Si Angelo na ang magmamana ng posisyon namin sa takdang panahon'
Pati sina Mama itinatapon na ako. Wala na akong silbi sa kanila. Wala! Minahal ko naman sila ah! Si Papa, si Mama pati na rin si Timothy!
Pero pare-pareho lang sila! Sinaktan nila ako! Itinapon. Iniwan ng basta na lang! Wala na silang pakialam pa sa akin. Ayoko na! Ayoko na silang maalala! Please! Sana lang mabura na lahat ng alaala na meron sila sa isip ko. Para matapos na rin ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
***
Nakita ni Kyo ang kaibigang si Jun na nakatayo at nagtetext. Umangat ang mata nito sa direksyon nya nang marinig ang kanyang pagdating.
"Jun! Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?"
Inilagay nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon. "Psh! Pasalamat ka at pumunta ako dito. Tinawagan ako ni Alvince, pumunta daw ako dito at nag-SOS ka. Ano'ng meron?"
Pumasok sila sa loob ng bahay. "Si Samantha nandito eh," umpisa ni Kyo.
"Ha?! Ano'ng ginagawa ni Samantha dito? Magtapat ka Kyohei may pagnanasa ka ba sa kanya?!"
"Gago! Wala! Nakita ko lang syang tulala na nakaupo sa may kalsada, parang magpapakamatay kaya dinala ko dito sa bahay."
Pumunta sila sa sala. "O eh nasan si Samantha?" tanong ni Jun.
"Nandito—hala!"
"O ano'ng problema?"
"Nasan na si Samantha?!"
"Aba malay ko sa'yo? Baka nasa bulsa mo."
"Gago! Hanapin natin 'yon baka kung saan na pumunta!"
"Tanong mo sa mga kasambahay mo, lokong 'to ang laki kasi ng bahay mo."
"Agatha!" tawag ni Kyo sa padating na kasambahay na may dalang pagkain sana para kay Samantha.
"Bakit po Young Master?"
"Yung babaeng kasama ko, yung bisita ko nasan na?"
"H-Hindi ko po napansin eh," sagot nito.
"Nakita ko po syang tumakbo palabas Young Master," singit ni Nina na kadarating lang.
"Saan banda?"
"Sa may pool area po," dugtong ni Nina.
"Sa Pool?!" sigaw ni Kyo.
Nagkatinginan sina Kyo at Jun at sabay silang tumakbo palabas ng bahay.
"Teka bakit tayo tumatakbo?" tanong ni Jun.
"Baka magpakamatay yon!"
"Ha?!" naguguluhan na sambit ni Jun. "Si Samantha magpapakamatay? Bakit?!"
"Basta!"
'Hindi naman sana.. Sana hindi!' ang sigaw sa isip ni Kyo.
Pero lahat ng dalangin nya ay natigil nang makarating sila sa pool area. Natigilan sila nang makita ang isang pigura ng tao na nasa ilalim ng tubig at hindi gumagalaw. Pigura iyon ng isang babae.
"SHIT!! SAMANTHA!!"
***
"Maayos naman ang vital signs ng pasyente, wala kayong dapat ipag-alala," paliwanag ng doktor.
"Doc, sigurado kayo? Baka mapatay kami ni Pinuno kapag napahamak sya," tanong ni Jun.
"Hwag kayong mag-alala, ligtas sya. Maaari na rin syang lumabas sa oras na magising sya. Pero kailangan parin nya ng pahinga, it looks like she's under a lot of stress," kunot noong sabi ng doktor.
"Buti naman ayos na sya," bulong ni Jun.
"Mabuti at maaga nyo syang nasagip at naalis sa tubig kapag lumagpas pa ng isang minuto ang pagkakalunod nya, maaaring hindi nyo na sya abutan pa," sabi ng doktor. "Sa susunod hwag nyo na syang hahayaan pang lumangoy nang mag-isa. Lalo na at hindi pala sya marunong."
"Ay Doc, hindi po sya nag-swimming, nagtangka—hmmph!" Tinakpan ni Kyo ang bibig ng kaibigan na si Jun.
"Sige po Doc, salamat po sa inyo," sagot ni Vin.
Lumabas na ng silid ang doktor. Tumingin si Vin kina Kyo at Jun.
"Ngayon, pwede nyo na bang ipaliwanag kung ano ang nangyari?" tanong ni Vin.
"Oo nga Kyohei, ano ba ang nangyari?" tanong ni Jun.
Bumuntong hininga si Kyo. Hindi nya alam kung saan mag-uumpisa o kung ano ang dapat nyang sabihin dahil sa totoo lang, pati sya ay naguguluhan din. Ano nga ba ang mabigat na dahilan ni Samantha para tangkain na wakasan ang buhay nito? May kinalaman ba ang pinuno nila?
"Teka, si Pinuno? Alam na ba nya?" tanong nya bigla sa mga kasama.
"Tinawagan ko sya pero busy ang linya," sagot ni Vin.
"Patay tayo nito, kapag nalaman nya ang nangyari." Napatingin si Jun kay Kyo. "Teka, bakit nga ba nasa bahay mo si Samantha?"
"Mahabang istorya," sagot nya.
"Umpisahan mo na," umupo si Vin sa sofa.
Muling tinignan ni Kyo si Samantha na nakahiga sa hospital bed. Namumutla ito. Mas nakapagpa-putla pa ang puting kumot at damit nito.
"Hindi ako sigurado. Pero sa tingin ko hiniwalayan sya ni Pinuno."
"ANO?!" halos sabay na sigaw ng dalawa.
"Ssshhh!" saway ni Kyo sa dalawa.
"Oy Sagara, ayusin mo yang pananalita mo. Si Pinuno nakipaghiwalay? Imposible yan," iling ni Jun.
"Pano mo nasabi yan Kyo?" tanong ni Vin.
Umupo si Kyo sa kabilang sofa. "Nakita ko si Samantha, tulala habang nakaupo sa may kalye. Nung una ko syang nakita hindi ko alam na sya 'yon, pero nang titigan ko namukhaan ko agad sya. Kung nakita nyo lang ang hitsura nya non, maaawa kayo," kwento ni Kyo sa dalawa.
"Malay mo iba ang problema nya?" tanong ni Jun. "Ang hirap paniwalaan na hihiwalayan sya ni Pinuno. Alam mo naman ang kwento ng buhay non di'ba?"
"Oo alam ko, pero kung nakita nyo lang sana ang mga mata ni Samantha ng mga oras na 'yon. Sobrang walang buhay. At sobrang mararamdaman nyo ang sakit na nararamdaman nya. Kahit blanko ang mukha nya, kahit walang emosyon na makikita, wala namang tigil sa pag-agos ang mga luha nya," paliwanag ni Kyo.
"Pero baka naman iba ang problema nya. Baka naman hindi si Pinuno ang dahilan," pakikipagtalo ni Jun na hindi parin kumbinsido sa naririnig.
"Hindi. Sigurado ako," mariing sabi ni Kyo. "Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Samantha. Nakita ko yon sa mga mata nya nang titigan ko. Alam ko yon, nakita ko na rin yon sa mata ng isang taong kilala ko."
"Sino? Si Ren?" walang pasubaling tanong ni Jun.
Sinamaan lang si Jun ng tingin ni Vin.
"Ano?" tanong ni Jun kay Vin.
Binatukan lang ito ni Vin.
"Aray! Lokong Vin 'to ah, para saan 'yon?" tanong ni Jun.
"Ang ingay mo," tipid na sagot ni Vin.
Bumuntong-hininga nalang si Kyo. Muli nyang ibinaling ang tingin sa walang malay na si Samantha. Sana hindi nya makitang miserable ang babae. Ang pinaka-ayaw nya sa lahat ay ang nakakakita ng isang babae na nagiging miserable dahil sa pag-ibig. Kahit sya ay naranasan na masaktan dahil don.
At hanggang ngayon... hindi parin gumagaling ang sugat sa puso nya.