Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 154 - Chapter One Hundred Fifty-Four

Chapter 154 - Chapter One Hundred Fifty-Four

***Two Days Later...

"Ano'ng ibig nyong sabihin na hindi pa gumigising si Samantha?!" sigaw ni Red sa mga kaibigan.

"Hindi ko alam, ang sabi ng doktor dala rin daw ito ng pagod kaya—" naputol ang sasabihin ni Jun.

"POTEK! Sino'ng doktor 'yan?!" sigaw nya sa kaibigan.

"Huminahon ka nga Red, kakarating mo lang, may jetlag ka pa," sabi ni Vin.

"Takteng 'yan." Nilapitan ni Red si Samantha at umupo sa tabi nito. "Ano ba'ng nangyari sa kanya?"

Nagmadaling dumiretso sa ospital si Red nang matanggap ang mensahe na nasa ospital ang dalaga. Sa ospital na sya dumiretso nang lumapag na ang eroplanong sinasakyan nya. Kung nalaman lang nya nang mas maaga, dapat umuwi na sya agad. Bakit ba wala sya sa tabi nito nang mangyari 'yon?

"Si TOP, sinabi nyo ba sa kanya? Alam ba nya?" tanong ni Red sa mga kaibigan "Sina Tito Cris at Tita Celine? Bakit wala sila dito?"

"Hindi. Hindi rin namin alam kung nasaan sya, hindi namin sya ma-contact," sagot ni Kyo. "At hindi rin alam ng parents ni Samantha. Wala kaming mapagsabihan eh, wala kasi sa bansa ang mga magulang nya. Ibinilin nalang namin sa butler nila na kung dumating ang parents ni Sam, kontakin kaagad kami."

Ano bang nangyari? Umalis sya ng bansa para makapag-usap ang dalawa pero ito ang gulong inabutan nya? At ngayon pa napili ng kaibigan nya na maglahong parang bula? Ano ba ang nangyari nang umalis sya? Inihanda nya ang sarili para sa sagot ni Samantha, kung may napili ba ito. Pero iba ang sumalubong sa kanyang balita.

*BAM!*

Malakas na tumama ang pinto sa pader. Lahat sila ay napatingin sa dumating.

"SAMMY!!" sigaw ng tatlong babae na sabay-sabay tumakbo palapit sa natutulog na dalaga.

"Ano'ng nangyari?!"

"Bakit hindi sya nagising?!"

"Bakit sya nandito?!"

"Sammy wag mo kaming iiwan!!"

"SAMMY!!! WAAAAAHHH!!!"

Napatakip ng tenga ang mga lalaki sa lakas ng iyak ng tatlong kaibigan ni Samantha.

"Ang ingay nyo, tumahimik nga kayo!" may isang tinig ng babae na sumigaw.

Lahat sila ay napatingin sa kararating lang na si Audrey at Omi.

"Audrey, ano'ng nangyari kay Sammy? Bakit sya nandito?" tanong ni Michie.

Sinamaan ng tingin ni Audrey ang mga tao sa loob ng silid. "Nalunod sya."

"NALUNOD?!! IMPOSIBLE YAN!!" magkakasabay na sagot ng tatlo.

"Magaling lumangoy si Sammy, hindi sya pwedeng malunod nang basta-basta," sabi ni Maggie.

"Oo nga!" segunda ni China. "Si Sammy pa! Sirena 'yan eh!"

"WAAAAHHH!! SAMMY!!!" iyak ulit ng tatlo.

"ANG INGAY NYO!! TUMAHIMIK NGA KAYO!" sigaw ulit ni Audrey.

"WAAAAAAAAHHHH!! SAMMY!!! WAAAAAAAAHHH!!!"

"Mga babae talaga," bulong ni Jun.

"Hindi naman magigising si Samantha sa ginagawa nyo eh!" sigaw ni Audrey.

"Chill ka lang Honey," awat ni Omi kay Audrey.

"Ano'ng hindi? Ayan nga o nakabukas na ang mata ni Sammy!" turo ni Michie sa kaibigan.

Natigilan silang lahat at napatingin kay Samantha. Nakabukas na nga ang mga mata nito at nakatingin sa kanilang lahat.

"SAMMY!!"

"SAMANTHA!!"

"Ayos ka lang ba?!"

"Tawagin nyo ang doktor!"

"Mabuti naman gumising ka na!"

"Pinakaba mo kaming lahat!"

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?!"

"Nanaginip ka ba?!"

"Hep! Hep! Huminahon nga kayong lahat!" awat ni Maggie sa lahat. "Pwedeng isa-isa lang?"

"Samantha, may sumasakit ba sa'yo?" tanong ni Red sa dalaga.

"Oo nga Sammy, grabe ka natulog ka ng dalawa't kalahating araw ha."

"Ano'ng nararamdaman mo Sammy?"

Umupo si Samantha sa kama at inalalayan ni Red. Pinainom nila ito ng tubig at hinintay na magsalita.

"I feel fine," tipid na sagot ng dalaga sa kanila.

Kinilabutan silang lahat sa tono nito.

"S-Samantha..." gulat na sambit ni Red.

"Grabe. Bakit biglang lumamig dito sa kwarto?" Nilapitan ni Jun ang aircon. "Hindi naman nagbago ang settings nito ah."

Napatingin si Samantha sa kamay nya. Mabilis nyang tinanggal ang pagkakakabit sa kanya ng dextrose.

"Samantha! Ano'ng ginagawa mo?!" tanong ni Red.

Nakita nilang may dugo pa sa likod ng palad ng dalaga kung saan nakakabit ang ulo ng dextrose.

"I'm fine Jared." Muli silang kinilabutan sa sobrang lamig ng boses ng dalaga. Walang buhay. Patay. Distant. Kasing lamig ng yelo ang boses nito. Pati na rin ang aura na bumabalot dito. Tila ibang tao ang kaharap nilang lahat. "And besides," dugtong pa nito. "hindi ko naman nararamdaman ang sakit."

Nagkatinginan ang lahat sa loob ng silid. Alam nilang may mali sa dalaga.

Pinagmasdam ni Samantha ang likod ng palad nya. Dumudugo nga ito dahil sa pagkakatanggal ng dextrose nya kanina. "Dumudugo nga ang kamay ko. " Pinunasan nya ito gamit ang puting kumot nya "Pero wala akong nararamdaman na sakit." Unti-unti itong ngumiti at tumingin sa lahat. "Ang galing hindi ba?" nakangiti nitong tanong.

At muli ay naramdaman ng lahat kung gaano kalaki ang pagbabago nito. Isang pagbabago na ikinatakot nila.

Related Books

Popular novel hashtag