Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 150 - Chapter One Hundred Fifty

Chapter 150 - Chapter One Hundred Fifty

Ang sabi nila, time heals all wounds. Kaya naman tinatanong ko sa sarili ko kung hanggang kailan ko mararamdaman ang sakit na ito sa puso ko. If time really heals all broken hearts then I wonder how much before mine is healed. How long does it take to heal a broken heart?

At bakit sa kada galaw ng kamay sa orasan mas lalo lang tumitindi ang sakit na nararamdaman ko? Unti-unti akong kinakain ng mga tanong sa isipan ko. Kung bakit sya napagod sa relasyon namin. Kung bakit sya napagod sa pagmamahal sa'kin. Paano nya nasabi ang lahat ng 'yon nang ganon nalang? Dahil sa mga sinabi nya, itinatanong ko tuloy sa sarili ko kung totoo bang minahal nya ako?

Tila isang panaginip lang ang nangyari sa aming dalawa. Ang lahat ng pinagsamahan namin, kinukwestyon ko kung totoo bang nangyari ang mga yon. Dahil kung 'oo', bakit wala nang halaga ang mga 'yon sa kanya?

Nakalimutan na ba nya lahat ng masasayang araw namin na magkasama? Minahal ba nya ako o totoo ang sinabi ni kuya Lee dati na 'guilt' lang ang nararamdaman ni Timothy para sa'kin.

Timothy.

Sa pagbanggit sa pangalan nya, naramdaman ko na mas kumirot ang dibdib ko. Parang inuukit nang paulit-ulit ang pangalan nya sa puso ko. Ganito rin kaya ang nararamdaman ng ibang tao na dumaan sa ganitong break-up? Paano nila nalagpasan ang lahat? Meron ba silang binasang guide book sa healing process? Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Yes, I am breaking up with you."

Ang mga salitang yon ang paulit-ulit kong nakikita sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Ang tingin nya sakin habang sinasabi ang mga salitang 'yon, napaka-distant, napaka-lamig. Sa muling pagbukas ng mata ko, nag-uunahan na tumulo ang luha ko. Bakit Timothy? Bakit mo sinabi ang mga 'yon sa akin?

"You controlled me Miracle, for a very long time you did! You controlled my life! My whole life, it's always you whom I should always think about!"

Kinontrol ko ang buhay nya? Dahil ba sa guilt? Dahil sa nangyari sa'min noong mga bata pa kami?

"Miss Samantha, paalis na po sina Madam."

Sandali ko pang tinitigan ang puting kisame bago ako bumangon at inayos ang sarili ko. Ngayong araw ang alis nila Mama at Papa. Lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong ako ng mayordoma.

"Nandon na po sila sa ibaba, hinihintay kayo."

Naglakad na ako kasunod sya. Babalik na naman sila sa trabaho nila. Sa France, Italy o America. Ang susunod naming pagkikita, sa Christmas na ulit. Karga ni Papa si Angelo habang si Mama naman ay kausap si Butler John.

"Mommy~!" bati sakin ni Angelo.

"Mabuti naman at bumaba ka na," sabi ni Papa at ibinaba si Angelo.

"Papa isasama nyo po si Angelo?" tanong ko nang mapansin ang suot ng kapatid ko.

"Oo, ipapakita ko lang sa kanya ang mga hahawakan nyang negosyo kapag lumaki na sya," proud na sabi ni Papa.

Mga hahawakan nyang negosyo? Para akong binangga ng truck sa narinig ko. Akala ko ako ang maghahawak sa mga negosyo ng pamilya namin.

Naikuyom ko bigla ang mga kamao ko. "Pero Papa matagal pa pong lumaki si Angelo," sabi ko.

"Mabilis lumipas ang panahon Samantha. Kahapon lang kasing liit mo si Angelo ngayon dalaga ka na. Bukas ikakasal ka na, sa isang araw magkakaapo na ako. Hahaha!"

"Pero Papa pano po ako? Hindi nyo pa ako naisasama sa mga lakad nyo ni Mama. Kaya ko naman pong hawakan muna ang negosyo—"

"Samantha alam mo naman kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang mga lalaking tagapagmana hindi ba? Sila ang madadala ng apelyido ng pamilya," singit ni Mama.

Natigilan ako sa sagot ni Mama. "Kung ganon para saan pa po ang pag-aaral ko?"

"Samantha ikakasal ka na kay Jared. Hindi magtatagal at bubuo na kayo ng sarili nyong pamilya," buntong hininga ni Mama na parang naipaliwanag na nya ito sa akin ng ilang ulit.

"Gusto nyong pakasalan ko sya? At bumuo ng sarili kong pamilya at pagkatapos non Mama?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Pagkatapos non pwede kang tumulong sa kompanya nyo," sagot ni Mama.

"Kompanya namin?" ulit ko. Unti-unting nadurog ang mga pangarap ko. Lahat ng pagsisikap ko mawawala nalang nang ganon? Ganon lang 'yon? "Ganon lang ba 'yon Mama? Papa? Mag-aasawa ako at doon na matatapos yon?"

"Samantha, mabuting tao ang mapapangasawa mo. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho sa kanila pero kung gusto mo talaga pwede naman," paliwanag ni Papa.

"Pero ayokong magtrabaho para sa iba! Gusto ko sa kompanya natin!" pilit ko.

"Hindi mo kayang pagsabayin ang pagpapamilya at paghawak ng negosyo natin," pakikipagtalo ni Mama.

"Hindi nalang ako magpapakasal," mariin kong sabi.

"Samantha!" saway sakin ni Mama. "Pakakasalan mo si Jared pagka-graduate mo at bubuo kayo ng pamilya, hindi na magbabago pa 'yon. Si Angelo na ang magmamana ng posisyon namin sa takdang panahon."

Hindi ko matanggap. Itatapon nila ako nang ganon nalang? Lahat ng achievements ko... lahat ng medalya ko pati diploma ko walang halaga? Lahat ng sama ng loob ko na kinimkim ng napakatagal na panahon biglang sumabog. Isa lang ba akong display?

"Buong buhay ko Mama, sinikap kong maging isang mabuting anak sa inyong dalawa ni Papa. Buong buhay ko inilaan ko sa pag-aaral dahil ang akala ko sa akin nyo ipagkakatiwala ang negosyo ng pamilya natin..." Nag-unahan na naman sa pagtulo ang luha ko.

"Samantha, hindi ka dapat—" sambit ni Papa.

Pagalit kong pinunasan ang mga luha ko pero patuloy parin sila sa pagtulo. "At ikaw naman Pa! Tanda nyo pa ba kung ilang birthdays ko ang wala kayo? Kung ano ang regalo na ipinadala nyo sakin nung ninth birthday ko?" Tumawa ako ng pagak at pinunasan ang luha ko. "Kung yung ibang magulang nagreregalo ng dollhouse, manika at kung anu-ano pang laruan sa mga anak nila bakit kayo ni hindi nyo 'yon nagawa sa'kin? Kung hindi alahas, isang set ng libro para sa history class ko, pair ng sapatos para sa ballet class ko, music instruments para sa music class ko, kabayo para sa horseback riding class ko, isang buong resort para sa swimming class ko. Para saan pa ang mga 'yon? Para mag-asawa? Bumuo ng pamilya?"

"Ibinigay ko lang yon dahil alam kong makakatulong sa pag-aaral mo dahil alam ko na gusto mong mag-aral—" Pinutol ko si Papa sa sasabihin nya.

"Pero walang halaga yon sa isang siyam na taong gulang na bata Papa! Pinilit ko na maging mahusay na estudyante para matuwa kayo sakin ni Mama! Para sa birthday ko nandon kayo at para kapag graduate na ako, uuwi kayo para sabitan ako ng medalya! Pero umuwi ba kayo noon?" umiiyak na tanong ko. "Hindi! Bakit? Dahil babae ang anak nyo at kahit anong talino nya o kagaling na estudyante hindi parin nya kayang dalhin at ipamana ang apelydio ng pamilya."

Umiling ako. Tuminingin ako kay Mama. "Gusto kong malaman, nung nalaman nyo Mama na magkakaanak na kayo ng lalaki ni Papa. Sobra ba ang naging saya nyo dahil alam nyong may tagapagmana na kayong kayang dalhin ang apelyido nyo? Na wala na akong silbi pa kaya naman ipinagkasundo nyo nalang ako kay Jared?"

Mukha nahindik si Mama sa tanong ko. "Hindi yan totoo Samantha. Matagal nang nangyari ang kasunduan sa pagitan ng pamilya natin at ng pamilya ni—" pinutol ko ang sasabihin ni Mama.

"Matagal na?! Ibig sabihin noon palang wala na kayong balak na ipagkatiwala sa akin ang negosyo ng pamilya natin? Dahil babae ako? Kaya bata palang ako ibinenta nyo na ako sa iba?!"

Nasampal ako ni Mama. Nakita kong may namumuong luha sa mga mata nya. Nakikita ko na nasasaktan sya pero nagpatuloy ako sa sinasabi ko. Ngayon ko lang ito mailalabas lahat. Pagod na pagod na ako.

"Umasa ako eh! Na kaya nyo lang ako ipapakasal sa iba dahil may naging tagapagmana na kayo. Na ginawa nyo lang yon dahil dumating na si Angelo. Pero hindi pa man sya dumadating sa buhay natin, ipinamigay nyo na pala ako... matagal na. Simula palang pala ng pagkasilang ko, wala na akong silbi. Umasa ako, yun pala umasa lang ako sa wala. Dahil simula palang, wala na talaga kayong balak pa na ipamahala sa akin ang kompanya!"

"Hindi yan totoo Samantha, mahal ka namin ng Papa mo. Ginawa lang namin ang sa tingin namin ay tama," umiiyak na sabi ni Mama.

Lalapitan sana ako ni Mama nang lumayo ako. "Bakit hindi ko maramdaman 'yon Mama?" tanong ko habang pinipigilan pumatak ang mga luha ko. "Bakit hindi ko naramdaman 'yon kahit kailan? Sa tuwing nagkakasakit ako, sa tuwing umiiyak ako, wala kayo ni Papa. Kahit kailan hindi ko naramdaman ang halaga ko sa inyong dalawa."

Lumapit ako sa pinakamalapit na bagay na nakita ko, isang telepono, itinapon ko yon. Nakita ko ang family portrait namin at tinapunan yon ng vase.

"WALA 'YANG KWENTA! WALA!!" sigaw ko.

"That's enough Samantha!" sigaw ni Papa.

"Bakit Pa? Totoo naman hindi ba?!"

"You're still our daughter! Give us some respect!" sagot ni Papa.

"Daughter? Hahahaha!" Tumawa ako bago silang binigyan ng hindi makapaniwalang tingin. "Siguro ganito lang ang silbi ko sa pamilya no? Matalino. Magaling tumugtog ng piano. Yon ba ang sinasabi nyo sa mga investors? Share holders? Sa mga mayayamang tao na may anak o apo na kasing edad ko? Kaya ba may Christmas Ball dito? Para maibenta ako sa highest na bidder?"

Sinampal ulit ako ni Mama. Napahawak lang ako sa pisngi ko. Mas naiyak lang ako nang tuluyan.

"Oh my God baby, I'm sorry," umiiyak na sabi ni Mama.

"No it's okay Ma, hindi naman masakit eh, wala 'to Mama." Huminga ako nang malalim. "Wala 'to kumpara sa sakit dito." Turo ko sa dibdib ko sa parte ng puso ko.

Tinitigan ko lang sila nang matagal. Natahimik kaming lahat. Hindi rin nila alam kung ano pa ang sasabihin sa akin para kumalma ako.

"Mommy.. huk.." iyak ni Angelo.

"Angelo, sumama ka muna sa kanila. Hindi kita kayang alagaan ngayon eh." Pinilit kong ngumiti sa kanya.

Wala akong galit na nararamdaman para sa kapatid ko. Hindi nya kasalanan. Pinunasan ko ang luha ko bago ko sila tinalikuran. Tumakbo ako palabas ng bahay.

"Samantha! Saan ka pupunta?! Bumalik ka dito!" tawag sakin ni Papa. Narinig ko rin na malakas ang paghagulgol ng iyak ni Angelo.