Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 151 - Chapter One Hundred Fifty-One

Chapter 151 - Chapter One Hundred Fifty-One

Hindi ko sila nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo palayo sa kanila. Palayo sa malaking bahay na yon na wala namang laman kundi puro kalungkutan. Palayo sa kanilang lahat na nagpapamukha sa akin kung gaano ako kawalang kwenta para sa kanila. Ang sakit isipin na walang kwenta lahat ng pinaghirapan ko noon.

Lahat ng pagpupuyat. Lahat ng pagpupursigi para maging number one. Lahat ng pag-iisip na kapag ginalingan ko, siguro pupunta sila para i-congratulate ako. Ang umasa na balang araw magpi-picnic din kami katulad ng ginagawa ng ibang pamilya. Pero bakit puro nalang sakit at disappointment ang nakukuha ko kapalit ng lahat ng ginawa ko para sa kanila?

Akala ko sanay na ako, akala ko natanggap ko na matagal na... Akala ko tanggap ko na, na sobrang busy nila para sa'kin. Pero ayos lang, alam ko naman na para sa kinabukasan ko ang ginagawa nila. Dahil balang araw sa akin nila ipamamana ang lahat.

Inihahanda lang nila ang kompanya para kapag ako na ang mamahala, hindi na ako mahihirapan pa. Kahit sa simpleng dahilan kong yon, naramdaman ko na may halaga ako, na mahal nila ako. Pero hindi parin pala. Umaasa parin pala ako ng kapalit. At ngayon sinampal na nila sa akin ang katotohanan, sobrang sakit parin pala. Iba parin pala ang malaman yon mula sa kanila.

Kaya ba...

Kaya ba nasabi rin yon sakin ni Timothy? Dahil lahat ng nakuha kong sakit at disappointment mula sa mga magulang ko ay naiparamdam ko rin sa kanya? Nakakapagod nga kung ganon.

"Can't you see that this is it?! I'm breaking up with you because I'm f*cking tired of this f*cked-up relationship!"

Napatid ako sa pagtakbo ko at bumagsak. Lahat ng ginawa nya para sakin. Sinuklian ko lang ng sakit?

"Let me go Miracle. Just get out of my life."

Kaya ba mas pinili nyang iwan ako? Iwan ang relasyon na walang ginawa kundi sirain ang buhay nya at saktan sya? Tumayo ako at nagpatuloy sa paglakad. Dahil napuno na sya? Dahil hindi na sya masaya? Dahil pakiramdam nya sobra na?

Ganito rin ba ang naramdaman nya? Katulad ng nararamdaman ko sa mga magulang ko? Na kahit mahal na mahal mo pa sila pero kung paulit-ulit ka nilang nasasaktan, darating sa point na marerealize mo na nakakapagod na?

"Miss ayos ka lang?" may humarang sa daan ko. Isang matandang babae na mukhang nag-aalala ang nasa harap ko. Tinignan ko lang sya, yumuko ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Ako? Ayos? Sobrang layo ko sa salitang 'yon. Tumingin ako sa harap.

Sobrang haba ng daan. Ang daming tao. Lahat sila may pinupuntahang direksyon. Saan ba ako pupunta? Paano ba ako nakarating dito? Ganito kalayo ang narating ko? Saan ako pupunta?

"Ano ba yan Miss mag-ingat ka naman. Nakakabangga ka na."

Saan ba ako pupunta? Saan ba ako dapat pumunta? Nasaan na 'ba ako? May mapupuntahan pa ba ako? May bumangga sa akin at napaupo ako sa sahig.

"Sorry po Ate."

Saan ba ako pupunta? Tumayo ako at nalakad ulit. Ayoko nang mag-isa. Pero bakit nag-iisa nalang ako ngayon? Sino ba ang dapat kong puntahan? Sino ang tatanggap sa akin ngayon? Tumingin ako sa paligid ko. Sino ba ang hindi mapapagod sa akin kung pati ako napapagod na sa sarili ko?

"Timothy."

Nakita ko sya. Naglalakad. Hinabol ko sya.

"Timothy!" tawag ko sa kanya. Hindi sya lumingon. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Nakita ko syang tumawid ng kalsada.

"Timothy!!" sigaw ko. Bakit ayaw nyang tumigil sa paglalakad? Tumawid ako sa kalye. Sinundan ko sya, ayokong mawala sya sa paningin ko. "Timothy!!!"

Tumigil sya sa paglalakad. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Timothy?" Hinawakan ko sya sa braso.

"Yes?" nilingon nya ako. Nawala ang ngiti ko. Hindi sya si Timothy. Binitawan ko sya.

"Sorry." Tumalikod ako at naglakad sa kabilang direksyon. Nababaliw na ba ako? Bakit ko nakita ang mukha nya sa lalaking 'yon? Tumingin ako sa daan. Isang mahabang daan na naman, at napakadami ng tao. Lahat sila alam kung saan pupunta.

"Tikman mo 'to Hubby! Mas masarap 'to!"

May babaeng kamukha ko ang dumaan sa harap ko. Kasama nya ang isang replika ni Timothy. Sinundan ko sila ng tingin.

"It's not strawberry."

"So? Wala ka ba talagang balak tumikim ng ibang flavor? Strawberry lang talaga?"

"I'm loyal to strawberries."

"Ehhh? Bakit?"

"It's a secret, Wifey."

Pinanood ko lang sila hanggang sa nawala silang parang bula. Tinignan ko ang paligid ko. Kahit saan ako tumingin mukha nya ang nakikita ko.

"Miracle."

"Wifey."

"I love you."

Napahawak ako sa ulo ko. Puro boses nya ang naririnig ko. Unti-unti akong pinapahirapan ng mga alaala nya. Tumakbo ako palayo. Ayoko na. Ayokong maalala!

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makalayo ako sa lugar na 'yon. Kung hindi ako lalayo, baka tuluyan akong mabaliw sa lugar na 'yon. Tumigil ako sa pagtakbo nang pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa pagod.

Umupo ako sa hagdan ng isang mataas na gusali sandali. Tumingin ako sa paligid at nakita na iba't-ibang mukha na ang nakapaligid sa akin. Tumayo ako at naglakad na ulit. Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at sa totoo lang wala na akong pakialam. Basta ang alam ko lang... kailangan ko munang lumayo. Biglang huminto ang mga paa ko sa paglalakad.

Sa kaliwa ko, may isang shop na puro Wedding Dress ang display. Weddings. Naalala ko tuloy ang engagement ko. Ang kasal ko. Kung itutuloy ko pa ba o hindi na. Matagal kong tinitigan ang displays bago ako nagpasyang umalis. Pero bago pa ako makadalawang hakbang may nahagip ang mata ko na isang pigura ng tao. Muli akong lumingon sa shop.

Sa loob nito, nakita ko ang isang lalaki na may kaparehong mukha ni Timothy. Nakasuot sya ng puting tuxedo. Hindi ako nakahinga nang makita ko syang ngumiti sa isang babae na nakasuot ng puting wedding dress.

Wala akong naaalalang ganito. Kung ganon, totoo ang nakikita ko ngayon? Bumilis ang tibok ng puso ko at kasabay nito ang pagkadurog nito. Totoo ba? Hindi. Syempre hindi. Wala naman syang ibang girlfriend. Sigurado pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko, katulad ng nangyari kanina. Tinitigan ko sya. Bakit hindi nagbabago ang mukha nya? Bakit mukha parin ni Timothy ang nakikita ko? Bigla syang tumingin sa direksyon ko.

Nabura ang ngiti nya nang makita ako. Sya nga? Nagtama ang mga mata namin at sa sandaling 'yon, doon ko nalaman ang totoong rason kung bakit kami naghiwalay. May mahal na syang iba at hindi nya sinabi sa akin. Magpapakasal na sya sa iba.

Pakiramdam ko nanliit ako bigla lalo na nang makita ko ang mukha ng pakakasalan nya. Sobrang ganda nya. Siguro sobrang bait din nya para magawa ni Timothy na ngitian sya nang ganon. Napasinghap ako nang maramdaman ang init sa mga mata ko. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanila at lumakad na palayo. Bakit? Bakit kailangan ko pang makita?! Bakit nakita ko pa?

"Miracle!"

Ang boses na 'yon parang may spell na kaya akong patigilin kahit kailan. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Pinipigilan kong pumatak ang luha ko.

"Miracle." Palapit ang boses nya.

Hindi ko sya hinarap.

"What are you doing here?"

Ang boses nya, sobra kong na-miss ang boses nya.

"Congratulations." Nakangiti ko syang hinarap. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

Naguguluhan nya akong tinignan. Hindi ba sya makapaniwala na kaya ko syang ngitian? Na kayang ngumiti ng isang tao kahit na patuloy ang agos ng luha nya?

"Congrats ha." Iaabot ko sana ang kamay ko nang matigilan ako.

Bigla nya kasi itong hinablot at itinaas para tignan. Biglang rumehistro ang galit sa mga mata nya. Ayaw nyang hawakan ko sya?

"What's this?" galit nyang tanong.

Napakislot ako. "Bakit? Masama na bang i-congratulate ka sa kasal mo?" tanong ko sa kanya.

"What?" Kumunot ang noo nya. Nararamdaman ko na naman sya. Nararamdaman ko ang init ng kamay nya na nakahawak sa'kin.

Nagbara ang lalamunan ko. "Bitiwan mo 'ko," malamig kong sabi.

"Miracle! What the f*ck did you do to yourself?!" puno ng galit nyang tanong.

Napadako ang tingin ko sa kamay ko na mahigpit nyang hawak. Dumudugo ang kamay ko. Paano ko nakuha 'yon? Bigla nalang akong nakaramdam ng galit. Ano ba ang ginagawa ko sa sarili ko? Bakit ko sinasaktan ang sarili ko?

"Bakit ka ba nakikialam?!" Hinigit ko ang kamay ko. Galit ko syang tinignan. "Hindi mo naman ako mahal di'ba?!"

May nag-flicker na emotion sa mga mata nya pero agad din naman itong nawala. Pain? Regret? O gawa-gawa lang ito ng imahinasyon ko? Wala naman akong nakikitang iba sa mga mata nya ngayon kung hindi... Wala... Walang emosyon. Unti-unti nyang binitawan ang kamay ko.

"Pakisabi sa babaeng pakakasalan mo..." Huminga ako nang malalim. "Best Wishes." Tumalikod na ako sa kanya at mabilis na lumakad palayo.

"Thank you..." Narinig kong sagot nya.

Pakiramdam ko wala nang mas sasakit pa sa mga salitang 'yon. Dahil ang mga salitang yon ang kumumpirma na tama ang hinala ko. Ikakasal na nga sya sa iba. At mawawala na sya sa'kin habang buhay.