Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 149 - Chapter One Hundred Forty-Nine

Chapter 149 - Chapter One Hundred Forty-Nine

Umiiyak ko syang tinignan. "Bakit mo ba ako sinasaktan nang ganito Timothy?" hagulgol ko. Sobra sobrang sakit na ang nararamdaman ko sa puso ko.

"Shit." Tinalikuran nya ako at muling lumakad palayo. Tinalikuran nya ako. Iiwan nya na ako. Ayoko.

Ayokong makita ang papalayo nyang likod. Ayokong mawala sya sakin. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na alam kong hindi ko kayang mawala sya? Bakit ngayon pang alam ko na kung sino ang gusto kong makasama habangbuhay? Hinabol ko ulit sya at niyakap sya nang mahigpit mula sa likod.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita Timothy. Wala na ba talaga akong halaga para sa'yo?" Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Natatakot ako na tuluyan syang mawala kung hindi ko hihigpitan ang kapit. "Nagmamakaawa ako Timothy hwag mo 'kong iwan. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Babaguhin ko lahat ng ayaw mo sakin please Timothy, please."

"Just let me go Miracle," matigas nyang sabi.

"No Timothy, ayoko!" sigaw ko. "Ayoko! Ayokong mawala ka sakin. Ayusin natin to Timothy. Ang dami nang nangyari ngayon pa ba tayo maghihiwalay? Ngayon ka pa ba bibitaw?"

"It's all in the past now," malamig nyang sabi bago pilit na inaalis ang yakap ko sa kanya.

Past? "Timothy. Please.. Please, hwag mong gawin sakin 'to."

Gumamit sya ng pwersa para kalasin ang yakap ko sa kanya. Humarap sya sakin nang umaapoy sa galit ang mga mata. Hahawakan ko sana ulit sya nang hawakan nya ang magkabilang braso ko. Tinitigan nya ako sa mata at natakot ako sa nakita ko sa kanya.

"Can't you see that this is it?! I'm breaking up with you because I'm f*cking tired of this f*cked-up relationship!" sigaw nya.

Sa sobrang iyak ko lumalabo na ang mga mata ko. "Timothy."

"I'm tired of taking care of you! Of following you around like a f*cking lost puppy! I'm tired of doing stupid things just to make you happy! I'm tired of being jealous all the f*cking time Miracle!"

"Stop."

"I'm tired! I'm f*cking tired of you Miracle! I'm f*cking tired of this shit!" marahas nyang sigaw.

Nanginig ang mga tuhod ko. "Please..stop," pagmamakaawa ko.

Pero hindi sya tumigil. Mas hinigpitan nya ang hawak nya sakin para hindi ako makalayo. Para masabi nya ang lahat ng masasakit na salita na yon sa harap ko.

"And then I woke up one day and realized that I am not in love with you anymore! And I'm happy about it! Because I'm f*cking free again! Without these f*cking emotions that controlled me!"

"Stop Timothy.. please." Pilit kong hinihigit ang braso ko sa hawak nya. Pero wala na yata akong natitirang lakas para makawala sa hawak nya.

"You controlled me Miracle, for a very long time you did! You controlled my life! My whole life, it's always you whom I should always think about!"

Napayuko ako kasabay ng sunod-sunod na paghikbi. Nanghina ako sa mga narinig ko. Sinisisi nya ako. Hindi ko alam na ganito pala ito kasakit. Sa sobrang sakit.

"Let me go Miracle. Just get out of my life."

Binitawan nya ang magkabilang braso ko at itinulak ako palayo. Para nalang akong isang basura sa kanya ngayon. Sobrang sakit para sakin na tratuhin nya nang ganito. Isang walang kwenta sa kanya. Walang halaga. Hindi ako nakagalaw. Parang gusto ko nalang mag-collapse. Sana isang panaginip lang 'to. Sana masamang panaginip lang ang lahat ng ito.

Pero sobrang sakit. Bigla nalang akong tumigil sa pag-iyak. Namatay na ako. Para nalang akong manika ngayon na walang puso. Naging blanko nalang ang mukha ko habang nakatingin sa lupa. Pinapanood ang mga patak ng ulan.

"I'm sorry.." sabi ko. Unti-unti akong tumingin sa mukha nya. Patay na lahat ng emosyon sa mukha ko. Kasing lamig na ng gabi ang puso ko. "Hindi ko alam," walang lakas na sabi ko. "I'm sorry kung nasakal kita. I'm sorry kung napagselos kita. I'm sorry sa lahat ng sakit na nagawa ko sa'yo. Hindi ko 'yon sinasadya."

Humakbang ako sa likod ko habang nakaharap sa kanya, isang hakbang palayo sa kanya. "Naiintindihan ko na ngayon." Humakbang ulit ako ng isa pa palayo.

Tinitigan ko ang mukha nya. Gusto kong iukit sa isip ko ang mukha nya dahil alam ko na pagkatapos nito, hindi ko na ulit sya magagawa pang titigan nang ganito katagal. Ganito pala kasakit ang ang hiwalayan ng taong lubos mong minahal. Minahal ng napakatagal na panahon. Kaya pala ang daming nababaliw sa pag-ibig. At ang iba sa kanila ay mas pinipiling magpakamatay. Dahil kapag nawala na sa kanila ang taong yon, parang wala na ring saysay pa ang mabuhay sa mundo.

Wala nang dahilan para magpatuloy. Dahil kasabay ng pag-alis ng taong mahal nila ang pagkamatay ng puso ng mga iniwan. Ang pagkamatay nila. Wala nang rason pa para bumangon sa umaga at maging masaya. Wala na ang lahat ng yon sa oras na iwan sila.

"Naiintindihan ko," ulit ko. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang ngumiti para sa kanya. Kahit man lang ngayon. "Hindi na ulit kita guguluhin pa."

Nakatingin lang sya sakin. Walang ring emosyon sa mukha nya. Suot parin nya ang maskara nya. Pakiramdam ko ang lapit nga namin sa isa't-isa pero sobrang layo naman ng damdamin namin. Parang may isang linya sa pagitan namin na naglalayo sa amin. Para kaming estranghero sa isa't-isa.

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa'kin."

Unti-unting bumalik ang sakit na kanina ay nawala. Nawala lang pala para bumalik ng doble na. Pinilit kong itago ang sakit na 'yon sa puso ko. Kung maghihiwalay kami...

"Tinatanggap ko na."

Dapat lang na maging matatag ako. Umpisa pa lang ito. Dahil ang pinakamasakit sa lahat...

"Pinapakawalan na kita."

Ay ang magsinungaling...

"Simula ngayon..."

Ang titigan sya sa mata at ipakita na tanggap mo na.

"Malaya ka na."

Ang tumalikod sa taong mahal na mahal mo. Sa taong hindi mo kayang mabuhay kapag nawala na. Ang lumakad palayo. Ang hindi na lumingon pa. At ang tanggapin na pagkatapos non. Kung ano man ang meron kayo. Lahat ng yon. Wala na. Bukod don... ang maging parte ka nalang ng nakaraan nya. At hindi ng kinabukasan nya.