Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 117 - Chapter One Hundred Seventeen

Chapter 117 - Chapter One Hundred Seventeen

Miracle Samantha Perez

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang pagtunog ng bell. Kailangan ko nang umalis bago pa ako kuyugin ng mga fangirls ni GD. Bakit ba kasi kaklase ko siya sa sunod-sunod na subjects ko? Irregular din ba siya? Lipgpit gamit. Tayo. Lakad paalis. Labas ng pinto. Nakalabas ako!

"Hey Sam!"

Ang boses na 'yun! Hinabol pala niya ako. Nakangiwi ako na humarap sa taong tumawag sa akin. Bakit ba siya dumidikit sa akin? Di ko na nga siya kinakausap kapag kinakausap niya ako sa loob ng classroom eh.

"'Ya in a hurry?" nakangiti na tanong niya.

Bakit palagi siyang nakangiti? Ipinaglihi ba siya sa asukal? Ano raw? Ako raw si Harry? Harry Potter ba? Ano ulit? 'Ya in a harry?' = You in a hurry?

Aaahhhhhh.

"Ahh. Yes."

Mukha naman siyang hindi masamang tao kaya dapat tigilan ko na talaga ang panglalait sa accent niya. Ngiti pa naman siya nang ngiti tapos nilalait ko lang siya sa isip ko.

"Ya meetin 'ya boyf'end?"

Interesado ba sya sa'kin kaya siya dumidikit sa'kin? Tinatanong niya pa kung may boyfriend ako. Meron akong boyfriend at fiance. "Uhh. Ha-ha! Y-Yea—"

"Stop bullying her, GD," may nagsalita na babae mula sa likod ko.

Lumingon ako. Si Audrey. Si Audrey na parang wala sa mood. Kitang-kita ko sa noo niya ang nakalagay at umiilaw na 'Bitch Mode On'.

"I'm no bullyin' her," GD smirked.

"Yeah right. Whatever this game you are playing, stop it GD! I am warning you. This isn't your territory anymore," matapos sabihin ni Audrey 'yon ay hinila na niya ako palayo kay GD. Pero may narinig ako na sinabi ni GD.

"Ain't mine yet."

At mukhang narinig rin 'yon ni Audrey kaya naman mas hinila pa niya ako at binilisan pa namin ang paglalakad. Magkakilala sila? At ano 'yung tungkol sa territory?

***

"Pano kayo nagkakilala ni GD?" unang tanong sa'kin ni Audrey nang makalayo kami. Papunta kami sa covered court.

"Classmate ko siya sa tatlong subjects ko," bumuntong hininga ako.

"Listen," tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Iwasan mo siya okay? Hindi maganda kung makikipag-close ka sa kanya." Mukhang kinakabahan din siya at di mapakali.

"Hindi ako nakikipag-kaibigan sa kanya," tanggi ko. "Siya ang gustong makipagkaibigan sa akin. May problema ba?"

"Oo! Don't ever trust that guy, Samantha. You don't know him, mukha lang siyang mapagkakatiwalaan but you should know better," seryosong warning ni Audrey. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.

"Sino ba siya? Bakit ka galit sa kanya?" nagtatakang tanong ko.

Mukha naman kasing mabait 'yung tao. Maliban na lang dun sa last line niya kanina. Kinilabutan ako bigla kahit hindi ko alam kung tungkol saan ang sinasabi niya. Sino ba talaga si GD?

Matapos naming mag-usap ni Audrey, paulit-ulit kong nire-replay sa isip ko ang hitsura nya habang sinasabi sa akin ang tungkol kay GD. Natatakot sya at halatang galit sya kay GD pero bakit? Ano kaya ang dahilan at ganon nalang ang reaskyon nya nang makita si GD? Habang naglalakad, nakasalubong ko si Jared sa hallway. Tumigil sya sa harap ko at bigla nalang kinuha ang mga dala kong libro.

Binalak kong kunin pabalik ang mga gamit ko pero inilayo nya lang ito sa akin. "Ako na," matigas kong sabi sa kanya.

"Ako na. Ayoko naman na nahihirapan ka. Gusto mo pati yang bag mo ako na ang magbitbit?" alok nya nang nakangiti.

Ganitong-ganito si Red noong nasa France pa kami. Always the gentleman. Pero ayoko na ganito sya dito sa Philippines. Hindi naman sa hindi ako nag-eenjoy pero pakiramdam ko iba ang mundo namin ni Red noon sa France at iba ang mundo namin dito. Dito, kami ni Timothy at sya naman ang bestfriend ng boyfriend ko. Doon, sya ang fiance at nag-iisang sandalan ko. Nandito na ang Crazy Trios at pati na rin si Audrey kaya naman nabawasan na ang pag-sandal ko kay Red. At noon pa yon, noong panahon na nalugmok ako at kinain ng lungkot ko sa paghihiwalay namin ni Timothy.

"Jared?" naiilang na tawag ko sa kanya.

"O?" Tumingin sya sa akin na kumikislap ang mga mata.

Bigla nalang akong natigilan sa sasabihin ko. "Haha. Nevermind."

*BEH BOM BRATATATA TATATATA~!*

Napatingin ulit ako kay Red. Hindi parin nya pinapalitan ang ringtone na nilagay ko? Hinugot nya sa likod na bulsa ng pantalon ang cellphone nya.

"Hello? Ma?" Ah si Tita pala. "Magkasama kami ngayon ni Samantha, pupuntahan namin si Angelo."

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa sasakyan nya. Binuksan ni Red ang pinto para sa akin at agad akong pumasok sa loob. Kausap parin nya si Tita Laura sa phone. Nanatili pa sya sa labas ng kotse at nakangiting nakikipag-usap kay Tita. Parang natutuwa sya sa pinag-uusapan nila. Ano kaya 'yon?

Matapos makipag-usap ni Red sa mama nya sa phone, pumasok na rin sya sa loob ng kotse. Nakangiti sya habang inaayos ang seatbelt nya.

"Ano'ng sabi ni Tita?" tanong ko.

"Sabi nya, sya na raw ang susundo kay Angelo sa day care," nakangiti nyang sabi sa akin. "Ibig sabihin solo kita ngayon, may date tayo." At in-start na nya ang kotse.

Namilog ang mga mata ko. "Date?"

"Oo date. Kain sa labas kung gusto mo manuod na rin tayo ng sine. Ano sa tingin mo? Gusto mo ba?" tanong nya na halatang excited sa plano nya.

Tumingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala. May date kami ngayon? Mayamaya biglang nanlaki ang mata nya at kumunot ang noo. Ano kaya iniisip nya?

"Uhh. Gusto mo ba makipag-date sa'kin ngayon Samantha?" tumingin sya sa akin saglit with a nervous hopeful look bago ibinalik ang tingin sa harap ng kotse. Muntik na akong matawa. Parang hindi sya sigurado kung ano ba ang dapat nyang gawin.

"Pano ang klase?"

"Uhh." Napakamot sya sa ulo nya. "Nakalimutan ko pareho nga pala kayo ng kapatid ko," nakangiti na sabi nya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. "Anong pareho kami?"

"Geek," tukso nya.

Namilog ang mga mata ko. "Kahit kailan wala pang tumawag ng geek sa'kin ha! Kay Audrey yon bagay. Sige mag-date tayo ngayon!"

Ngumiti sya nang sobrang lapad. "Yes!" sabi nya na may suntok pa sa taas.

Natawa ako. "Ang babaw pala ng kaligayahan mo," sabi ko habang tumatawa.

"Babae, hindi mababaw ang kaligayahan ko," seryosong depensa nya.

"Sus hindi daw? Bakit hindi ha? Babaw kaya," pang-iinis ko sa kanya. Makabawi man lang sa pagtawag nya sakin ng geek.

Kumunot ulit ang noo nya na parang sinasabi na maling mali ako.

"Bakit?" saglit syang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa unahan ng kotse. "Mababaw ka ba?"

That shut me up.